SUGO: Reborn (Kabanata IV)

Title: SUGO: Reborn

Author: Celester

Genre: Fantasy, Horror, Adventure, Drama, Erotic, Romance

AUTHOR’S NOTE

“Ang sumusunod na kuwento ay isang gawa ng kathang-isip at hindi nilayon na kunin bilang isang pagmumuni-muni ng mga pangyayari sa totoong buhay o mga indibidwal. Ang anumang pagkakahawig sa mga tunay na tao, buhay o patay, o aktwal na mga pangyayari ay nagkataon lamang. Ang imahinasyon at lisensya ng may-akda ay ginamit sa paglikha ng kuwentong ito.”

KABANATA IV: HIS GRANDPARENT’S LOVE STORY AND HIS FATHER’S WILL

NARRATOR’S POV

“Sa kabila na mga pangyayari na panlilinlang ni Sarah kay Alex, ang sitwasyon ni Lando ay nangangahulugang napapaligiran ng panganib at kadiliman. Ang nakakatakot na amoy na natuklasan nila ay nagpapahiwatig ng masasamang nilalang, tila mga demonyo, na pumapalakas nang hindi nila namamalayan. Ang mga salitang lumabas mula sa mga Bolignok na sina Twilly at Fulgoso ay nagpalalim ng pangamba, habang dininig ito ni Lolo Pedro at Lola Dalia.

Nagluksa si Lola Dalia sa takot, na nadulas sa panalangin, habang naramdaman ni Lolo Pedro ang pagdapo ng kaba. Sa gitna ng paglapad ng dilim sa langit, nagkulog at kumulog ito. Nag-iba ang daigdig sa paligid, humahangos ang hangin na nagpapalundag sa mga puno, tila sumasayaw ang mga ito sa tibok ng kanyang puso. Sa mga sandaling iyon, tumingin si Lando sa kanyang mga kamay, saka ito kanyahin at ginawang mga kamao. Pikit ang kanyang mga mata, nagpatuloy siya sa panalangin.

Ginoong Lando, nakikita ko ang iyong kapalaran sa harap ko, at ito ay talagang kakila-kilabot, at gayon pa man ako ay may tiwala na ang lahat ay magiging tulad ng inaasahan ko.”

Bago ang panlilinlang ni Sarah kay Alex, balikan natin ang eksena ni Lando.

Kinakabahan si Lando pati na rin sina Lolo Pedro at Lola Dalia sa mga sinasabi ng mga Bolignok.

“Naamoy ko Lando. Ang masamang amoy na yun ay mga nilalang na kadiliman. Mga Dyablo!. Lalo silang lumalakas.” Sabi ni Fulgoso sa kanya habang narinig ito nila Lolo Pedro at Lola Dalia.

“Diyos ko! Ano ba mga sinasabi niyo?” Napadasal sa takot si Lola Dalia at habang si Lolo Pedro naman ay napayak kay Lola Dalia.

“Lalo ko silang nararamdaman Lando.” Sabi naman ni Twilly.

Unti-unting kumikulimlim ang langit at kumukulog ito. Lumalakas ang hangin na nagdulot ito nang ingay ng mga sumasayaw ng mga puno dahil sa daloy ng hangin. Tiningnan ni Lando ang dalawang palad niya pagkatapos ay kinamao niya ito. Pumikit si Lando at nagdarasal.

“Panginoon, bigyan niyo ko nang sapat na lakas para sa kinakaharap naming delubyo ngayon.” Sa isipan niya habang nagdarasal.

Sa loob ng ilang sandali, umulan nang malakas. Nagbilin si Lola Dalia kay Lolo Pedro na kunin ang kanilang pinag-isampay na mga labahin.

“Pedro! Pakikuha mo ang ating mga damit. Malakas ang ulan!” utos ni Lola Dalia sa kanyang asawa, si Lolo Pedro.

Agad na kinuha ni Lolo Pedro ang mga damit na kanilang pinag-isampay at dinala ito sa loob ng kanilang bahay.

