SUGO: Reborn (Kabanata VII)

Title: SUGO: Reborn

Author: Celester

Genre: Fantasy, Horror, Adventure, Drama, Erotic, Romance

AUTHOR’S NOTE

“Ang sumusunod na kuwento ay isang gawa ng kathang-isip at hindi nilayon na kunin bilang isang pagmumuni-muni ng mga pangyayari sa totoong buhay o mga indibidwal. Ang anumang pagkakahawig sa mga tunay na tao, buhay o patay, o aktwal na mga pangyayari ay nagkataon lamang. Ang imahinasyon at lisensya ng may-akda ay ginamit sa paglikha ng kuwentong ito.”

KABANATA VII: A MAN FROM NOWHERE

NARRATOR’S POV

“Ang tatsulok ng kapalaran ay gumawa na ng hakbang, at ngayon ay nakapagpasya na. Alam kong may mahalagang papel na gagampanan ang matandang bulag na ito sa mga pangyayari, at tila may tunay na tulong na natatanggap sa mga Bolignok. Ito ay isang magandang palatandaan para sa kanilang misyon. Ang Matandang Bulag ang nagligtas nila Diego at sa Pamilyang Garcia ay mayroong isang bagay na napakalaking halaga sa dulo… isang bagay na hindi inaasahan.

Ginoong Lando, nakikita ko ang iyong malagim na kapalaran sa aking harap, ngunit may tiwala ako na ang lahat ay magiging katulad ng aking inaasam.”

Ating balikan ang pangyayaring kung saan iniligtas nang Matandang Bulag sina Diego at pamilyang Garcia sa kamay nang mga bodyguard nang stepmother ni Diego.

“Sino ‘yun? Mga kasama, baba nga kayo kung sino ‘yung lalakeng papalapit sa atin,” utos ng bodyguard sa kanilang kasamahan.

“Sige, boss!” sabi nila. Bumaba rin sila para harapin ang lalakeng humaharang sa kanilang daan. Nang malapit na ito sa kanila, napansin ni Layla na ang lalakeng may hawak na patpat ay ang matandang bulag na kasabay niya kanina.

“Magandang Gabi po sa inyo. Sino ho kay—” Hindi natapos ang salita ng bodyguard dahil biglang hinampas ng matandang bulag ang patpat sa ulo ng bodyguard, kaya’t ito ay nawalan ng malay. Nagulat si Layla sa kanyang nasaksihan dahil ang nakasabay niyang bulag kanina ay hindi ordinaryo.

“Puta!” Napamura nalang ang bodyguard habang agad na bumunot ng baril pagkatapos ay bumaba siya at kasama rin ang kanyang kasamahan. Bumaba silang lahat, ngunit nagulat sila dahil bigla itong nawala sa harap nila nang parang bula.

“Putang ina! Sinong impaktong ‘yun?! Hanapin niyo!” Utos niya sa kanilang kasama habang nababasa na sila sa ulan.

“Boss! Mala-demonyong pala itong tao na ito.” Sabi nung kasama niya habang natakot.

Isa-isa silang humihiwalay sa paghahanap, ngunit biglang sumulpot sa kanila ang matandang bulag na naka Fencing Fighting Stance at hawak ang patpat na naging isang Fencing. Bigla itong nagsalita sa kanila.

“That will be your ruin,” sabi niya sa kanila sa wikang Ingles.

“Puta! Sino kang impakto ka!” Sabi niya pagkatapos pinaputukan nila ito ng baril.

“Bang! Bang! Bang! Bang!” Putok ng mga baril nila. Nang tumigil sila sa pagpapaputok ng baril, mas lalo silang nagulat sa nasaksihan nila, pati na si Layla.

Ang kaharap nilang naka Fencing Style na bulag ay isang malikhaing paglilinlang lamang o ilusyon. Pagkatapos nito, pinag-isang-isang ng matandang bulag ang mga bodyguard, saksakin ang bawat katawan na kasingbilis ng kidlat. Naitumba niya ang lahat maliban sa boss ng mga bodyguard. Nabitiwan ng boss ang baril dahil sa takot na nararanasan niya.

“Parang awa niyo po, huwag niyo akong patayin!” Pagmamakaawa niya habang lumuhod sa harap ng matandang bulag.

Itinuon nang Matandang Bulag ang dulo nang kanyang Fencing sa chin nang bodyguard. Pagkatapos ay inangat niya ito upang humarap sa kanya.

“Any last words?” sabi ng matandang bulag.

“Please! Please! Spare me. Ple—” Hindi na natapos ang pagsasalita ng nagmamakaawang bodyguard sa matandang bulag dahil sinaksak siya nito nang diretso sa leeg. Pagkatapos, binunot niya ang Fencing mula sa pagkakasaksak at pinahid niya ang dugo gamit ang panyo niya upang linisin. Pagkatapos ay ibinalik niya ang Fencing sa mahabang takip upang maging patpat niya.

Mas lalong nagulat at namangha si Layla sa nasaksihan niya dahil ang patpat na ginamit nang Matandang Bulag ay isa palang espada, ang Fencing.

