Author: Celester
Genre: Fantasy, Horror, Adventure, Drama, Erotic, Romance
AUTHOR’S NOTE
“Ang sumusunod na kuwento ay isang gawa ng kathang-isip at hindi nilayon na kunin bilang isang pagmumuni-muni ng mga pangyayari sa totoong buhay o mga indibidwal. Ang anumang pagkakahawig sa mga tunay na tao, buhay o patay, o aktwal na mga pangyayari ay nagkataon lamang. Ang imahinasyon at lisensya ng may-akda ay ginamit sa paglikha ng kuwentong ito.”
KABANATA VI: SEARCH
NARRATOR’S POV
“Sino nga ba ang estrangherong bulag na ito? Nagtataka ako kung ano ang kanyang ginagawa sa lugar na ito. Naliligaw lang ba siya o may hinahanap siya? Nakakapagtaka nga at nakakagulat! Sinagip niya ang pamilya Garcia at Diego mula sa panganib na idinulot ng bodyguard ng stepmother ni Diego. Hindi pa ako ganap na nakakakilala sa matandang ito, ngunit tila naglalaro ang tadhana dahil nakilala siya ni Lando at Asong Bolignok na si Fulgoso kamakailan… May isang bagay na nagpapahiwatig sa akin na may mahalagang papel siya na ginagampanan sa mga pangyayaring ito…”
Kinabukasan sa eksena nina Lando, Lola Dalia, Lolo Pedro at pati narin ang mga Bolignok na sina Twilly at Fulgoso
Linggo nang umaga ay gising na sina Lola Dalia at Lolo Pedro para maghanda ng almusal. Inutusan ni Lola Dalia si Lolo Pedro na gisingin na rin ang kanilang apo na si Lando at mga Bolignok na sina Twilly at Fulgoso. Pumayag si Lolo Pedro sa utos ng kanyang asawa kaya nagpunta siya sa kwarto ni Lando upang gisingin ito.
“Tok! Tok! Tok!” Ang tunog ng pagkatok sa pinto ay patuloy.
“Lando… Twilly… Fulgoso…Gising na… ,” sabi ni Lolo habang nasa labas ng kwarto ni Lando si Lolo Pedro.
Si Lando ay gumalaw mula sa pagkakatulog nang marinig ang tinig ng kanyang lolo sa labas ng kwarto. Dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang mga mata, pakiramdam pa rin ng antok dahil sa kulang na tulog.
“Haaaaaammppphhh… Aw!” humikab nang malakas at tahol nang Asong Bolignok na si Fulgoso mula sa kanyang pagkatulog.
“Magandang umaga Ginoong Lando,” bati ni Twilly sa kanya habang nakalutang si Twilly sa harap niya.
“Hmmmmmppph.” humikab rin siya at bumangon mula sa kanyang hinihigaang kama.
“Magandang Umaga sa inyo,” bati niya sa kanila.
Pinunasan ni Lando ang kanyang mga mata at umupo sa kanyang kama. Iminasahe niya ang kanyang mga mata at nagstretch ng kanyang mga braso bago sa wakas ay bumangon sa kama. Lumakad siya papunta sa pinto, na may halong pagkapagod at excitement para sa darating na araw.
Sa pagbukas ni Lando ng pinto, siya ay sinalubong ng nakasanayang paningin ng kanyang lolo na si Pedro, na nakatayo doon na may ngiti sa kanyang labi. Ang masarap na amoy ng nilutong almusal ay umabot sa buong bahay, na nagpapalipas-gutom sa kanyang tiyan.
“Magandang umaga po Lolo Pedro,” bati niya sa kanyang lolo habang nakangiti.
“Tara na Lando, Twilly, Fulgoso para makapag-agahan na tayo,” sabi ni Lolo Pedro sa kanila. Pagkatapos ay bumaba na sila papunta sa kusina.
“Amoy na amoy ko na, sniff! sniff! Ang bango at nakakagutom talaga. Aw!” sabi ni Fulgoso, naghahayag ng kanyang reaksyon sa masarap na amoy ng almusal na inihanda ni Lola Dalia.
