*INSPIRED BY REAL EVENTS*
–
“How are you feeling now, Sir?”tanong ko sa isang matandang lalaki na pasyente namin dito sa isang tanyag na ospital sa bansang Amerika.
“I feel alive now, Carlos. Thanks to your never-ending care, I hope I’ll be able to repay you for taking care of me.” sagot naman nito.
“Oh, no need for that Sir. It’s our job to take care all of you who are admitted here.”sagot ko naman sa kanya.
Agad niyo ng malalaman kung ano ang aking trabaho dito sa dayuhang bansa, isa akong nars at ngayo’y magwa-walong taon na ang aking paglalagi dito. Ako’y dalawampu’t-walo nang magsimulang magtrabaho dito mula nang ako’y nakapag-trabaho sa isa ring tanyag at kilalang ospital sa Pilipinas.
Bukod sa pagod, ang karaniwan kong laging inaalala rito ay ang aking mag-iina na naiwan ko sa’ting bansa. Si Melania ang aking butihing maybahay at ang kambal naming anak na sina Maureen at Maureese na kaka-siyam na taong gulang pa lamang at nag-aaral sa isang pampublikong paaralan.
Wala na ang aking mga magulang at ako’y nag-iisang anak lang kaya’t mahirap eh ginawa ko ang lahat para lang maabot ang hantungan na aking kinatatayuan ngayon. Ang mga magulang naman ni Melania ay nandirito pa at may kapatid din siya na nakatatandang babae, si Rowena.
Muli, ako nga pala si Carlos at heto ang aking kwento…
Dalawampung taong gulang ako no’ng natapos ko ang aking pag-aaral sa kursong Nursing. Pagkatapos kong makapagtapos sa kolehiyo ay agad akong sumabay sa mga mag-aaral rin na nais kumuha ng Nursing Licensure Exam at sa kabutihang palad, ako’y nakapasa at agad-agad nakapagtrabaho sa aking murang edad. At sa mga sumunod na taon nama’y kinuha ko na rin pagsusulit sa Board Exam at katulad nang naunang pagsusulit ay naipasa ko rin ito.
Nagkakilala kami ng aking maybahay noong ako’y nagtatrabaho at siya nama’y kakatapos lang ng pag-aaral sa kursong pang-edukasyon. Tulad ng karamihan, masasabi ko na malambing din kami sa isa’t-isa, kung saan-saan napapadpad dahil sa pamamasyal at higit sa lahat, nirerespeto namin ang isa’t-isa.
Noong una ay patago lang ang aming pag-iibigan hanggang sa napag-desisyonan kong humarap sa kanyang mga magulang, sumalungat pa siya sa aking ideya noon na kesyo ganito-ganyan ngunit kalauna’y napapayag ko na rin naman siya dahil gusto rin daw akong makilala ng kanyang mga magulang.
Dumating ang araw na iyon ay bigla akong nakaramdam ng pangamba sa kung anuman ang mangyayari sa tagpuang iyon dahil sa nakikita ko’y napakalayo ng aming estado sa buhay ni Melania. Malaki at malawak ang kanilang pamamahay, may mga kasambahay, tagapagpangalaga, at kung sinu-sino pang mga manggagawa ng pamilya nila.
Pagpasok palang namin sa loob ng bahay nila ay sinalubong na kami ng mga magulang ni Melania. Ibinigay ko ang isa pang palumpon ng bulaklak sa ina niya at nakipag-kamay naman ako sa ama bilang tanda ng aking paggalang sa dalawa.
Sa aming pag-uusap ay mararamdaman mo talaga ang kalayuan ng estado namin. Hindi ko naramdaman na ‘usapan’ nga ang naganap kun’di isang ‘interogasyon’. Sa pamamaraang pagbigkas ay hindi naman siya nakakarinig ng mga masasamang salita pero sa paningin ng mga ito ay halatang-halata.
Bago ako nakauwi ay muli pa akong kinausap ng ama niya nang masinsinan, sa opisina nito sa sariling bahay.Dito’y ipinaalam ng kanyang ama ang nais nitong ipahiwatig sa akin bilang kasintahan ng bunsong prinsesa niya.
Hanggang sa unti-unti ko na ring nakakasundo ang mga magulang ni Melania at ‘di nga naglaon ay nauwi rin sa kasalan ang pag-iibigan namin ng kanilang prinsesa. Kahit abala sa trabaho, pinilit kong mag-ambag ni-katiting sa aking kasal kahit na lagi akong inaayawan ng mga magulang ni Melania at ipagsa-kanila nalang daw ang gastusin para sa amin.
Makalipas ang ilang taon ay nabuo ko na rin ang aking pinapangarap na pamilya kasama si Melania. Nagtuturo na rin siya ng asignaturang Ingles at Matematika sa isang pampublikong paaralan.
Habang papalaki nang papalaki ang aming mga anak ay lumalaki na rin ang aming gastusin sa buhay at aaminin ko na ‘di pa talaga sapat ang aming kinikitang mag-asawa buwan-buwan. Kaya kinausap ko ang aking misis ukol sa plano kong mangibang bansa na ikinabigla niya.
Sinabi ko ang dahilan kung bakit ko gustong mangibang-bansa gayong may trabaho naman na ako dito sa Pilipinas, pagkatapos kong umamin ay niyakap lang ako ng aking misis at ‘di man niya ‘pinapakita sa’kin, alam kong naiiyak siya sa sitwasyon namin.
Sinabi niya na ‘andyan naman ang mga magulang niya na pwede naming hingian ng tulong pero umiling ako, pinaintindi ko sa kanya na ‘di sa lahat nang panahon ay dapat naming umasa sa mga magulang niya dahil marami ng naitulong sa amin ang mga ito.
Ilang araw niya akong ‘di pinansin noon kahit na anong pilit kong panunuyo sa kanya hanggang sa tinanong niya na rin ako kung seryoso at sigurado daw ba’ko sa desisyon ko at tumango naman ako sa kanya.
Araw ng aking paglipad, sinamahan ako ni Melania at ng mga magulang niya papunta sa paliparan. Pagdating namin doon, kita kong nangingilid na sa luha ang mga mata ni misis kaya pinahiran ko ito at pinatahan siya. Pinaaalalahanan ako ng ina ni Melania na mag-iingat daw ako do’n at ‘wag kalimutang makipag-komunika sa aking mag-iina ‘pag nasa libre ang oras ko. Nginitian ko lang ito at nagpasalamat.
Hanggang sa ma-anunsyo na rin ang aking flight at kinailangan ko ng pumunta, bago iyon ay niyakap ko muna nang mahigpit si Melania at hinalikan ng malagkit ang labi nito, walang pakialam kahit maraming tao. Niyakap ko rin ang mga magulang ni misis at nagpasalamat sa lahat ng nagawa nila sa’kin.
~~~~~~~
“Hi, hon… Hi, mga princess…”panimulang bungad ko sa aking mag-iina.
Binigyan kami ng tatlumpung minuto para makapagpahinga muna sandali bago magpatuloy, ginamit ko ang oras para panandalian munang makipag-usap sa’king mag-iina.
“Hi, Daddy! Miss na miss ka na po namin ni Mommy…”naiiyak na wika ng isang anak niya.
Saktong Sabado ng gabi dito at Linggo ng umaga sa kanila kung kaya’t nandidito kami ngayon at masayang nag-uusap.
“Miss na miss na rin kayo ni daddy, mga anak… Kailangan ko lang talagang magtrabaho para sa atin lahat.”
“Okay po. ‘Wag ka po magpapagod daddy ha?”sabat naman ni Maureese na pinapahiran ang mga matang naluluha sa lungkot.
Nagpaalam naman ang aming magkakambal para maglaro muna sila. Bago sila maglakad ay humalik pa ito sa pisngi ni misis at flinying-kiss nila ako na sinuklian ko rin.
Kami nalang ngayon ng aking misis ngayon ang mag-uusap ngunit hindi pa man kami nakakapag-simula ay nakarinig nalang ako ng mabibilis at mabibigat na yapak na wari ko’y nagmamadaling tumatakbo papalapit sa pwesto ko.
“Carlos! Carlos! Huuuh… Huuuh… W-We got an emergency, we gotta hurry now.”wika ni Andrei na kasamahan ko dito sa ospital.
Agad akong nagpaalam kay Melania, hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil mas matatagalan pa’ko ‘pag gano’n. Patakbo kaming nagtungo ni Andrei sa emergency room at doo’y nakita namin ang isang matandang lalaki na duguan at nag-aagaw buhay. May tama ng ilang bala ang katawan at tingin ko’y nasaksak pa yata ito.
Tinulungan namin ang doktor na nakatalaga sa kanya, mabilis at sigurado ang bawat galaw na ginagawa naming lahat lalong-lalo na ang doktor na nakasalalay ang buhay ng pasyente. Hindi paman kami natatapos, bigla nalang nag-warning tone ang makina. Senyales na malala na ang lagay ng aming pasyente.
Agad-agad na nag-CPR ang doktor sakaling mahabol pa ang nanghihina nang buhay ng pasyente subalit kalauna’y nalagutan na rin ito ng hininga at tuluyang binawian ng buhay. Lahat kami ay naiiyak sa sinapit ng pasyente. Hindi man namin siya personal na kakilala, para sa’min, mahahalaga ang bawat buhay na dinadala dito sa’ming gusali. Bago lumabas ay pinahiran muna namin ang mga mata.
Nauna akong lumabas dahil sa hindi ko na kinaya ang aking nakikita. Paglabas ko naman sa emergency room ay nakaabang ang pamilya ng aming pasyente. Pagkakita sa akin ng ginang at ng mga anak nito ay agad nila akong nilapitan at pinapasagot sa kung ano na ang nangyari sa kanilang padre-de-pamilya.
Mahina ko silang sinagot na mas mabuting ang doktor na lang ang magsabi nito sa kanila at ako’y naglakad na papalayo, pag-abot ko sa papalikong daan ay narinig ko nalang ang paghiyaw, sigaw at paghihinagpis ng pamilya nito.
