Kwentong Pandemya: Oliver At Abby
Ang maingay na pagkaskas ng syanse sa kawali at ang amoy ng nasusunog na bawang ang gumising kay Oliver. Nag-inat muna sya ng katawan at kinusot ang mga mata bago kinapa ang cellphone sa ilalim ng kanyang unan para tingnan ang oras. 6:03 ng umaga. Agad syang bumangon dahil di na rin nya matiis ang …