SUGO: Reborn (Kabanata X)

Title: SUGO: Reborn

Author: Celester

Genre: Fantasy, Horror, Adventure, Drama, Erotic, Romance

AUTHOR’S NOTE

“Ang sumusunod na kuwento ay isang gawa ng kathang-isip at hindi nilayon na kunin bilang isang pagmumuni-muni ng mga pangyayari sa totoong buhay o mga indibidwal. Ang anumang pagkakahawig sa mga tunay na tao, buhay o patay, o aktwal na mga pangyayari ay nagkataon lamang. Ang imahinasyon at lisensya ng may-akda ay ginamit sa paglikha ng kuwentong ito.”

KABANATA X: THE ZEPHYR’S EMBRACE: THE ASHEN REBIRTH

NARRATOR’S POV

“Ayon sa mga ninuno ni Church Knight Zobek Netero, na tulad niya rin ay isang Church Knight, nabasa niya ang iba’t ibang reinkarnasyon sa Knight Scroll Journal. Natagpuan niya ang pangalang Julius Aurelius Maximus Netero na isinulat noong 1047 at kasalukuyang nasa archive ng Secret Library sa Vatican. Ito’y naglalarawan ng isang sagradong ritwal ng mga Lambana na tinatawag na “Zephyr’s Embrace: The Ashen Rebirth.”

Ang Zephyr’s Embrace ay isang sagradong ritwal na isinasagawa ng mga Lambana o Fairies, na malalim na nakabatay sa kanilang sinaunang tradisyon at paniniwala. Ito ay isang seremonyal na pagtitipon na ginaganap upang bigyang-pugay at makipag-ugnayan sa pinagsilbihan nilang Diwata o Diyosa. Ang mga Fairy ay nagsasagawa ng magagandang sayaw, marahas na kumikilos sa ritmo ng kanilang sariling musika, na binubuo ng mga kahanga-hangang tugtugin mula sa mga plawta at arpang hudyat. Ang kanilang mga kilos ay tumutulad sa malumanay na paghahalintulad ng mga dahon sa hangin, na sumisimbolo sa kanilang pagkakakonekta sa mga elemento ng kalikasan.

Samakatuwid, ang ‘Zephyr’s Embrace: The Ashen Rebirth’ ay isang sagrado at may saysay na pangalan para sa ritwal na isinasagawa ng mga Lambana upang tipunin ang abo ni Dian Masalanta sa panahon ng mga pangyayari na nagaganap, Ang ‘Necromantic War’ o Digmaang Nigromansya. Ito’y maganda nitong naipapahayag ang kahalagahan ng diyosa at ang pagbabagong-anyo na naganap sa ritwal. Ang pangalan ay epektibong nagpapahayag ng koneksyon ng diyosa sa hangin at nagbibigyang-diin sa kanyang sakripisyo sa harap ng kadiliman. Bukod pa rito, ang “Ashen Rebirth” ay nagpapahiwatig ng pagpapalit at pagpaparangalan sa esensiya ni Dian Masalanta, nagpapahiwatig ng bagong umiral na pagkakaroon at layunin. Sa pangkalahatan, matagumpay nitong ipinapakita ang kahalagahan at kabatiran ng ritwal sa pagtanggap ng mga abo ng Engkantong Liwanag.”

Taong 2004

Nakaranas ng maraming kalungkutan ang mag-asawang sina Marites at Berting Garcia matapos mamatay ang kanilang sanggol na babae. Nasa ospital sila, malungkot na nagluluksa at naghahanda upang magpaalam sa kanya.

“Huhuhu! Anak ko…” sobrang luhaan si Marites habang niyayakap siya ng kanyang asawa na si Berting.

“Masyado akong pinagsisisihan ang nangyari. Ginawa na po namin ang lahat ng aming makakaya,” pagsisiyam niyang sabi ang doktor sa kanila.

Hindi nila alam na mali ang sinabi ng doktor. Makalipas ang ilang oras, dinala ang kanilang sanggol sa morgue upang ihanda para sa libing. Ang embalmer, isang pinagpipitagan at may malawak na karanasan, agad na nagtrabaho sa bangkay ng sanggol na babae. Habang nagsisimula ang embalmer sa proseso ng paglilinis, may nangyaring kakaibang pangyayari.

Isang liwanag ang sumakop sa buong morgue at tila nakatuon ito sa sanggol na babae. Tumigil ang lahat habang ang liwanag ay lalong kumikinang at pumasok sa katawan ng sanggol. Matapos ang ilang sandali, nagsimulang gumalaw ang katawan ng sanggol.

Nabahala, napahilo ang embalmer. Nang magmulat siya, napagtanto niyang buhay ang sanggol na babae.

“Ang sanggol? Kumilos? Kumilos ang sanggol! Kumilos nga!” sabi ng embalmer na lubos na nagulat sa pangyayaring gumalaw ang sanggol sa loob ng morgue.