Nagpunta ako sa vending machine at bumili ng inuming-malamig para makalma ang aking sarili. Inilabas ko ang larawan ng aking mag-iina mula sa bulsa at naiiyak ‘kong tinititigan ito.
“Hey, man. You alright?”
Napabalik ako sa huwisyo nang marinig ko ito, si Andrei.
“Uh… Ye-Yeah, man. I’m okay.”sagot ko sa kanya.
“I see you holdin’ a picture right there, uh… they your family?”
“Yeah, man. I miss them so much. She’s my wife and they’re my kids.”turo ko sa aking mag-iina kay Andrei.
“They here with you?”
“Unfortunately no, they’re in my home country. I’m doing this for them.”
“I understand you, man. I have a family too, not too far as yours but for me, they’re still far away. Just gotta man up and do our thing.”
“Right…”
“You wanna go back in?”
“After this, just gonna finish this last sip. Be right behind you…”
“Alright, then. I’mma go ahead now…”
Pag-uwi ko sa’king inuupahang apartamento ay agad kong binuksan ang aking laptop at umaasang makaka-usap ko pa ang aking misis subalit bigo ako. Inayos ko nalang ang sarili ko at tuluyang ipinikit ang aking mga mata.
~~~~~~
Lumipas ang mga araw ay mas naging abala na ang aming ospital sa pagtanggap ng mga pasyente, may naging outbreak kasi ng dengue sa ilang lugar at ang karaniwang mga pasyente ay pawang mga bata at matatanda na uugod-ugod na sa paglalakad.
Hindi ko na rin gaanong nakakausap ang aking mag-iina dahil sa pagiging abala ko at pag-uwi ko nama’y agad na’kong natutulog dahil sa pagod at stress.
“Daddy, malapit na birthday namin. Hindi ka ba makakauwi?”wika ni Maureen.
“P-Pasensya na anak pero busy si daddy eh, padadalhan ko nalang kayo para maging masaya pa rin kayo sa kaarawan niyo. Okay ba?”pilit-saya kong sagot sa kanila kahit na gustong-gusto ko na silang mayakap at mahagkan.
“Sige po, daddy. Pero sana, makauwi ka kahit sa birthday lang namin.”
‘Yan ang natatandaan kong paki-usap ng aking magka-kambal mula sa huli naming pag-uusap. Masakit at mahirap sa kalooban na makita mo na nasa ganitong sitwasyon ang mag-iina mo pero kailangan mong magpakatatag para sa kanila.
Buwan-buwan naman akong nagpapadala ng aking sweldo, malaki-laki rin ‘yon dahil sa binibigyan din kami ng bonus ng pamunuan ng ospital. Paminsan-minsan ay nakakauwi rin naman ako sa pamilya ko at lagi naming sinusulit ang pagkakataon na kami’y magkasama, lalong-lalo na ang aking maybahay na sa tuwing magniniig kami ay grabe kung makaakto, daig pa ang isang pornstar na napapanood ko sa aking telepono.
Lumipas ang panahon ay madalang na kaming nakakapag-komunika ni misis, at sa tuwing mag-uusap pa kami ay pansin ko na parang bugnot siya at parang napipilitan o ‘di kaya’y ordinaryong gawain nalang ito sa kanya. Tinanong ko siya ukol dito at sinabi niyang pagod lang daw siya at stress dahil sa trabaho. Pinaniwalaan ko ang sagot ni misis, ipinagsa-bahala ko nalang ito at iwinaksi ko sa aking utak ang mga negatibo kong naiisip.
Hanggang sa isang araw, habang ako’y nasa trabaho at oras na naman ng pahinga. Nakatanggap ako ng isang mensahe galing sa isang lalaki, si Jorge, kaibigan ni misis na isang bank manager. Nakilala ko siya no’ng pinakilala siya sa’kin ni misis, magkasintahan pa lang kami no’n.
“Pre, kumusta?”basa ko sa mensahe niya.
“Uy, pre! Heto, nagtatrabaho para sa pamilya. Ikaw, kumusta ka na? May nakapagpa-bihag na ba niyang puso mo? HAHAHAHA!”sagot ko sa kanya.
“Cheesy mo pre, HAHAHAHA! Pero oo, tama ka, meron na nga. Actually, kaka-kita lang namin kanina. ‘Di pa rin siya nagbabago pre, ganda at seksi pa rin. Mas lalo pa yata ngayon na kay tagal ko rin siyang ‘di nakita. Teka, maiba ako, kumusta na ba ang mag-iina mo? Matagal-tagal na rin akong ‘di nakakapag-bigay ng mga regalo sa mga inaanak ko ah…”
Nahuli ako ng isang doktor na gumagamit ng telepono kaya sinaway niya’ko at pinagsabihan. Hindi na’ko nakapag-reply pa kay Jorge dahil sa baka mahuli na naman ako. Pag-uwi ko’y muli akong nakipag-konekta kay Jorge, buti nalang ay napansin niya’ko kung kaya’t patuloy pa kaming nakakapag-usap.
“Pag-uwi ko ng Pinas eh ipapakilala mo sa’kin ‘yang babaeng nagpabihag sa’yo ha?”
“HAHAHAHAHA! Oo na, ikaw talaga o. Ipapakilala ko siya sa inyo ni misis mo.”
“Sige sige…”
“Nga pala pre, ayoko sanang manghimasok sa buhay niyong mag-asawa pero dahil sa pareho ko kayong kaibigan ay gagawin ko ito…”
“Anong ibig mong sabihin, pre?”
“Uh… Noong isang araw kasi ay nakita ko si Melania na papasok sa isang hotel…”
“Oh, ano namang problema do’n?”
“Ganito kasi ‘yon pre, pumasok siya sa isang hotel na may kasamang lalaki na nakaakbay pa sa kanya at ang lambing-lambing pa kahit papasok pa lang sila.”
Sa sinabi ni Jorge ay nakaramdam ako ng paninibugho sa aking sarili, kung totoo man ito ay hindi ko alam ang maaari kong magawa kay misis at sa kalaguyo niya. Nanginginig ang aking mga kamay at parang gusto ko nang umiyak.
“Pre! Pre! Ayos ka lang ba?”
Napabalik ako sa huwisyo, na-tulala pala ako nang ilang segundo mula sa pagsabi ni Jorge sa’kin.
“Uh… Oo! Oo, ayos lang ako pre.”
“Talaga?”
“Oo! Oo! ‘Wag mo’ko alalahanin… Pre, pwede bang makahingi sa’yo ng pabor?”
“Sige sige, walang problema. Ano bang maitutulong ko sa’yo?”
“Total, ikaw naman ang nakasaksi sa lahat ng sinabi mo ngayon sa’kin at kulang na lang eh pruweba. Gusto ko sana na hanapan mo’ko ng mga ebidensya na nagsasabing nagtataksil sa akin si Melania.”
“Sige pre, walang problema. Tamang-tama, kapitbahay niyo lang ako dito sa lugar na tinitirhan niyo at sakto pang ang nabili kong bahay ay katapat lang din ng bahay niyo.”
“Gano’n ba, pre? Tama nga ‘yan. Sige, mauna na’ko, maaga pa’ko bukas eh.”
“Good night sa’yo d’yan pre, balitaan agad kita ‘pag may nakalap ako. Ingat!”
Nakatulog akong iniisip ang sinabi sa akin ni Jorge. Napapaisip akong,“Bakit? Paano? Anong nagawa ko sa kanya para magawa niya ‘to sa’kin. Wala pa namang pruweba kaya maghihintay muna ako bago ko komprontahin si Melania.”
Kinabukasa’y pinilit kong iwaksi sa aking isipan ang mga nalaman ko kagabi mula sa kaibigan namin ni misis at mas pinili kong itutok at pagtuunan ng pansin ang mga gawain dito sa ospital.
Binibisita ko ang mga pasyenteng itinalaga sa akin para tingnan ang lagay ng mga ito at para na rin mabigyan ko sila ng mga gamot na naaangkop sa kanila.
Paminsan-minsan, inaaya din ako ng aking mga ka-trabaho na gumala at mag-inom. At dahil sa problemang iniisip ko ay pumayag ako sa alok nila, pumupunta kami sa ilang bar para makapag-unwind talaga, walwal kung walwal.
Sa mga sumunod na araw ay lagi kong inaabangan ang mga updates ni Jorge sa’kin ukol nga sa pagtataksil ni misis subalit sa mga araw ding iyon ay lagi nalang akong umaasa ngunit walang dumadating na mensahe mula sa kanya.
Hanggang sa isang gabi, galing ako sa trabaho ay biglang tumaginting ang aking telepono nang halos tatlumpo o apatnapu’t-limang segundo ang tagal. Tiningnan ko ito at binuksan ang aplikasyon na ‘Messenger’ at nakita ang mensahe ng isang estranghero sa akin. Isang litrato ng katawang pambabae na hubo’t-hubad na may nakasulat ring,“Napakasarap ng asawa mo brod, sulit na sulit. Kung gusto mong makakita pa nang ilan, reply ka lang.”
Nabitawan ko ang aking telepono at bumagsak ito sa sahig. Kitang-kita sa litrato ang misis kong hubad, nginig na nginig ang aking kamay sa pagkagulat. Walang profile picture ang nagsend ng litrato sa akin kaya sigurado akong dummy account lang ito, ginawa lang para maipasa ito sa akin.
At kahit na nanghihina na ako sa aking nasaksihan ay pinilit kong tatagan ang sarili ko at nag-reply na,“Paano mo nakuha ang litrato na’yan? Ikaw ba ang kabit ng asawa ko? Ha?! Ikaw ba?! Putangina mo, papatayin kitang hayop ka!”
“Kalma lang, brod. ‘Di mo naman siguro gugustuhin na maging sikat ‘tong seksi mong misis ‘diba? Lalo’t wala ka rito…”
Sa aking narinig ay napa-estatwa ako, maaaring totohanin ito ng kausap niya ngayon ang sinasabi nitong ikakalit nito ang mga litrato at bidyo na kuhang-kuha si Melania.
“Please! Please bro, ‘wag mo ipakalat. Kakalma na ako, kakalma na ako.”