Samantala, pinag-iisipan nina Lando, Twilly, at Fulgoso kung ano ang kanilang susunod na gagawin habang sila ay nasa kusina.

“Twilly! Fulgoso! Ano ang plano natin?” Lando ang nagsabi sa kanila. Ngunit patuloy pa rin ang atensyon ni Fulgoso at Twilly sa direksyon kung saan nila nadarama ang malakas na kadiliman.

Matapos ang ilang sandali ng katahimikan, nagsalita si Fulgoso.

“Lando.” Tawag ni Fulgoso sa kanya habang humarap siya kay Lando.

“Ang gagawin natin ay…” Sabi ni Fulgoso.

“Ano, Fulgoso?” Tanong ni Lando na may pagkabahala, habang humaharap siya kay Fulgoso.

“Teka… Fulgoso, mayroong isang bagay na dapat mong malaman,” sabi ni Twilly sa kapwa niyang Bolignok na si Fulgoso.

“Ano ang dapat kong malaman, Twilly?” tanong ni Fulgoso kay Twilly.

“Lumingon tayo sa maliit na bodega sa likod ng bahay ni Ginoong Lando bago tayo magpatuloy,” sinabi ni Twilly kay Fulgoso.

Narinig ito ni Lola Dalia kaya nagtanong siya, “Ano ang meron sa bodega natin, Lando?”

“Dahil, Dalia, hinahanap ko kanina ang ating apo na si Lando, pero hindi siya sa kwarto natulog. Siya ay nasa loob ng ating bodega,” sagot ni Lolo Pedro kay Lola Dalia.

“Dagdag pa niya, kasama pa niya si Twilly,” sabi pa niya.

“Hayyy… Ikaw talaga, apo ko. Pinakaba mo ako,” sabi ni Lola Dalia kay Lando.

“Tanungin ko lang, Lando, bakit ka natulog doon sa bodega natin? Isa pa, ito ay isang lihim na tinatago namin sa iyo ng iyong Lola dahil mayroong underground doon na ibinilin sa amin ng iyong Tatay na si Jose,” sabi ni Lolo Pedro kay Lando.

Sagot ni Lando sa kanyang lolo at lola niya, “Lolo Pedro, Lola Dalia, dahil po sa litrato na nasa kwarto ko. Ito po ay tungkol sa atin at kay Papa.”

“Huh? Hindi kita maiintindihan, apo. Dahil sa litrato na ‘yun?” sabi ni Lola Dalia sa kanya.

Nang hindi maunawaan ni Lola Dalia ang paliwanag ni Lando, tumulong na si Twilly sa pagpapaliwanag.

“Mawalang galang na po, Lola Dalia, at pati na rin po kayo, Lolo Pedro, ito po ay dahil sa akin.” Sagot ni Twilly sa kanila.

Nagulat sina Lolo Pedro at Lola Dalia sa sagot ni Twilly.

“Kasi po Lola Dalia ay may nakasulat sa likod nang litrato pagkatapos ay bigla lumiliwanag ang nakasulat. Lumabas ito mula sa likod nang litrato at lumipad patungo sa bodega ninyo.” Paliwanag ni Twilly sa kanila.

“Oo Lolo Pedro at Lola Dalia, yan po ang dahilan kung bakit po kami nandoon sa loob ng bodega.” Dagdag pa ni Lando sa paliwanag ni Twilly para sa kanila.

“Diyos ko ano ba ang kababalaghang ang nangyari ngayon?” Mukhang natakot nanaman si Lola Dalia sa mga paliwanag nang mga Bolignok at apo niyang si Lando.

“Huwag kang mag-alala Lola, alam namin hindi masama yung liwanag na sinusundan namin. At isa pa hindi pangkaraniwang tao si papa Lola Dalia, Lolo Pedro.” Sagot ni Lando sa kanila upang hindi mag-alala ang lolo at lola niya.

“Hmmm.. Mabuti puntahan natin ang bodega para makita ko ang nasa loob. Aw!” Sabi ni Fulgoso sa kanila.