Nagulat sina Marites at Berting Garcia. “Paano ito nangyari? Ano ang nangyari?”

Sa mga susunod na araw, malalaman nilang ang kanilang anak ay salot ng napakabihirang sakit na tinatawag na neonatal sepsis, na nagresulta sa paghinto ng kanyang puso at sa pagkakaroon ng malamig at walang-buhay na katawan. Ngunit ngayon, dahil sa misteryosong liwanag, nabuhay muli siya.

Nagpasalamat ang mag-asawang Garcia sa anumang kapangyarihan o milagro na nag-ingay sa sandaling iyon at nagpatuloy sa pagpapalaki ng kanilang anak sa abot ng kanilang makakaya, na hindi kailanman nakalimot sa himala na naganap sa morgue noong araw na iyon.

Balik sa kasalukuyan kung saan nakasalubong nilang Lando, Lolo Pedro, Zobek Netero, Diego at pati narin ang mga Bolignok na sina Twilly, Fulgoso at Numba si Layla

“Layla,” sabi ni Lando kay Layla.

“Ahh, Lando?” Nagulat at napatanong si Layla kay Lando. Kinakabahan siya.

“Binibining Layla,” tawag ni Zobek Netero kay Layla.

“Lando, Ginoong Zobek, Diego, at pati sa inyo mga Bolignok, alis muna kami ni Nanay at Tatay. May mahalagang kailangan lang kaming gawin,” pahayag niya sa kanila habang kinakabahan pa rin.

“Layla, sabihin mo nga sa akin, sino ka talaga?” tanong ni Lando kay Layla. Nagulat siya sa tanong ng kanyang crush niya.

“Lando? Ano ang ibig mong sabihin? Ako si Layla Garcia, ang anak nila,” sabi niya na may kasamang kaba at lumingon sa mga magulang niya. Kinakabahan rin ang mga magulang ni Layla.

“Paumanhin po, kailangan naming umalis. Nagmamadali po kami,” pagmamakaawa ni Aling Marites, ang ina ni Layla.

“Sige na po, kailangan na namin umalis,” dagdag ni Tatay Berting, ang ama niya.

Dahil dito, lumapit sina Tatay Berting at Aling Marites kay Layla. Hinaplos nila ang kanyang mga kamay at niyakap ng mahigpit. Nagtataka rin ang tatlong bata na sina Crispin, Bassilyo, at Momoy sa pangyayari.

“Bakit? Ano ang nangyari? Bakit niyo tinatanong si Ate Layla?” tanong ni Crispin sa kanilang Lando, Ginoong Zobek, Diego, Lolo Pedro, at ang mga Bolignok.

Pero nanatili parin nakatayo sina Lando, Lolo Pedro, Zobek Netero at mga Bolignok na sina Twilly, Fulgoso at Numba sa tapat nang pintuan sa resthouse.

“Aw! Aw! Layla, mas mabuti kung sabihin mo sa amin ang totoo kung sino ka talaga. Nararamdaman ko na hindi ka isang karaniwang tao,” sabi ni Fulgoso, ang Asong Bolignok. Lalong kinakabahan si Layla sa pagkakarinig ng tanong ni Fulgoso.

Bigla na lamang humawak ng espada si Zobek Netero at pinuno niya ito nang dalawang kamay ang hawakan bago itinuro ito paitaas at inilapit sa kanyang harap. Nagulat sina Lando sa kilos ng Matandang Bulag na si Zobek Netero.

“Simula nang gumaling ako matapos uminom ng “Elixir of Remembrance”, hindi lamang ang aking alaala ang bumalik kundi pati na rin ang aking pakiramdam na ang kakayahan na ito ay taglay lamang ng mga Church Knight o Paladin.” pahayag ni Church Knight Zobek Netero habang hawak niya ang espadang itinuro paitaas.

“Binibining Layla, ikaw ay napapaloob sa aking Paladin Aura, kaya nararamdaman ko na bukod sa atin, hindi ka isang ordinaryong tao kundi isang Engkantong Liwanag o Light Elf,” dagdag niya. Nagulat si Lando, Lolo Pedro, Diego, ang tatlong bata na sina Crispin, Bassilyo, at Momoy sa pagpapahayag na iyon. Namangha rin ang mga Bolignok na sina Twilly, Fulgoso, at Numba sa pahayag at kakayahan ni Zobek Netero, isang bihasang mandirigma bilang isang Church Knight o Paladin.

“Ano?! Isa kang Engkanto Ate Layla?!” sabay sabi nang mga tatlong bata na sina Crispin, Bassilyo at Momoy na may halong pagkagulat.

“To… to… Totoo ba ang naririnig ko?!” lalo na rin sina Diego at Lolo Pedro.

“Layla?!” ganun din ang reaksyon ni Lando.

Lalong nababahala si Layla sa kanilang sitwasyon kaya wala na siyang magagawa kundi gamitan ang kanyang kapangyarihan.