“Mabuti naman kung gano’n… Eh ano? Gusto mo bang makita ang ginagawa namin ni misis mo habang nagpapakahirap ka d’yan sa pagtatrabaho?”
Matagal kong pinag-isipan ang aking isasagot. Tinatanong ko muna ang aking sarili kung kaya ko ba? Kaya ko ba talagang makita ang aking misis na binabayo ng iba? Kaya ko bang makita na nasasarapan si Melania habang pinagpasasaan ng iba?
“Sige, pasahan mo ako.”
Binigyan ako ng instruksyon ng lalaki na ibigay ko ang aking email sa kanya para mapasahan niya ako. Sinunod ko siya at kaunting minuto lang ang paghihintay ay may ipinasa siyang link sa akin.
Pagkatapos niyang ipasa sa akin ang kinakailangan kong makita para malaman kung nagtataksil nga ba si Melania sa akin ay nag-offline na ito.
Bago ko pindutin ang naipasang link sa akin ay hinanda at tinatagan ko muna ang aking sarili sa maaari kong masaksihan at malaman.“Anong gagawin ko kung totoo ngang pinagtataksilan ako ni Melania? Kokomprontahin ko ba siya agad? Makakayanan ko bang sigawan at bulyawan siya dahil sa kamailan niyang nagawa?”Maraming katanungan ang pumapasok sa isip ko. Hindi ko na pinatagal pa at pinindot ko na ang nasabing link.
Bumungad sa aking paningin ang iba-ibang litrato at bidyo ni misis. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita ngayon na parang masasabi ko na,“Si Melania ba ito? Misis ko ba talaga ito?”Ang laswa-laswa ng bawat isang litrato na aking nakikita.
Iba-ibang pose sa iba-ibang anggulo, isa-isa ay parang puta ang bawat litrato. Mas tinatagan ko na ang aking sarili sa aking susunod na pipindutin, ang mga bidyo. Una kong binuksan ang pinaka-una kong nakita. Gusto ko kasi na sunod-sunod, mula sa taas, pababa.
*Uhmm* *Uhmm* *Slurp* *Slurp* *Slop* *Slop* *Slop* *Hmmm* *Hmmm*
“Hihihihi… Sarap ng burat mo, Love.”ngiti-ngiting sabi ni misis. Abalang-abala si Melania sa pagchupa.
Naiiyak ako habang pinapanood ang bidyo. Napapatanong ako sa sarili ko,“Ano nang nangyari sa’yo, asawa ko? Ano nang mangyayari sa pagmamahalan natin?”
Natapos ang unang bidyo ay binuksan ko na ang kasunod, mas mahaba ito kaysa sa nauna.
“Unghhh! Unghhh! Unghhh! Sige pa, Love. Ahh, fffuck! Oh, yes! Ohhh, hihihi…”
‘Di kita ang mukha ng lalaki pero wari ko’y isa itong banyaga o kung hindi man ay may lahing banyaga dahil sa puti nito, may pagka-balbon din ito at kita ang deperensya sa sukat ng aming ari.
Salpok na salpok ang mga ari nila sa tuwing isasagad ng lalaki ang bawat bayo niya. Ilang minuto lang ay nilabasan na ang lalaki at ipinutok ito sa tiyan ni misis.
Gulong-gulo ako sa napapanood ko ngayon, hindi ko lubos mawari magagawa ito sa akin ng aking kabiyak. Ang taong inaasahan kong makakasama hanggang sa pagtanda.
Naghanap pa ako ng isang bidyo na kung saa’y mararamdaman ko talaga ang pagtataksil ni Melania. Hindi naman ako nabigo dahil pinapanood ko na ngayon ang pagtataas-baba ni misis.
“Augghh! Augghh! Augghh! Ooohhh, ungh… Fff-fff-fff, hihihihi.You like it, Love? Ohhh, shit!”
Dim ang setting ng aming silid. Oo, tama kayo nang nabasa. Nasa kwarto at sa mismong kama namin ni Melania sila nagkakantutan. Hindi ko kita ang kanilang mga reaksyon dahil sa mga silhouette lang nila ang napapanood ko pwera nalang sa simula na si misis pa mismo ang nag-setup ng camera.
Nakatuwad na ngayon si misis at malayang tinatanggap ang bawat salpok ng lalaki. Hawak siya nito sa balakang habang ang isang kamay nito’y nakasabunot sa kanyang buhok. Maya-maya pa’y pinagpapalo nalang ng lalaki nang pagka-lakas lakas ang mga pisngi sa pwet ni misis.
*Slap!* *Slap!* *Slap!* *Slap!*
“Aww, fffuck! ‘Tangina mo, Love. Ooohhh, dahan-dahan lang please…”
“Hahahaha! ‘Di bagay sa’yo ang dahan-dahanin, kung magpakantot ka’y parang isang puta.”
“Hnghhh… Fff-fff-fff… Ooohhh… Hmmm… Augghh! Augghh! Augghh!”
Maya-maya lang ay parehas nang nilabasan ang dalawa, naninikip pa ang dibdib kong makita na ipinutok pala ng lalaki ang kanyang masaganang tamod sa kaloob-looban ni misis.
Hindi ko na tinapos ang panonood ng iba pang mga bidyo, malinaw na sa akin na nagtataksil nga ang aking misis sa akin. Padapa akong napahiga sa kama, ibinaon ang aking mukha sa unan saka sumigaw. Isinigaw ko ang lahat ng mga naipon kong saloobin sa aking sarili.
Sa mga sumunod na araw ay para akong patay na patuloy lang sa paglalakad at paggawa ng mga nakasanayang gawin. Laging pumapasok sa aking isip ang kahalayang ginagawa ni Melania. Napapansin pa ito paminsan-minsan ng aking mga ka-trabaho dahil na rin daw sa biglaan akong napapatulala. Sinasagot ko nalang sila na pagod at stress lang sa dami ng aming ginagawa.
“O! Hon, anong nangyayari sa’yo? Ba’t ganyan ang mukha mo?” tanong ng aking taksil na misis.
Kaharap ko siya ngayon, ‘di kase ako pumasok sa trabaho ngayong araw dahil sa masama ang aking pakiramdam. Hindi ko magawang komprontahin siya ngayon dahil sa tinitimbang ko pa rin sa aking sarili ang katanungan na‘let go or live in’.
“Pagod at stress lang ito, Hon. Ang dami kasi naming ginagawa sa ospital nitong mga nakalipas na araw. Pasensya na…”
“Ano ka ba naman Hon, alalahanin mo muna ‘yang sarili mo bago ang iba kahit pa na nurse ka saka, ‘wag ka ring magpapalipas ng kain…”
Ang lambing niya talaga, ang lambing-lambing. Magaling pa magtago ng sekreto. Umaastang mabuting asawa pero ‘pag nabaling ang paningin mo sa iba, parang nagising na puta na.
“Nga pala Hon, uuwi muna ako d’yan sa Pinas. Magpapahinga lang muna ako sandali, nasasakal na rin kasi ako dito.”
Nakita kong parang natigilan si misis at napatuwid nang upo. Siguro, naiisip niya na pagsasabihan muna niya ang kanyang kabit na huminto muna sila dahil dadating ako.
“Uh… Kailan ang uwi mo, Hon?…”
“S-Sa katapusan ng buwan… ‘Wag mo muna sasabihin sa kambal ha? Surprise lang natin sila.”
Masayang tumatango-tango naman ito.
Hindi ko sinabi na mas mapapaaga ang aking pag-uwi dahil ayaw kong maalarma ito. Balak ko rin kasi siyang sorpresahin. Napagsabihan ko na ang pamunuan ng ospital at sa kabutihang palad ay pumayag naman sila na pansamantala muna akong uuwi sa loob ng isang linggo.
~~~~~~
Isang araw bago ang nasabing skedyul nang aking paglipad ay nag-impake na ako. Handa na rin akong harapin at komprontahin ang aking taksil na misis.
Ngayo’y kasama ko na naman ang aking mga maaasahang kaibigan sa trabaho, gusto daw nila munang makasama nila ako bago ako umuwi kahit na isang linggo lang naman akong mawawalay sa kanila.
Araw ng aking pag-uwi ay hinatid nila ako papunta sa paliparan hanggang sa ako’y makasakay ng eroplano.
*SSSSSSWIIIIIIIIIIIIIISSSSSSSSSSSSSHHHHHHHHHH*
Nagising nalang ako sa paglapag ng eroplano sa daanan nito, mahaba rin ang byahe kaya naisipan kong matulog. Sabi ko sa sarili ko,“Maligayang bati, Pinas! Ahhh… Heto na, wala nang atrasan ito Hon. Hintayin mo lang ang sorpresa ko.”
Sinundo naman ako ng aking kababata na pinakiusapan ko na kung pupuwede sa kanila muna ako matutulog, agad naman itong pumayag dahil ayos lang din daw sa misis niya.
“Kumusta, kapatid? HAHAHAHAHAHA! Matagal-tagal din tayong ‘di nagkita ah.”
“Ayos lang, ikaw? Kumusta ka na?”
Nag-bating brusko kami at inalalayan naman niya ako papasok sa kanyang sasakyan. Binabaybay na namin ang daanan patungo sa kanilang bahay.
Pagdating namin sa kanila ay sinalubong kami agad ng kanyang maybahay at mga anak. Nakipag-kilala’t nakipag-bati sa kanila, masaya nila akong tinanggap. Saktong-sakto naman na hapunan na rin pagdating namin kaya kumain na kami.
“Uh… Carlos, kung ‘di mo mamasamain… Bakit mo nga pala tinanong si Kevin na kung pupuwede ay dumito ka muna? Bakit ‘di ka dumerecho sa bahay niyo?”tanong nito sa akin.
Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain at tiningnan sila saka ko napansin na umiiyak na pala ako.
“Oh my god! Pasensya na, Carlos. Pasensya na sa pagtatanong, siguro ay may malalim kang dahilan kaya ‘wag mo nalang sagutin.”pinatahan ako ng mag-pamilya.
