Bumangon ako, “Kukuha ako ng tubig,” sagot ko. Pero hindi ko siya nilingon.
“Si Raine, nasiyahan siya kay Leo.”
Shit! Si Raine na naman!
Agad ko siyang binalikan. Madiin kong hinawakan ang kanyang mukha. “Ayoko nang marinig ang pangalan niya. Naintindihan mo?!”
Ngiti lang ang isinagot niya sa akin. Ngiti na parang may napagtagumpayan siyang isang bagay. At ang kasunod niyon ay bigla ko na lang naramdaman na hawak na naman niya ang ari ko.
“Lanina,” sabi niya.
“Ha?”
“Lanina ang pangalan ko.”
“La..ni..na..”
“Oo, Lanina. Tandaan mo ‘yan.”
“La..ni..na..”
“Tama, hindi mo na kilala si Raine. Ako si Lanina. At sa akin ka lang.”
“Sa ‘yo ako, Lanina.”
Muling nagsalubong ang aming mga labi at muling naglakbay ang aming mga palad sa isa’t isa na parang hindi alam kung saan pipirmi. Nagpunta kami sa aking kwarto nang hindi naghihiwalay ang aming mga labi. Sa kwarto kung saan una ko siyang nakita na inakala kong panaginip lamang. At doon, muli kaming naging isa.
***
Nagising ako sa kaniyang halik.
“Hindi ka pa ba napapagod?” Tanong ko sa kanya.
“Hindi ako mapapagod sa ‘yo,” tugon niya. “Halika!”
Hinila niya ako para bumangon. Hinila na rin niya ako palabas sa kwarto. Hanggang sa hinila na niya ako hanggang sa pinto palabas ng bahay.
“Saan tayo pupunta?”
“Sa labas lang.”
“Umuulan pa.”
“Ayaw mo ba gawin ‘yon sa ulan?”
“Ha?”
“Gawin natin sa ulan.”
“Baka may makakita sa atin.”
“Walang lumalabas na tao ngayon, saka gabi na.”
“Gabi na?”
Tuluyan na niyang binuksan ang pinto. Gabi na nga at malakas ang ulan. Grabe! Ganoon na katagal ang aming mga ginawa? Ni hindi ko na mabilang kung ilang beses.
Hila pa rin niya ako. Ramdam ko na ang lakas ng ulan na bumubuhos sa aking katawan. Malamig. Pero tila walang pakialam ang aking katawan sa lamig dahil alam nitong may init na paparating. Kakaiba ang kabog sa aking dibdib. Parang may halong pananabik.
Nakarating kami sa ilalim ng puno ng acacia.
“Gawin natin dito, Orin.”
“Oo, Lanina,” maikli kong sagot sa kanya. At ngayon ay sunod-sunuran na naman ako sa aking katawan.
Nagsimulang uminit. Balewala ang ulan. Balewala ang hangin. Balewala ang lahat nang nagsimula akong pumikit at ninamnam ang kanyang labi. Nawalan ako ng pakialam sa paligid nang magsimulang magsanib ang aming mga katawan. Sumayaw kami sa ritmo ng panandaliang ligaya.
***
“Nasaan tayo?” tanong ko. Nagulat ako nang muli kong idilat ang aking mata. Hindi ko alam ang lugar na ito. Kakaiba ang lugar na ito. Umuulan sa buong paligid. Basang-basa ako pero hindi ko nararamdaman ang lamig ng tubig na dumadampi sa aking balat. Kahit nasa loob kami ng isang silid ay umuulan din.
“‘Wag kang mag-alala, Orin,” sagot sa akin ni Lanina. Niyakap niya ako. “Andito ka kung saan walang magtataksil sa ‘yo. Hindi ka masasaktan. Ako ang mag-aalaga sa ‘yo. Mamahalin kita. Puro sarap ang mararamdaman mo dito.”
“Ano’ng lugar ito?”
“Huwag mo nang itanong. Nakarating ka na nga sa langit di ba? Ano’ng kinakatakot mo sa lugar na ito?”
“P..pero…”
“Hindi ba’t sinabi kong sa akin ka lang?!” tumaas ang boses niya.
“Sorry, Lanina. Oo, sa ‘yo ako.”
“At dito ka lang sa akin, Orin.”
“Oo, dito lang ako.”
“Magpapakaligaya tayo dito. Paliligayahin kita palagi at kung kailan mo gustuhin.”
“Paliligayahin din kita, Lanina. Kahit kailan mo rin gustuhin.”Ano bang pinagsasasabi ko? Bakit parang kusang nagsasalita ang aking bibig at sumasagot sa kanya?
“Kung ganoon, paligayahin mo akong muli ngayon.”
Pinaupo niya ako at kumandong siya sa akin. Hinalikan niya ako at gumanti rin naman ako sa paghalik. Pinipigilan ko ang sarili kong halikan siya ngunit ayaw sumunod ng katawan ko sa akin. Ang isip ko ay nag-uutos na itulak siya pero sa halip ay niyapos ko siya nang mahigpit.
Heto na naman. Magsasama na namang muli ang aming mga katawan.
“Lanina?!” tawag ng isang babae na paglingon ko ay nasa may pintuan lamang ng silid. Napabalikwas si Lanina at mabilis na umalis sa pagkakakandong sa akin.
“Rana!” padabog na sigaw ni Lanina. “Hindi ka ba marunong kumatok?”