Pinuntahan nang Matandang Bulag sa loob nang van upang iligtas sina Layla, Diego, Aling Marites at si Tatay Berting. Tinanggal niya ang mga tali at takip sa bibig nila.

“Okay lang ba kayo, binibini?” Sabi niya habang pinaisa-isa niyang tinanggal ang mga tali at tape.

“Opo, maraming salamat po dahil iniligtas niyo kami manong.” Sabi ni Layla sa kanya. Nakangiti naman yung matandang bulag sa kanya kahit hindi siya nakikita nito.

“Hindi ka ordinaryong tao manong. Sino po ba kayo? Bakit mo kami iniligtas?” Tanong ni Layla sa matandang bulag.

“Pahintulutan na lang natin na sagutin ang tanong na iyan mamaya, binibini. Ilayo muna natin ang ating sarili sa lugar na ito upang hindi tayo makita ng iba,” ang sabi ng matandang bulag sa kanya. Hindi rin sumagot si Layla kaya sumunod na lang siya sa sinabi ng Matandang Bulag.

Ginising na rin ng Matandang Bulag ang nawalan ng malay sina Diego at ang mga magulang ni Layla dahil sa ginawa ng mga bodyguard ng stepmother ni Diego.

“Haa!” reaksyon ni Diego habang hingal na hingal siya.

“Layla? Anak! Huhuhu! Okay ka lang ba?” pati na rin ang mga magulang ni Layla na sina Tatay Berting at Aling Marites habang mahigpit na niyayakap nila si Layla.

“Okay lang ako Nay, Tay,” sabi ni Layla sa kanila.

“Nay, iniligtas tayo ni manong,” dagdag pa niya. Pagkatapos ay lumingon sina Tatay Berting at Aling Marites sa matandang bulag at nagpasalamat sila sa ginawang kabutihan ng Matandang Bulag.

“Maraming salamat sa inyo, Ginoo. Maraming salamat,” pasalamat nila.

“Ako rin, manong, maraming-maraming salamat sa inyo. Utang namin ang buhay namin dahil sa ginawa ninyong kabutihan,” sabi rin ni Diego.

Nakangiti naman ang matandang bulag sa kanila.

“Walang anuman sa inyo. Ngunit dapat na tayong umalis dito sa madaling panahon,” sabi ng Matandang Bulag sa kanila.

Agad na sumunod sina Layla, Diego, Tatay Berting, at Aling Marites sa sinabi ng Matandang Bulag. Naglakad sila nang mabilis, patungo sa masukal na kagubatan kung saan nandoon ang resthouse nang Matandang Bulag.

NARRATOR’S POV

“May isang mapayapang kahulugan sa resthouse na nababalutan nang willow o mga palumpong mula sa mga puno sa gitna ng kagubatan. Ito ay isang malaking bilog na istruktura na gawa sa kahoy at ginawa ng isang bulag. Siya mismo ang nagbuo ng istrukturang ito gamit ang simpleng mga kasangkapan at matatag na determinasyon. Ang mga pader ng resthouse ay napalaman ng mga simbolo at mga salitang dinisenyo rin ng matandang bulag. Ang mga simbolo ay naglalarawan ng mga hayop at halaman, ang apat na direksyon, at ang siklo ng buhay. Gayunpaman, ang mga salitang ito ay nagmula sa kalooban ng matandang bulag. Ito ang mga kuwento ng kanyang mga pagsubok, tagumpay, at mga naabot na mga gawain.

Sa isang bahagi ng resthouse, mayroong isang maliit na hardin na puno ng mga halamang gamot at mga halaman. Mahilig sa pagtatanim ang matandang bulag, at inuukol niya ang maraming oras sa pag-aalaga ng mga halaman — isang patuloy na paalala ng kanyang layunin. Sa loob ng resthouse, nilikha ng lalaki ang isang kaaya-ayang espasyo. May maayos na kama na nakahimlay nang maayos sa isang sulok, may kulay na mga tapete na inilatag sa sahig, at isang simpleng lugar para sa pagluluto kung saan maaaring maghanda ng simpleng pagkain. Sa bawat sulok ay mayroong mga munting bagay at dekorasyon — mga paalala ng mga masasayang sandali at kalokohan.

Kahit na simple lamang ang resthouse, ito ay nakakapag-anyaya at nagbibigay-init, na nagpaparamdam sa sinumang pumasok na tulad na nasa sariling tahanan. Ito ay isang lihim na lugar, isang paraan ng pagtakas mula sa araw-araw na kaguluhan at ingay, at isang paalala ng tapang at lakas ng loob ng lalaki.”

Balik sa kanila

Naabutan na sila nang umaga nang makarating na sila sa bahay nang matandang Bulag sa gitna nang kagubatan. “We are here,” ang sabi ng matandang bulag sa kanila. Namangha sina Diego, Layla, at ang mga magulang ni Layla na sina Aling Marites at Tatay Berting sa nakikita nilang bahay ng matandang bulag.