“Ginoong Lando… tara na, puntahan na natin ang kusina para mag-almusal. Sobrang gutom na ako,” sabi ni Twilly kay Lando habang siya ay nakalutang malapit sa gilid ni Lando.
Nang makarating na sila sa kusina ay nakahanda na si Lola Dalia nang ilang ulam para sa kanilang agahan.
“Magandang umaga, apo!” masayang bati ni Lola Dalia. “Tara na, maghahanda na tayo ng ibang ulam natin para sa almusal. Mahaba pa ang araw, kailangan nating kumain nang malakas!”
Ngumiti si Lando bilang tugon at pumayag. Pinahahalagahan niya ang mga pagsisikap ng kanyang mga lolo at lola na magtipon-tipon ang pamilya para sa masaganang almusal. Ito ay isang tradisyon na kanilang pinahahalagahan, na nagbibigay sa kanila ng pagkakataon na magkakasama, magkwentuhan, at magbahagi ng mga kwento habang nag-eenjoy sa masarap na pagkain.
Lahat sila ay pumunta sa dining area kung saan naghihintay ang iba’t ibang pagkain. Punong-puno ang mesa ng mainit na arroz caldo, malutong na bacon, scrambled eggs, at isang pitser ng sariwang piga ng kahel. Si Twilly, ang Tarsier na Bolignok, at si Fulgoso, ang kanilang Asong Bolignok, ay sabik na sumali sa kanila, nag-aagawan ng atensyon sa masasarap na pagkaing inihanda ni Lola Dalia.
Habang sila’y umupo upang kumain, hindi maiwasan ni Lando na maramdaman ang pasasalamat sa kanyang mga mapagmahal na lolo at lola at sa init na dala nila sa tahanan. Natanto niya na ang mga sandaling tulad nito, na ibinabahagi kasama ang pamilya, ang tunay na mahalaga. Sa pusong puno ng pasasalamat, siya’y kumain nang masarap, pinapahalagahan ang lasa, at ikinasaya ang pagkakasama ng kanyang mga lolo at lola at ng kanilang mga kasamang Bolignok.
“Grrrrrrr…” ang tunog ng kanilang mga tiyan ay nagpahiwatig na busog na sila mula sa kanilang agahan.
“Sarap!” reaksyon ni Twilly sa kanyang kinain.
“Aw! Aw! Aw! Maraming salamat, Lola Dalia,” sabi rin ni Fulgoso.
“Lolo Pedro… Lola Dalia… Maraming salamat sa inyo,” nakangiti na sabi ni Lando, ang kanilang apo.
“Aba’y walang anuman sa inyo. Maraming salamat rin dahil nagustuhan ninyo ang inihanda kong agahan,” masaya na sabi ni Lola Dalia habang pinapurihan ang kanyang handang pagkain.
“Syempre, asawa ko ‘yan. Magaling ‘yan magluto mula pa noon,” papuri ni Lolo Pedro sa kanyang asawang si Lola Dalia.
“Hay naku, sige na, Pedro, pagkatapos nito ikaw na ang maghuhugas, ha,” utos ni Lola Dalia kay Lolo Pedro.
“Walang problema, mahal, basta ikaw,” sagot ni Lolo Pedro, sumang-ayon sa utos ni Lola Dalia.
“Kayo naman, Lando, Twilly, at Fulgoso, tulungan ninyo ako sa paglilinis ng bahay. Pati na rin sa bakuran,” sabi ni Lola Dalia sa kanila.
“Sige po, Lola. Tara, Twilly, Fulgoso,” sabi ni Lando habang sinamahan niya sina Twilly at Fulgoso.
“Walang problema, Ginoong Lando. Ako na ang bahala dito,” sagot ni Twilly habang lumutang at ginamit ang kanyang mga kakayahan.
Pinalutang niya ang mga bagay na pampalinis pagkatapos ay kinokontrol niya nang sabay-sabay. Nagulat sina Lando, Lolo Pedro, at Lola Dalia sa ginawa ni Bolignok na si Twilly.