“P-Patawad din at ‘di ko masabi sa inyo ang dahilan ko kung bakit ako nandidito… Masyado kasing personal, ‘di ko kayang sabihin kahit kanino. Pasensya na talaga…” naiiyak kong sagot sa kanila.
“Naiintindihan ka namin, pre.”
Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nagprisintang maghugas nang aming napag-kainan. Pagkatapos ko ay inaya naman ako ni Kevin na uminom ng alak na agad kong sinagot.
Marami kaming pinag-uusapan habang kami ay nag-iinom, mga bagay-bagay tungkol sa pamilya. Pinipilit kong ‘di ma-kwento ang nangyayari sa aking buhay mag-asawa.
Hatinggabi na nang kami natapos, naubos namin ang isang bote ng Tanduay Rum. Lasing na lasing akong papasok sa guest room nila pati na rin ang mokong na pasuray-suray sa paglalakad, hindi na namin nalinis ang aming mga kalat.
Habang ako’y nakahiga ay nagsipasok na naman sa aking isip ang kataksilang nagawa sa akin ni Melania, mabuti nalang at nai-lock ang pinto kaya pinagpatuloy ko ang aking pag-iyak.
Kinabukasan, maaga akong nagising at ang sakit-sakit pa ng ulo ko. Iniisip ko kung pupuntahan ko na ba agad si misis at kokomprontahin o uunahin ko muna ‘yung gusto kong puntahan. Napag-desisyunan kong sa hapon ko nalang pupuntahan si Melania, sakto rin namang Sabado ngayon kaya sigurado akong nandoon ‘yon at pupuntahan ko nalang muna ‘yung gusto kong puntahan.
Tanghali na at kagagaling ko lang sa pinuntahan ko kanina at ngayo’y naghahanda na para sa komprontasyon ko kay misis. Muli akong nag-ayos at hiniram ko muna ang sasakyan ni Kevin, mabuti nalang at pumayag ito.
“Salamat pre! Hayaan mong bayaran kita sa lahat ng tulong niyong mag-pamilya sa akin.”
“Ayos lang ‘yon, pre. ‘Wag mo nang isipin ‘yon, ayusin mo nalang ‘yang problemang dinadala mo, pambawi mo nalang sa akin.”
“Sige pre! Salamat talaga, mauuna na’ko ha?”
“Sige! Ingat.”
Binabaybay ko na ngayon ang daanan papunta sa aming bahay, medyo ma-trapik pero kakayanin naman. Ala una nang ako’y makarating sa lugar na aming tinitirhan. Habang ako’y papalapit, may napansin na isang sasakyan na naka-parada sa tapat ng aming bahay. Itinigil ko ang sasakyan medyo may kalayuan sa aming pamamahay para ‘di ako mapansin ni misis.
Pumanaog na ako sa sasakyan at nilakad ko nalang ang natitirang lakaran bago makarating sa bahay. Dahil sa naka-gate, maingat ko itong inakyat. ‘Di ako gumagawa ng ingay para ‘di nila ako mapansin sa kung sino man ang nandidito sa bahay.
Naka-lock ang pintuan, naka-takip ang mga kurtina sa mga bintana. Dinampot ko ang duplicate key at agad itong isinilid sa busol pagkatapos ay dahan-dahan kong pinihit ang pintuan na ‘di makakagawa ng ingay.
Pagkapasok ko sa loob ng aming bahay ay makulimlim ang kapaligiran, parang walang kabuhay-buhay at kasigla-sigla. Malayo sa pakiramdam no’ng ako’y pumarito sa nakaraang uwi ko. Hindi ko rin mahanap ang aking misis, siguro’y nasa kalaguyo na naman niya ito.
Habang ako’y naglilibot sa aming bahay ay may narinig akong malakas na pagdabog mula sa ikalawang palapag ng aming bahay na kung saan nandidito ang aming silid-tulugan. Sinipat ko ang ikalawang palapag mula sa’king pwesto, dito sa baba bago ka makaapak sa hagdan. May nadidinig akong mga mahihinang boses na wari ko’y nag-uusap at naghahagikgikan.
Nagpasya akong umakyat, dahan-dahan para ‘di marinig nang kung sino man ang naririto. Habang ako’y papalapit na nang papalit ay palakas na rin nang palakas ang mga boses na aking naririnig. Sigurado akong nagmumula ito sa silid naming mag-asawa. Maya-maya pa’y nakakarinig na ako ng mga pag-ungol.
Pagka-abot ko sa tapat ng aming pintuan ay huminga muna ako ng malalim at tinatagan ko muna ang aking sarili. ‘Di dapat ako magpa-apekto sa kahit anumang makikita ko sa loob. Hinawakan ko ang busol ng pintuan, sinusubukan ko kung ito ba’y naka-lock o hindi. At nang hindi ito naka-lock, dahan-dahan ko nang ipinihit ito pabukas, sakto lang para mabigyan ako ng sapat na pagkakita sa kung anuman ang nangyayari.
At dito ko na nga nakumpirma na si Melania na aking kabiyak ay nagtataksil sa akin. Bakit? Kitang-kita ko na ngayon ang pagpapakantot niya sa kanyang kabit. At ang mas ikinabigla ko pa ay kilala ko ang kabit ni misis, si Jorge.
Nanginginig ang aking mga kamay sa aking nakikita, mga mata ko’y ‘di ko namalayan at kusa nalang itong tumutulo. Naninikip ang aking dibdib, mga binti ko’y nanghihina na parang gusto nalang na mawalan ng lakas. Dinampot ko ang aking telepono mula sa isang bulsa ko at ni-rekord ang kanilang ginagawa para may ebidensya pa ako.
Hindi ko na kaya ang aking napapanood, hindi ako eskandalosong tao pero gusto ko na silang saktan at pagsisigawan. Sa isip ko’y,“Heto na, heto na… RAAAHHHHHHHHHHH!”.
Sinipa ko ang pintuan dahilan para mapatigil sila sa kanilang ginagawa, nanlaki pa ang mga mata ng dalawa pagkakita nila sa akin. Hindi ko naman inaksaya ang panahon at agad kong sinugod si Jorge saka sinuntok. Pagka-tumba niya sa sahig ay agad ko siyang sinakyan at pinaulanan nang mas malalakas at mabibigat pang mga suntok. Wala akong pakialam kung saan man tumama.
“MGA HAYOP KAYOOO! WALA KAYONG PUSOOO! NAGPAPAKA-HIRAP AKO SA IBANG BANSA TAPOS HETO KAYO, GINAGAGO AKO! ‘TANGINA MO, PRE!”
Walang nagawa si Jorge at sinalag niya ang aking mga kamao ng kanyang mga kamay. Duguan na ang nguso’t ilong nito, may pasa na rin sa mukha.
“P-Pre, ta-tama na. T-Tama na, please.”mahinang pakiusap niya.
“TAMA NA?! BAKIT, MASAKIT BA? HA?!… Pre, ikaw pa nagsabi sa akin no’n na napapansin mong parang may ginagawang ‘di maganda si misis. Pre, pinagkatiwalaan kita… PINAGKATIWALAAN KITANG PUTANGINA KA!Tapos ngayon, ikaw pala ‘tong kabit ng misis ko? Ikaw rin pala ang nagpadala sa akin no’n ng mga hubad na litrato at bidyo na kung saan kayo’y nagkakantutan. MGA HAYOP KAYO!”
Naramdaman ko nalang na hinagkan ako ni Melania kahit na ito’y nakahubad pa. Kumalma ako sa kanyang ginawa at agad kong tinayo ang aking katawan mula kay Jorge.
“Tama na, Hon. Please. Tama na, I’m sorry… I’m sorry… Please, tama na…”wika ni misis habang ito’y iyak ng iyak.
“Pasensya na, pare…”wika ni Jorge habang nagsusuot ng kanyang damit.
“TANGINA MO, GAGO! PAGPASENSYAHAN MO ‘YANG MUKHA MONG SABOG. ALIS! UMALIS KA NANG HAYOP KA!”
Dali-daling lumabas ang kumag at narinig ko nalang ang tunog ng kanyang sasakyan saka umalis na. Hagkan-hagkan pa rin ako ni Melania habang tuloy lang siya sa pag-iyak at paghingi ng tawad. Dahan-dahan kong inalis ang kanyang mga bisig sa aking leegan dahilan para mapatingin siya sa’kin. Naupo na siya sa kama.
“Ayusin mo muna ‘yang sarili no bago tayo mag-usap…”wika ko sa kanya.
Naglakad na’ko pababa ng unang palapag, dinamba ko pa ang pag-sarado ko ng pinto dahilan para mapa-gulat si misis. Naupo ako sa isang silya sa aming sala at hinintay siya, gustong-gusto ko siyang sigawan pero ‘di ko magawa. Sa kabila ng nagawa niya, heto, mahal ko pa rin siya at siya pa rin ang isinisigaw ng aking puso.
Maya-maya pa’y nakarinig na ako ng mga yapak mula sa hagdan. Pagkakita ko sa kanya ay mugto na ang kanyang mga mata, hiyang-hiya sa kanyang sarili at sa kanyang nagawa. Umupo siya paharap sa’kin pero parehas kaming pipi, walang mga salitang nais kumawala sa aming mga bibig. Hanggang sa narinig ko nalang ang kanyang sambit.
“I’m sorry, Hon… I’m so sorry, hi-hindi ko alam ang s-sasabihin ko basta patawad…”nakayukong sambit nito habang kinakalikot ang mga daliri.
Hindi pa rin ako bumoboses, mariin ko lang siyang tinititigan. Gusto kong malaman kung paano niya ito nagawa, kailan pa nagsimula at bakit niya ito ginawa.
“Gusto kong ipaliwanag mo ang lahat. Mula sa simula hanggang sa nasaksihan ko kanina.”wika ko sa kanya na tumatango-tango lang.
Ipinaliwanag naman agad ni Melania sa akin ang lahat, mula sa pag-kumusta ni Jorge sa kanya sabay sabing nakauwi na pala ito ng Pilipinas no’ng panahon na ‘yon. Dito ko rin nalaman na dati pala silang magkasintahan na nagkahiwalay dahil sa kinailangan ni Jorge magpunta sa Amerika dahil sa ‘andoon ang pamilya ng ama niya.
