Super Clumsy Pt.1

“Arrggghh!!! Bitiwan mo nga ako!”

Nagpupumiglas ang isang dalaga mula sa pagkakahawak ng isang lalake.

“Aba pare pumapalag pa.”, parang mga asong ulol na nag aabang ang mga kasama nya.
“Eto ang gusto ko, lumalaban! Nyahahahah!”, mala demonyong tawa ang umalingawngaw sa tahimik na gabi.

Dali-dali akong lumabas sa pinagtataguan ko. “Hoy mga kulugo, bitiwan nyo sya!”

“Aba, sino naman tong kutong lupang ‘to?!”

Lumapit sakin ang tatlong kasama, may dala-dalang balisong at dos por dos.

Slow motion…

Akmang ipapalo sa’kin ang hawak na kahoy pero nakailag agad ako. Binigyan ko sya ng isang malupit na uppercut!

BLAG! One down!

Sabay na lumapit ang dalawa. Binigyan ko ng flash chop ang may hawak ng balisong, tumilapon ang patalim. Sinalo ng kaliwang kamay ko ang suntok ng isa. Mabilis akong umatras at binigyan ng roundhouse kick a la Chuck Norris!

WHAM! Tumilapon na parang basura.

“Help!”, nakita kong may nakatutok na kutsilyo sa leeg ng dalaga.

Parang kidlat, dumampot ako ng bato, hinagis sa ere, umikot at sinipa ng malupit! Sapul si kamote sa noo.

Mabilis na tumakbo sakin ang dalaga.

“Thank you…”, mahigpit syang yumakap sa’kin.

Matikas naman akong tumayo.

“You’re my hero…”, tumingin sa’kin ang dalaga.

Whohoah! Ang babaeng aking pinapangarap.
“Ahh… Ayen…ayos ka lang?”, parang nalunok ko ang dila ko.

“Oo..Salamat talaga…Kung dahil sa’yo baka napahamak na ako. Pa’no ba kita mababayaran?”

“Ayos lang yun. Karangalan kong matulungan ang isang binibini…”, paswabe pa ang boses ko.

“Hmmm…ganito na lang…”, hinawakan nya ang magkabila kong pisngi. Tumingin sa’kin ng malagkit at naka-kagat labi. Napalunok ako.

“Gusto mo..bibigyan na lang kita ng masarap na kan…TUT!”

“Ah..ano?”

“Sabi ko bibigyan kita ng masarap na kan..TUT! TUT! TUT…”

Tut! Tut! Tut! TUT! TUT! TUT! TUT!

Arrggghhh! Anak ng kamote naman oh! Lecheng alarm clock’to! Pambitin amp!
Alas syete na. Hay…

**All Star (Smash Mouth)**
Somebody once told me the world is gonna roll me
I ain’t the sharpest tool in the shed…

Mabilis akong naligo, nag-toothbrush, kinuha ko ang school uniform sa cabinet at humarap sa salamin. Konting ayos ng kwelyo, sinuklay ang buhok gamit ang kamay. Konting kindat, “Ang pog… ang payat ko! Buwisit.”

“Franciscooo! Ano ba mala-late ka na!”, tumawag na naman ang aking butihing ina.

“Opo Ma, andyan na po.”, konting hagod pa ng tingin sa sarli sabay dampot ng bag.

“Anong almusal-”

“Ano ka ba naman Francisco?! Alam mong may pasok ka nagpuyat ka pa sa kaka-kompyuter!”

“Gumagawa po ako ng assign-“

“Tapos tanghali ka na gigising. Yung report card mo bakit wala pa?”

“Next week pa po ang release nung ca-”

“Tumawag pala ang Tatay mo, kinukumusta ang pag-aaral mo. Sabi ko puro ka kompyuter. O hala sige kumain ka na at tanghalina”

“Ok na po, busog na ko sa sermon-”

“Anong sinabi mo?!”

“Ah wala po. Sabi ko mabubusog ako dito sa sinangag nyo. The best talaga magluto ang ermats ko!”

“Sus! Mukha mo! Sige na bilisan mo nang kumain. lkaw nang bahala dyan at may gagawin pa ako.”

Hay! Lagi na lang ganito ang buhay ko. Feeling ko loser ako eh. Yung tipong may malaking “L” na nakadikit sa noo ko. Hindi naman ako nerd o geek. Pero sa school di ako ganon ka popular.
Hindi naman ako pangit, hindi lang talga pansinin. Hindi nga naman kasi ako cool kid. School-bahay-computer lang ang alam ko. Di gaya ng iba, varsity player, rich kid, crush ng bayan.
Kaya tuloy hindi ako mapansin ni Ayen…

Hay! Tama na ang drama. Mabilis kong tinapos ang pagkain ko.
“Ma, alis na po ako!”, dinampot ang bag sabay labas sa pinto.

Hey now you’re an All Star
get your game on, go play
Hey now you’re a Rock Star
get the show on get paid
And all that glitters is gold
Only shooting stars break the mold

Pagkabukas ng gate, tumingin ako sa langit. Pumikit at huminga ng malalim.

“Today’s gonna be a good day!”, nararamdaman ko ang init ng pag asa mula sa aking ulo pababa sa buo kong katawan…mainit..ramdam ko hanggang sa may paa ko..mainit..

at basa?!

Napadilat ako at agad napayuko.
Walang hiyang aso’to! Mukha ba akong fire hydrant?! Kinikilig pa habang nakatass ang paa!

Arrgghhh! Badtrip! Pumasok ako sa bahay para magpalit ng medyas at punasan ang sapatos ko.
Wala na, late na ako sa first period ko.

Pawis na pawis ako sa pagmamadali na makarating sa school. Eh kaso, late pa rin kaya nagpasya na lang ako na magpalipas na lang oras sa may puno ng mangga sa tapat ng canteen. Hintayin ko na lang na matapos ang klase sa Physics.

Habang papalapit ako sa paborito kong tambayan, bigla akong n…