SUGO: Reborn (Kabanata XI)

***Pasintabi sa mga mambabasa,

Humihingi po ako ng paumanhin sa pagkaantala ng paglathala ng aking nobela. Nakaranas po ako ng karamdaman na nangailangan ng aking pagpapatingin sa doktor. Salamat po sa inyong pang-unawa at suporta. Pangako ko po na gagawin ko ang lahat para muling magpatuloy sa pagsusulat at maghatid ng kasiyahan sa inyo.

Maraming salamat po sa inyong pasensya.

Lubos na gumagalang,

Celester***

Title: SUGO: Reborn

Author: Celester

Genre: Fantasy, Horror, Adventure, Drama, Erotic, Romance

AUTHOR’S NOTE

“Ang sumusunod na kuwento ay isang gawa ng kathang-isip at hindi nilayon na kunin bilang isang pagmumuni-muni ng mga pangyayari sa totoong buhay o mga indibidwal. Ang anumang pagkakahawig sa mga tunay na tao, buhay o patay, o aktwal na mga pangyayari ay nagkataon lamang. Ang imahinasyon at lisensya ng may-akda ay ginamit sa paglikha ng kuwentong ito.”

KABANATA XI: THE SILVER WARRIOR

NARRATOR’S POV

“Sa gitna ng darating na unos, nagbubunyi ang makapangyarihang mangkukulam, si Berta Magsalang, sa kaalaman sa pagkakaroon ng Diwata ng Hangin. Hindi alam ng ating mga bida, siya ay nagpadala ng kanyang mga uwak sa mga Puwersa ng Kadiliman, nagpapahiwatig na may mas malaking banta ang paparating.

Ngayon ay hinaharap ni Lando ang kanyang una ngunit pinakamabigat na pagsubok. Kailangan niya labanan ang pinakamakayapangyarihang Makukulam na si Berta Magsalang upang iligtas niya ang kanyang mga kasama. Pero hindi pa siya sanay gumamit nang kanyang sandatang nakapaloob sa kanya. Kaya ako’y natatakot na baka higit sa kanyang inaasahan ang kanyang mararanasan na sakit kapag natalo siya sa labanan. Ngunit hindi rin maikakaila ang kanyang matinding determinasyon at katapangan. Suot niya ang medalyon, ang Agimat ni Kleidos at mga armas niyang Combat Cross at Death Scythe. Pero paano? Paano niya ito gawin? Kailangan mo mag-isip Lando. Kailangan mo humanap nang tulong kung paano mo ito gamitin ang iyong sandata!”

Balik tayo sa eksena kung saan natuklasan nila ang malaking bilang na mga uwak na pumasok sa resthouse ni Church Knight Zobek Netero ay isa palang pinakamakapangyarihang mangkukulam na si Berta Magsalang

“Mama Berta?!” Nagulat si Diego sa nakikita niya na ang malaking bilang na uwak na pumasok sa resthouse ni Ginoong Zobek ay ang Stepmother pala niya si Berta Magsalang. Sa unang pagkakataon ay nagimbal lalo si Diego dahil ang kinamumuhian niyang stepmother ay isa palang demonyo ayon kay Fulgoso.

“Ginang Berta?!” lalo na rin si Lando.

“Bakit Lando, Diego nagulat ba kayo sa akin? Hahahah!” halakhak ni Berta Magsalang habang namumula at nagniningning ang kanyang mata dahil sa Demonic Essence ni Chrollo.

“Mag-ingat kayo! That woman is a powerful witch! A Crow Witch!” tugon ni Church Knight Zobek Netero.

“Aba nandito pala ang Knights of Templar. What are you doing here? Courier?” sabi nang Crow Witch na si Berta Magsalang.

“Courier?! Ano ibig mo sabihin?! Mama Berta?! Kaya pala ang sama-sama mo dahil may bahid ka pala ni Satanas!” napasigaw sa galit si Diego sa stepmother niyang si Berta.

“Hinding hindi kita mapapatawad sa ginawa mo nang daddy ko! Haaaa!” Biglang sumugod si Diego sa stepmother niya.

“Diego!!!” Sumigaw rin si Lando sa pagkabahala sa ginawa ni Diego.

“Diego, huwag!” Napasigaw din si Zobek Netero kay Diego, habang ito ay sumusugod kay Berta Magsalang.