“Sige Fulgoso.” Sabi ni Twilly sa kanya.

“Sama ako sa inyo apo.” Pati narin sina Lolo Pedro at Lola Dalia.

Makalipas nang ilang sandali ay nasa loob na sila ng underground nang bodega.

“Dito po tumigil ang liwanag pagkatapos ay kumalat ito sa paligid at bumungad sa amin ni Lando ang mga guhit nang kasaysayan ni Jose Dela Cruz.” Sabi ni Twilly sa kanila.

Nagulat si Lolo Pedro at Lola Dalia. “Ano kamo kasaysayan ni Jose Dela Cruz?” Sabay sabi nila.

“Opo Lolo Pedro at Lola Dalia. Si Twilly po ang nagpaliwanag sa akin tungkol sa mga guhit na yan.”

Sa pagkakataon na iyon ay inaamoy ito ni Fulgoso ang mga guhit sa paligid.

“Ano ginagawa mo Fulgoso?” Tanong ni Lando kay Fulgoso.

“Sniff.. Sniff… Hmmmm…” Pagkatapos inamoy ni Fulgoso ay pumikit muna siya at nag-iisip.

“Inamoy ko ito Lando para malaman ko kung kailan ito inukit ng papa mo ang guhit na ito. Base sa amoy ay matagal na ito naukit ng papa mo bago magsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.” Paliwanag ni Fulgoso sa kanila.

“Ano?!” Sabay sabi nila sa pagkagulat.

“Hindi ako nagkakamali sa inyo. Tingnan ninyo ang mga larawan, makikita ninyo na may mga tanda ng nakaraang panahon. Ang ilang guhit dito ay kumukupas na dahil sa tagal ng panahon na ito’y nakahimlay dito,” paliwanag ni Fulgoso sa kanila.

“Lolo Pedro, Lola Dalia, tunay nga ba ninyong kilala ang aking ama?” tanong ng pagtataka ni Lando sa kanyang lolo at lola.

Tumingin sa isa’t isa sina Lolo Pedro at Lola Dalia bago sila huminga ng malalim. Lumapit si Lola Dalia kay Lando nang walang anumang galaw. “Dalia…” tawag ni Lolo Pedro kay Lola Dalia.

“Pedro, ito na ang tamang panahon para malaman ni Lando ang buong katotohanan,” sabi ni Lola Dalia kay Lolo Pedro. Nagulat si Lando at narinig ang sinasabi ng kanyang lola.

“Lola, mayroon po ba kayong sasabihin sa akin? Iyon nga ba ang totoo na sinasabi ninyo?” tanong ni Lando sa kanyang Lola.

“Apo ko, hindi ka tunay na aming apo, kami ay inampon lamang ng iyong ama,” sabi ni Lola sa kanya, at nagulat si Lando sa mga sinabi ni Lola Dalia.

“Lando, tama ang sinabi ng iyong Lola. Hindi ka tunay na aming apo,” sabi ng kanyang lolo.

“Mukhang nagsasabi ng totoo ang iyong lolo at lola, Ginoong Lando. Aw!” sabi ni Fulgoso sa kanya. Unti-unti, nadarama ni Lando ang kalungkutan at dumaloy ang kanyang mga luha. Niyuko niya ang kanyang ulo.

“Kung ganoon, Lolo Pedro, Lola Dalia, sino nga ba talaga ako?” tanong ni Lando sa kanila habang dumadaloy ang kanyang mga luha. Lumapit pa ang kanyang Lola at niyakap siya.

“Apo, kahit hindi ka tunay na aming apo, inalagaan ka namin at minahal nang tapat. Para sa amin, ikaw ay tunay na apo,” sinserong sagot ni Lola Dalia kay Lando.

Lumapit si Twilly kay Lando at lumutang sa kanyang kanang balikat. “Huwag kang malungkot, Ginoong Lando. Marahil may dahilan kung bakit ito’y itinago sa iyo ng iyong lolo at lola,” sabi ni Twilly sa kanya, kumbinsido sa kanyang salita.

