Talagang Masarap

“Kahit na sa kabilang buhay?” ang tanong ni Ace.

“Pangako, hanggang sa kabilang buhay.” ang tugon naman ni Ryan.

“Sana magkita pa rin tayo hanggang sa kabilang buhay. Para doon natin ipagpatuloy ang ating pagmamahalang wagas.” ang nasabi naman ni Ace.

Nagpatuloy sa halikan ang dalawa habang papalapit sila sa kanilang kama. Bago sila tuluyang nahiga sa kama ay isa-isa nilang hinubad ang kanilang mga damit. Kapwa hubo’t hubad na ang dalawa ng mahiga sila sa ibabaw ng kama. Halos walang parte ng kanilang katawan ang nakaligtaan nilang halikan. Matindi din ang kanilang pagsuso sa ari ng isa’t isa. Grabeng ligaya ang naging dulot ng ginagawa nilang iyon sa bawat isa. Pati ang pagpasok ng kanilang ari sa likuran ay palit-palitan din nilang ginawa. Lahat na yata ng alam nilang makakapagpaligaya sa isa’t isa ay kanila ng ginawa. Labis-labis ang kanilang kasiyahang nadama ng matapos ang kanilang pagtatalik.

Marahil sa tindi ng kanilang romasahan ay nagdulot ito ng sobrang kapaguran sa dalawa. Ilang minuto din silang nahiga sa kama na magkayakap subalit wala ni isa man sa kanila ang ibig magsalita. Dahil sa katahimikan ng paligid ay tiyak na mararamdaman ng dalawa ang mga pintig na kanilang mga puso. Kung pati ang kanilang mga puso ay marunong magsalita tiyak na ang mga katagang ‘I love you so much’ ang paulit-ulit nitong bibigkasin kasabay ang mga pagpintig nito na nagsisilbing background music.

“Hanggang kailan mo ako mamahalin Pards?” ang tanong ni Ace na pumukaw sa kanilang katahimikan.

“Tinantanong pa ba yan. Syempre habang tayo’y nabubuhay, ikaw lamang ang aking pakamamahalin.” ang tugon naman ni Ryan.

“Sana hindi lamang habang tayo’y nabubuhay. Kung maaari ay hanggang sa kabilang buhay. Hanggang sa magpakailanman.” ang hiling naman ni Ace.

“Yun ba ang gusto mo? Pangako, hanggang sa magpakailanman. Hanggang sa kamatayan. Magkaroon man tayo ng ikalawang buhay. Mamahalin pa rin kita. Pangako yan.” ang sagot naman ni Ryan.

Biglang tumayo si Ace. Muling isinuot ang kanyang mga damit. Laking pagtataka ni Ryan ng biglang lumabas ng kanilang silid si Ace ng hindi man lamang nagpapaalam sa kanya.

“Saan ka pupunta?” ang tanong ni Ryan.

Parang hindi narinig ni Ace ang tanong ni Ryan. Tuluy-tuloy lamang siya sa paglabas niya sa kanilang silid. Laking pagtataka ni Ryan sa kakaibang inasal ni Ace. Kaya naman dali-dali siyang tumayo at nagbihis upang sundan si Ace. Paglabas niya ng kanilang silid ay hindi niya nakita si Ace. Sinubukan niyang lumabas sa kanilang condo unit, subalit wala na rin si Ace sa hallway at sa elevator lobby. Hindi mawari ni Ryan kung bakit biglang naging ganoon si Ace.

“Hello guard. Dumaan na ba dyan si Mr. Ace Barron?” ang tanong ni Ryan sa lobby guard ng tinawagan niya ito sa telepono.

“Hindi pa po. Teka po sir, dumating po ba siya kagabi?” ang tanong naman ng guard kay Ryan.

“Kanina lang siya dumating ah. Hindi nyo ba na-record ang kanyang pagpasok sa building?” ang tugon at tanong na rin ni Ryan.

“Wala po sa logbook namin. Sige po sir, itatanong ko kasamahan ko sa panggabing shift. Baka sya po ang nakakita pero hindi nai-log. Na-late po kasi ako kanina at siya muna ang nagpatuloy sa pagbabantay habang wala pa ako.” ang tugon naman ng guard kay Ryan.