“Ang ganda, Layla, parang nasa pelikula ako tulad ng The Hobbit,” sabi ni Diego sa kanyang reaksiyon.

“Oo nga, Diego,” tugon ni Layla sa kanya.

“Napakasimple ngunit napakaganda ng bahay na ito,” reaksiyon naman ni Aling Marites.

“Oo nga, Marites,” sagot ni Tatay Berting, ang kanyang asawa.

Sa harap nila, kinuha ng Matandang Bulag ang isang bagay mula sa tabi ng pinto at saka kumuha ng susi upang buksan ito. Binuksan ng matandang bulag ang pinto at ipinapasok muna sina Diego, Layla, Tatay Berting, at Aling Marites. Sa huli, pumasok ang Matandang Bulag sa kanyang resthouse at bumati sa kanila, “Ladies and Gentlemen, malugod kong inaanyayahan kayo sa aking tahanan.” Pagkatapos ay isinara niya ang pinto.

Nasa loob na sila, nagkasama-sama silang Diego at mag-anak na sina Layla at mga magulang niya kasama ang Matandang Bulag. Ang mga mata ng matandang bulag ay hindi man nakakakita, ngunit ang kanyang mga salita at kilos ay nagpapahiwatig ng malalim na katalinuhan at kapangyarihan.

“Nararapat na ipagsanggalang natin ang inyong buhay mula sa mga masasamang kamay,” sabi ng Matandang Bulag.

Ngunit hindi pa rin maintindihan nila kung bakit sila ang nailigtas ng Matandang Bulag upang tulungan. “Manong, bakit kami? Ano ang mayroon sa amin na nagtutulak sa inyo na iligtas kami?” tanong niya.

Pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan, sinagot siya ng Matandang Bulag nang may seryosong tono sa kanyang salita, “dahil patuloy akong minulto ng bangungot na hindi ko maalala, lagi kong naririnig ang mga bulong ng mga taong gustong tumulong sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ako makatulog nang maayos dahil sa bangungot na ito. Bukod pa roon, hindi ko rin maalala kung sino ako at ano ang nangyari sa akin mula noong may nakakita sa akin sa dalampasigan.” Sinabi niya habang nakikinig sina Diego, Layla, Aling Marites, at Tatay Berting.

Nagulat at nahiwagaan ang mga ito sa mga sinasabi ng matandang bulag. Patuloy siya sa pagpapaliwanag, “Sa aking mga panaginip, nalulunod ako sa kalituhan, nakatayo ako, nakatingala sa mga boses ng mga tao na nagbubulungan. Naririnig ko ang mga sigaw na parang nasa gitna ng trahedya. Ang mga tao’y humihingi ng tulong sa akin at may mga taong… Ahh! I can’t remember” sabi niya habang humampas sa pamamagitan nang kanyang kamao sa lamesa, naguguluhan sa mga pangyayari sa kanyang panaginip na hindi niya maunawaan.

“Paumanhin po, manong, ngunit hindi ko po lubos na nauunawaan ang inyong paliwanag. Iniligtas niyo po kami mula sa panganib, ngunit ang nais po naming malaman ay kung bakit niyo kami iniligtas at kung paano niyo nalalaman na kami ay nasa itim na van dahil sa pang-aagaw ng mga bodyguard ng stepmother ni Diego?” muling nagtanong si Layla sa Matandang Bulag dahil hindi niya maunawaan ang mga nangyayari.

“Dahil mayroong isang bagay na nakalimutan ko noong nakasama kita papunta sa palengke kahapon, binibini,” tugon ng Matandang Bulag kay Layla. Sa gayon, naalala niya ang nawawalang panyo at payong na naiwan mula sa matandang bulag. “Naku, pasensya na po, manong, ngunit nangyari na pong nasunog ang mga ito sa sunog na idinulot ng mga bodyguard,” sabi ni Layla at humingi ng paumanhin sa Matandang Bulag.

“Walang problema ‘yon, binibini. Marahil ay sinadya ng Maykapal na makalimutan ko ang mga ito upang maisalba kayo. Ngunit bago ko kayo iligtas, narinig ko ang iyong tinig habang ako’y natutulog. Humingi ka ng tulong sa akin,” paliwanag ng Matandang Bulag sa kanya. Labis na ikinatuwa ni Layla ang sagot mula sa Matandang Bulag.

“Maraming-maraming salamat po sa inyo, Manong,” pasasalamat ni Layla sa Matandang Bulag.

“Kami rin po, maraming salamat ulit,” sabay-sabay na sabi nina Diego at ng mga magulang ni Layla.

“Mawalang galang napo sa inyo, Manong. Maaari mo bang malaman namin kung ano ang pangalan ninyo?” tanong ni Tatay Berting sa Matandang Bulag. Lumingon sa kanya ang Matandang bulag pero bigla ito nalungkot ang mukha nang Matandang Bulag.

Sabi niya, “Pasensya napo pero hindi ko masasagot kung ano ang pangalan ko. Sa maniwala po kayo o sa hindi ay hinahanap ko parin ang sarili ko dito sa mundo.” Sagot nang matanda kay Tatay Berting.