“Tama ka, Lando. Huwag kang malungkot, at mababait naman ang mga taong nag-aalaga sa iyo, lalo na sina Lolo Pedro at Lola Dalia. Aw!” dagdag ni Fulgoso, nagpapakumbaba.

Sa loob ng ilang sandali lamang, tumigil ang pag-agos ng mga luha ni Lando. Pagkatapos nito, humarap siya sa kanila.

“Naiintindihan ko, Lolo Pedro, Lola Dalia. Marahil may ibang dahilan kung bakit iniwan ako ng aking ama at itinago ninyo ang inyong tunay na pagkatao sa akin,” pahayag niya sa kanyang lolo at lola.

“Maraming salamat sa iyo, Apo. Patawarin mo kami at itinago namin ito sa iyo dahil ito ang utos ng iyong ama,” sabi ni Lola Dalia sa kanya.

“Hay… mahal ka namin, apo,” pabirong sabi ng kanyang lolo na si Pedro.

“Wala pong problema, Lolo Pedro at Lola Dalia. Mahal ko rin kayo at lubos niyo akong inalagaan. Maraming salamat sa inyong lahat,” tugon ni Lando sa kanila, kasunod ang yakap.

“Hmmmmm… apo ko,” sabi ni Lola habang niyayakap siya ni Lando.

Ngunit biglang binatukan siya ni Lolo Pedro sa ulo kaya nag-react si Lando, “Aray ko, Lolo Pedro! Bakit mo ginawa ‘yon?”

“Hahaha! May tama ka pa rin sa akin, apo,” biro ni Lolo Pedro.

“Hahahaha!” Nagtawanan silang lahat.

“Bweno, Lolo Pedro, Lola Dalia, mayroon akong tanong sa inyo,” sabi ni Lando sa kanyang lolo at lola.

“Ano ‘yon, apo?” tanong ni Lola Dalia kay Lando.

“Paano nga ba kayo nagtagpo ni Lolo Pedro at paano nangyari na kayo ay inampon ni Papa?” tanong ni Lando sa kanila.

“Hmmm… Gusto ko rin marinig kung paano kayo nagkakilala, Lolo Pedro, at Lola Dalia,” sabi naman ni Bolignok, o si Fulgoso.

“Tama ka Fulgoso.” Sabi naman ni Twilly kay Fulgoso.

Umupo muna sila sa sahig maliban kay Twilly dahil nakalutang siya sa harap nila.

“Sige na Dalia sabihin natin sa kanila ang estorya natin at paano natin nakilala ang ama ni Lando na si Jose.” Seryosong sabi ni Lolo Pedro sa asawa niyang si Lola Dalia.

“Sige makinig kayo…” Sabi ni Lola Dalia sa kanila.

“Naalala mo ba ‘yung mainit na araw ng tag-init noong Dekada ’70, Pedro? ‘Yun ‘yung panahon na nagkrus ang ating mga landas sa gitna ng kaguluhan ng Martial Law.” Nakangiting sabi ni Lola Dalia kay Pedro habang nakikinig sina Lando, Mga Bolignok na sina Twilly at Fulgoso.

“Oo, Dalia, paano ko makakalimutan ‘yun? Pareho tayong naghahanap ng takasan mula sa pang-aapi na bumabalot sa atin.” Sagot ni Lolo Pedro sa kanya.

“Isa pa, iniwan ko ang pagiging Madre dahil sa pangungulit na panliligaw mo sa akin Pedro. Hihihi…” Sabi ni Lola Dalia na may halong kilig para kay Lolo Pedro.

“Ayyiieee, Lola Dalia, kinikilig… Hahaha!” tuwang-tuwa ang sabi ni Lando habang tumatawa.

“Hehehe… ikaw talaga, apo,” ngiti ni Lolo Pedro, na medyo nahihiya sa kwento ng kanyang asawa, si Lola Dalia. Pagkatapos ay binatukan niya si Lando nang biro.