“Woah! Ang galing mo, Twilly,” paghanga ni Lando sa kanyang kasamang Bolignok na Tarsier.
Nasaksihan nila kung paano nangangasiwa si Twilly sa paglilinis ng tuyong dahon sa labas ng kanilang bahay. Sa loob ng silid, madali niyang pinaghuhugasan ang mga plato, kutsara, baso, at iba pang gamit na ginamit nila sa agahan. Pagkatapos, agad niyang nilinis ang buong bahay.
“Woah! Ngayon ko lang nakita ito. Ibang klase ka talaga, Twilly! Kung ako ang gagawa niyan, baka abutin ako ng tanghali,” sabi ni Lola Dalia, namangha at nagulat sa galing na ipinakita nang Bolignok na si Twilly.
“Aw! Talagang magaling si Twilly, Lola Dalia,” sabi ni Fulgoso kay Lola Dalia, nagpapahayag ng kanyang paghanga.
“Salamat makapagpahinga na rin.” Sabi ni Lolo Pedra habang umuupo sa sala pagkatapos ay kinuha niya ang radio at pinaandar niya ito.
Mula sa radio ay nakinig siya sa balita.
“Ting Ting ting! Magandang umaga, mga minamahal kong kabarkads. Ito ang The Voice of Truth, inyong pinagkakatiwalaang pinagmulan ng tumpak at aktual na impormasyon. Ako po ang inyong tagapagbalita, Mang Enriquez, at may mahalagang balita kami para sa inyo.
Mga minamahal kong kabarkads, mayroon tayong natanggap na mga ulat tungkol sa isang nakababahalang pangyayari na naganap malapit sa atin. Kahapon ng gabi, natuklasan ang walong armadong kalalakihan na walang buhay na nakahandusay sa kalsada malapit sa boundary nang Malaybalay. Sinimulan na ng mga awtoridad ang imbestigasyon ukol sa krimen na ito.
Sa kasalukuyan, wala pa tayong kumpletong mga detalye ukol sa pangyayaring ito, pero hinihikayat namin ang lahat na manatiling mahinahon at pasensyoso habang unti-unti nang nabubunyag ang imbestigasyon. Kasalukuyang masigasig ang ating mga dedikadong law enforcement agencies upang malaman ang mga pangyayari at dalhin sa katarungan ang mga taong may pananagutan,” balita nang radio anchor.
Nagulat si Pedro sa kanyang pagkarinig sa balita kung saan malapit ito sa kanilang lugar ang pangyayaring pagpatay nang walong kalalakihan kagabi.
“Hoy! ali muna kayo dito. Makinig kayo sa balita.” Sabi ni Lolo Pedro sa kanila. Kaya lumapit sina Lola Dalia, Lando at pati narin mga Bolignok na sina Twilly at Fulgoso.
“Palakasin mo ang volume Pedro,” utos ni Lola Dalia sa kanya pagkatapos ay pinalakas nang volume ni Lolo Pedro ang radio. Nagpatuloy sila sa pakikinig nang balita.
“Hinala ng mga awtoridad na maaaring may masamang pag-uugali na sangkot sa trahediyang ito. Pinapaalalahanan natin ang mga miyembro ng ating komunidad na manatiling mapagbantay at iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa mga lokal na awtoridad. Sa ating pagkakaisa, maipapangako natin ang kaligtasan ng ating mga pamayanan.
Aming pinapaabot ang aming mga pagdadasal at pagmamahal sa mga pamilya na naapektuhan ng nakakalungkot na pangyayari. Kami ay sumusuporta sa inyo sa panahong ito ng pagsubok at handang magbigay ng tulong bilang isang komunidad. Sa ganitong mga panahon, mahalaga na magkaisa tayo bilang isang komunidad, suportahan ang isa’t isa, at manatiling matatag. Patuloy naming susundan ang pangyayaring ito at magbibigay ng mga update sa lalong madaling panahon. Manatili po sa The Voice of Truth, kung saan ipinapangako namin ang pinakabagong tumpak na impormasyon.