“Kung gano’n, may sinabi ka kanina na nakita ka sa dalampasigan, tama po ba?” sagot ni Diego sa Matandang Bulag. Tumango ang matanda sa kanya.

“Sino ba ang nakakita sa inyo sa dalampasigan, Manong?” tanong naman ni Aling Marites sa matandang bulag.

“Ang mga mangingisda ang nakakita sa akin, Ginang,” sagot ng Matandang Bulag sa kanya. Nagulat sila sa sagot ng matanda.

“Bakit may nangyari po nang hindi maganda sa inyo, Manong?” tanong ni Layla sa kanya.

“Natagpuan nila ako nang walang malay, habang ako’y duguan, lalo na ang aking mata,” sagot ng Matandang Bulag sa kanila. Mas lalo silang nagulat sa sinapit ng Matandang Bulag.

“Ano?! Pe… pero paano?” tanong ni Diego habang nagulat at nauutal dahil sa reaksyon niya sa matandang bulag.

“Yan ang hindi ko maalala, Ginoo. Dahil nawala ang aking alaala,” sagot niya sa kanila.

“May amnesia ka, Manong,” sabi ni Diego sa matandang bulag, at nakangiti ito sa kanya. Tumayo bigla ang matandang bulag sa kanila, pagkatapos ay nagsalita ito.

“Bueno, hanggang dito nalang muna ang ating usapan dahil gusto ko munang magpahinga. May mga kuwarto diyan, pwede kayo pumili kung ano ang gusto ninyo,” sabi nang mahinahon sa kanila.

“Sige po, Manong. Maraming salamat,” sabay-sabay nilang sabi at natuwa sa sinabi nang Matandang Bulag na tumulong sa kanila.

Pagkalipas ng ilang minuto, nakarating na sila sa mga napiling kuwarto. Simple lang ang disenyo ng mga silid na katulad ng karaniwang makikita sa mga beach resort. Malinis at maaliwalas ang mga ito. May mga kama, kumot, at unan na kulay puti na tila hindi pa nagagamit. May mga maliit na bintana na nagbibigay ng sapat na liwanag mula sa labas. Ang mga kurtina ay manipis at humahabi ng mga sinag ng araw na naglalaro sa loob ng silid. Ang mga kama ay mahahaba at malambot, handa na upang magbigay ng kaginhawahan at pahinga sa mga pagod na katawan. Ang mga kumot na puti ay mabango at malinis, naghihintay na salubungin ang mga natutulog na bisita. Napapaligiran ng katahimikan ang bawat kuwarto, na nagbibigay ng kalma at kapayapaan. Ang mga dingding ay may mga simpleng dekorasyon na nagbibigay ng tamang halaga ng mga pampalubag-loob at kalasag mula sa labas na mundo.

“Ang gaan ng pakiramdam ko dito sa kuwartong pinili ko, kahit na simple lang.” reaksyon ni Diego habang nasa loob ng kuwarto na napili niya. Isinara niya ang pinto at naglakad patungo sa kama. Humiga siya roon at tumingala sa kisame. Patuloy pa rin niyang iniisip ang Matandang Bulag na nagtulong sa kanila. Ang misteryo ng pagkatao ng Matandang Bulag ay nananatili sa kanyang isipan.

Habang nasa loob ng kuwarto, naglalakbay ang isipan ni Diego sa mga pangyayari at mga natuklasan nila sa matandang bulag. Nagpapasalamat siya sa tulong na ibinigay ng matanda at sa kakaibang lakas at tapang nito sa kabila ng kanyang kapansanan. Tumatak sa kanyang isip ang mga salita ng matandang bulag tungkol sa bangungot, ang mga bulong ng mga taong gustong tumulong sa kanya, at ang kahalagahan ng kanyang pagkakamulat sa dalampasigan. Hindi niya malaman kung ano ang nagdulot ng amnesia sa matanda, ngunit napagtanto niya na may malalim at espesyal na kahulugan ang lahat ng ito.

Sa kabilang banda, naghihintay ng kaunting pahinga si Layla sa kanyang sariling kuwarto. Inilatag niya ang kanyang mga gamit at naglukot sa kama, nagpapahiwatig ng kahandaan para sa sapat na pahinga. Ngunit ang kanyang isipan ay puno ng katanungan tungkol sa matandang bulag at ang misteryo na bumalot sa kanyang pagkatao.

“Manong, sino ka ba talaga?” tanong niya habang nakahiga sa kama.

Sa isang kwarto malapit sa kanila, nararamdaman naman ang mga magulang ni Layla na sina Tatay Berting at Aling Marites ang kaluwagan at katahimikan na naghatid sa kanila ng kapayapaan at kasiyahan. Nagtatalo sila sa pagpili kung saan sila uupo at nagtawanan nang bahagya, nagpapakita ng pag-aasam na bumuo ng mga masayang alaala sa kanilang pagbisita sa resthouse ng matandang bulag.