“Swoooooossshhhh!” Biglang umiihip ang malakas na hangin sa paligid nila. Nagsiliparan ang mga kagamitan kaya gumamit narin ang kapangyarihan si Twilly para protektahan ang mga kasama niya sa loob. Winawasiwas niya ang kanyang mga kamay upang depensahan ang mga nagsiliparang kagamitan papunta sa kanila.

“Napakagulat naman nito, Layla! May natatago kang kapangyarihan? Sinabi mo na ba sa amin ang tunay mong pagkakakilanlan?” sabi ni Lando nang may pagkabahala habang nagtatangkang pigilan ang lakas ng hangin. Kasabay nito, pinuprotektahan din siya nang Bolignok na si Twilly.

“Mga kasama! Kami muna bahala dito! Twilly, Fulgoso protektahan mo sila at umalis kayo rito! Numba, tulungan mo ko rito. ” wika ni Zobek Netero sa kanila habang itinuon na niya ang espada sa direksyon ni Layla.

“Oink! Oink! Masusunond Ginoong Zobek!” pumayag si Numba ang Bolignok na Biik na tulungan ang Church Knight o Paladin na si Zobek Netero.

“Sige po Ginoong Zobek!” sagot naman nilang Twilly at Fulgoso pagkatapos ay tinulungan nilang sina Lando, mga tatlong bata, Lolo Pedro at Diego na umalis sa resthouse. Dali-dali silang tumakbo pagkatapos ay nakalabas sila mula sa loob nang Resthouse.

“Swoooooossshhhh!” Ang malakas na tunog ng bugso ng hangin ay maririnig dahil sa kapangyarihan ni Layla.

“Crash! Bang! Whack!” tinig nang napinsala na resthouse dahil sa tindi nang hangin.

Napapalala ang sitwasyon nasira ang parte nang Resthouse ni Zobek Netero at naglipana sa ere habang si Layla ay umiikot habang naglipad-lipad sa himpapawid, matapos niyang umiikot ay napapalibutan siya ng hangin na tila isang kalasag na nag-aakay sa kanya. Pinoprotektahan rin niya ang kanyang magulang gamit ang kanyang kapangyarihan nang hangin. Nasasaksihan ito nina Lando sa labas.

“LAYLA!” sigaw ni Lando kay Layla habang si Layla ay napalingon sa kanya, nakangiti ito pagkatapos ay lumingon ito muli kay Zobek.

“Bakit po, Manong!? Huhulihin niyo po ba ako!? Ganito rin po ba ang trato niyo sa mga kapwa kong Engkanto na hinahabol ninyo sa loob ng maraming siglo? Base po sa batas ng inyong simbahan,” pahayag ni Layla kay Zobek Netero na may halong pagkagalit. Naririnig ito nina Lando,

“Layla!, Huminahon ka muna, magpapaliwanag ako sa iyo! Noon pa yun noong panahon nang Inquisition!” sigaw niya kay Layla habang si Layla naman ay patuloy na gumamit nang kanyang kapangyarihan nang Hangin. Binuka niya ang kanyang kanang palad at sumulpot ang hanging umiikot sa ibabaw nang palad niya.

NARRATOR’S POV

“Ang “Inquisition” ay tumutukoy sa isang serye ng mga historikal na institusyon at proseso na itinatag ng Simbahang Romano Katoliko noong Middle Ages. Layunin ng Inquisition na labanan ang erehe, matukoy at supilin ang mga paniniwala o kasanayan na itinuturing na salungat sa opisyal na doktrina ng Simbahan. Ito ay naglalaman ng isang sistemang imbestigasyon, pagsisiyasat, at parusa, na kadalasang isinasagawa ng mga espesyal na inquisitor.

Ang pinakakilalang at kilalang yugto ng Inquisition ay ang Spanish Inquisition, na nagsimula noong ika-15 na siglo. Ito ay kinalalagyan ng malupit na mga paraan ng pagsisiyasat, kabilang ang pagpapahirap, at nagresulta sa pag-uusig at pagpapakasakit ng maraming indibidwal na akusado ng erehe o pangkukulam.

Sa pangkalahatan, ang Inquisition ay naglaro ng malaking papel sa pagpapalakas ng mga relihiyoso at panlipunang dynamics noong panahon ng gitnang edad, ngunit ang mga pamamaraan at kasanayan nito ay malawakan nang kinukundena dahil sa kanilang kalupitan at paglabag sa mga karapatang pantao.

Dahil dito, hinding-hindi malilimutan ang mga nilalang katulad nang mga Engkanto, laman lupa at ibang nilalang sa iba’t ibang panig na mundo ang kalupitan na ginagawa sa mga Sundalong taga Simbahan sa Europa.”

Balik sa kanila

“Layla! Huwag mo gawin yan!” sigaw ni Zobek Netero kay Layla habang pinagmasdan ni Zobek kung paano tinipon ang hanging nasa ibabaw nang palad ni Layla. Naging ipo-ipo ito tapos ay inihagis niya patungo kay Zobek Netero.