Salamat po sa inyong pakikinig ngayon. Tandaan, sama-sama nating malalampasan ang anumang hamon. Ito po ang inyong tagapagbalita, Mang Enriquez, na nag-uulat para sa The Voice of Truth. Mag-ingat po kayo, manatili sa impormasyon, at mag-alaga ng isa’t isa.
Ting ting ting!” mula sa radio anchor matapos maiulat niya ang masamang balita.
“Diyos ko! Malapit ito sa atin,” reaksyon ni Lola Dalia sa balitang narinig nila sa radio.
“Sniff! Sniff! Totoo nga ang balita! May naamoy akong patay na tao ilang kilometro lang ang layo mula dito,” sabi ni Fulgoso sa kanila.
“Teka! Kunin ko nga ang selpon ko para tingnan sa social media kung may balita tungkol dito.” Sabi ni Lando sa kanila at dali-dali itong pumunta sa kanyang kwarto para kunin ang selpon niya. Pagkatapos niyang kunin ang selpon sa kwarto ay bumalik siya sa kanila para e buksan niya ang social media at tingnan kung may nag viviral na balita tungkol sa narinig nila kanila. Nabasa niya sa social media na may nag share na friends na Live Video sa balita.
“Ito! Ito!” reaksyon ni Lando habang pinanuod niya ang Live Video sa social media. Nakita nila sa live video na maraming mga taong nakiusyoso sa crime scene na tinatabi nang mga pulis pagkatapos ay nakita nila sa live video ang mga nakahandusay na bangkay sa gitna nang kalsada at yung sasakyan nilang itim na van na nakapark lang sa gitna.
“Diyos ko! Sino namang taong walang-awang pumatay sa kanila?” reaksyon in Lola Dalia sa nakita niyang live video sa social media.
Nag pop-up sa screen niya ang message nang kaklase niya sa group chat. Ang sabi sa message “Lando dali tingnan mo sa kabilang live video, nandito yung stepmother ni Diego.” Nagulat si Lando sa binasa niyang message mula sa kaklase niya sa school. Kaya pinindot niya ang link at nabuksan ito. Ayon sa napanuod nila, isang determinadong reporter nagbabalita sa lugar nang pinangyarihang krimen.
“Magandang umaga, ako po si Karyl Davila, nagbabalita ngayon mula dito Pasugong Street, Malaybalay Boundary. Kami po ay naririto upang alamin ang katotohanan sa likod ng kamakailang pangyayaring may walong nakandusay na kalalakihan na wala nang buhay sa isang malapit na kalsada. Kasama ko po ngayon si Mrs. Magsalang, isang miyembro ng pamilya ng isa sa mga biktima, at malungkot na sinasabi, nawawala pa rin ang kanilang anak. Narito sila upang ibahagi ang kanilang kwento.” ulat nang isang reporter na napanuod nila.
Nagulat si Lando sa kanyang napanuod dahil si Mrs. Berta, ang stepmother nang matalik niyang kaibigan na si Diego.
“Kilala mo siya Lando?” tanong ni Lola Dalia sa kanya.
“Oo Lola, mommy po nang kaklase ko si Diego,” sagot niya.
Patuloy sila sa pakikinig nang balita. Ang reporter ay nakatayo sa tabi ng isang lubhang nag-aalala at desperadong stepmother ni Diego.
“Salamat sa inyo at sa inyong paglahok ngayong araw. Maari niyo po bang sabihin sa amin ang inyong relasyon sa biktima at ibahagi ang anumang impormasyon tungkol sa inyong nawawalang anak?” tanong nang reporter kay Mrs. Magsalang habang umiiyak tapos ay ang reporter ay nakiramay sa kanya
“Ang biktima po ay mga bodyguard ko, at kami po ay labis na nalulungkot sa kanilang pagkawala. Pero mas malala po ang sakit namin dahil nawawala ang aming anak na si Diego. Siya po ay huling nakitang kasama ng kanyang tiyo, at wala po kaming kaalam-alam kung nasaan siya. Kami po ay nag-aalala sa kanyang kaligtasan at patuloy na umaasa sa kanyang pagbabalik.” Sagot ni Mrs. Berta bagama’t nagsisinungaling ito sa reporter para kunwaring nag-aalala siya sa kanyang anak na si Diego.