Gumamit ng kapangyarihan si Berta Magsalang sa pamamagitan ng paglabas ng mga uwak mula sa kanyang katawan at inilapit ito kay Diego, kanyang stepson.

“Diego!” Lalong sumigaw si Lando, puno ng pag-aalala para sa kanyang matalik na kaibigan.

“Waaaa! Waaa! Haaa!” Hinampas ng mga uwak si Diego dahil sa kapangyarihan ng kanyang stepmother.

“Hahahaa! Kawawa naman ang batang iyan! Bastos!” reaksiyon ni Berta sa kanya, habang kontrolado niya ang mga uwak laban kay Diego, na sa kanyang mga kamay nawalan ng malay at bumagsak sa sahig.

“Diwatang Dian, tulungan mo ako! Pati kayo, mga Bolignok!” utos ni Zobek Netero sa kanila.

“Sige!” sabay-sabay nilang sabi.

“Lando, samahan mo si Pedro, ang mga magulang ni Layla at ang mga bata para makatakas kayo! Bilisan ninyo!” utos ni Zobek Netero sa kanila.

“Ginoong Zobek, tutulong ako!” sagot ni Lando, habang tumutol siya sa utos ni Zobek Netero. Kitang-kita ni Zobek Netero ang determinasyon ni Lando, kaya pumayag na rin siya.

“Pedro, ikaw na ang bahala sa kanila para makatakas!” muli niyang utos kay Lolo Pedro, na sumang-ayon sa kanyang utos.

“Marites, Berting, at kayong mga bata, tara na!” sabi ni Lolo Pedro, at kasabay nilang tumakas.

“Diwatang Dian? Narinig ko ba iyon mula sa iyo, Courier? Hahaha! Ang Light Elf Goddess of the Wind. Mukhang tama nga ang sinasabi ng mga Itim na Engkanto. Tunay nga namang buhay na buhay ang diwata na aking nakikita.” sabi ni Berta Magsalang, na tuwang-tuwa sa balitang buhay na buhay ang Diwata ng Hangin na si Dian Masalanta. Kaya’t binuksan niya ang kaniyang palad at inilabas ang mga uwak na naroon, saka niya binulong upang ipahayag sa mga Kampon ng Kadiliman na natagpuan nila ang Diwata ng Hangin.

Sa nakikita niya, lalong nainis si Church Knight Zobek Netero. Alam niyang iniulat na ni Berta Magsalang sa mga kampon ng kadiliman ang balita tungkol sa pagkabuhay pa ng Diwata ng Hangin na si Dian Masalanta.

“Kamahalang Chrollo, alam na natin ang lokasyon ng Diwata ng Hangin” bulong ni Berta Magsalang, habang hawak niya ang kanyang mga uwak pagkatapos ay pinalipad niya ito upang iulat sa kanilang sa mga kampon nang kadiliman.

Pagkatapos nito, napakalakas ng tawa ni Berta, ngunit sa likod nito, muling bumalik ang seryosong anyo ni Church Knight Zobek Netero.

“Crow Witch Berta Magsalang, what master do you serve? I heard it earlier, your master is Chrollo? Tama ba ang naririnig ko si Chrollo?” tanong na may halong pagkainis na wika ni Zobek habang lalong hinihigpitan ang kanyang hawak na espada at nanginginig.

“Oo, Courier. Ang Aming Panginoon! The Dark Lord of Demon Necromancers,” wika ni Berta kay Zobek.

“Tsk! Tila kayo nga ay nagbabalik!” sabi ni Zobek, saka humalukipkip muna sa kanyang mga kasama.

“Ginoong Zobek, Kilala mo ba ang nabanggit na mangkukulam kanina?” tanong ni Twilly kay Zobek tungkol sa nabanggit ni Berta na pagbabalik ng Demonyo ng mga Necromancer na si Chrollo.

“Oo, Twilly, siya ang sanhi ng Digmaang Nigromansya noong ika-labing-anim na siglo. Hindi nga lubos naming kilala ang Dyablo na iyon. Patuloy itong iniimbestigahan ng aking mga kasamahan sa Knights of Templar,” pahayag ni Zobek kay Twilly.

“Aw! Aw! Malakas ang aking kutob na siya ang lider ng kanilang mga kampon sa kasalukuyang panahon,” dagdag ni Fulgoso, ang Bolignok na Aso sa kanila.

Samantala, pinuntahan ni Lando ang matalik niyang kaibigan na si Diego nang magkamalay na ito.

