Carla: Yaya pasensya ka na ha. Di ko naman inasahang magkaka emergency si Marie.
Ofel: ok lang po yun maam. Babawi na lang ako next year.
Hindi alam ni Ofel na ka text na ni Carla ang kanyang anak na si Kim at parating na sa kanilang bahay. Gusto kasi ni Kim surpresahin ang kanyang nanay. Niyaya din niya ang mga itong mag pasko at bagong taon sa kanila. Mga ilang sandali pa ay may nag doorbell.
Carla: Yaya paki buksan ang pinto.
Binuksan ni Ofel ang pinto at nagulat siya sa kanyang nakita. Si Kim ito kasama ang kanyang asawang si Ariel. Kasama din nila ang kanilang mga anak na sila Arkin at Andrea.
Kim: SURPRISE! MERRY CHRISTMAS!
Napaluha sa tuwa si Ofel nang mga oras na iyon.
Carla: Kim pasok kayo.
Nang papasok na ay may biglang sumigaw na lalake.
Boy: INAY!!!
Kim: OH MY GOD! DARWIN! Salamat sa Diyos at nakauwi ka.
Darwin: Pinayagan ako ng boss ko ate.
Carla: Halika Darwin. Pumasok ka.
Pumasok na sila sa bahay at saktong bumaba sila Marco at Celine. Ipinakilala sila ni Ofel sa isat isa at dito na nagpatuloy ang kanilang kwentuhan.
Celine: Tito Darwin kelan ka mag aasawa.
Darwin: Depende.
Celine: Anong depende?
Darwin: kung makakahanap ako ng kasing bait at kasing ganda ng Tita Kim mo.
Kim: Naku! Ang kapatid ko nambola nanaman. Wala akong pera! Hahaha
Ofel: oo nga naman Darwin. Kelan ka naman mag aasawa? Para naman makapunta ako ng Japan.
Darwin: Matutupad na yon inay.
Inabot ni Darwin ang isang sobre kay Ofel.
Darwin: Inay regalo po naming tatlo yan sa iyo.
Nagulat si Ofel nang makita niya ang laman nito. Isang round trip ticket papunta ng Japan. Napaluha si Ofel at napayakap sa kanyang mga anak at man…