“Aray… ulit… Ikaw talaga, Lolo Pedro,” reaksiyon ni Lando nang binatukan siya ng kanyang lolo.

“Dati kasi akong sundalo, hindi madali ang aming trabaho noong kasagsagan ng Batas Militar. Araw at gabi ay may trabaho kami,” sabi ni Lolo Pedro sa kanila.

Napangiti si Lola Dalia, na tila nagbabalik-tanaw sa mga alaala ng kanilang nakaraan. “Oo, ganoon nga ang nangyari. Pero, alam mo Lando, noong mga panahong iyon, sobrang tapang at katapatan ang ipinamalas ni Pedro bilang sundalo.”

“Totoo iyan, apo,” pag-amin ni Lolo Pedro. “Naranasan naming harapin ang mga panganib at mga hamon ng panahon na iyon. Pero hindi namin iniinda ang hirap dahil sa layunin naming protektahan ang mga inosente at maglingkod sa bayan.”

“Wow, talaga naman kayo, Lola at Lolo! Napakatapang ninyo!” sabi ni Lando, puno ng paghanga sa kanilang kuwento.

Ngunit si Lola Dalia ay tumawa at humiling, “Huwag na nating pag-usapan ang mga iyon. Mas maganda nang alalahanin ang pagmamahalan nating nagpatibay ng ating pamilya. Sa kabila ng mga pagsubok, kami ni Pedro ay nagtulungan at nagmahalan upang maitaguyod ang isang masayang buhay.”

“Tama ka, mahal ko,” tugon ni Lolo Pedro, saka niya hinalikan ang kanyang asawa. “At ang pagmamahalan na iyon, hanggang ngayon ay hindi nagbabago.”

Sa mga sandali na iyon inaalala ni Lola Dalia ang nakaraan kung paano sila nagkakilala ni Lolo Pedro.

Dekada 70′

Noong 1972, sa pinakamalalim na panahon ng Batas Militar sa Pilipinas, may isang kuwento ng pag-ibig na naganap kina Dalia, na noon ay 24 taong gulang, at si Pedro, na noon ay 26 taong gulang. Sa mga panahong iyon, si Dalia ay naglilingkod bilang isang madre sa loob ng isang kumbento sa Maynila. Sa isang pagkakataon, nagkrus ang kanilang landas sa isang simbahan kung saan si Dalia ay nakaluhod upang magdasal. Sa pagdating ni Pedro, isang sundalo, nagpakilala siya sa kanya.

“Paumanhin po, miss?” sabi ni Pedro na may paggalang.

“Opo?” tugon ni Dalia habang nananatiling nakaluhod at nananalangin.

“Ikaw po ba si Dalia?” tanong ni Pedro sa kanya.

“Oo. Sino ka?” sagot ni Dalia matapos siyang tanungin kung sino siya.

“Ako nga pala si Pedro. Isa akong sundalo. Hinahanap ko ang isang lugar ng kapayapaan at naririnig ko na ang simbahang ito ay magandang simula.” sagot ni Pedro na may ngiti sa kanya.

“Tama iyon, Ginoong Pedro. Ano ang maitutulong ko sa iyo?” sabi niya habang ngumingiti. Mula sa kanyang pagluhod, tumayo si Dalia at humarap kay Pedro.

“Sana maaari kitang makausap ng kaunti. Bago pa ako dito sa lugar na ito at wala pa akong masyadong kakilala.” sabi ni Pedro sa kanya.

“Syempre. Masaya akong makausap ka pa.” pumayag naman si Dalia ng walang pag-aatubili.

Sa loob ng ilang sandali, pareho silang umupo sa mga upuan at nakaharap sa altar sa loob ng simbahan. Muling nagtanong si Dalia para kay Pedro.

“Maari mo bang sabihin sa akin Ginoong Pedro kung taga-saan ka? Kasi kanina sabi mo sa akin ay hindi ka taga-rito sa Maynila.” Sabi niya habang tumingin ito kay Pedro habang si Pedro naman ay nakaharap parin sa altar.