Kay Matandang Bulag

Nasa loob ng kanyang espasyo ang Matandang Bulag, kasama ang kanyang malawak na kuwarto. Nakatayo siya malapit sa pintuan, at isinara niya ito bago itabi ang kanyang sandata, ang espada niyang ginagamit sa Fencing, sa tabi. Isinabit niya ang kanyang round hat sa pader at tinanggal niya ang kanyang trench coat at polo shirt. Malinaw na makikita ang kanyang katawan na may mga abs, mga galos, at mga peklat sa kanyang balat. Matapos tanggalin ang kanyang mga kasuotan, lumapit ang Matandang Bulag sa isang malapad na salamin na nakaharap sa kanya kahit hindi niya makikita ang sarili niya. Tahimik siyang tumingin sa kanyang sarili, nagmamasid sa bawat marka at bakas ng kanyang mga karanasan. Nakita niya ang mga alaala ng mga laban at pagsubok na kanyang pinagdaanan.

Nang maramdaman niya ang malamig na simoy ng hangin na pumapasok sa kwarto, naglakad siya patungo sa malaking bintana. Nagbukas siya ng bahagya ang mga guhit na nakakabit sa bintana, nagpapahintulot ng maliwanag na liwanag mula sa labas. Sa ibabaw ng malapad na windowsill, nakatayo siya, nagmamasid sa malawak at nagagandahang mga puno sa tanawin ng kalikasan.

“Hmmm…” maikling sabi niya habang nakaharap sa bintana.

“Who Am I?” dagdag pa niya.

Pero nagpasalamat siya sa buong kalikasan at sa mga salaysay ng kanyang mga labi na nais ibahagi sa mga naliligaw. Hindi man siya buo sa mga alaala at karanasan, patuloy niyang hahanapin ang kanyang kahulugan at patutunguhan.

Muli niyang binalik ang alaala kung saang natagpuan siya nang mangingisda

Kaninang umaga, sa dalampasigan ng isla ng Burias sa lalawigan ng Masbate, may mga grupo ng mangingisda na nag-aalok ng kanilang mga ilaw upang maglayag sa karagatan at manghuli ng isda. Isa sa mga mangingisda ang napansin ang isang taong nakahandusay malapit sa alon, tila walang malay at sadyang duguan ang kanyang anyo, lalo na ang kanyang mga mata. Tumutulo ang dugo mula sa mga mata ng matanda.

Agad na nagmadali ang grupo ng mga mangingisda papunta sa taong nakahandusay sa buhangin. Dahan-dahan nilang inangat ang matanda at dinala sa kanilang bangka. Nababalutan ng kaba at pangamba ang mga mukha nila habang pinagmamasdan ang malubhang kalagayan ng taong ito.

“Ano kaya ang nangyari sa kanya? Bakit siya duguan at nakahandusay sa dalampasigan?” bulong ng isa sa mga mangingisda.

Agad na ipinahayag ng grupo ang kanilang malasakit at pag-alala sa matandang lalaki. Nagsimula silang magplano kung paano nila ito mabibigyan ng agarang tulong. Nang sumakay na sila sa bangka, agad na pinagsabihan ang iba pang mangingisda na ibalita ang pangyayari at humingi ng tulong mula sa kahaliling barangay. Sa mabilis na pagkilos ng grupo, naabot nila ang kalapit na barangay sa loob ng maikling panahon. Dinala nila ang matandang lalaki sa pinakamalapit na klinika para mabigyan ng agarang lunas ang kanyang mga sugat at masuri ang kalagayan ng kanyang paningin.

Sa pagdating sa klinika, sinuri ng babaeng doktor ang mga sugat ng matanda at ipinatong sa kanya ang nararapat na pangangalaga. Habang pinag-aaralan ang kanyang mga mata, naghatid ang mga mangingisda ng impormasyon sa babaeng doktor patungkol sa napansing pangyayari sa dalampasigan.

“Ano nangyari sa kanya?” tanong nang babaeng doktor sa mga manginigisda.

“Nakita po namin siya sa dalampasigan na duguan at nakahandusay. Hindi namin po alam kung ano ang nangyari sa kanya. Akala namin patay na siya pero buhay pala at walang malay,” salaysay ng isang mangingisda sa babaeng doktor.

“Okay, ako na po ang bahala dito. Maraming salamat sa inyo,” sabi ng babaeng doktor sa kanila.

“Maraming salamat po, dok. Maaari na po kami umalis,” tugon ng isang mangingisda.

“Sige.” sagot nang babaeng doktor.

Nang umalis ang mga mangingisda, natira na lang ang babaeng doktor at ang natagpuang matandang duguan sa dalampasigan. Binantayan ng babaeng doktor ang matanda at siniguradong malayo ito sa panganib. Dahan-dahan niyang nilinis ang sugat sa mata ng matanda at binigyan ito ng unang tulong. Habang ginagawa ang mga ito, nag-aalala ang babaeng doktor sa kondisyon ng matanda at nagtataka kung ano ang nangyari sa kanya.

