Ang Tirador: Ikaapat
Lohikal na nilalang ang tao. May rason kung bakit ginagawa ang lahat ng bagay. Bawat kilos, may dahilan. Kumain, kasi nagutom. Uminom, kasi nauhaw. Nagpahinga, kasi napagod. Kahit katarantaduhan pa ang ginawa, magdadahilan tayo bakit natin nagawa. Naging kriminal, kasi nagipit. Naging kalaguyo, kasi nagnasa. Kasi marupok. Kasi masarap. Ganoon nasa isip ko isang tanghali …