Mas lalong ikinagulat nila Lolo Pedro, Lola Dalia, Mga Bolignok at lalo na si Lando. Kaya nag-aalala nang lubos si Lando.
“Ano? Nawawala si Diego?!” reaksyon ni Lando habang nagulat sa sinabi nang stepmother ni Diego mula sa interview nang reporter.
Ang reporter ay nakikinig nang maigi, na sumasalamin sa kwento ng stepmother ni Diego na puno ng lungkot lingid sa kaalaman nang reporter ay kunwari lang ito ni Mrs. Berta.
“Ang kalungkutan at kawalan ng kasiguruhan na kinakaharap ng pamilya ay di maipaliwanag. Ang desperadong paghahanap nila sa kanilang nawawalang anak ay nagdagdag ng kumplikasyon sa trahedya na ito.” Sabi nang reporter na tagos ang boses. Patuloy ang panayam ng reporter, nag-aalok ng suporta at pangako na palakasin ang kanilang panawagan para sa tulong.
“Nauunawaan po namin ang kahalagahan ng paghahanap sa inyong nawawalang anak. Mayroon po ba kayong gustong sabihin sa komunidad, na umaasa na ito ay magdulot ng mahahalagang impormasyon o ng kanyang ligtas na pagbabalik?” muli nang tanong kay Mrs. Berta.
Kunwaring emosyonal ni Mrs. Berta sa interview, sabi niya “Sa komunidad, sana, kung kayo po ay nakakita o mayroon kayong anumang impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng aking anak o anumang kaugnayan sa insidenteng ito, lumantad po kayo. Ang aming pamilya ay desperado sa mga kasagutan at sa ligtas na pagbabalik niya. Nakikiusap po kami sa inyo na tulungan kaming maiuwi siya sa aming tahanan ang anak namin na nagngangalang Diego Magsalang.”
“Ang pagsusumamo ng pamilya para sa tulong ay humihikayat sa komunidad na magsilantad at magbigay ng anumang impormasyon na makatutulong sa paghahanap sa nawawalang anak.” Sabi nang reporter para kay Mrs. Berta
Pagkatapos nito ay muling tumingin sa kamera ang reporter para sa huling bahaging panayam niya.
“Sa ating paghahangad na alamin ang katotohanan sa likod ng trahediyang ito, inaapela rin namin sa komunidad na tulungan kami sa paghahanap sa nawawalang anak. Magkakasama tayong susuporta sa pamilyang ito at dadalhin natin sa kanila ang mga kasagutan na matagal na nilang inaasam.” pagkatapos ay nag patalastas ang live na napanuod nila.
“Lolo, Lola, kailangan kong hanapin si Lando,” biglang sabi ni Lando sa kanyang lolo at lola, na ikinagulat nina Lolo Pedro at Lola Dalia.
“Diyos ko, apo, ano ba ang pumasok sa isip mo? Hayaan mo na ang pulisya ang maghanap ng nawawalang kaibigan mong si Diego,” sabi ni Lola Dalia sa kanya na may halong pag-aalala.
“Tutulungan kita Ginoong Lando,” sabi ni Twilly sa habang lumutang at humarap kay Lando.
“Aw! Ako rin Lando. Malakas ang pang-amoy ko. Aw!” sabi naman ni Fulgoso.
“Maraming Salamat sa inyo Twilly at Fulgoso.” Nakangiting sabi ni Lando sa kanila.
“Teka pakinggan niyo ang balita sa radio.” Biglang sabi ni Lolo Pedro sa kanila.
“Bakit Pedro? Ano naman balita ang nasa radio?” tanong ni Lola Dalia sa kanya.
“Si Aling Marites yung suki mong tindera, pati narin yung asawa niya si Berting at yung anak niya si Layla,” sagot ni Lolo Pedro sa kanila at ikinagulat nanaman nila.
“Ano?! Diyos ko, ano bang nangyayari sa mundo? Bakit ang daming masamang nangyayari ngayon?” tanong ni Lola Dalia, puno ng pagkagulat at pag-aalala.