Nakahanda agad si Church Knight Zobek Netero para isangga ang ipo-ipong papunta sa kanya gamit ang espadang hawak niya.

“Napakalakas ng ipo-ipo na inihagis ni Layla!” reaksyon ni Diego sa ginawa nang kapangyarihang Hangin ni Layla.

“Swooooosssssshhh!” tunong nang bugso nang hangin.

Sabay na sinangga ni Church Knight Zobek Netero ang ipo-ipo gamit ang kanyang espada. Sa pamamagitan ng maayos na paghiwa, nahati niya ito sa dalawa. Nag-alala si Zobek dahil isa sa mga piraso ay papunta sa grupo nina Lando habang ang isa ay patungo sa magulang ni Layla. Upang mabawasan ang pinsalang maaaring idulot nito, gumamit si Numba ng kanyang kapangyarihan nang Time Manipulation.

“Oink! Oink!” biglang huminto ang takbo ng oras, at tanging sina Numba, Zobek Netero, at ang grupo nina Lando ang nakapansin sa kahalintulad na pangyayari. Kasunod nito, nagningning ang mga mata ni Numba habang ini-rewind niya o binabalik ang oras sa mga sandaling nagtapon si Layla ng ipo-ipo.

“Numba?! Ito ba ang kapangyarihan mo ng Time and Space Manipulation?” biglang nagtanong si Diego sa kanya dahil sa kaniyang reaksiyon sa paggamit ng kapangyarihan ni Numba na nakita niya sa unang pagkakataon. Maliban sa nung gumamit nang Agimat ni Kleidos na nakita niya kanina.

“Oink! Oink! Oo, Ginoong Diego,” tugon ni Numba.

“Kamangha-mangha!” sabi ni Diego habang namamangha siya sa abilidad ang ikalabing-isang Bolignok na Biik, si Numba.

Sa tulong ng kapangyarihan ng Time at Space Manipulation, maingat na ibinalik ni Numba ang mga pangyayari sa sandaling itinapon ni Layla ang bugso ng hangin.

“Swooooosssshhh!” Ang tunog ng bugso ng hangin ay muli nitong naglakbay pabalik, at bumalik sa kapangyarihan ni Layla. Ang mga mata ng lahat ay napuno ng pagkamangha habang nakasaksi sila sa kahanga-hangang kakayahan ni Numba. Parang ang oras mismo ay binalik, at ang bugso ng hangin ay nasa kontrol na muli ni Layla.

Hindi mapigilang mahanga nina Lolo Pedro at mga tatlong bata na sina Crispin, Bassilyo at Momoy sa kapangyarihan nang alaga nilang muntik biik na si Numba. “Kahanga-hanga, Numba! Tunay kang may kakaibang biyaya,” bulalas nila, nagpapahalaga sa kahanga-hangang kakayahan ng Bolignok.

“Twilly, ngayon na!” agad na utos ni Numba kay Twilly, ang kanyang kasamang Bolignok, na gamitin ang kapangyarihan ng Telekinesis. Sa sandaling iyon, humawi-hawi si Twilly upang gamitin ang kapangyarihan, at biglang sumulpot mula sa lupa ang mga punong ugat patungo kay Layla.

“Craaaaaaaacccccck!!!” tunog ng pagkabasag ng lupa habang sumibol ang mahabang mga ugat mula sa mga puno patungo kay Layla. Hindi napansin ni Lando na ang kanyang suot na medalyon, ang Agimat ni Kleidos o Kleidos’ Amulet, ay nagliwanag dahil sa paggamit ni Twilly ng Tier 2 na Chlorokinesis para kontrolin ang mga puno at halaman.

“Pasensya ka na, Lando, hindi kita sinabihan kaagad. Gumamit ako ng Tier 2, Elementalist na ako ngayon,” pahayag ni Twilly habang patuloy na ginagamit ang kapangyarihan bilang isang ganap na Elementalist.

“Nagulat ako sa kapangyarihan mo, Twilly! Talagang isang ganap na Elementalist ,” sabi ni Lando, na tuwang-tuwa sa kapangyarihan na ipinamalas ni Twilly.

Nagulat si Layla sa mga pangyayari na yun dahil akala niya ay ang ini-hagis niyang ipo-ipo ay papunta kay Zobek pero napagtanto niya na bumalik pala ang oras dahil kay Numba. Kaya hindi niya napansin na papunta na sa kanya ang mga mahahabang ugat at iginapos siya.

“Ughh! Bitawan niyo ko!” sigaw ni Layla habang nagpupumiglas siya at iginapos siya nang mahigpit sa ere sa pamamagitan nang punong ugat na ginawa ni Twilly.

“Anak!! Huminahon ka muna! Huhuhu!” sigaw nang nanay niyang si Aling Marites habang nangingiyak na ito sa kanilang sitwasyon.

“Anak! Tama na yan!” lalo na rin si Tatay Berting.