“Siya ba si Orin?” Lumapit siya sa akin. Tinitigan ako mula ulo hanggang sa paa. “Mas gwapo, matipuno at matikas pala siya sa malapitan. At matikas rin ang tindig nito.” Akmang hahawakan niya ang aking ari ay tinapik siya ni Lanina.
“Akin ‘yan, Rana!”
“Hahaha! D’yan ka talaga nabaliw, ano?”
“Ano ba’ng kailangan mo?”
“Siya.” ngumuso si Rana patungo sa aking direksyon.
“Akin nga siya!”
“Biro lang. Ano ka ba?”
“‘Wag na ‘wag kang makakalapit kay Orin!”
“Kahit tikim lang?”
“Hindi nga!”
“Hahahahaha!”
“Ano nga’ng kailangan mo?”
“Sobra ka naman. Gusto lang naman kitang makita sa pagbabalik mo. Maling pagkakataon lang dahil papunta ka yata sa langit.”
“Ikaw ha?” sabi ni Lanina at niyakap niya si Rana.
“Nagtagumpay ka, Lanina.”
Nagtagumpay? Saan? Sa akin?
“Oo, Rana. Akin na siya.”
Ako nga. Pero paanong napagtagumpayan ako? Bakit?
“Nagpakita ka na ba kay Anitun Tabu, sa iyong ina?”
“Naku! Hindi pa! Lagot ako.”
“Baka magwala na naman ‘yon. Alam mo naman ‘yon.”
“Oo nga. Puntahan natin.”
“Ikaw na lang. Bantayan ko na lang si Orin dito.”
“Rana!??!”
“Hahaha! Biro lang. Halika na sa iyong ina.”
“Orin, dito ka lang ha? Baka hinahanap na ako ni ina. Babalik ako agad. Pagbalik ko, punta tayo sa langit.” Sabi ni Lanina sa akin sabay kindat.
Lumabas sila ni Rana ng silid nang naghaharutan.
***
Iniikot ko ang buong silid habang nagmamasid sa kakaibang paligid nang makarinig ako ng isang pamilyar na tunog. Tunog iyon ng ambulansiya. Agad akong naghanap ng bintana. Medyo may kataasan ang nag-iisang bintana. Wala naman akong makitang maaari kong tungtungan kaya tinalon ko ito. Kumapit ako sa gilid ng bintana at pilit kong iniangat ang aking sarili para makadungaw. At halos mahulog na ako sa aking nakita.
Kitang kita ko ang harapan ng aking bahay. Hindi na umuulan doon. Naroon din ang ambulansiya. May ipinasok sila sa loob ngunit hindi ko na naabutan kung sino. Naroon din si Nim, Kul at isang babaeng pamilyar sa akin ang itsura.
“Nim!!! Kul!!!” sigaw ko. Lumingon sa aking direksyon ang babae. Umiiyak ito. Parang kinurot ang aking puso nang makita kong umiiyak siya. Kinawayan ko siya, ngunit hindi naman yata niya ako nakikita. “Andito ako, Miss! Nim! Kul!” Hindi ko alam pero parang hindi nila ako naririnig at nakikita. Sumakay na rin sila sa ambulansya.
“Orin? Ano ‘yon? Bakit ka sumisigaw?” si Lanina. “Bumaba ka d’yan!” Nasa likod ko na silang dalawa ni Rana.
“May ambulansiya sa bahay,” sagot ko.
“Ito na ang bahay mo, Orin.”
“Pe..pero..”
“ITO ANG BAHAY MO! Naintindihan mo?!”
“Sorry, Lanina.” Bumaba ako sa pagkakalambitin ko sa bintana. Agad naman akong sinalubong ng yakap ni Lanina. Napakahigpit ng yakap niya. Yakap na nagsasabing manatili lang ako sa kanyang tabi.
“Lanina, labas na muna ako,” sabi ni Rana. “Higpitan mo ang yakap kay Orin, baka kumawala ‘yan. Ikaw rin. Masasayang ang pinaghirapan mo.” At lumabas na ito ng silid.
“Ano’ng ibig niyang sabihin?” Tanong ko kay Lanina.
“Wala iyon,” mabilis na tugon ni Lanina. “Ano’ng nakita mo? Sino’ng nakita mo?”
“Si Nim, si Kul, at isang babae na hindi ko maalala kung sino. Pero pamilyar siya. May isinakay sila sa ambulansya pero di ko nakita kung sino.”
“Makinig ka,” hinawakan niya ang aking mukha at iniharap sa kanya. “Kung anuman ‘yong nakita mo doon, kalimutan mo na lang. Magpakasaya na tayo dito. Pwede ba ‘yon?”
‘Orin, gumising ka, please. Ano bang nangyari sa ‘yo?’ Bigla ko na lamang narinig ang boses ng isang babae. Pamilyar ang boses na iyon sa akin. Ngunit hindi ko matandaan kung sino ang nagmamay-ari ng boses.
“Pero, Lanina….”
‘Orin, please, gumising ka…..’
“May problema ba, Orin?” tanong ni Lanina. Tumayo siya at ikinandado ang pintuan ng silid.
‘Orin… Mahal na mahal kita. Gumising ka na…’
“Mahal…..”
“Mahal kita, Orin,” sabi ni Lanina. “At mahal mo rin ako. Mahal na mahal mo ako. At tanging ako lang.”
‘Orin, please…..’
“Punta ulit tayo sa langit, Orin. Magpakaligaya tayo.” Sabi sa akin ni Lanina habang dahan-dahan siyang lumalapit sa akin.
‘Orin……..