“Diego, ayos ka ba?” Tanong ni Lando kay Diego, na nasa sahig, nakahiga.

“Hindi… hindi pa ako tapos sa iyo Mama Berta,” sabi ni Diego, habang pinipilit niyang bangonin ang kanyang sarili.

“Diego, huwag munang lumaban. Kailangan ka muna umalis dito. Maaring may higit pang panganib na darating,” payo ni Lando kay Diego.

“Lando, protektahan mo muna si Diego, kami muna bahala dito kay Berta,” sabi ni Zobek.

Sumang-ayon si Lando at nagmadaling tulungan si Diego na tumayo. Ngunit, bago sila nakalayo, muli na namang nag-utos si Berta sa kanyang mga uwak na sugurin sila.

“Caw! Caaw! Caaaaaaaaawww!” huni ng mga uwak habang pasugod sa kanila dahil sa kapangyarihan ng mangkukulam na si Berta.

Agad na kumilos si Zobek. Sa hawak niyang espada, umikot ito sa kanyang kanang kamay, at sinimulan niyang itaboy ang mga uwak na lumilipad papalapit sa kanila. Nabighani sina Lando, mga Bolignok, at si Diwata Dian sa galing ng isang paladino o paladin na si Church Knight Zobek Netero.

“Hmmmph… Hindi maikakaila, napa-impress mo ako, Courier!” anang ni Berta habang pinagmamasdan ang tagumpay ni Zobek laban sa kanyang mga uwak.

“Hah! Iyan lang ba ang kakayahan mo, Crow Witch Berta?” sabi ni Zobek kay Berta.

“Hmmm… Hahaha! Hindi mo pa nakikita ang buong kapangyarihan ko, Courier. Ang ipinakita ko pa lang sa iyo ay katumbas lang ng kapangyarihan ng aking kalingkingan,” pagyayabang ng pinakamakapangyarihang mangkukulam na si Berta. Inikot ni Berta ang kanyang tingin mula sa lugar kung saan naroroon sina Lando at Diego. Pagkatapos, ibinaling naman niya ang kanyang paningin sa direksyon kung saan naroroon sina Diwatang Dian Masalanta at ang mga Bolignok na sina Twilly, Fulgoso, at Numba. Napansin agad ito ni Church Knight Zobek Netero.

“Mag-ingat kayo! May binabalak na masama ang demonyong uwak na ito!” sigaw ni Zobek sa kanyang mga kasama na sina Lando, Diego, Diwatang Dian at mga Bolignok.

Binuhat ni Berta ang kanyang mga kamay sa mga gilid, itinaas niya ang kanyang mga palad at binuka paitaas. Muling siya gumamit ng kanyang kapangyarihan, at sa mga palad niya ay lumabas ang libo-libong mga uwak na tila walang katapusan. Dahil sa napakaraming mga uwak ay dumilim ang kalangitan, ang paligid ay unting-unti nilalamon nang kadiliman dahil pinalibutan nang mga libo-libong uwak.

Samantala, habang patakas sina Lolo Pedro, mga batang sina Crispin, Bassilyo at Momoy, mga magulang ni Layla na sina Aling Marites at Tatay Berting.

“Hah! Ano bang nangyayari?!” biglang sabi ni Lolo Pedro habang sasabak sana sila sa pagtakas.

“Mga uwak!” biglang nasabi ni Aling Marites.

“Ang dami nila, hindi tayo makakatakas, tingnan niyo!” sabi ni Momoy, ang batang nakatingin sa direksyon kung saan sila dumadaan, habang nalulon sila ng libu-libong uwak na nagharang sa kanilang daan.

“Huhuhu! Natatakot na ako, Lolo Pedro, tulungan niyo kami,” nangingiyak sa takot ang batang si Crispin.

Nangyari nga’y napilitan silang huminto sa kanilang pagtakas at nagkakapit-bisig silang lahat, hindi makapaghiwalay.

Balik sa kanila

Matapos huminto ang paglabas ng maraming uwak mula sa mga kamay ni Berta, ang paligid nila ay napuno ng nagliliwanag na mga pulang mata ng libu-libong uwak sa kadiliman, na nagdulot ng liwanag tulad ng mga ilaw. Kasabay nito, kanilang naririnig ang mga walang tigil na huni ng mga uwak.