Una ay ‘di niya raw ito pinapansin dahil ayaw na niyang manumbalik ang kanilang nakaraan, may asawa’t mga anak na raw siya. Hanggang sa isang araw, habang siya’y namimili ng kanilang mga pagkain ng mga bata ay ‘di inaasahang magkita daw sila nito. Para ‘di magmukhang bastos ay kinusap niya na rin daw ito.
Ang isang araw na aksidenteng pag-uusap ay na-develop hanggang sa nag-araw araw na sila, timing pa raw noon na nangungulila daw siya sa’kin kaya ineentertain na rin daw niya ang lalaki.
“Until isang gabi, inimbatahan ako ng isa kong kaibigan na magliwaliw lang sandali na hindi ko rin naman alam na pati rin pala siya ay pinapunta. Lasing na lasing ako no’n pagkatapos, nagprisinta naman si Jorge na siya na raw ang maghatid papauwi sa akin. Hanggang do’n nga, dahil sa pangungulila ko sa’yo Hon, sa kanya ko naibuhos ang lahat ng aking frustration. May nangyari sa amin, sa kanyang hotel room.”
At heto na nga, the rest is history.
Kahit na gusto ko na siyang sigawan, bulyawan at saktan ay pinilit ko pa ring pakalmahin ang aking sarili. Gusto ko pang isalba ang aming pagmamahalan, para sa amin at sa mga anak namin. Kaya lang, nangyari na ang nangyari at hindi na’yon pupuwede.
Walang pasabing tumayo ako at mabilis na naglakad pabalik sa aming kwarto para kunin ang aking mga damit at mga kinakailangang kuhanin. Hindi ko namalayan na sinundan pala ako ni misis at nang makita niya’kong nag-iimpake ay niyakap niya ako.
“Hon, please. ‘Wag mo’ko iwan, ‘wag mo kaming iwan ng mga anak mo please…”
Dito’y hindi ko na napigilan ang aking sarili. Mailalabas ko na talaga ang aking mga nagbabagang saloobin sa kanya.
“Wag kitang iwan? Tama ba ‘yong narinig ko sa’yo, Hon?Ang sakit-sakit ng ginawa mo sa akin tapos ‘di kita iiwan? ‘DI AKO GANYAN KA-TANGA PARA LANG SA PUTANGINANG PAG-IBIG MO!”
“P-Please, Hon. Huhuhuhu… Please, ‘wag mo’ko iwan. Huhuhuhuhu…”
“Aalis ako dito sa ayaw at gusto mo at ‘wag kang mag-alala, sina Maureen at Maureese? Sa ama’t ina mo na sila titira. Hayop ka! Ihinabilin mo lang sila do’n para lang makagawa kayo ng kabit mo ng kababalaghan dito sa bahay natin. Kaya ngayon, ibinibigay ko na ang pahintulot na pumaroon na sila sa mga magulang. Nandoon na rin ang lahat ng mga ebidensya ko sa inyong dalawa sakali mang may gagawin kayong ‘di maganda.”
Pagkatapos kong mag-impake ay lumabas na ako ng silid at sa huling beses ay muli ko pang sinulyapan si Melania at ako’y dumerecho na. Babalik na ako kina Kevin pansamantala hanggang sa ako’y makabalik ng Amerika.
~~~~~~
MELANIA
Wala na, wala na ang lahat ng aking pinaka-iniingatan. Wala na ang taong mahal ko at minamahal ako, wala na rin ang aking mga munting prinsesa. Dahil sa ano? Dahil sa kataksilang ginawa ko.
Tuluyan nang umalis si Carlos sa aming bahay at ‘di ko alam kung saan iyon pupunta habang ako’y nandidito pa rin at iniiyakan ang lahat ng mga nangyari. Hindi ko na alam ang aking gagawin.
Naisipan kong puntahan ang aking mga anak kina Mama at Papa para na rin maipaliwanag ko sa kanilang lahat ang dapat kong panagutan. Inayos ko ang aking sarili saka nagbihis.
*DING, DONG* *DING, DONG*
Doorbell ko pagkarating ko sa aming bahay, pinag-buksan naman ako ni Mang Raul at sinalubong ng masayang bati ng aming mga kasama dito sa bahay. Walang kaalam-alam ang mga ito sa aking ginawa. Pinag-papanalangin ko nalang na sana’y gayon din ang aking mga magulang.
Pagpasok ko sa aming bahay ay wala akong nakitang tao sa aming sala hanggang sa may isang kasambahay ang dumaan.
“Inday! Inday! Halika nga rito…”
“Uh… Ma’am Melania, kayo po pala.”
“Nasaan sina Mama’t Papa at ang mga anak ko? Bakit ‘di ko sila nakikita rito?”
“Ma’am nasa likod po sila, nagme-meryenda kasama ang magkakambal mo.”
“Sige, salamat…”
Naglakad na ako papunta sa likurang bahagi ng aming bahay na kung saa’y may malawak na bakuran at may matataas at matatayog na mga puno. Pagka-abot ko ay nasulyapan ko na ang masayang ngiti ng aking mga kambal, naluluha ako sa aking nakikita. Napabaling naman ang mga paningin nila sa akin at sumigaw ang mga ito.
“Mommy!… Mommy!…”
Nagtatakbo ito papalapit sa akin, napalingon pa aking mga magulang sa akin at ni Ate Rowena na mariin akong tinititigan. Nginisihan ko nalang silang upang ikubli na alam ko na ang katotohanan sa likod ng mga ekspresyon nila.
“Hello, twinnies! Nagpapakabait ba kayo rito kina Lolo’t Lola?”
“Opo, Mommy. Nag-play play lang po kami tas write-write…”
“Very good…”Naiiyak ako habang nakikisalamuha ako sa aking mga anak. Ano nalang ang sasabihin ko kung sakaling maghahanap sila sa kanilang ama? Sasabihin ko ba sa kanila na wala na ito dahil sa aking pagtataksil?
“Manang, pakipasok nga muna nitong mga chikiting-patrol sa loob at sabihan mo ang lahat na wala munang magpupunta dito sa likod hangga’t ‘di kami pumasok sa loob. Naiintindihan?”ma-otoridad na wika ng aking ina.
“Opo, Madame. Masusunod po…”sagot ng isa sa mga matanda naming kasambahay.
Lumapit ito sa pwesto namin saka kinuha pansamantala ang aking mga anak para ipasok sa loob. Kinakabahan ako sa maaaring mangyayari ngayon, ramdam na ramdam ko ang awra ng aking mga magulang.
“Halika, sundan mo kami.”diing-wika ni Mama.
Sinundan ko silang naglalakad patungo sa garden cottage namin, kasama si Papa at Ate Rowena. Pag-abot namin ay agad akong umupo kaharap silang tatlo.
“Explain what the hell is going on, Melania.”‘Pag tinawag kami nila sa aming pangalan, pahiwatig nila ‘yan na sila ay galit.
“Sorry po, Mama, Papa…”
“Bakit ka nagso-sorry sa amin? Kami ba ang ginawan mo ng masama? Alam mo ba kung anong ginawa mo sa pamilya mo dahil lang sa kalandian mo d’yan?”
Umiiyak na ako sa harapan nila kahit na alam kong patuloy lang nila akong pagsasabihan at pangangaralan.
“Iha, I’m really disappointed in you. BIG TIME. You failed me, you let us down. Alam mo ba kung bakit ‘di kami kaagad boto kay Carlos noong nanliligaw palang siya sa’yo?”tanong ng aking ama.
Tiningnan ko si Papa kahit ako’y umiiyak.
“Dahil sa gusto naming patunayan niya ang kanyang sarili sa amin… Na kaya ka niyang alagaan, protektahan at buhayin maging ang bubuuin niyong pamilya. Alam mo naman ang nangyari sa Ate Rowena mo, ‘diba? Sa mapanlinlang nating mundo ngayon, madami pa ring babae ang naghahanap nang katulad ni Carlos tapos ikaw? Ikaw pa na anak ko ang mananakit sa kanya?”dagdag wika nito.
“Pa, sorry po… Sorry po talaga.”pagmamakaawa ko sa kanila.
“Carlos came here, kaninang umaga. Bago ka niya komprontahin dahil may nalaman daw siya sa’yo at inaasahan niyang ‘di ito totoo…”
*DING, DONG* *DING, DONG*
Naghintay si Carlos nang ilang segundo hanggang sa siya’y napagbuksan.
“Good morning! Sino po sila at anong kailangan?” bungad sa kanya ng isang maligalig na dalaga.
“Ahhh, nand’yan ba sina Doa Severina at Don Quixote? Paki-sabi, si Carlos…”sagot nito sa dalaga.
Pansamantala muna nitong sinarado ang gate at siya’y pinaghintay habang ito’y naglalakad papunta sa mga amo. Makalipas ang ilang minuto ay muli na itong bumalik saka siya’y pinagbuksan. Humingi pa ito nang paumanhin dahil sa ‘di niya alam na siya pala ang asawa ng bunsong anak ng amo. Nginitian niya lang ito saka pumasok na.
Pagkapasok ko ay nakangiti na ang mag-asawa sa akin, pati na rin si Rowena na nakatatandang kapatid ni Melania. Nakipag-batian ako sa kanila at pagkatapos ako ay naupo sa harap nila.
“Carlos, anak… Ba’t ‘di mo sinabi na ngayon ka pala uuwi? E’di sana maipasundo kita…”
“Ayos lang po, Ma… Sinadya ko rin po talagang ‘wag ipaalam kahit kanino na ako’y dadating.“
“Bakit naman, anak? May problema ba kaming dapat malaman?segundang tanong ni Don.
Hindi niya alam kong sasabihin ba niya sa mga ito ang ginawa ni Melania o hindi, natatakot kasi siyang baka may mangyari sa kanila oras na aminin niya ito.