“Pati rin si Layla?!” biglang sabi ni Lando, na napalakas ang boses.
“Oo, apo, mas lalo tayong magugulat dahil sinunog ang kanilang tahanan,” sabi ni Lolo Pedro sa kanila.
“Ano?!” sabay-sabay nilang sabi.
“Oo, hay naku, ano ba ito. Sige, pakinggan natin ang balita,” sabi ni Lola Dalia sa kanila. Tahimik nilang pinakinggan ito.
“Kamakailan lang mga kabarkads matapos namin ibinalita kanina tungkol saan may krimen nangayayari dyan mismo sa Pasugong Street, Malaybalay Boundary, mayroon din tayong natanggap na mula sa salaysay nang isang matapang na saksi na nagbibigay liwanag sa nakakabahalang pangyayari na naganap sa tahanan ng pamilya Garcia. Ayon sa saksi, isang grupo ng hindi kilalang mga lalaki ang nagsunog ng kanilang bahay. Ayon sa saksi ay mga walong kalalakihan ang nagsunog at nagdukot sa pamilyang Garcia.” Ulat nang isang radio anchor mula sa radiong pinakinggan nila Lando, Lolo Pedro, Lola Dalia at mga Bolignok na sina Twilly at Fulgoso.
“Ang salaysay ng saksi na ito ay nagpapakita na bukod sa pamilyang Garcia ay may isang lalaki kasama nila sa hapunan na pinaniniwalaang kaklase ni Layla Garcia, . Lubhang nakababahala, ibinahagi rin ng saksi na matapos ang pagdukot, ang mga miyembro ng pamilya at pati narin ang nakasama nilang lalaki ay pilit na hinila, tinalian ng lubid, at tinakpan ang kanilang mga bibig sa pamamagitan nang tape.” ulat nang isang radio anchor sa kanilang narinig.
“Ano kamo? May kasama silang lalaki na kaklase namin? Nakapagtataka,” tanong ni Lando, lalo niyang pinagtatakahan.
“Sino kaya ang bisita ni Layla?” dagdag niya, patuloy sa pagtatanong.
“Lando, Twilly at pati narin kayo Lolo Pedro at Lola Dalia, Aw! May sasabihin ko sa inyo.” sabi ni Fulgoso sa kanila.
“Bakit Fulgoso? Ano ang sasabihin mo sa amin?” tanong ni Lola Dalia kay Fulgoso. Seryoso ang mukha ni Fulgoso pagkatapos ay tumalon ito at pumatong sa lamesa sa loob nang sala nila.
“Aw! Yung napanuond natin yung sinabi mong live video kanina kung saan iniinterview yung ina ni Diego na si Ginang Magsalang ay sa palagay ko ay hindi siya nagsasabi nang totoo.” Sabi ni Fulgoso sa kanila.
“Ano?! Paano mo nasabi yan Fulgoso? Sa napanuod namin ay lubhang emosyonal si Mrs. Berta sa kanyang pananalita niya kanina sa interview.” Sagot ni Lando kay Fulgoso.
“Hindi ako naniniwala na nag-aalala siya sa anak niyang si Diego, kutob ko ay nagkukunwari lang siya. ” Sabi ni Fulgoso sa kanila.
“Kung ganun Fulgoso, meron ka bang nakalap na impormasyon tungkol dito?” tanong ni Twilly sa kapwa niyang Bolignok na si Fulgoso.
“Aw! Sa ngayon ay kailangan ko amuyin lalo ang damdamin dahil sa oras ngayon ay nakaalis na sila lugar nang pinangyarihang krimen.” sagot ni Fulgoso sa kanila.
“At isa pa, may naamoy rin ako kani-kanila lang,” dagdag pa niya.
“Ano ang naamoy mo Fulgoso?” tanong ni Lolo Pedro kay Fulgoso.
“Si Mrs. Berta ay hindi karaniwang tao.” sagot ni Fulgoso para kay Lolo Pedro.