“Ate Layla! Tama na po yan!” sigaw rin ang mga tatlong bata na sina Crispin, Bassilyo at Momoy.

Tila hindi naririnig ni Layla ang sigaw nang kanyang magulang at mga bata.

“Ang kapangyarihan mo, Layla! Ito ay katangian ng isang Diwata ng Hangin na tinatawag na Dian Masalanta! Marahil, ikaw ang reinkarnasyon ni Dian Masalanta, Layla!” sigaw ni Zobek Netero kay Layla, na tinawag niyang Dian Masalanta. Lubhang nagulat si Layla sa mga sinasabi ng Matandang Bulag na si Zobek Netero habang siya ay nakagapos sa himpapawid.

“Ano?! Paano mo nalalaman na ako ay isang Diwata?” tanong niya, na may halong galit sa kanyang tinig at nagpupumiglas sa kanyang pagkatali ni Twilly. Ngumiti si Zobek Netero dahil natuklasan niya ang kapangyarihang taglay ni Layla bilang isang Diwata.

“Layla o Dian Masalanta, pabayaan mong ipaliwanag ko sa iyo. Matatandaan mo pa ba ang aking lolo, si Gerolt Lancelot Netero, noong ika-labing-anim na siglo dito sa Pilipinas? Kasama niya ang Banal na Mandirigma na si Jose Dela Cruz, ama ni Lando,” pahayag ni Zobek Netero kay Dian Masalanta, ang Diwata ng Hangin, tungkol sa ninuno ni Zobek na si Gerolt Lancelot Netero, kasama ang Banal na Mandirigma na si Jose Dela Cruz, ama ni Lando.

“Oo.. Natatandaan ko manong.” sagot ni Layla. Mukhang natutuwa si Zobek sa mga sagot ni Layla pero para kay Layla ay hindi siya kumbinsido kaya muli naman siyang nagsalita.

“Hindi ako naniniwala sa inyo. Hindi ibig sabihin na maayos na ang lahat lalo na sa inyo mga alagad nang simbahan, manong. Haaa! Bitawan niyo ko!” giit ni Layla kay Zobek habang nagpupumiglas pa rin siya.

Naririnig ito nina Lando, Lolo Pedro, Diego at mga Bolignok na sina Twilly, Fulgoso at Numba. Dahil dito, pumasok narin sa eksena si Lando upang eh kumbinsi niya si Layla.

“Layla! Totoo po ang sinasabi ni Ginoong Zobek! Diba Twilly, Fulgoso!” sabi ni Lando habang sumagot naman ang Bolignok na sina Twilly at Fulgoso.

“Oo, Ginoong Lando. Layla, sana’y huminahon kana at pakinggan niyo kami ni Lando.” sabi nang Bolignok na Tarsier na si Twilly.

“Aw! Aw! Oo nga Layla. Nagsasabi kami nang totoo.” ganun din ang Asong Bolignok na si Fulgoso

“Sa bodega namin nakaukit ang kasaysayan nang aking Ama na si Jose Dela Cruz tungkol sa mga sinaunang Pilipino na humingi nang tulong sa mga Dayuhang Kastila lalo na ang aking Ama!” pahayag ni Lando kay Layla. Pinagmasdan ni Layla si Lando pagkatapos ay bigla niyang naalala ang lahat kung saan nakipagsanib pwersa sila sa mga dayuhang Kastila upang labanan ang kampon nang kadiliman.

“Oo, Lando. Alam ko ang mga sinasabi ninyo,” sabi ni Layla sa kanila habang unting-unti na siyang huminahon, na nagpapahiwatig ng pagkakakilala niya sa mga pahayag na ibinabato nila.

“Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga salitang sinabi ng Lolo ko tungkol sa pagmamahal ni Jose sa iyo, Diwatang Dian! Kaya’t pinoprotektahan kayo ni Jose mula sa mga inkwistador,” deklara ni Zobek ng buong katangi-tanging pagkabigla.

“Ano?! Ginoong Zobek?” biglang narinig iyon ni Lolo Pedro.

“Ginoong Zobek?! Tama ba ang narinig ko? Minahal ng aking ama si Jose at ikaw, Layla?” puno ng pagkabahala ang tinig ni Lando sa kanyang tanong kay Zobek. Sa saglit na katahimikan, lumingon si Zobek kay Lando at ngumiti, nagpapahiwatig na ang sinabi niya ay totoo—na minahal nga ni Jose ang Diwata nang Hangin na si Dian ilang daang taon na ang nakalipas.

Napaluha si Layla sa mga naririnig niya mula sa Matandang Bulag na si Zobek Netero. Ilang daang taon na ang nakalipas, mahal na mahal pala siya ni Jose, ama ni Lando.

“Anak, please huminahon ka na… huhuhu,” pagmamakaawa ni Aling Marites, ang ina ni Layla. Muling lumingon si Layla sa direksyon ng kanyang mga magulang, at ang kanyang mga luha ay patuloy na tumulo.