Namalayan nalang niya ang pagpatak ng kanyang mga luha sa kanyang magkabilang hita, hindi na niya naitago ang kanyang emosyon at kitang-kita na ito ng mga magulang at kapatid ng kanyang misis. Dadaluhan pa sana siya ng mga ito pero sinabi niyang ayos lang siya kahit na hindi. Pilit na tinatagan ang sarili.
“Anak, ano ba ang nangyayari sa’yo? Mas mabuti pang ipaalam mo sa amin ‘yan para matulungan ka namin.”pagpapa-kumbaba ng Doa.
Kahit anong pilit niyang pagpapatatag sa kanyang sarili ay bumagsak pa rin ito. Tuluyan nang nasira ang haliging pinapatayo niya sa kanyang sarili at humagulgol siya nang iyak sa harap nila habang siya’y nakaluhod at nakayuko.
“Ma, Pa… Patawad po. I failed you. I failed my marriage. I failed my family…”
“Carlos, anak… Bakit mo iyan sinasabi? Ano bang ibig mong sabihin d’yan? Sabihan mo kami, anak…”pang-aalo ni Doa Severina sa kanya.
“Si… Si Melania po kasi, nalaman kong may kalaguyo po siya habang ako’y pumaroon sa Amerika. Patawad po, patawad po talaga.”
“Ano?!”Magkasabay na wika ng mag-asawa. Nagkatinginan ang mag-asawa.
“Sigurado ka ba d’yan, anak?”paninigurong tanong ng Doa.
“Opo, Ma… Ako nga rin po’y ‘di makapaniwala nang ito’y ipinasa sa akin ng mismong kalaguyo niya.”wika niya at ipinakita ang mga litrato ni Melania na hubo’t hubad kasama ang kalaguyo nito.
Napasinghap sa gulat ang ina habang ang ama nama’y nanlaki ang mga mata, agad itong ikinubli ng doa sa kanyang katawan dahil napansin nila nanginginig si Rowena at parang naninigas. Agad itong dinaluhan ng ama.
“Anak, anak, Rowena, ayos ka lang ba?”pang-aalo nito sa anak habang hinahagod-hagod nito ang likod.
“Pa, dalhin mo lang muna ‘yan sa taas. Baka bumalik sa isip niya ang nangyari sa kanya nang makita niya itong larawan ni Melania.”utos ng misis nito.
Pinatayo ng ama si Rowena saka pinalakad papunta sa taas, inutusan pa nito ang isang kasambahay na dalhan sila ng tubig sa itaas.
Hindi makapaniwala ang Doa sa kanyang nakikita, masyadong garapal at malaswa ang litrato na nasa harapan niya na ngayon. Hindi niya lubos maisip na magagawang magtaksil ni Melania kay Carlos.
“Totoo ba ang mga ito, Carlos? Alam mo ba kung sino ang kabit ng anak ko?”
“Totoo po ‘yan, Ma. Maski ako ay ‘di makapaniwala. At sa pangalawang tanong mo po ay ‘di ko pa alam kung sino ang lalaking iyan, kokomprontahin ko palang ngayong tanghali pagkagaling ko rito si Melania.”
“Sige, anak. Ano man ang magiging desisyon mo ay nasa iyo ang suporta ko, suporta naming mag-pamilya. Hindi ko ito-tolerate ang ginawa ng anak ko.”
“Salamat po, ‘Ma. Pasensya na rin po talaga.”
“Wala kang dapat ihingi nang tawad, anak. Hmmmm… So, ano na plano mo ngayon?”
“Bago po ang lahat, gusto ko lang munang humingi ng pabor sa inyo…”
“… A-Anong pabor ‘yan, anak?”
“K-Kung paparito man si Melania ay sana ‘di niyo siya pagalitan o kung anuman. Gusto kong parang maging normal pa rin kayong mag-pamilya saka… Heto po…”sambit ko kay Doa sabay abot sa kanya ng isang pirasong papel na nakatupi.
“Ano ‘to, Carlos?”tanong ng Doa pagkatapos ay binasa nito ang nilalaman ng papel.
“Anak, bakit mo ito ginagawa? Gusto mong ipagsaamin ang karapatan ni Melania na alagaan ang mga bata?”
“Hindi naman po sa gano’n, ‘Ma. Puwede naman po niyang makasama ang mga bata. Ang sa’kin lang ay gusto kong sa lahat ng oras ay maaalagaan sila at ‘di mapapabayaan. Ayoko lang matulad sa ibang bata ang magkakambal ko, na ‘pag nawalan ng taga-alaga eh mapapariwara. Tanggapin niyo po ‘Ma, pakiusap po…”pagmamakaawa niya habang nakaluhod, pinagdikit ang mga palad at patuloy lang sa pag-iyak.
“O! Sige, anak. Tatanggapin namin ito, pero ‘di ibig sabihin no’n ay hahayaan namin kayong maghiwalay nalang. Isipin niyo ang magiging kalagayan ng mga anak oras na maghiwalay kayo… Masasaktan ‘yan sila.”
“Gagawin ko po ang lahat, ‘Ma.”
“Mabuti naman, anak…”
Tumindig na si Carlos at naupong muli sa upuan. Pinatawag naman ni Doa Severina ang mga anak niya upang makipag-halubilo muna sa kanya bago siya pumunta sa bahay nila na maaaring ‘ando’n ang kanyang misis at ang kalaguyo nito.
“Ano bang napasok mo d’yan sa utak mo, Melania? ‘Di ka naman namin pinalaki nang ganyan, ‘di ka rin namin tinuruang gumawa nang makakasama sa kapwa mo…”wika ni ama sa akin.
Patuloy lang sa pagtulo ang aking mga luha na mula pa kanina noong mahuli siya ng kanyang mister.
“Ma, Pa, ma-mali ba talaga ang ginawa ko? Alam kong ‘di ko asawa si Jorge pero, siya ang laging dumadamay sa akin sa panahon na ako’y nangungulila kay Carlos.”
“Anak ng-! Anong kahibangan ‘yang sinasabi mo, Melania?”inis na tanong ng Doa.
“Bakit mo ba kasi nagawa ‘yon kay Carlos, anak? Isipin mo na nandoon siya sa Amerika upang magtrabaho para sa inyo hindi para magliwaliw at maghanap ng iba… Paano kung sa iyo ‘yan ginawa ni Carlos? Ha? Na siya ngayon ang may kabit at iniichapwera kayong mag-iina? Sa tingin mo ba, masaya ‘yon?”dagdag pa ng Don.
“Pa, hindi naman porket may kabit ako eh ‘di ko na mahal pa si Carlos. Kahit kailan ay ‘di ko siya ipagpapalit sa kahit na sinong lalaki. Mahal na mahal ko siya.”
“So, anong gagawin mo d’yan sa kabit mo? Hihiwalayan mo ba siya o hindi?”tanong ng aking ina.
Nag-isip isip ako sa maaaring isasagot ko. Oo, mahal na mahal ko pa si Carlos subalit ganoon din ang aking nararamdaman para kay Jorge. Pero pupuwede ba ‘yon? Dalawang lalaki ang makakasama ko sa bahay namin? Malamang ‘di papayag no’n si Carlos at ano nalang ang sasabihin ng aking mga anak? Na pakantot akong ina?
“Hihiwalayan ko po ang kabit ko, ‘Ma, ‘Pa.”
“Mabuti naman at ganyan ang isinagot dahil kung iba ay mag-impake ka na ‘di ka na makaka-apak pa dito sa pamamahay na ito… KAHIT. KAILAN.” mariing wika ni ina.
“Dumito ka muna, anak. Magga-gabi na at ayaw namin na bumiyahe ka pa, baka mapa’no ka pa sa daan. Samahan mo muna ang mga anak mo dito.”aya ng aking ama.
“Sige po, ‘Pa. Salamat po at patawad sa lahat…”
Masayang naghapunan ang aking pamilya, sabay-sabay kumakain sa simpleng salo-salo sa aming hapag-kainan. At pagkatapos ng lahat ay nagtungo na kami ng aking mga anak sa silid tulugan namin dito sa pamamahay ng aking mga magulang.
Maagang nakatulog ang kambal habang ako’y dilat na dilat pa rin sa kakaisip ng aking ginawang kasalanan. Mapapatawad pa kaya ako ni Carlos? Ayokong mawala siya sa akin at sa amin ng mga anak niya. Sana’y matanggap niya pa ako.
Tinatawagan ko ang telepono ni Carlos pero nagri-ring lang ito, mukhang ayaw tanggapin ni Carlos ang aking tawag. Inulit ko pa ito nang ilang beses hanggang sa narinig ko na ang automated voicemail,“the number you have dialed is not yet in service”.Pahiwatig na pinatay ni Carlos ang aking tawag.
“Hon, alam kong galit na galit ka pa sa akin kaya humihingi ako nang lubos na kapatawaran. Siguro nga ay babalik ka na ang Amerika sa mga susunod na araw pero bago ka umalis, maaari ba tayong-mag-usap?”mensahe ko sa kanya.
~~~~~~
Isang araw bago ang iskedyul ng flight ni Carlos pabalik ng Amerika ay namasyal muna siya. Pinupuntahan niya ang mga lugar na laging pinupuntahan nilang mag-asawa magmula pa no’ng silay magkasintahan pa lamang.
Binuksan niya ang kanyang telepono at agad nag-popup ang mensahe ni Melania sa kanyang screen, binasa niya ito at ni-replyan. Natanggap naman ni Melania ang kanyang mensahe at agad-agad kumaripas ng lakad papunta sa kanyang mister.
Magkikita sila sa isang parke na dati nilang pinapasyalan, pagdating ni Melania ay agad hinanap ng kanyang mga mata ang kanyang minamahal na mister. Nakita naman niya itong nakaupo sa gilid ng mga puno, nagpapa-silong sa nakakapasong init na hatid ng araw.
Dahan-dahan siyang naglakad papalapit dito hanggang sa makaabot siya sa tapat nito. Napatingin naman sa kanya si Carlos at tumango lang. Naupo na rin si Melania katabi nito at agad sinimulan ang pag-uusap nilang mag-asawa.
“Hi, Hon… Kumusta ka na?” pero walang natanggap na balik si Melania. Galit pa nga sa kanya ito.
