Summer Sexcapade

NOTE: This story happened between me and Sns wayyyy back 2017. Pinost ko for reference ng nagtatanong sa origin ng Joyce’s Delight. Parang continuation lang daw kasi yun. So, eto po talaga simula ng kalandian ko. Hahaha. Pasensya na po, wala ng edit edit to. Hinugot ko lang mula sa baul sa Pluto. Again, 2017 pa to. Wag patola, bastos pa talaga ko dito. I’m three years older now. At bastos pa din ako.Lol. Sa nagtatanong bat wala daw ako post ng 2018, nagbreak kami. Kaya wala akong nasulat. Broken. Nyahahaha. Moving forwardddddd, eto na. Enjoy!

April 23, 2017

I really don’t know kung tama ba sabihin na pinakahihintay ko talaga ang araw na ito.Feeling ko kasi joke lang na andito na siya. Na para bang prank lang yung mga messages niya na dumating na siya kagabi from Europe. Pero di ko maalis ang pakiramdam na parang di mapakali. Partida, sa lahat ng di mapakali ako pa yung nakuhang maglaba with matching soundtrip pa ng “The Man Who Can’t be Moved” by The Script.

“Cause if one day you wake up and find that you’re missing me
And your heart starts to wonder where on this earth I could be
Thinking maybe you’d come back here to the place that we meet
And you see me waiting for you on the corner of the street
So I’m not moving… I’m not moving… yeaaaahhh…”

“Ate Joyce! Ang ingay mo!”, nanggigigil na sigaw ng kapatid kong si Ella.

Lalo kong nilakasan ang pagsabay sa kanta pagdaka ay tumawa ako nang tumawa. Gusto kong asarin ang kapatid ko na dahil sa pagbubuntis ay saksakan na ng sungit.

“Ikaw ang manahimik dyan… aalis ako mamaya kaya solo mo na dito, bruha!”, pabiro kong sigaw saka itinuloy ang aking paglalaba.

“Puro ka gala! Tuwing off mo lagi ka ng wala. Tulugan mo naman yung kama mo uy!, sagot ng bruhilda kong kapatid.

Hindi na ko sumagot para di na humaba pa ang pang-aasar niya sa akin.

I checked my phone at nakita kong may text from sir SNS. He’s my favorite erotic author from P**. “Babe, okay lang ba if by 11 AM tayo magkita sa SM North?”, unang text niya na bumungad sa akin pagbukas ko ng messages.

“Oo naman, walang problema”, dali kong pagtextback sa kanya. Napakamot ako sa noo habang iniisip kung paano pagkakasyahin ang dalawang oras na paghahanda para sa meetup na iyon.

Minadali ko na ang pagbabanlaw . Yes, literal na 123 na yung galawan ko that time. Need ko makarating sa oras or else, tulad ng madalas niyang sabihin pag magkachat kami, mababatukan na niya ko sa personal.

Sunod kong ginawa ang pagligo.Inabot ako ng tatlumpong minuto sa pagsabon at pagkuskos ng katawan. Ewan ko ba pero ugali ko ng mag isip habang nasa shower kaya naman imbes na sandaling oras lang ang inilaan ko sa pagligo ay lalo lamang tumatagal. Aaminin kong medyo nag-alangan na ako. Siguro nga ganun kapag last hour na, saka mo maiisip yung samu’t saring bagay. But a promise is a promise. And yes, I know I need to do this. Though I’m not sure kung matutuloy nga ba kami agad sa kama o hindi, still I’m curious about the man who write stories that captured my attention sa site. So yeah, I have to give it a try. Kung di ko naman type ang hilatsa, madali na magpalusot para umuwi.

Tiningnan ko agad yung cp ko paglabas ko ng banyo. Shit, on the way na daw siya. Ako on the way pa lang sa kwarto para magbihis. Damn. Hindi ako magkaugaga sa pagpili ng susuotin.

“Psst oy!” sutsot ko sa kapatid kong nakahilata sa kama ko at nagbabasa ng pocketbook.

“Baket?”, nakataas-kilay na sulyap niya sakin.

“Ano kaya pwedeng suotin? Mag-jeans? Skirt? Dress? Tee-shirt? Long-sleeves?”

“Inaano ka diyan? Dati ang bilis mong magdamit pag galing kang cr, ngayon dami mong echos?”, paismid niyang sagot sa akin.

“Thank you sa suggestion, sis!”, sarkastiko kong tugon sabay harap ulit sa cabinet at sinipat ang mga nakahanger kong damit.

Napailing-iling ako dahil sa di ko alam kung ano ba talaga ang dapat kong isuot. Pabuntong-hininga kong inabot ang bote ng lotion at nagpahid sa buong katawan habang patuloy ang pagsipat sa mga damit.

Ten minutes had passed pero di pa din ako nakapili. Ahhh, bahala na nga! I would then go for something na kumportable ako. I did grab a hanging tee-shirts and a casual short shorts. Mainit naman sa labas. That should do. For the last touch ay nagpahid lang ako ng moisturizer sa mukha. Put a light lipstick at nag spray ng pabango. I quickly grab a pair of my comfy shoes, get socks from the drawer and rush out to the main door.

Since alam kong late na ko for sure sa pinag-usapang oras, of course, an alibi is required. Dapat yung kapani-paniwala. And so I texted him.

“Babe, I’m sorry ha but something came up… mali-late po ako”

Ilang minuto pa ang hinintay ko bago siya nagreply. Shit, baka isipin di ako pupunta!

“But, I’ll be there for sure… may inayos lang ako saglit sa office. By 12 andyan na ko.”

“It’s okay, basta andito na ko. Text kana lang pag malapit kana ok? Take care babe…”, reply nya sa akin.

Umakyat ako sa LRT Buendia at bumili ng SJT bound to Roosevelt. I should take cab from there to SM North. Maluwalhati akong nakaupo lalo na at maluwag ang bagon that time.

Pages: 1 2 3 4 5 6