“Ahh! Anong kahayupan ang ginagawa mo, Mama Berta!” Napasigaw si Diego sa galit habang buong lakas niyang sinisikap na tumayo.

“Nilikha ko ang isang barikadang dome upang hindi kayo makatakas. Hahahaha!” Halakhak ni Crow Witch na si Berta.

“Numba! Gamitin mo ang iyong kapangyarihan!” Biglang utos ni Zobek kay Numba.

“Oink! Oink! Sige.” Tumalon kaagad ang Bolignok na Biik na si Numba upang subukan ang kanyang kapangyarihan, ngunit tila hindi ito gumagana. Muling bumalik siya sa kanyang pwesto at nagpaliwanag.

“Oink! Oink! Ginoong Zobek, hindi ko magamit ang aking kapangyarihan at hindi ko alam kung bakit,” paliwanag ni Numba kay Zobek.

“Ano?!” Nagulat si Ginoong Zobek sa hindi nagtagumpay na kapangyarihan ni Numba.

“Manong, susubukan ko.” biglang sabi ni Diwatang Dian Masalanta, ang Diwata ng Hangin.

Ginamit ni Diwatang Dian ang kanyang kapangyarihan ng hangin, umikot-ikot siya habang pinalipad kahit na nasa gitna sila ng mga uwak. Lumikha siya ng malakas na buhawi upang magpawi sa mga libu-libong uwak na nagpalibot sa kanila. Pero biglang bumagsak sa lupa ang Diwata ng Hangin na si Dian. Nagulat sila lahat sa kanilang nasasaksihan.

“Layla!” napasigaw si Lando kay Layla o Diwatang Dian.

“Diwatang Dian!” pati narin si Zobek.

Kaya pinuntahan agad ito nina Twilly at Fulgoso sa binagsakan nang Diwata ng Hangin na si Layla.

“Binibining Layla! Ayos ka lang?”

“Hah! Haaah! Haaah! Okay lang ako, Twilly. Ang mangkukulam na kaharap natin ay napakalakas,” sabi ni Diwatang Dian habang napapahinga at hingal na hingal dahil sa sakit matapos siyang mahulog mula sa ere.

“Aw! Aw! Grrrrrrrr….. Huwag kayong gumamit ng kapangyarihan,” biglang sabi ni Fulgoso, ang Asong Bolignok.

“Bakit, Fulgoso?” agad na tanong ni Twilly, ang kapwa Bolignok.

“Aw! Aw! Napansin ko na hinahatak niya ang kapangyarihan na ginamit ni Numba at pati na rin ni Binibining Layla o Diwatang Dian, kaya humihina ang kanilang kapangyarihan,” pahayag ni Fulgoso sa kanilang lahat, na nagpalalim pa ng kanilang pagkabahala at nagpapahiwatig na sila ay nasa matinding panganib laban sa pinakamakapangyarihang mangkukulam na si Berta.

“Hahahaha! Tama ka, asong nagsasalita! Dahil napaloob kayo sa aking barikadang dome at inaakap ang Demonic Aura, ito ay lumikha ng Dark Siphoning upang higupin ang inyong kapangyarihan,” pahayag ni Crow Witch na si Berta, puno ng kaligayahan sa tagumpay ng kanyang mga hakbang.

“Tsk!” Nagpatibay pa ng hawak si Zobek sa kanyang espada dahil sa kritikal na sitwasyon na kanilang kinahaharap. Agad na lumapit si Lando kay Zobek Netero, puno ng pangamba at determinasyon.

“Ginoong Zobek! Anong plano natin sa ganitong sitwasyon?” Tanong ni Lando kay Church Knight Zobek Netero.

“Lalaban tayo, Ginoong Lando, anuman ang mangyari. Hindi tayo pwedeng matalo ng kadiliman. Ang liwanag ang dapat na mananaig,” sabi ni Zobek kay Lando, na puno ng katapangan at pag-asa sa kabila ng kanilang kritikal na sitwasyon.

“Sige, Ginoong Zobek!” Sinambit ni Lando, na namangha sa tapang ng isang Paladin na si Zobek. Inilabas ni Lando ang kanyang sandata na Combat Cross mula sa kanyang kanang palad. Tumitig si Zobek sa sandata ni Lando, ang Combat Cross, at may isang sandaling pag-aalala sa kanyang puso.

“Kahit hindi pa ako marunong nito, bahala na!” sabi pa ni Lando.