Sa mga oras na lumipas, unti-unti nang bumubuti ang kalagayan ng matanda. Nang magising ito, tila naguluhan.

“Nasaan ako? Bakit ako nandito? Bakit wala akong makita?” tanong niya habang wala siyang makita at naguluhan.

“Nandito ka sa aking klinika, ginoo.” sagot nang babaeng doktor sa kanya.

“Bakit wala akong makita? Ano ang nangyari sa akin? Aray!” tanong niya habang gumagalaw at biglang naramdaman ang sakit sa katawan.

“Paumanhin, ngunit kailangan kong masuri kayo ng maayos. Nakalulungkot, ngunit kahit hindi niyo ako patawarin, nasugatan nang malubha ang inyong mga mata at hindi na ito maaaring gumaling.” sagot ng babaeng doktor sa kanya.

“Ano?! Huwag mong sabihin sa akin iyan!” tugon ng matandang bulag.

“Nakakapagpatawad po kayo, ngunit iyan na lang ang katotohanan na maipapahayag ko.” sagot ng babaeng doktor.

“Hindi! Huhuhu!” labis nalungkot at nagluksa ang matandang lalaki sa sinapit niya. Hinayaan nalang nang doktor ang ilabas nang matandang lalaki ang nararamdaman niya.

“Naiintindihan ko po ang inyong lungkot. Hayaan niyo na lamang pong ilabas ang inyong nararamdaman,” sabi ng babaeng doktor habang pinapayagan ang matandang lalaki na magluksa.

Tinanong ng doktor ang matandang lalaki kung saan siya galing at kung may maalala ba siya sa mga nangyari sa kanya.

“Taga saan po kayo manong?” tanong nang babaeng doktor sa matanda. Ngunit wala pa rin itong malinaw na sagot.

“Huwag po kayong mag-alala, maaalala rin ninyo ang lahat. Ako po ay nandito para tulungan kayo,” sabi ng babaeng doktor nang may pag-asa sa boses.

“Sa katunayan, ako po ay si Roxanne Diaz, isang doktor dito sa bayan ng Masbate,” sabi ni Roxanne habang nagpapakilala sa matandang bulag.

Si Roxanne Diaz ay isang magandang babae na may edad na 30 taon. May morena siyang kulay ng balat at mahabang buhok na may pagka-curly. Ang kanyang pangangatawan ay may magandang hugis at angka na parang mala-Coca-Cola.

Kahit na nagpakilala na si Roxanne sa matandang lalaki na pasyente niya, nanatiling malungkot pa rin ang matanda. Matapos ang ilang oras, nakatulog na siya.

“Hay… patawarin niyo po ako, manong,” sabi ni Roxanne habang tinitingnan niya ang matandang nagpapahinga sa kama sa loob ng kanyang klinika.

Sa mga susunod na araw, patuloy na binabantayan at inaalagaan ni Roxanne ang matandang lalaki. Ginamit niya ang lahat ng kaalaman at kakayahan upang matulungan itong bumalik sa normal na kalagayan. Sa tuwing mayroong pagkakataon, sinasabi ni Roxanne sa matandang bulag ang mga naging tagapagtanggol nito, ang mga mangingisda na nagligtas sa kanya at nagdala sa kanya sa kanyang pangangalaga.

“Ganun po ba, ano po pangalan ninyo doktora? Pasensya na sa nagdaang araw lubos ko kasi inaalala ang aking sarili.” sabi nang matandang bulag kay Roxanne.

“Oo, maong. Buti nalang ay dinala ka nila dito kung hindi baka namatay kana sa pagkaubos nang dugo. ” sagot ni Roxanne sa matanda.

“Roxanne po, Roxanne Diaz ang pangalan ko, manong,” dagdag pa ni Roxanne sa sagot para sa matandang bulag.

“Ah, Roxanne Diaz pala ang pangalan mo. Pasensya na kung hindi ko natandaan. Maraming salamat sa iyo at sa mga taong nagdala sa akin dito. Malaking tulong ang ginawa ninyo para sa akin,” sabi ng matandang bulag.

“Walang anuman, manong. Ito ang tungkulin ko bilang isang doktor, ang alagaan at tulungan ang mga pasyente ko. Kailangan lang nating gawin ang ating makakaya para sa inyong kalusugan,” sabi ni Roxanne nang may pagkamabait.

Tahimik na umupo ang matandang bulag, nagpapasalamat sa kalinga at tulong na ibinigay ni Roxanne. Sa pamamagitan ng maayos na pakikipag-usap at pag-aalaga, unti-unti niyang nararamdaman ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tulong mula sa isang propesyonal na katulad ni Roxanne.

Tuloy ang pag-uusap ni Roxanne at ng matandang bulag habang ito ay nakasandal sa headboard ng kama sa loob ng klinika.

“Manong, ano po ang pangalan ninyo? Mayroon pa po ba kayong maalala?” tanong ni Roxanne kay Matandang Bulag.

“Hindi ko po talaga masagot ang tanong ninyo, Binibining Roxanne. Wala po akong maalala sa aking pangalan at pati na rin sa mga nangyari sa akin,” sagot ni Matandang Bulag.