“Ano kasi Dalia ay taga-Mindanao ako. Napadpad lang ako dito sa Maynila kasi pina-assign kami nang Major namin dito para magbantay sa lansangan.” Sagot ni Pedro sa kanya.

“Malayo-layo pala ang narating mo Ginoong Pedro.” Yun lang ang sabi ni Dalia sa kanya. Napansin niyang humarap sa kanya si Pedro at nakangiti sa kanya. Nagtanong ulit si Dalia para kay Pedro.

“Ano ang dala-dala mo dito?” Sabi niya.

“Hinahanap ko ang gabay. Kamakailan lang ako umalis sa hukbo at sinusubukan kong malaman kung ano ang susunod kong gagawin.” Sagot ni Pedro sa kanya.

“Mahirap na paglipat iyon. Ano-ano ang mga bagay na naisip mo?” Tanong ni Dalia kay Pedro. Unti-unting lumalapit si Dalia kay Pedro habang si Pedro naman ay muling humarap sa altar at pumikit siya. Humingi muna ito nang malalim pagkatapos tsaka niya ito sinabi kay Dalia.

“Ewan ko, interesado ako sa pagtulong sa mga tao, pero hindi ako sigurado kung anong uri ng trabaho ang dapat kong hanapin.” Sabi ni Pedro habang nakapikit at nakaharap sa altar.

“Magandang simula iyon. Ano-ano ang mga bagay na nasa puso mo?” Tuwang sabi ni Dalia sa kanya. Sa sandaling iyon ay binuksan ni Pedro ang mata niya mula sa pagkapikit pagkatapos humarap ito kay Dalia. Hindi niya namalayan na malapit na si Dalia sa kanya. Nakatutok ito sa kanya na parang wala lang kay Dalia. Mukhang nahihiya si Pedro.

“Ahh… ehhh… hehehe…” Nauutal si Pedro habang si Dalia naman ay nakatutok parin sa kanya.

“Naaaliw ako sa musika at sa pagtulong sa iba.” Sabi ni Pedro. Natutuwa lalo si Dalia sa sinabi sa kanya ni Pedro.

“Iyan ay napakaganda. Naisip mo na ba na pagsamahin ang dalawang iyan? May maraming paraan para gamitin ang musika upang makatulong sa mga tao, maaaring sa pamamagitan ng therapy o pagtuturo.” Tuwang tuwa si Dalia lalo na rin si Pedro.

“Iyan ay isang magandang ideya. Hindi ko pa iyon naisip dati.” Sagot naman ni Pedro sa kanya.

Patuloy silang nag-uusap, unti-unting nakikilala ang isa’t isa. Ilang oras ang nakalipas ay nasa labas na sila nang simbahan,

“Napakasaya na makilala ka, Pedro. Sana makahanap ka ng mga sagot na hinahanap mo.” Sabi ni Dalia sa kanya.

“Salamat, Dalia. Lubos akong natutuwa na pumunta ako rito.” Sagot naman ni Pedro sa kanya.

NARRATOR’S POV

“Si Dalia ay isang dalagang puno ng buhay at walang sawang pagmamalasakit sa iba. Nanilbihan bilang isang madre . Lumaki siya sa mga lansangan ng Maynila at sanay na makakita ng paghihirap ng mga taong kapos-palad. Bagama’t si Dalia ay bata pa at marami pang pangarap sa buhay, determinado siyang magkaroon ng pagbabago at ibuhos ang sarili sa iba’t ibang adhikain at mga organisasyon na naglilingkod sa mga nangangailangan.

Sa isa sa mga pagtitipon na ito, unang nagkrus ang landas nila ni Pedro, isang sundalo sa Philippine Army. Si Pedro ay kaunting taon lamang ang tanda kay Dalia, ngunit ang kanyang mga karanasan noong panahon ng Batas Militar ay nagdulot sa kanya ng pagka-bulag at pait. Nakita niya ang napakaraming mga Pilipino na nagdurusa, at ito’y nagdulot sa kanya ng pagkawalang-kasiyahan at pagka-mapanghusga. Ngunit nang makilala niya si Dalia, nagbago ang lahat. Nakita niya ang likas na kagandahan ng buhay sa pamamagitan ng pagmamahal at pag-asa na dala nito.”