“A-Alam kong galit ka pa sa akin dahil sa ginawa ko, humihingi ako ng lubos na kapatawaran doon. ‘Yan ay kung mapapatawad mo pa nga ako at kung sakaling hindi man, ay taos-puso ko ‘yang tatanggapin.” nananatiling tahimik lang si Carlos.
“Hon, pa-pansinin mo naman ako. Please…”naiiyak na pagmamakaawa ni Melania.
Hinarap siya ni Carlos na iyak na ng iyak, hinagkan niya ito at ngayo’y sabay na silang umiiyak. Segundo, kinalas na ni Carlos ang pagkakayakap sa kanya ni Melania.
“Ang sakit kase, Hon eh… Ang sakit-sakit no’ng ginawa mo sa akin. Paulit-ulit, mula umaga hanggang gabi, sa agahan hanggang sa hapunan, at sa aking paggising at pagtulog… Laging sumasagi sa isip ko ‘yong kataksilan mo.” naluluhang wika ni Carlos.
Tuloy lang sa pag-agos ang mga luha ng dalawa, lalo na si Melania na sising-sisi sa sarili sa kanyang ginawa. Walang pakundangan din siyang humihingi ng kapatawaran kay Carlos kahit na napapatingin na ang ibang tao sa kanila. Wala itong pakialam, Mabuti nalang rin at ‘di gaano karami ang mga tao na nandidito sa parke.
“La-Lagi ko ngang natatanong sarili ko Hon kung may nagawa ba akong mali sa’yo para magawa mo sa akin ‘yan. La-Lagi kong tinatanong na ano na ang mangyayari ngayon o bukas?… Ano na ang mangyayari sa pamilya nating pinaghirapan nating buuin?… Ano nang nangyari sa asawa ko?… At ang pinaka-tanong ko sa lahat, ano na ang nangyari sa mga salitang pangako sa’kin? ‘Til death do us part? Through thick and thin? BULLSHIT!”medyo napalakas na tinig ni Carlos dahilan para mapatitig ang mga tao sa pwesto nila.
“Pasensya na talaga, Hon… Huhuhu… Please, ‘wag mo’kong iwan. Nagmamakaawa ako, para sa mga anak natin. Ay-Ayokong maghiwalay tayo…”
“N-Nagawa ko lang naman ‘yon dahil sa… dahil sa pangungulila ko sa’yo.”
“Pangungulila? Ha? Hon, ‘di lang ikaw ang nakaramdam ng gano’n… pati rin ako. Sa tingin mo ba, madali lang ang buhay ko do’n? Nagtrabaho ako do’n para may maipantustos sa inyo at para patunayan sa ibang tao na ‘di ko kailangang humingi ng tulong lagi sa mga magulang mo para tayo’y mabuhay.”
“Saka, paano kung sa’yo ko gagawin ‘yon? Masisiyahan ka ba? Ang totoo niyan, marami rin akong nakilala do’n na mga babae pero kahit sino, wala akong pinansin. Bakit? Kasi ikaw, ang mga anak natin ang lagi kong naiisip. Tapos sa’yo, parang napakadali lang ng lahat… Kaya mas mabuti pa ngang maghiwalay tayo kesa ganito.”
Tumindig na si Carlos at magsisimula na sana siyang maglakad nang pigilan siya ni Melania.
“Please Hon, ‘wag mo’kong iwan. Pinagsisisihan ko na ang ginawa ko, hinding-hindi na ‘yon mauulit. Pinapangako ko sa’yo ‘yan. Please, bigyan mo lang ako nang sapat na panahon para maayos ko sarili ko. Please, Hon… Paniwalaan mo’ko.” pagsusumamo ng misis.
Pero bingi na si Carlos, inalis niya ang kamay ni Melania na nakahawak sa kanyang kamay saka na siya naglakad paalis sa misis. Iniisip nalang ni Melania na imbes na sabihin niya lang ito ay mas mabuting gawin niya ang mga ito.“Sana lang, na sa pagbalik ko’y mahihintay mo pa rin ako. Mahal na mahal kita at patawad.”
~~~~~~
‘Lipas 8 buwan
*DING, DONG* *DING, DONG*
Pinagbuksan siya ng pinto at nagulat ang dalaga pagkakita sa kanya. Oo nga pala, medyo matagal-tagal na rin pala mula noong hindi niya inaasahang pinakamasakit na pangyayari sa buhay niya. Ang makitang umiiyak at durog na durog ang kanyang mga mahal sa buhay dahil sa ginawa niya.
“Good morning, Inday. Long time no see… Nand’yan ba sina Mama at Papa?”
“Uh… Kayo po pala, Madame Melania. Good morning po, nasa loob po ang mga magulang niyo. Pasok po…”
Nakikita niyang parang lumungkot ang mukha nito nang siya’y masilayan nito. Pumasok na siya sa loob saka naglakad patungo sa tanggapan ng kanilang bahay.
Pagpasok niya sa loob ay masayang naglalaro ang kanyang magka-kambal, kasama ang mga kasambahay nila na masaya ring tumatawa. Pagbaling ng mga paningin nito sa kanya ay gayo’n din ang mga nakikita niya sa mga mata nito, katulad na katulad kay Inday.
“Mommy!…”magkasabay na bungad ng kanyang mga anak.
“Hello, twinnies… How are you?” bating-tanong niya sa mga ito.
Napansin naman niya ang biglang paglungkot ng mga mukha ng kanyang magka-kambal. “May problemaba sila dito? Gusto na ba nilang umuwi? Nag-usap pa naman kami ni Carlos na sa panahon na maaayos ko ang sarili ko ay mabubuo namin muli ang aming pamilya.”
“Maureen, Maureese, mga anak… Why the sad face? May problema ba? Sabihin niyo kay Mommy.”malambing niyang mga tanong sa mga ito.
Sa lungkot ng mga bata ay bigla nalang silang napahagulgol nang iyak. Pag-angat niya ng kanyang mga paningin sa ikalawang palapag ng kanilang bahay ay nakita naman niya ang kanyang mga magulang na pababa ng hagdan.
“M-Mom-Mommy… Huhuhuhu… Wala-Wala na po si daddy… Huhuhuhu…”umiiyak na wika ni Maureese na mas lalong nakapagpa-iyak sa dalawa.
Sa narinig ay biglang napa-estatwa si Melania, mga luha’y tutulo na sa kanyang mga mata at ang mga kamay niya’y walang tigil sa panginginig.
“Baby, baby, what do you mean, wala na si daddy? Please, sabihin niyo…”
“Manang, i-akyat niyo muna ang aking mga apo sa itaas. Kakausapin lang namin si Melania.” biglang sabat saka utos ng kanyang ina.
Pagkaalis ng mga kasambahay kasama ang magka-kambal ay pinasunod ng Doa si Melania sa kanilang mag-asawa sa kanilang opisina sa kanilang pamamahay.
Pagkarating nila rito ay naupo na silang tatlo sa magkaharap na upuan. Sinimulan agad ni Melania ang kanilang magiging pag-uusap.
“Ma… Pa, totoo ba ‘yung mga narinig ko sa mga bata? Please… Please… Tell me, it’s not true. Tell me na buhay pa si Carlos- na buhay pa ang asawa ko… Please, huhuhuhu…”
Nagkatinginan muna ang mag-asawa saka huminga nang malalim.
“… Patawad, anak. Totoo ‘yung mga sinabi ng mga bata kanina sa’yo… Pati kami ay nagulat din nang mabalitaan namin ‘yon.”naluluhang wika ng Doa habang alo-alo siya ng mister.
Dito na nawalan ng lakas ang katawan ni Melania mula sa pagkatatag nito. Ngayon lang nagsink-in sa kanyang isip ang kahayupang ginawa niya. Na kung gaano katindi ang sakit na ipinaramdam niya kay Carlos. At ngayo’y sising-sisi siya sa kanyang sarili lalo’t pumanaw ito nang may sama ng loob sa kanya.
“Kailan pa, ‘Ma?”
“3 months ago, ilang buwan matapos mong mapagdesisyunan na lalayo ka muna para maiayos ang sarili mo.”
“… At ‘di niyo man lang ako sinabihan o kahit tawag man lang? AHHHHH! AHHHH! Huhuhuhu…”nagsisigaw na si Melania, mahigpit naman siyang hinagkan ng kanyang ama.
“Papaano po siya pumanaw?”
Bago sagutin ay tinanong muna siya ng kanyang ina kung sigurado ba itong gusto niyang marinig kung paano nawalan ng buhay ang kanyang mister. Pagka-sagot nito ng oo ay huminga pa muli siya nang malalim.
“Tumalon daw siya sa gusali ng kanilang ospital. Mula daw sa pinaka-tuktok. At bago pa daw mangyari ‘yon, napansin na raw ng mga katrabaho niya ang pagiging balisa, tuliro at madalas din daw itong mag-isang umiiyak sa kanyang inuupahang apartamento. Sabi pa nila na galing daw kay Carlos, na nakakarinig daw ito ng mga salita na mas lalong nagpapahirap sa kanya doon. Kaya siguro, hindi na niya kinaya ‘yon at kinitil nalang niya ang kanyang buhay.”
“Naiuwi na po ba siya, ‘Ma? Sa’n siya nakalibing? Pupuntahan ko po siya…”
“Sa isang pribadong sementeryo anak. Pinalipat namin ang himlayan ng kanyang mga magulang doon at itinabi namin si Carlos sa kanila. At nga pala, pinabibigay niya ito sayo bago siya lumuwas patungong Amerika. Basahin mo raw sa tabi niya…”
Agad na kinuha ni Melania ang sobreng selyado pa ng tulo ng isang mamahaling kandila saka mabilis na naglakad papalabas ng kanilang bahay. Pinaandar niya ang kanyang sasakyan saka lumarga na papunta sa sinasabing sementeryo ng kanyang ina.
Pagdating niya sa sementeryo ay binati siya ng gwardya at tinanong kung sino ang bibisitahin niya. Agad naman niyang sinagot ang pangalan ni Carlos saka tinanong ito kung nasaan nakahimlay ang mister niya. Pagkasagot nito sa kanya ay pinatuloy na niya ang kanyang sasakyan.