“Kung ganun po, nagka amnesia ka manong base sa aking pagsusuri.” Sabi ni Roxanne sa matandang bulag. Nakangiti ito sa kanya pero nalungkot. Muli itong nagsabi sa kanya.

“Ang tanging alam ko lamang ay ang pagkakaroon ko ng mga tagpong malabo at pagkawala ng aking alaala,” dagdag pa ng matandang bulag.

“Naiintindihan ko po ang inyong nararamdaman, manong. Subalit huwag po kayong mawalan ng pag-asa. Maaaring magkaroon tayo ng mga hakbang upang makahanap ng mga sagot at mabigyan ng solusyon ang inyong sitwasyon. Ipagdarasal ko po na matulungan kayo at maibalik ang inyong alaala,” sabi ni Roxanne nang may pag-asa sa kanyang tinig.

Sa bawat araw na lumilipas, unti-unti nang gumagaling matandang lalaki maliban sa kanyang dalawang mata.

“Manong, tatanggalin ko na po ang nakabalot na bandage sa inyong mata,” pahayag ni Roxanne sa matandang lalaki.

“Sige po, Binibining Roxanne,” tugon ng matandang lalaki.

Sinimulan ni Roxanne nang dahan-dahan ang pagtanggal ng nakabalot na bandage sa mata ng matanda. Matapos niyang tanggalin ito, nakapikit ang dalawang mata ng matandang lalaki.

“Kumusta po ang inyong kalagayan, manong?” tanong muli ni Roxanne sa matanda.

“Mabuti naman po, Roxanne, pero ang aking mata…” sagot ng matanda na may halong lungkot.

“Nagpapakumbaba po ako, manong, wala na po akong magagawa,” sabi ni Roxanne na nagpapakumbaba rin.

“Okay lang po, binibini, kakayanin ko ito,” sagot ng matanda sa kanya. Biglang bumangon ang matanda mula sa kanyang kama at tumayo. Nangharap kay Roxanne ang matipunong katawan ng matandang lalaki. Kahit matanda na ito, hindi maikakaila ang lakas na taglay ng kanyang katawan, may mga peklat ito sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Nakasuot lamang ng shorts ang matanda.

Nabigla at namangha si Roxanne sa taglay ng matandang bulag. “Ah, uh, manong, pakunti-kunti lang po. Bigla po kasi kayong tumayo, hehehe,” nangingiti ng nauutal si Roxanne habang namamangha sa matandang bulag.

Napangiti rin ang matandang lalaki sa reaksiyon ni Roxanne. Tahimik silang nagtitinginan ng ilang sandali hanggang sa muling magsalita si Roxanne.

“Manong, mayroon po akong ideya kung paano baka tayo makahanap ng mga impormasyon tungkol sa inyo. May isang doktor sa Maynila na espesyalista sa mga kaso tulad sa inyo. Baka pwede ko po kayo dalhin doon para mabigyan kayo ng tamang pagsusuri at pag-aaruga,” sabi ni Roxanne na puno ng pag-asa.

Nag-isip ang matandang lalaki ng ilang sandali. Sa kabila ng takot at kawalan ng mga alaala, naramdaman niya ang taimtim na hangarin na mahanap ang mga kasagutan sa kanyang kalagayan. Ngunit ay itinanggi niya ang alok ni Roxanne.

“Roxanne, maraming salamat sa iyong malasakit. Kahit hindi ko maalaala ang aking pangalan, nararamdaman ko ang iyong kabutihan. Ngunit hindi na kailangan dahil kaya ko na. Hindi ko alam kung bakit, pero nakakaramdam ako ng iyong presensya sa paligid. Nakakarinig rin ako ng mahihinang boses, tinig, o kahit ano pa,” sagot ng matandang lalaki na puno ng pasasalamat at pagtataka sa kanyang sarili. Nagtataka rin si Roxanne, kaya nagtanong siya.

“Manong, nararamdaman niyo ba talaga ako kahit nasa likod ako?” tanong niya.

“Oo, Binibining Roxanne, kahit anumang kilos mo, nararamdaman ko ito,” sagot ng matanda sa kanya. Nagulat at nagtaka si Roxanne sa sinabi ng matanda.

“Nakakamangha at nakakapagtaka, Manong. Ito ang unang pagkakataon na mayroon akong pasyente tulad mo,” sabi ni Roxanne na namangha sa matandang bulag.

Ilang buwang lumipas ay umalis na ang matandang bulag sa klinika ni Roxanne

Nagdaan ang ilang buwan at naka-alis na ang matandang bulag mula sa klinika ni Roxanne. Si Roxanne ay abala sa paggamot sa kanyang mga pasyente sa kanyang klinika.

Biglang may pumasok sa klinika ang lalakeng may suot na mamahaling alahas, naka-polo shirt ito na may summer attire, maong na pantalon at may dala itong baril nakasabit sa gilid niya. Tumingin ang ilang mga pasyente habang siya’y naglalakad patungo sa mesa ni Roxanne, na abala sa pag-nguya ng bubble gum.