Nagsimulang umiyak nang malakas si Layla, parang isang bugso ng kalungkutan “Huhuhuh! Haaaaa!”.

Habang humuhupa na ang hangin na nakapalipot sa kanya, inutusan ni Ginoong Zobek Netero si Twilly na pakawalan si Layla mula sa pagkakahigpit nang ugat na iginapos niya. Kaya winawasiwas ni Twilly ang kamay niya para alisin ang nakagapos kay Layla ang mga punong ugat.

Nang makawala na si Layla ay unti-unti siyang bumaba patungo sa kanyang mga magulang, at nang makababa na siya, agad siyang nilapitan ng kanyang mga magulang at mahigpit na niyakap.

Nang mahigpit na yakapin ng kanyang mga magulang si Layla, unti-unting humupa ang kanyang mga luha. Ang pagmamahal at pag-aalala ng kanyang pamilya ay nagpaparamdam ng kakaibang kahalagahan sa kanyang puso.

“Anak, mahal ka namin. Hindi namin matiis na makitang ikaw ay nasasaktan,” bulong ni Aling Marites sa tenga ni Layla, habang pinupunasan ang kanyang mga luha.

“Tama siya, anak. Mahalaga kang bahagi ng aming pamilya. Hindi ka nag-iisa,” dagdag ni Tatay Berting, habang hawak ang mga kamay ni Layla.

Napapawi ang lungkot sa puso ni Layla habang nararamdaman ang pagmamahal at suporta ng kanyang mga magulang. Hindi niya inakala na sa gitna ng lahat ng ito, marami pa rin ang umaalalay sa kanya.

“Mahal ko rin kayo, Nay, Tay. Pasensya na kung napaiyak ko kayo,” bulong ni Layla, habang yumuyuko at niyakap ng mahigpit ang kanyang mga magulang.

Lumapit narin sina Lando, Diego, Lolo Pedro, Zobek Netero, mga tatlong bata na sina Crispin, Bassilyo at Momoy at pati narin ang mga Bolignok na sina Twilly, Fulgoso at Numba.

“Ah, mawalang galang po sa inyo. Layla, okay ka lang?” tanong ni Lando na may pag-aalala kay Layla.

“Ginoong Lando, Okay lang ako. Pasensya na kayo at sa inyo rin.” humingi nang pasensya si Layla sa kanila.

“Aw! Aw! Walang problema yun Binibining Layla. Di bale kung sinabi mo kanila kung sino ka ay walang problema sa amin yun dahil base sa pang-amoy ko ay hindi ka masamang nilalang.” pahayag ni Fulgoso kay Layla. Nagulat naman si Layla sa sinasabi nang Asong Bolignok na si Fulgoso.

“Yan ba talaga ang kakayahan mo Fulgoso?” tanong ni Layla sa kanya.

“Aw! Aw! Oo, Binibining Layla. Ang kakayahan ko ay pagalingin ang anumang sakit maliban sa mga taong naaksidente, may kakayahan akong malaman ang katotohanan sa pamamagitan ng aking pang-amoy, at ang abilidad na sagutin ang mga tanong tungkol sa aking paligid.” sabi ni Fulgoso kay Layla.

“Nakakamangha ka Fulgoso.” napamangha si Layla kay Fulgoso.

“Ate Layla,” tawag ni Crispin kay Layla.

“Ate Layla, naririnig namin kanina na kayo daw ay isang Diwata na si Dian Masalanta,” sabi ni Crispin kay Layla dahil narinig niya ito kanina. Tumango si Layla kay Crispin.

“Ate Layla, kung ganun totoo pala ang sinasabi ni Father Francisco,” sabi naman ni Bassilyo kay Layla.

“Ano ang ibig mo sabihin, Bassilyo?” tanong ni Twilly kay Bassilyo.

Sinabi ng mga batang pulubi, “Ikaw ay si Maria Makiling o Dian Masalanta, isang Diwata.” Sa simula, inakala nila na si Maria Makiling ay isa lamang alamat, ngunit nagkamali sila dahil kasama na nila ang Diwata na si Dian Masalanta na nagkatawang-tao kay Layla. Mas lalo pang ngumiti si Layla sa kanila.

“Lapit nga kayo rito,” aniya, at lumapit ang mga batang pulubi sa kanya, kaya niyakap silang sabay-sabay ni Layla. Natutuwa naman ang mga Bolignok na sina Twilly, Fulgoso at si Numba. Pati narin ang mga magulang niya sina Aling Marites at Tatay Berting.

“Layla,” bulong ni Lando habang nakangiti siya at pinagmasdan niya si Layla.

“Hahaha! Nakakatuwa ka Ate Layla, akala namin masamang tao ka dahil sa sitwasyon kanina pero nagkakamali kami. Ikaw nga talaga si Maria Makiling.” sabi nang mga batang pulubi kay Layla habang niyakap parin niya at inalis.

“Diwatang Dian, pasensya na kanina.” humingi nang pasensya si Zobek Netero sa Diwata na si Dian Masalanta.