“Courier, handa na ba kayo para sa laban? Hahaha!” tanong ni Berta sa kanila habang siya ay humahalakhak. Pagkatapos, ginamit niya muli ang kanyang kapangyarihan habang kinokontrol niya ang isang malaking uwak na nagiging isang panangga o kalasag na nagtatanggol sa kanya.

“Lando!” biglang tawag ni Zobek kay Lando.

“Manong, may plano ka na ba?” tanong ni Lando habang naghihintay siya kung mayroon nang plano si Zobek.

“Alam kong hindi ka pa marunong gumamit niyan. Iyan ang hawak mong sandata, ang Combat Cross,” sabi ni Zobek kay Lando nang mapansin niyang hindi pa siya sanay sa paggamit ng sandata at nababahala rin siya na makita si Lando na nanginginig pa sa takot.

Tumango si Lando bilang pagsang-ayon. “Kung ganun, ako na ang bahala dito, Ginoong Lando! Obserbahan mo ako kung paano lumaban ang isang mandirigma,” sabi ni Zobek sa kanya, na pinapakita ang determinasyon at tiwala. Namangha si Lando sa tapang ng isang Church Knight o Paladin.

“Sige, manong. May tiwala ako sa iyo,” sabi ni Lando.

“Mga Bolignok! Protektahan niyo sila! Ako na ang bahala dito sa Crow Witch na ito,” tugon ni Zobek sa kanyang mga kasama.

“Sige!” pasang-ayon nilang sabi.

“Protektahan niyo sila nang buong lakas! Huwag papayagang masaktan ang kahit sinuman!” utos ni Zobek sa mga kasama.

“Uunahin ko na kayo!” sabi ng makapangyarihang mangkukulam na si Berta habang dahan-dahang gumagalaw. Binuhat niya muli ang kanyang dalawang kamay na nakadupa, at biglang naglabasan ang maraming uwak, nagdulot ng kaba at takot sa paligid.

“Sugod aking mga alagang uwak!” bigkas ni Berta sa mga alagang uwak habang papasugod sa grupo nina Zobek.

“Manong! Ayan na sila!” biglang napasigaw si Layla o Diwatang Dian Masalanta sa kanyang nakikita. Ang mga uwak ay papasugod sa kanila.

“Aw! Aw! Twilly! Huwag kang gumamit ng kapangyarihan,” sabi ni Asong Bolignok na si Fulgoso sa kanyang kapwa Bolignok na si Twilly, pinapayuhan siyang huwag muna gumamit ng kapangyarihan. Sinabi ni Fulgoso na kung sakaling gamitin muli ni Twilly ang kapangyarihan, hihigupin na naman sila ni Berta dahil nasa loob sila ng barikadang dome na puno ng mga uwak.

“Caaw! Caaw! Caaaw!” huni ng mga uwak na naglalapit sa kanila nang mabilis.

“Ahhh! Tulong!” kinuyog agad sila ng napakaraming uwak dahil sa ginawa ng pinakamakapangyarihang mangkukulam na si Berta.

“Hahaha! Hindi na kayo makakaligtas!” halakhak ni Berta, tuwang-tuwa sa tagumpay ng kanyang gawa.

“Ahh! Aray! Ang sakit!” nasugatan sila na tila daplos ng kutsilyong dumaan sa kanila.

“Manong! Tulong!” dagdag pa nila, habang sila’y sumisigaw ng paghihingalo. Napabugnot ang noo ni Zobek Netero, nadarama ang pagkabahala sa kanyang puso habang nakikita ang pag-atake ni Berta sa kanilang mga kasama.

“Paano? Paano ko sila tulungan?!” bulong ni Diwatang Dian Masalanta sa kanyang isipan, humihiling ng tulong sa Dakilang Bathalang Emre sa gitna ng kanilang mapanganib na sitwasyon.

“Uuuuuugggghhh!” walang magawa si Lando kundi tinataboy niya ang napakaraming uwak na umaatake sa kanya. Nagkasugat sugat siya.

“Manong! Tulungan mo kami.” sabi nila kay Zobek Netero.

Sa nakikita nila, pumikit si Church Knight Zobek Netero habang kinuyog parin siya ng napakaraming uwak dahil sa atake ni Berta tila nilalamon na siya nito.

“Manong!” sigaw nila lahat.

“Hahahaha! Die! Courier!” halakhak muli ni Berta.