Bago bumaba ng sasakyan ay tinatagan at hinanda muna niya ang kanyang sarili, tiningnan ang kalangitan at napansin niyang makulimlim din ito. Sa tingin niya’y, sumasabay ito sa kanyang nararamdaman ngayon.
Bumaba na siya nang sasakyan saka naglakad patungo sa himlayan ni Carlos, inayos niya muna ang kanyang sarili at kinuha sa dashboard ang sobre.
Wala nang pake si Melania sa kung ano man ang itsura niya ngayon, nakasuot lang siya ng pulang knee-length dress. At siguro’y kalat na kalat na ang kanyang makeup mula pa sa kaninag pag-iyak. ‘Di na rin niya napansin ito habang kausap ang gwardya.
Katabi na niya ngayon ang himlayan ni Carlos, hinahawi-hawi pa niya ang mga dahon at mga damo na nakadapo dito. Umiiyak siyang binati ang kanyang mister. At katulad nga nang sabi ng kanyang ina, katabi nga nito ang himlayan din ng mga magulang niya.
“Hon, ba-bakit ka ‘and’yan? Huhuhu… Akala ko ba ay-ayos na tayo? Na nangako na ako sa’yong aayusin ko na ang sarili ko? Hifff… Hifff… Hifff… Patawad, Carlos. Patawad…”
Hindi pa rin ma-sinkin sa isip ni Melania ang nangyayari.
“Akala ko ba na magkakabalikan pa tayo? Akala ko ba hihintayin mo pa ako hanggang sa mai-ayos ko ang sarili ko? Ang daya mo naman, Hon eh… Kasalanan ko pero ikaw ang nagdusa. Masakit, Hon. Wala na ang lalaking mag-aalaga sa’kin, sa mga bata… Wala na ang taong laging makikinig sa mga saloobin ko… Wala na ang kaisa-isang lalaki na mahal na mahal ako…”
Mula sa mga kamay, binuksan ni Melania ang sulat na ihinabilin sa kanyang ina mula kay Carlos. Pagkabukas ay sinimulan na niya itong basahin…
Melania, Aking Mahal,
Hi Hon! Maligayang bati sa’yo. Kapag nabasa mo ito’y siguro’y wala na ako. Ibig kong sabihin nilisan ko na ang mundong ito. Maraming salamat sa lahat ng ginawa mo sa akin, sa pagbuo ng pamilya kasama ako. Salamat din sa labis-labis na pagmamahal na lagi mong ipinapadama sa akin. Salamat sa lahat…
Idinikit ni Melania ang mga kamay na nakahawak sa papel sa kanyang noo, walang tigil sa pagtulo ang kanyang mga luha.
… Patawad, patawad kung naging mahina ako. Patawad kung naging makasarili ako, na inuna ko pa ang sarili ko bago kayo. Patawad…
“No, Hon… Wa-Hiff… Hifff… Hifff… Wala kang dapat ihingi nang tawad sa akin. Ako ang may kasalanan kaya ako dapat ang humingi ng kapatawaran sa’yo.”
Hinggil naman sa kasalanan mo… ‘Wag mo nang alalahanin pa’yun, matagal na kitang napatawad. Hindi pa man tayo nagkausap mula noong bago pa lang ako bumalik ng Amerika, naibigay ko na ‘yon sa’yo. Isang pabor lang sana ang hihingiin ko sa’yo, alagaan mo sana nang mabuti ang kambal na prinsesa natin. Palakihin mo sila nang mabuti para sa paglipas ng panahon, ikaw naman ang aalagaan nila.
“Oo, Hon… Oo, gagawin ko ‘yan. It’s the least that I can do out of your love that you gave to me.”
At para matapos na ang pag-iiyak mo d’yan, heto na ang panguli… ‘Wag ka sanang sumubok na magmahal ulit, Hon. Hindi porket niloko mo ako ay mararanasan mo rin ‘to, alam kong mahirap pero kailangan mong mag-move on na… alang-alang sa mga bata at sa sariling kaligayahan mo. Sana lang, na sa panahon na makakahanap ka na ng lalaking mamahalin mo ay mahalin mo na siya nang totoo. ‘Wag mo siyang lokohin, baka kasi matulad siya sa kung nasaan man ako ngayon. MAHAL NA MAHAL KITA, MELANIA… MA-MALAYA KA NA…
Mas lalong napahagulgol si Melania sa nabasa, ramdam na ramdam niya ang paghihirap, sakit at paghihinagpis ni Carlos base sa kanyang liham na isinulat.
Mula naman sa malayo ay may narinig na musika si Melania na sa tingin niya’y maglalarawan ito sa kung ano man ang nararamdaman niya ngayon.
{Pagsisisi ng: Bandang Lapis}
Patawarin mo ako
Sa lahat ng aking kasalanan
Pinagsisihan ko ang lahat
Sa pagkakamali ko sa’yong nagawa
‘Di ko sinasadya
Maakit sa diwatang
Nababalot ng hiwaga
Dahil naging marupok na parang kahoy
Ang puso kong ito
Kasabay ng pagpapatugtog ng mga ito ng kantang napaka-lungkot ay ang simula nang pagpatak ng buti-butil na ulan. Talagang sumabay ang panahon sa kanyang kalungkutan.
‘Di na muling pagtatagpuin
Ang mga pusong nilason ng tadhana
‘Di na kita mababalikan
Dahil sa lahat ng nagawa ko sa’yong
Kasalanan!
Kasalanan!
Natatawa siyang pinapakinggan ito habang umiiyak, parang nawawala na siya sa kanyang sarili. Nakakaramdam na siya ng pighati, pagkamuhi at pagka-suklam sa kanyang sarili. Bumuhos na rin ang malakas, nasira na ang papel na sinulatan ni Carlos. Nababasa na siya pero wala siyang pakialam.
Matagal kong pinag-isipan
Kung tama ba ang landas
Na aking tinatahak
‘Di ko inaakalang
Naliligaw na pala
Ako ng daanan
Habang siya’y nag-iiyak sa ilalim ng buhos-buhos ng malakas na ulan ay naramdaman niyang wala nang pumapatak sa kanyang katawan. Pag-angat niya ng kanyang paningin ay kita niya ang isang nakangiting bata sa kanya.
“Ate! Ate! ‘Wag daw po kayong umiyak, ‘di daw po bagay sa maganda mong mukha… Hihihihi… Saka ‘wag mo na daw siyang alalahanin, masaya na raw siya sa kung nasaan man siya ngayon.”
“Ha?”
Nagtataka naman si Melania sa sinasabi ng batang kaharap niya ngayon, wari bang kilala siya nito.
“A-Anong sinasabi mo, bata? Kilala mo ba ako?”
“Hindi po, Ate. Pinasasabi lang ‘to ng isang lalaki na nakita kong sinisilayan ka mula sa malayo.”
Dahil naging marupok na parang kahoy
Ang puso kong ito
“Sino? Anong pangalan niya at nasaan na siya ngayon?”
“Parang nasa isang puno po siya kanina, doon oh! Pero baka umalis na rin. Carlos daw po ang pangalan niya…”
Sa narinig ay biglang naaligaga si Melania. Carlos? Si Carlos? Pilit niyang pinapakalma ang sarili. Hinawakan niya sa balikat ang bata at pinaulit ang sinabi nito sa kung saan nakatambay ang lalaking nagngangalang Carlos.
“Carlos? Carlos? Ikaw ba ‘yan, mahal ko? Buhay ka pa ba talaga?‘yan ang naisaisip ni Melania. Batay kasi sa sinasabi nito ay mukhang siya nga ang tinutukoy ng bata.
‘Di na muling pagtatagpuin
Ang mga pusong nilason ng tadhana
‘Di na kita mababalikan
Dahil sa lahat ng nagawa ko sa’yong
Kasalanan!
Mabilis siyang napatakbo sa sinasabing puno na tinambayan ni Carlos. Wala na siyang pakialam sa ayos niya, kalat na kalat na ang makeup at nakapaa nalang siyang tumatakbo. Subalit, pagdating niya doon ay walang tao. Sinuri ng kanyang mga mata ang paligid, umaasang makikita niya ang lalaking minamahal niya ngunit bigo pa rin siya.
Bakit nangyari sa’tin to?
Nawala ang lahat!
Hindi siya nawalan nang pag-asang hanapin ang lalaking sinasabi ng bata na nagngangalang Carlos. Ilang minuto ang lumipas ay ‘di pa rin niya ito nakita. Naisipan nalang niyang bumalik sa himlayan ng asawa niya at pagdating niya dito’y nakita mismo ng dalawang mata niya ang pagngiti ng bata sa kanya at paglaho nito na parang abo.
Hindi na kinaya ng mga paa niya ang maglakad pa. Nang makabalik na siya sa himlayan ng asawa niya ang bigla nalang siyang nawalan nang malay at natumba, hanggang sa tuluyan na siyang nilukuban ng kadiliman.
‘Di na muling pagtatagpuin
Ang mga pusong nilason ng tadhana
‘Di na kita mababalikan
Dahil sa lahat ng nagawa ko sa’yong
Kasalanan!
Kasalanan!
Kasalanan!
“It’s okay to cheat … until, you your gets cheated.”
*WAKAS*
~~~~~~
Kung nakaabot man kayo dito ay nagpapasalamat ako sa pagbabasa niyo nang kwentong ito. Alam kong ‘di ito ang inaasahan niyong update mula sa akin, gusto ko lang gawin ito para naman ‘di ma-pokus ang mga “sulat” ko sa usaping sekswal. Marami pa akong naiisip at balak ko rin itong ibahagi sa inyo. Pagbubuklurin ko nalang na parang isang “serye” ang mga ito para ‘di na kayo mahirapan pa sa paghahanap.
I-komento sa ibaba ang inyong mga saloobin, reaksiyon at suhestiyon sa ibaba. At ‘wag kalimutang pindutin ang buton ng “likes” at “hearts”. Muli, maraming salamat!
(s) PilyongLapis