“Manong, pasensya napo dahil nasira ko ang inyong bahay. Pasensya na po talaga kasi nadala lang ako sa emosyon at akala ko ay hindi kayo mapagkakatiwalaan dahil sa karanasan namin.” pahayag ni Dian Masalanta sa katauhan ni Layla sa Church Knight o Paladin na si Zobek Netero.

“Wala kang dapat ipag-alala, Diwatang Dian, dahil kasama natin ang Bolignok na si Numba. Tama ba ako, Numba?” ang sabi ni Zobek Netero kay Layla, pagkatapos ay lumingon siya kay Numba.

“Oink! Oink! Walang problema, Layla, dahil kaya kong ibalik sa ayos ang bahay ni Ginoong Zobek,” ang sagot ni Numba, na nagpapahayag ng kanyang kahusayan.

“Aw! Aw! Magtiwala ka kay Numba, Binibining Layla,” sabi rin ng asong Bolignok na si Fulgoso.

“Numba, ayusin mo na ang bahay ni Ginoong Zobek,” ang utos ng kapwa Bolignok niya na si Twilly.

“Masusunod,” sabi ni Numba. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan sa Time and Space Manipulation upang ayusin ang nasirang bahay ni Zobek. Sa tulong ng kapangyarihan ni Numba, ang Object Restoration, nagningning ang kanyang mga mata habang nakatuon sa mga nasirang istraktura. Lumutang siya at tinipon ang mga ito, inaayos na parang isang laruan na puzzle. Naiayos ni Numba ang Bahay ni Zobek sa madaling panahon. Napanganga at napamangha sila kay Numba sa ginawa niya.

“Grabe ka talaga, munting biik Numba! Dapat ito ay irekord ko sa aking journal,” namangha si Diego sa kakayahan ni Numba.

“Talagang kakaiba ka, Numba,” sambit naman ni Lolo Pedro habang kinakamot ang ulo ni Numba.

“Oink! Oink! Ako pa! Pwedeng-pwede,” ipinagmamalaki ni Numba ang kanyang kahusayan.

“Aw! Aw! Napakagaling mo talaga, Numba,” sabi ni Fulgoso na sobrang tuwang-tuwa kaya kumakawag-kawag ang kanyang buntot.

“Ganyan talaga si Numba, mga kasama,” sabi ni Twilly habang lumulutang sa hangin, patunay na talagang espesyal ang alagang si Numba.

“Siya ay kaibigan namin!” sabay-sabay na sambit ng mga batang paslit na sina Crispin, Bassilyo, at Momoy, na punong-puno ng pagmamahal sa kanilang kaibigang biik na si Numba.

Matapos nang ilang sandali ay naabutan na sila nang tanghali

Nasa hapag-kainan sila, kung saan naghahanda ng tanghalian sina Aling Marites, Tatay Berting, at si Lolo Pedro. Kasama rin sa pagtulong ang mga batang pulubi na sina Crispin, Bassilyo, at Momoy.

“Ang tunay kong pangalan ay Dian Masalanta, at ako ay isang Diwata o Bathala. Ako ang Diwata ng Hangin,” pag-amin ni Layla, na nagpapahayag ng kanyang tunay na pagkakakilanlan bilang isang Diwata.

“Pero, Layla o Dian Masalanta, bakit mo ito itinago sa amin ni Diego? At pareho pa tayo ng klase sa paaralan. Handa kaming protektahan ka at itago ang iyong pagkakakilanlan,” sabi ni Lando, habang sumang-ayon rin si Diego sa sinabi ni Lando, nagpapakita ng suporta nila kay Layla.

“Hindi ko alam. Matagal ko nang tinatago ang sikretong ito, at natatakot ako kung ano ang mangyayari kapag sinabi ko sa sinuman.” sabi ni Layla na may pag-aalala.

“Pero bakit ka matatakot Binibining Layla?” tanong nang Bolignok na Tarsier na si Twilly habang lumutang papunta kay Layla at pumatong ito sa balikat ni Layla.

“Dahil hindi ako sigurado kung paano magre-react ang mga tao. Ayoko na ituring nila akong banta o kakaiba.” sabi niya pero napansin ito ni Fulgoso sa kanya.

“Aw! Aw! Hindi yata iyon ang dahilan kung bakit mo iyon itinatago, Layla. Alam mo na may kakayahan akong malaman kung nagsisinungaling ka o hindi. Baka nakalimutan mo,” sabi ni Fulgoso, ang asong Bolignok, na nagpapahayag ng kanyang kakayahan na malaman ang katotohanan. Kaya nagpahayag narin si Layla ang iba pang dahilan kung bakit tinatago niya ang kanyang katauhan bilang isang Diwata.

“Pasensya na, Fulgoso. Takot kasi ako na malaman ito ng aming mortal na kaaway, ang mga Engkantong Itim, nagbabalik na kasi sila,” sabi ni Layla, habang nagpapaliwanag sa kanila. Nagulat sila sa pag-amin niya.