“Ahh! Napakasama mo, Berta! Napakademonyo mo!” sigaw ni Diego, pumuputok ang galit sa kanyang dibdib dahil sa mga ginawa ng kanyang stepmother.

“Aba, wala kang galang sa akin, anak! Hindi mo ako tinawag bilang ‘Mama’,” sabi ni Berta, sabay lumingon sa direksyon ni Diego, habang pinagmamasdan ang namumuong galit ng binata sa kanya. Kaya kinokontrol naman ni Berta ang mga uwak at lalo niya kinuyog si Diego.

“Caaw! Caaw! Caaw!” huni ng mga uwak habang kinokontrol ni Berta pagkatapos ay lalo niya itong kinuyog para sa kanyang stepson niya.

“Ahhh! Ahhhhh! Tulong!” sigaw ni Diego sa sakit na kasalukuyang nararanasan dahil sa ginawang pananakit ng kanyang stepmother na si Berta.

“Diego! Magbabayad ka sa ginawa mo, Ginang Berta!” sigaw rin si Lando sa galit dahil sa ginawa ni Berta sa matalik niyang kaibigan na si Diego.

“Hahaha! Magsama kayo ni Diego!” wika ni Berta, habang siya’y nagkokontrol ng kanyang alagang mga uwak, na ginawa rin niya kay Lando ang ginawa niya kay Diego.

“Ahhh! Ahhhh! Sakit!” sigaw ni Lando sa sobrang sakit na naramdaman dahil sa ginawang pananakit ni Berta.

Sa gitna ng pangyayari, naririnig nang Asong Bolignok na si Fulgoso ang kakaibang bigkas ni Zobek Netero. Sa nakikita niya ay patuloy parin kinuyog ng mga maraming uwak si Zobek. Inaamoy-amoy niya ito. “Sniff! Sniff!”

“Aw! Aw! Mga kasama!” biglang sabi ni Fulgoso sa kanila kahit kinuyog parin sila ng mga uwak.

“Oink! Oink! Uuggh! Bakit Fulgoso?” napatanong narin si Numba kay Fulgoso.

“Aw! Aw! Nararamdaman ko ang lakas na dumadaloy sa katawan ni Ginoong Zobek.” Sagot ni Fulgoso kay Numba.

“Naririnig ko siya, nagsasalita siya antigo’s kumakalat mula sa kanyang mga labi.” ganun rin ang si Twilly, ang Bolignok na Tarsier.

“Manong?!” nangingiyak sa tuwa si Diwatang Dian sa nararamdaman niya.

Samantala, nagtatagpo ang mga lakas ng dilim at liwanag. Nararamdaman ni Zobek ang lakas na dumadaloy sa kanyang katawan, habang ang mga salita ng antigo’y kumakalat mula sa kanyang mga labi.

“In umbra noctis, in splendore lucis,
Exaudi invocatio, divini viribus succumbis.
Muta me in Palatinum, aurora fulgens,
Defensor tenebrarum, armis argenteis.

(By the light of the moon and gleam of stars,
I call upon the ancient powers afar.
Dear God, grant me strength and valor true,
Transform me into a Paladin of silver hue.)”

Sa sandaling iyon, isang sagrado at makintab na liwanag ang bumalot sa katawan ni Zobek. Ang kanyang damit ay nag-iba at naging isang kamangha-manghang kuwintas na armadura, kumikinang sa bilis ng isang pana.

Ngayon, isang Silver Warrior Paladin na si Zobek, naglakas-loob siyang harapin ang Crow Witch at ipagtanggol ang kanyang mga kasama. Ang sandaigdigan ay nagsipagpasya sa kasalukuyang panahon na ito ang panahon ng liwanag, katarungan, at kabayanihan.

“Manong!” Nagulat si Layla o Diwatang Dian Masalanta sa kanyang nasasaksihan, ang Matandang Bulag na si Zobek Netero ay nag bagong anyo na may kasuotang baluti na gawa sa pilak na nagkikislap.

“Aw! Aw! Aw! Kahangahanga Ginoong Zobek! Nararamdaman ko ang banal na enerhiya na bumabalot sa iyo. Ang Divine Incantation ng mga Knights of Templar.” napahanga narin ang Asong Bolignok na si Fulgoso.

“Oink! Oink! Manong Zobek! May tiwala kami sa iyo!” Pati na rin ang Bolignok na Biik na si Twilly.