“Ano?! Seryoso kaba Fulgoso?” tanong ni Lando na may halong pagkagulat.
“Oo, Lando hindi ako nagkakamali,” sagot ni Fulgoso sa kanya.
“Sino ba si Mrs. Berta, Fulgoso?” tanong ni Lolo Pedro kay Fulgoso
“Pasensya na Lolo Pedro, pero hindi ko pa masasagot ang katanungan dahil sabi ko kanina, nakaalis na sila sa pinangyarihang krimen.” sagot ulit ni Fulgoso.
“Hay nako, kung ganun Lando may number kaba ni Diego para tawagin mo siya?” tanong nang Lola niyang si Dalia.
“Oo, Lola Dalia, sige susubukan ko,” sagot niya. Hinanap niya ang contact number ni Diego sa smartphone. Matapos makita ito sa directory, tinawagan niya ito. Sa kasamaang-palad, bigo sila dahil out of coverage si Diego.
“Lintik naman oh… Di ko siya ma-contact,” sabi niya.
“Di kaya na lowbat siya o nawala yung selpon niya?” sabi ni Lolo Pedro sa kanya.
“Hay naku, nag-aalala ako ngayon. Lolo, Lola, hingi ako ng permiso sa inyo na hanapin ko si Diego at pati na rin si Layla at ang mga magulang nila,” sabi ni Lando sa kanyang Lolo at Lola, humihingi ng permiso.
“Payag ako Apo pero sasamahan kita.” Sabi ni Lolo Pedro sa kanya.
“Sigurado ka po ba Lolo Pedro?” tanong ni Lando na unting-unti sumaya dahil gustong sumama ang kanyang lolo niya.
“Pedro, ano kaba? Mag-aalala ako sa iyo tapos matanda kana katulad ko. Hindi kana gaya nang dati Pedro, mahal ko,” pag-aalala ni Dalia sa kanyang asawang si Pedro.
“Mahal, nakalimutan mo na dati akong sundalo sa Philippine Army, marunong din ako mag-imbestiga dahil naka-assign ako noon bilang Scout Ranger,” kumbinse ni Lolo Pedro ang asawa niyang si Lola Dalia.
“Maski na, Pedro, hindi ka na gaya ng dati,” pilit na hindi pumayag si Lola Dalia sa alok ni Lolo Pedro na sumama kay Lando sa paghahanap ng nawawalang kaklase niyang si Diego at Layla.
“Aw! Aw! Pumayag ka, Lola Dalia, dahil nandito naman kami, sasama sa kanila. Aw! Aw!” kumbinse rin ang Asong Bolignok na si Fulgoso.
“Tama po si Fulgoso, Lola Dalia, at isa pa, huwag po kayo mag-alala, walang mangyayari sa amin,” pati na rin ang Tarsier na Bolignok na si Twilly.
“Hay naku sa inyo. Sige, mag-ingat kayo, pero bago ‘yan, magbaon kayo baka matagalan kayo bumalik dito,” sabi ni Lola Dalia sa kanila, at pumayag ito.
Ikinatuwa ito nina Lando at Lolo Pedro kaya lumapit si Lolo Pedro at pati na rin ang apo niyang si Lando para yakapin si Lola Dalia.
“Salamat po, Lola Dalia. Huwag po kayo mag-alala at babalik rin kami,” sabi ni Lando habang niyayakap niya ang kanyang Lola na si Dalia.
“Ako rin, mahal. Huwag ka nang mag-alala. Alam mo naman magaling ako, diba? Hehehe,” sabi naman ni Lolo Pedro, asawa ni Lola Dalia. Kinurot naman siya ni Lola Dalia sa tagiliran kaya nag-react ito, “Aray, ano ka ba naman, mahal?” sabi niya.
“Uuwi rin po kami, Lola. Pangako po.” Sabi ni Lando sa kanyang Lola habang pinapawi ang kanyang pag-aalala para sa kanila.
Matapos ang kanilang usapan, nagbihis na sina Lando at si Lolo Pedro upang maghanda sa kanilang paghahanap kay Diego at Layla, ang nawawalang kaklase ni Lando. Naghihintay na sa labas ng kanilang bahay sina Twilly at Fulgoso, ang mga Bolignok.
