Sulsol At Pagpapatawad Part 4

Patuloy pa rin si Carla sa kanyang pag iyak pero pinapatahan siya ng kanyang ina.

Gloria: Anak tama na yan. Naninibago lang kayo sa isat isa. You need to build your trust with each other. Kailangan matibay ang pundasyon nito upang hindi basta basta matitibag ng kahit na anong sulsol. Kailangan nyong maging matatag.

Carla: Mommy hindi ka ba galit sa akin?

Gloria: Galit ako nung una pero ngayon hindi na. Hindi ko naman mapipigilan ang pagtibok ng puso mo.

Carla: Thank you mommy.

Niyakap ni Carla ang kanyang ina bilang pasasalamat.

Gloria: O tama na ang iyak. Tamang tama ang dating mo. Nagluto ako ng paborito mong bulalo at ginataan na maraming langka.

Carla: naku sira ang diet ko. Hahaha

Sa kabilang dako naman ay matamlay si Celine dahil sa paglisan ng kanyang madrasta. Wala siyang gana sa bawat bagay mapa laro, aral at pagkain. Nakakuha naman ng ibang yaya si Marco sa katauhan ni Ofel. Mga late 40’s to early 50’s na siya pero kaya niya pa rin makipaghabulan sa mga bata. Mas mabait siya ng malayo kay Josie.

Ofel: Celine iha kain ka na.

Celine: Yaya babalik pa ba dito si Tita Carla?

Alam ni Ofel ang sitwasyon ng kanyang ama dahil nasabi niya ito sa kanya. Pinaghahandaan kasi ni Marco ang pagbabalik ng kanyang asawa.

Ofel: Oo naman.

Celine: Kelan po?

Ofel: Malpit na.

Celine: but I want Tita Carla.

Ofel: Sige kain ka ngayon at pag mabilis ka matapos kumain tatawagan ko si Tito Maynard mo. Deal?

Natuwa ang bata sa sinabi ng kanyang bagong yaya.

Celine: DEAL!

Kumain na si Celine at mabilis naman siyang kumain upang matawagan ni Ofel si Maynard. Nang maubos ni Celine ang kanyang pagkain ay tinawagan agad ni Ofel si Maynard.

Ofel: Sir mapilit po ang pamangkin mo. Gusto po daw niya makita si Maam Carla.

Maynard: Sige sabihin mo pupuntahan namin siya sa sabado.

Ofel: salamat po sir. Naku siguradong matutuwa siya ngayon.

Pagdating ng sabado ay pinuntahan nila Maynard at Celine si Carla sa kanilang bahay.

Carla: Maynard! Celine! Napadalaw kayo? Halika pasok kayo.

Pumasok na sila sa loob ng bahay.

Carla: have a seat.

Maynard: thanks. Pasensya na Ate I know that you need space pero mapilit kasi eh.

Celine: Hi Tita Carla! I have something for you.

Ibinigay ng bata ang ginawa niyang card para sa kanya.

Carla: WOW! Ang ganda. Thank you anak.

Napayakap si Carla kay Celine at napaluha sa tuwa.

Celine: anak?

Tumango si Carla habang naluluha sa tuwa.

Carla: Can I call you anak?

Celine: oo naman po.

Carla: sige akyat ka muna kay Tito Caloy mo. Miss na miss ka na niya. Mag uusap lang kami ni Tito Maynard mo.

Celine: Ok po Tita.

Nang pumanik na si Celine papunta sa kwarto ni Caloy ay kinausap na ni Maynard ang kanyang hipag.

Maynard: Ate wala na bang chance na babalik ka sa bahay?

Carla: Maynard ang sakit eh.

Naiiyak na sagot ni Carla sa kanyang bayaw. Habang nagsasabi ng sentimyento ay panay pa rin ang pag iyak ni

Carla: Bayaw I chose him over my mother. Ganun ko siya kamahal. Tapos isang sulsol lang ng demonyong yayang yun eh iinsultuhin na niya ang pagkatao ko? Tapos ano ang susunod na isyu? May relasyon tayo? Na pinipilahan na ako ng mga laborers niyo sa pabrika? Na binebenta ko na katawan ko sa mga kliyente sa bangko? Masakit Maynard!

Patuloy pa rin sa pag iyak si Carla habang pinapatahan siya ng kanyang bayaw.

Maynard: Ate ako na ang humihingi ng dispensa sa mga ginawa at sin…