“Ginoong Zobek! Dahil sa taglay mong kapangyarihan ay marahil mararamdaman ito ng mga kasama mo sa alagad ng simbahan.” pahayag ni Twilly kay Zobek.

Lumingon si Zobek sa sinabi ni Twilly at ngumiti ito pagkatapos ay sinagot niya si Twilly. “Oo Twilly.”

“Manong Zobek!” sabi ni Lando kay Zobek, puno ng paghanga at respeto sa bago niyang anyo.

Naglingon si Zobek kay Lando, ngumiti sa kanya at sinagot, “Oo, Lando.”

Sa harap ng mga kasama, Zobek na may bagong anyo bilang isang matapang na Silver Warrior Paladin, ay nagpapamalas ng kahusayan, kapangyarihan, at tapang. Ang kanyang pagbabagong-anyo ay nagdulot ng paghanga at tiwala sa mga puso ng mga kasama niya, na naglakas-loob at nagpatibay sa kanilang paghahanda para sa mga hamon na susunod. Lumiliwanag si Zobek, anupa’t isang Archangel na nagmumula sa mga langit.

Samantala, sa mansyon ng Pamilyang Magsalang

Sa loob ng kwarto, si Essa Magsalang, ang bunsong stepsister ni Diego, ay abala sa pagsasayaw habang naglilive siya sa sikat na social media. Maraming nagre-react sa kanya dahil sa husay ng kanyang pagsasayaw, kung kaya’t siya ay sumisikat at tinatangkilik ng marami. Nang huminto siya sa pagsasayaw ay binabati pa niya ang kanyang mga followers.

“Maraming salamat sa mga sumusunod sa akin! Gusto ko ring magbigay ng shout out sa mga taga Manila Groove Movers diyan. Napakagaling niyo sa pagsasayaw!” Bati niya habang kumakaway sa harap ng kamera. Habang nagpatuloy siya sa kanyang pagbati sa kanyang mga followers, bigla tumunog ang smartphone niya. Tiningnan niya ang chat sa messenger iyon pala ang boyfriend niya si Miguel.

“Babes, where are u now? Im here at the town park. Can u go here?” sabi ng kanyang boyfriend na si Miguel sa messenger. Bigla niyang naalala na mayroon pala silang date ngayon.

“Naku.” biglang nasabi niya kaya nagpaalam siya sa kanyang mga followers habang nagla-live sa social media. Pagkatapos nito, agad siyang sumagot sa kanyang boyfriend.

“Ok babes, wait me there. In 10 minutes im there na.” reply naman ni Essa.

Mabilis siyang nagbihis pagkatapos ay agad siyang bumaba mula sa kanyang kuwarto at lumabas sa kanilang mansyon. Nakita niya ang kanyang driver na si Mang Usteng na naglilinis ng kanilang kotse.

“Mang Usteng, tara na!” sabi ni Essa sa kanyang driver na si Mang Usteng, at nagulat naman ito. Napansin niya na nagmamadali si Essa.

“Hah? Eh! Sige po Ma’am Essa.” agad na sagot ni Mang Usteng. Dali-dali rin niyang inayos ang kanyang mga gamit panglinis at pagkatapos ay sumakay na siya sa loob ng kotse para magmaneho. Nang pinaandar na ni Mang Usteng ang kotse ay pinadali siya ni Essa para makaalis at puntahan ang boyfriend niya.

“Please Mang Usteng bilisan natin.” sabi niya sa kanyang driver.

“Masusunod po Ma’am Essa.” Sagot agad ni Mang Usteng.

Habang nasa biyahe sila, bigla naman tumunog ang smartphone ni Essa. Tiningnan nya ang laman ng message sa messenger iyon pala ang boyfriend nanaman. Sine seen niya lang ito.

Inutusan niya muli ang driver niyang si Mang usteng para magmadali sila makapunta sa may town park.

“Bilisan natin Mang Usteng.” sabi niya.

Ilang sandali lang malapit na nila madaanan ang park.

“Mang Usteng can wes stop sa may town park? May puntahan lang ako dun, then walt me there ok?” tugon ni Essa sa driver niyang si Mang Usteng.

“Sige po Ma’am Essa.” Sagot ni Mang Usteng.

Agad na nakita ni Essa ang pasukan ng parke kaya tinuro niya ito kay Mang Usteng para ito’y magpark.