Supervisor

Dalawang araw na lang at matatapos na kami sa aming internship. Nagawa din naming matapos ang mga dapat tapusin bago ang deadline. Wala na kami masyadong ginagawa kaya nanonood na lang kami ng kahit na ano basta ma entertain lang kami. Hindi alam ng aking mga kasama ang naging paguusap namin ni Ms. Lanie sa stock room.

Biyernes noon, isang araw na lang at tapos na kami sa aming internship. Wala naman pasok kinabukasan kaya naisipan namin na magpunta sa gymnasium. Naging habit na namin ito tuwing biyernes para makapag workout kahit papaano. Malaki kasi ang gym nila, sa loob pwede ka mag workout, mag badminton, mag tennnis at mag basketball.

Naging hilig ko ang badminton noong high school pa lang ako at dala dala ko pa din ito hanggang ngayon. Nakakalaban ko din ang ibang empleyado dahil hilig din nila ang magpapawis pagkatapos ng kanilang trabaho. Gustong gusto din namin makita kapag naglalaro ang mga babaeng empleyado ng badminton, isa ito sa mga inaabangan namin at isa din sa rason kung bakit namin naging habit ang pagpunta sa gym. Galak na galak kami sa aming nakikita tuwing tatakbo at tatalon ang mga babaeng players, ‘maalog na tanawin’ sabi ng mga kasama ko.

Hindi kami nakikisabay sa mga empleyado sa mga paglalaro nila, hinihintay namin silang matapos at tsaka kami maglalaro. Ayaw namin na mai report kami lalo na at mga intern lang naman kami. Nakaranas na kasi kami bigyan ng warning ng H.R. dahil sa isang report na natanggap nila dahil wala daw kami ginagawa sa aming working area. Kaya para makaiwas at hindi na maulit, naging maingat kami sa pakikisalamuha sa mga empleyadong ito.

Unti unti na naubos ang tao sa gym, nagpapahinga na sila at naghahanda na para umuwi dahil ilang saglit na lang at dadating na ang service. Natapos na din kami sa paglalaro at sakto lang ang dating ng bus. Nagmadali kami na bumalik sa office para magpalit ng damit. Medyo matagal ako sa loob kaya sinabi ko sa mga kasama ko na susunod na lang ako sa kanila.

Paglabas ko, pababa na sana ako ng may marinig ako na hagulgol o pagiyak malapit sa aking kinatatayuan. Nanggagaling iyon sa aming kwarto kung saan kami nagtatrabaho. Hindi ko na sana papansinin nung una pero pinilit ko pa din ang aking sarili na alamin kung kanino ang iyak na iyon. Tinignan ko ang ibang working area pero wala ng tao dito, siguro ay nasa baba na silang lahat at nakasakay na sa service.

Nanggagaling talaga ang ingay sa aming kwarto. Dahan dahan akong lumapit dito at binukasan ang pinto sa likod. Laking gulat ko ng may makita akong tao na nasa isang sulok, mag isang nakaupo at umiiyak. Patay ang ilaw sa loob, hindi ko maaninag kung sino iyon, ang tanging paraan lang ay ang lumapit dahil ilaw lang sa labas ang nagsisilbing liwanag sa loob ng kwarto.

Lumapit ako ng paunti unti, magsasalita na sana ako ng bigla nyang iangat ang kanyang ulo at tumingin sa akin. Ang aming bisor pala mismo ang taong iyon. Naawa ako sa kalagayan nya dahil siguradong hindi biro ang ang rason ng pagiyak nya ng sobra. Nagkatitigan kami ng saglit at nagsalita sya.

Mam: Oh, k..kael, bakit nandito ka pa?
Ako: Ah mam sorry po galing po kasi kami ng gym, nagpalit lang po kami ng damit bago umuwi pero pababa na po sana ako ng may marinig po ako na iyak galing dito.
Mam: G..ganon ba? Pasensya ka na, kahit anong pag ipit ang gawin ko sa pag iyak ko may nakakarinig pa din pala.
Ako: Wala po yun mam, tahimik lang po talaga dito kapag wala ng tao kaya maririnig po talaga ang ingay galing dito.
Mam: Ah oo nga (sabay pahid sa mga luha)
Ako: (kinuha ko ang panyo ko at iniabot sa kanya) Mam ito po gamitin nyo.
Mam: S..salamat kael (sabay pahid ng luha sa mata)
Ako: Wala yun mam, bakit ka po umiiyak?
Mam: W..wala ito, napagalitan lang ako ni boss kanina.
Ako: Mam naman, sa halos limang buwan namin dito hindi ka pa namin nakikitang mapagalitan….