“Bueno, alam ko ang dahilan kung bakit mortal na magkaaway ang mga Engkantong Itim at Engkantong Liwanag,” sabi ni Church Knight Zobek Netero sa kanila.

“Oink! Oink! Ikuwento mo sa amin, Ginoong Zobek, kung bakit sila mortal na magkaaway ang mga Engkantong Itim at Engkantong Liwanag,” sabi ni Numba, ang Bolignok na biik, na may matinding interes sa kwento ni Zobek.

“Interasado akong makinig, Ginoong Zobek.” pati narin Diego. “Irerekord ko ito sa aking journal.” dagdag pa niya. Nakangiti si Church Knight Zobek Netero sa kanila.

NARRATOR’S POV

“Ayon ni Gerolt Lancelot Netero, ninuno ni Zobek Netero, ang nakasulat sa Knight Scroll Journal na nasa Secret Library sa Vatican. Isinulat ang ninuno niya noong ika-labing anim na siglo tungkol sa Hidwaan nang dalawang lahi nang mga Engkanto o Elves.

The Conflict of Elemental Balance

Ang mga Light Elves at Dark Elves ay matagal nang nasa isang patuloy na digmaan na pinapalakas ng kanilang magkaibang pagkaayon sa mga elemento. Bawat pangkat ng mga Engkanto ay may malalim na koneksyon sa isang partikular na elemento, na bumubuo sa kanilang mga lipunan at kapangyarihan.

Ang mga Light Elves, na kinakatawan ang kaluluwa ng liwanag at kalinisan, ay nakakasabay sa elemento ng Radiance. Kanilangpinapahalagahan ang enerhiya ng araw, ang makahiyang ningning ng buwan, at ang nagbibigay-buhay na kislap na umaagos sa lahat ng bagay. Gamit ang mga kapangyarihang ito, sila ay nagpapalago, nagpapaliwanag, at nagpapanatili ng harmoniya.

Sa kabilang dako, ang mga Dark Elves ay kumukuha ng kanilang lakas mula sa elemento ng Shadows. Sila ay konektado sa mga misteryo ng gabi, sa mahinhing mga bulong ng kadiliman, at sa malalakas na enerhiya na nakatago sa mga kalaliman. Ginagamit nila ang mga pwersang ito upang alamin ang mga nakatagong katotohanan, magkaroon ng shadowy agility, at gamitin ang kapangyarihan ng pagtatago at panlilinlang.

Ang alitan sa pagitan ng mga Light Elves at Dark Elves ay nagmumula sa kanilang magkaibang elemento. Bawat pangkat ay naniniwala na ang kanilang kahusayan sa elemento ay kumakatawan sa tunay na daan ng kaalaman at balanse. Sila ay nagmamalabis sa kapangyarihan ng ibang pangkat, na nagdudulot ng hindi balanseng sitwasyon sa mundo.

Bilang resulta, ang mga Light Elves at Dark Elves ay nag-aaway dahil sa kanilang magkaibang ideolohiya at pananaw sa mga elemento. Bawat pangkat ay nagnanais na magkaroon ng dominasyon, na naniniwala na sa pamamagitan nito ay maaaring ibalik ang balanseng elemento at magdulot ng harmoniya sa kanilang kaharian.

Ang alitang ito ay lalo pang pinapalala ng mga kasaysayang alitan, mga pagkakamali sa pagkaunawa, at ang mga manipulasyon ng mga panlabas na puwersa na nagnanais na gamitin ang pagkakaiba ng mga elfo para sa kanilang sariling kapakanan.

Sa patuloy na digmaan, parehong pangkat ay kinakailangang harapin ang kanilang sariling mga paniwala at matutuhan ang pahalaga ng kalaban na elemento. Tanging sa pamamagitan ng pag-unawa, pagkakasundo, at paghahanap ng paraan upang ibalik ang mahalagang balanse ng mga elemento, maaring magkaroon ng pag-asa na matapos ang matagal nang alitan.”

Sa kasalukuyan, sa utos ng Dark Lord of Demon Necromancers na si Chrollo, ang mga nilalang ng kadiliman ay naghahanap na ng mga Engkantong Liwanag na nabubuhay sa kasalukuyang panahon, partikular na ang Diwata ng Hangin na si Dian Masalanta

“Nasaan na ngayon ang inyong Diwata na si Dian Masalanta?” tanong nang mga kawal na tikbalang sa mag-inang Engkantong Liwanag na pinalilibutan nila sa masukal na kagubatan sa isang lugar sa Antique. Nagulat naman ang mga mag-inang Engkantong Liwanag sa mga tanong ng mga maligno lalo na ang mga tikbalang sa kanila.

“Ano ba ang sinasabi ninyo? Matagal nang wala si Diwatang Masalanta, ilang siglo na ang nakalipas!” sabi nang matandang Engkantong Liwanag habang ang…