Pagkaraan nang ilang taon sa loob nang Batas Militar

Lumalalim ang kanilang ugnayan sa pag-lipas nang mga buwan at taon. Hanggang sa nililigawan na ito ni Pedro sa pamamagitan nang magpapadala nang liham dahil si Pedro noon ay sumabak sa giyera laban sa mga nangangaliwang organisasyon. Nagpapadala rin nang sulat si Dalia para sa kanya at sinagot niya ito si Pedro.

Sa gabing iyon ay nasa kampo si Pedro para buksan ang sulat na ipinadala ni Dalia para sa kanya. Ito’y labis niyang pagkatuwa nang sinagot na siya nang pinakamamahal niyang si Dalia.

“Yehey! Yehey! Sinagot na niya ako! Mga kasama ko. Wooohoo!!” Tuwang-tuwa siya at tumalon-talon sa loob nang kwarto nila pagkatapos ay lumabas siya mula sa loob nang kwarto at ipinagyabang niya sa mga kasamang kapwa sundalo. “Woooohhooo!! Salamat Panginoon! Dahil tinupad mo aking panalangin.” Nakahangad si Pedro sa langit at nagpapasalamat sa maykapal.

“Hahaha! Congrats sa iyo mistah!” Bati sa kanya ang kapwa niyang sundalo.

“Congrats sa inyo mistah!” Bati naman yung isa. Lahat sa kanya ay bumabati at natutuwa. Hinalikan ni Pedro ang sulat mula kay Dalia.

Samantala, sa kumbento naman ay nasa tapat nang bintana si Dalia at iniisip niya na natutuwa si Pedro sa kanyang ipinadalang sulat. Sa isip niya ay hindi siya nagkakamali sa kanyang desisyon.

Pagkalipas nang ilang araw ay humingi ng permiso si Dalia na iwanan ang pagiging madre sa kumbento at pagkatapos ay sumama kay Pedro para tulungan sa digmaan pero hindi sumang-ayon si Pedro sa kagustuhan niya baka may hinding maganda mangyari kay Dalia. Kaya ay ipinaghintay niya ito at nangako si Pedro na darating siya para ka Dalia na buong-buo.

Matagal nang nasa digmaan si Pedro at unti-unti niyang nakikita ang buhay bilang isang malabo at walang-katapusang kasalatan. Wala nang mukhang tunay na mahalaga tulad ng inaasam niya, at kapag tinatanong siya ng mga tao kung para saan siya lumalaban, tila hindi na niya alam ang kasagutan. Ngunit isang araw, natanggap niya ang isang sulat mula sa babae na iniwan niya sa tahanan, at biglang nagbalik sa kanya ang kahulugan ng lahat.

Umalis siya ng tahanan upang hanapin ang uri ng pag-ibig na iniisip niya na posible lamang sa mga walang-hanggan na kwento ng mga pantasya, at ngayon na sumulat si Dalia sa kanya, biglang nagkakaroon ng pag-asa na ito ay halos abot-kamay na. Agad siyang umuwi sa Maynila at sa buong paglalakbay, inihanda niya ang sarili para sa sandali na muli niyang makikita ang mga mata ng kanyang minamahal.

Pagdating niya sa bahay, mag-iingat siyang tumingin sa bintana baka may ibang tao sa loob. Nang tiyakin niya na walang ibang tao sa loob ng bahay, pinasok niya ito nang may kaba sa kanyang mga kamay at nagtungo sa silid na kanyang binabahagi ni Dalia.

“Tok! Tok! Tok!” Kumatok siya nang malumanay sa pinto, halos hindi makahinga sa sobrang kaba, at saka binuksan ni Dalia ang pinto.

Tum…