“Tara na ba, Ginoong Lando?” tanong ni Twilly habang nakatutok sa kanila ang kanyang mga mata.
“Handa na kami, Twilly.” Sagot ni Lando na puno ng determinasyon.
“Tara na Lolo Pedro, Ginoong Lando. Aw!” Sabi naman ni Fulgoso. Kasabay rin ang pagsikat ang Haring araw at ilang sandali ay nakaalis na sila sa kanilang bahay at nagsimula na ang kanilang paghahanap para sa kaibigan ni Lando.
Samantala, kasalukuyang nakasay sa loob nang SUV ang stepmother ni Diego na si Mrs. Berta Magsalang matapos makaalis kanina mula sa pinangyarihang krimen kung saan naabutan nila na walang buhay ang mga bodyguard niya.
“Ma’am, anong susunod na gagawin natin?” tanong ng bodyguard na katabi ni Ginang Berta sa backsit habang nagmamaneho ang isa pang bodyguard sa kanilang sinasakyan na SUV na katabi rin ang bodyguard sa front sit.
Lumingon si Ginang Berta sa bodyguard na nagtanong at sinagot, “Brando, maghanda ka ng mga tauhan mo para hanapin ang hampaslupang na si Diego at ang pamilya ng kanyang kaklase bago sila mahanap ng mga pulis,” sabi ni Berta habang nakasimangot.
“Masusunod po, Ma’am,” sagot ng bodyguard sa kanya.
“Napansin mo ba kanina na ang mga kasamahan mong bodyguard ay wala nang buhay sa crime scene?” tanong ni Berta sa kanyang bodyguard na si Brando.
“Opo, napansin ko rin po iyon. Kitang-kita ko sa mga sugat nila. Sila po ay namatay dahil sa saksak at pagkaubos ng dugo nila.” Sagot ng bodyguard sa kanya.
“Tama ka, Brando. Hindi karaniwang tao ang nagpatay sa kanila.” Sabi ni Berta kay Brando.
“Mayroon po ba kayong alam kung sino ang pumatay sa kanila, Ma’am?” tanong ng bodyguard na si Brando kay Ma’am Berta.
“Wala, Brando. Kaya bilisan niyo ang paghahanap nila dahil may kutob ako na kasama nila ang taong pumatay sa kasamahan mong bodyguard.” Sabi ni Berta sa kanyang bodyguard na si Brando.
“Sige po, Ma’am, masusunod.” Sagot ni Brando sa kanyang amo na si Mrs. Berta.
Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na sila sa tahanan nang Pamilyang Magsalang.
NARRATOR’S POV
“Kung ihahambing natin ang tahanan nang marangyang buhay nang Pamilyang Montemayor, Hindi rin magpapapatalo ang Pamilyang Magsalang. Ang Mansyon ng Magsalang ay isang kahanga-hangang tanawin. Ito ay isang dalawang palapag na villa na may Spanish style, gawa sa stucco at terra cotta, na naglalarawan ng isang lumang mundo na kahalayan. Nakapalibot sa palasyo ang isang buong pader na yari sa ladrilyo, na nagtatanggol sa pamilya mula sa labas na mundo.
Ang pasukan ng mansyon ay isang marangyang okasyon. Ang malaking pinto ng mahogany ay nagbubukas sa isang sinulid na daan, kung saan nakaparada ang mga kotse ng pamilya. Ang daan ay nagbubukas sa isang malawak na hardin na may mga sariwang halaman at malaking fuenteng tubig.
Ang mga kasilyas ay kaakit-akit at marangya. Mayroong isang malaking pasilyo na may malaking kandelerong krisal at malaking hagdanan. Sa bawat panig ng pasilyo ay mga opisyal na kuwarto at silid pagkain. Ang mga pader ng salas ay pinapalamutian ng mga kahanga-hangang oil painting habang ang silid pagkain ay nagtatampok ng isang malaking lamesa, na napalilibutan ng mga marangyang upuan na inilalatag ng mut…