“Hello lady, how are you?” bati niya sabay dinura ang nginungutya niyang bubble gum sa loob nang klinika ni Roxanne. Napabuntong hininga at nababastosan si Roxanne sa asal nang lalakeng kilala niya.

“Okay lang naman ako, pero sana huwag niyo akong abalahin dahil abala ako sa paggagamot sa aking mga pasyente, Noel,” sabi ni Roxanne habang nagkukunwaring hindi na nasiyahan sa mga sinabi ni Noel. Nakikita sa kanyang mukha ang pagkalungkot at pagkadismaya, lalo na sa presensya ni Noel.

“Kung gusto mo talaga, Noel, maaari kang maghanap ng ibang doktor. Hindi naman ako ang tanging opsyon mo,” dagdag niya, pinipilit na manatiling professional sa kabila ng yabang ni Noel. Nagpatuloy pa rin ang tawanan ng mga kasama ni Noel, na tila hindi nahihiyang ipakita ang kanilang kabastusan.

Si Noel, na mas kilala bilang “Greedy” Quizon, ay dumating bilang pasyente ni Roxanne ilang araw matapos ang pag-alis ng matandang bulag sa kanilang bayan. Nalulungkot si Roxanne dahil natuklasan niya ang hindi magandang asal ni Noel, kahit inaasahan niya na magiging mabait itong pasyente. Sobrang kayabangan at pagmamataas ang palaging ipinapakita ni Noel, na kung saan hindi ito nagpapakita ng respeto sa iba.

“Tinyo, bigyan niyo ako nang sigarilyo nababagot ako dito sa klinika.” tugon ni Noel sa kasama niyang si Tinyo.

“Masusunod po boss Noel.” sabi ni Tinyo habang kumuha ng sigarilyo sa kahon niya at ibinigay kay Noel. Kinuha ni Noel ang kanyang posporo sa bulsa pagkatapos ay sinindihan niya ang sigarilyo. Mas lalo naiinis si Roxanne sa ginagawa ni Noel dahil naninigarilyo siya sa loob ng kanyang klinika kaya nagalit siya. Napuno ng galit ang mukha ni Roxanne dahil sa hindi magandang pag-uugali ni Noel.

“Ang bastos niyo talaga Noel, dito pa sa loob nang aking klinika!” Galit na sabi ni Roxanne habang nilapitan niya si Noel pagkatapos ay kinuha niya ang sigarilyong sinindihan ni Noel at itinapon sa labas nang kanyang klinika. Hindi naman pumalag si Noel sa ginawa ni Roxanne. Inaasar nanaman niya si Roxanne.

“Sandali, sandali, Roxanne, sana huwag ganun, baka masira ang iyong magandang mukha, di ba kasama?” pang-aasar ni Noel kay Roxanne. Nagbuga pa siya ng usok sa harap nila.

“Hahaha!” tawanan ng mga kasama ni Noel.

“Alam mo, Roxanne, tayo ay bagay na bagay, pwede kitang tulungan sa trabaho kung sumama ka sa akin. Hehehe,” sabi ni Noel habang hinahawakan ang magandang mukha ni Roxanne, habang si Roxanne ay galit pa rin sa pang-aasar ni Noel sa kanya. Inalis ni Roxanne ang kamay ni Noel sa mukha niya.

“Kung para lang asarin ako ang dahilan kung bakit ka nandito, mas mabuti pang umalis kayo dahil sinisira ninyo ang aking araw!” Galit na sinabi ni Roxanne kay Noel.

Muling hinawakan ni Noel ang mukha ni Roxanne, at saka ito hinimas pababa patungo sa balikat. Bigla niyang sinunggaban at hinalikan sa labi si Roxanne. Dahil dito, malakas na sinampal ni Roxanne si Noel at sinipa ang kanyang bayag.

“Aray! Aahh!” sigaw ni Noel habang nakayuko dahil sa sakit na nararamdaman niya sa ginawang iyon ni Roxanne.

“Ang bastos mo! Iyan ang nararapat sa iyo! Umalis ka! Baka magsumbong pa ako sa pulis!” Galit na sabi ni Roxanne.

“Putang ina ka Roxanne!” agad tumayo mula sa pagkakayuko si Noel pagkatapos ay umaksyon ito nang suntok para kay Roxanne. Habang papalapit kay Roxanne ang kamao niya para suntukin si Roxanne pero bigla siyang napatigil dahil sinalo ito nang Matandang Bulag ang kamao niya. Nagulat si Roxanne dahil hindi niya napansin ang pagbabalik ang dating pasyente niyang Matandang Bulag.

“Manong?” Gulat na pagkasabi niya habang nakatuon parin siya sa matandang bulag.

“Nasaan ka ba ngayon, Roxanne? Hindi kita nakikita pero naririnig ko ang boses mo,” sabi ni Matandang Bulag na puno ng pag-aalala.

“Nandito ako, Manong,” sagot ni Roxanne na natatakot dahil sa sitwasyon.