“Sige, thank you na lang. Bye.” ang paalam ni Ryan sa kausap sa telepono.

Sinubukan ni Ryan na tawagan si Ace sa kanyang celfone. Subalit tila nakapatay ito o nasa lugar na walang signal. Ilang ulit niyang sinubukang tawagan sa celfone si Ryan. Pero talagang hindi nagri-ring ang celfone ni Ace.

Naupo sa sofa si Ryan upang muling gamitin ang landline sa pagtawag nito sa mga guard ng building. Malakas ang pakiramdam ni Ryan na nasa building lang si Ace. Pero kung saang parte ng building ay hindi mawari ni Ryan. Subalit talagang walang nakakita kay Ace sa pagdating niya sa building o kahit ang paglisan niya. Pati ang mga roving guard ay wala ding napapansin na isang lalaki na tugma sa description ni Ace sa ano mang parte ng building na iyon.

Kabababa lamang niya ng telepono ng biglang mag-ring ang kanyang celfone. Pangalan ni Ace ang lumitaw na name ng tumatawag sa kanya.

“Hello Pards. Nasaan ka na? Bakit bigla kang umalis?” ang mga tanong agad ni Ryan.

Subalit walang naririnig na sagot si Ryan mula sa kabilang linya.

“Hello…… Hello……. Hello…….. Pards… Ace….. Ace…. Nandyan ka pa ba? Naririnig mo ba ako? Nasaan ka na?” ang mga tanong muli ni Ryan.

Bahagyang tumahimik si Ryan upang pakinggan ng mabuti ang tumawag sa kanya sa kabilang linya. Baka mahina lang ang signal sa kinaroroonan ni Ace. Kaya hindi niya marinig ang mga tugon ni Ace sa kanya. Subalit walang marinig na nagsasalita sa kabilang linya si Ryan. Nanatili pa rin siya sa pakikinig. Hanggang sa marinig niya ang mga buntong hininga.

“Happy anniversary Pards. Paalam.” ang mga huling narinig ni Ryan mula sa kabilang linya.

Bigla na lamang naputol ang linya. Muling tinawagan ni Ryan ang celfone ni Ace. Subalit hindi na niya ito matawagan. Kabadong-kabado na si Ryan ng mga sandaling iyon. Hindi niya rin malaman kung ano ang kanyang gagawin. Hanggang sa mag-ring muli ang kanyang celfone.

“Hello.” ang sagot ni Ryan.

“Ryan, si Marge ito ang ate ni Ace. Alam mo na ba ang balita.” ang bungad naman ng tumawag sa kanya.

Halata sa boses ng kausap ni Ryan na umiiyak ito.

“Bakit Ate Marge? Bakit ka umiiyak? Ano yung balita?” ang mga tanong ni Ryan.

“Wala na si Ace. Iniwan na niya tayo.” ang tugon naman ng ate ni Ace.

“Anong ibig mong sabihin?” ang tanong na naman ni Ryan.

“Kaninang madaling araw ay biglang nag-decide na bumalik sa Manila si Ace. Madilim pa sa daan at medyo umuulan. Madulas ang kalsada. Iniwasan daw niya na mabangga ang isang papasalubong na jeep. Hindi na niya na-control ang kanyang kotse. Nagtuluy-tuloy siya sa bangin. Patay na siya ng ma-recover ang kanyang katawan.” ang nasabi ni Marge kay Ryan.

Parang natulala na lamang si Ryan dahil sa kanyang nalaman. Hindi na niya nakuha pang kausapin ang ate ni Ace. Naupo na lamang siya sa sofa at inabot ang isang picture frame na may larawan nilang dalawa ni Ace. Tinitigan niya ito at hindi nagtagal ay nagsimula ng pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata. Unti-unting niyang naala-ala ang mga nangyari ng umagang iyon. Sa wari niya ay hindi iyon isang panaginip. Totoong kapiling niya si Ace ng umagang iyon. Marahil kahit sa huling pagkakataon ay pinilit pa rin na minsan pang ipadama ni Ace ang pagmamahal niyang wagas kay Ryan.

Mga Pahina: 1 2 3