Hindi siya natatakot sa laban kung hindi mas pinaghahandaan niya kung paano ma-iiwas ang ilan. Minsan hinahayaan niyang mabubgbog siya para lang makatulong, hindi niya inda dahil sanay na siya sa paraan ng pag train ni Ka Mando.
Nagulat pa siya nang paglabas ng bahay ay makita ang dalangang naging laman ng isipan matapos makipagtalik kay Ligaya.
“Hi Gani!”
“Amyah!”
“Para ka namang nakakita ng multo.”
“Ah eh nagulat lang ako, bakit nandito ka?”
“Sasabay akong umakyat sa bundok, wala nakong pasok starting Monday.”
“Ah, ayus pala.”
“Ikaw sem break na din ba?”
“Yeah kaya masasabak ulit.”
“Hanggang kalian kaya tayo ganito.”
Nakita niya ang lungkot sa mata ng dalaga, marahil ay katulad din niya ito na hindi lubos na sang-ayon sa ginagawa ng kilusan pero dahil ama niya ang pinuno ay wala siyang magawa.
“Siguro hanggat may na-aagrabiyado ang gobyerno at hanggat may tulad nating ipinipilit ang alam nating tama.”
Humanga ang dalaga sa sinabi ng binata, sa mahikling pahayag ay naipakita nito ang mali sa gobyerno at ang mali sa kilusan. Tanggap naman niya sa sarili na may paghanga na talaga siya sa lalaki kahit noon pa, kaya lang ay ang ama ang nagiging hadlang para makalapit siya dito. Nagulat nga siya kung bakit ito kasama para dalin ang pambayad niya sa ilang project at boarding house.
“Tayo na din at mukhang handa na ang mga kasama natin.”
“Oo nga, mahirap pa namang dumaan sa bangin pag inabutan ng liwanag.”
Pinauna na niya ang dalaga na sumama sa mga aakyat ng bundok, paglingon sa gilid ay nakita niya si Ligaya. Kinidatan nalang niya ang babae bago sumunod kay Amyah.
Walo sila na umakayat sa bundok, nagbigay ng ilang pagitan para kung may sumagupa sa kanila ay hindi ma corner at may makahingin ng tulong. Yan ang hirap sa kanilang buhay laging may takot, laging may naka-ambang laban.
Hindi naman sila inabutan ng liwanag at maayos na nakarating sa kuta nila. Pagpasok pa lang nila ay sinalubong na siya ni Tatay Delfin at ng anak nito na si Flora. Agad kumapit sa kanya ang babae habang papasok sa kubong siyang ina-akupa nila tuwing nasa bundok.
“Kumusta anak?”
“Okay naman Tay, Ikaw nagkasakit ka daw?”
“Naku ubo lang at nabasa ako nung bumagyo.”
“Kayo talaga, alam nyo na may edad na eh”
“Aba aba parang sinasabi mong matanda nako ah,”
“Tay aminin mo na, nirarayuma ka na nga.” Dagdag ni Flora.
“Naku pinatulungan nyo na naman ako, o sige ihanda mo na ang agaha para makakain na.”
“Wala akong pasalubong?”
“Siempre meron!”
Inilabas ni Gani ang isang CD player at ilang CD na kinopya sa isang internet shop.
“Wow astig naman, san mo nakuha to?”
“Me nagbigay lang, di ko naman gagamitin kaya dinala ko na sayo.”
“Siguro girl friend mo?”
“Wala pako nun, ikaw talaga!”
“Dapat lang at mag seselos ako.”
“Tigilan mo nga si Gani at pagod yan, hala ayusin mo na ang agahan.”
Tuwang tuwa ang dalagang pumasok sa kusina pero siniguradong nakatabi ang bigay sa isang maliit nakwarto. Naupo siya sa upuang kahoy at ibingay naman ang isang sweatshirt sa ama-amahan.
“O ano naman to?”
“Wala yan Tay, binigay ng teacher ko, mainit naman sa bayan kaya dinala ko na dito.”
“Salamat, malapit ka ng mag college ah.”
“Di na siguro Tay, dito nalang din ako para kasama kayo.”
“Bakit naman? Anak ituloy mo ang pangarap mo, wag mo itulad sa mga kabataan dito ang kinabukasan mo.”
“Pano?”
“Hanggat nandito ako, tutulungan kita.”
“Next year sabi ni Ka Mando hindi na ako pwedeng mag enroll.”
“Kinausap ko na siya at pumayag. Sa eskwelahan ni Amyah ka papasok.”
“Talaga?”
“Oo, kaya pagbutihin mo para makuha mo ang scholarship.”
“Opo Tay, Salamat!’
Sakto naman na tinawag na sila ni Flora para kumain ng agahan, kaunting pahinga lang at pinatulong muna sila sa pag-aayos ng mga dadalin nila sa pag tambang sa grupo ng mga sundalo na dadalin sa isang check point.
Bandang hapon ng bumaba sila, alam niya na medyo delikado ang gagawin nila ngayun dahil ang mga sundalong dadalin sa checkpoint ay mga bihasa.
“Tol ayus ka lang?”
“Oo naman, bakit?”
“Wala lang, tingin ko kasi tahimik ka.”
“Ah, kinausap kasi ako ni Tatay Delfin na mag aaral ulit ako.”
“Wow ang galing, buti naman.”
“Oo nga eh.”
Binangga siya ni Enteng pero tuluyan itong sumandal sa kanya bago nabuwal. Mabilis ang naging kilos ni Gani para alalayan ito ngunit laking gulat niya ng may lumabas na dugo sa bibig at ilong.
“DAPAAAAA!”
Nagkagulo silang lahat, nagtago ang karamihan sa mga ugat at puno sa paligid dahil hindi nila alam kung saan nanggagaling ang bala. Hila hila ni Gani ang kaibigang walang malay na patuloy uma-agos ang dugo sa bibig.
Nang makakita ng kubling lugar ay pinunit ang suot na damit ng lalaki para lunasan ang tama ng bala, sapol sa dibdib si Enteng. Humihinga pa ito pero patuloy ang pag tagas ng dugo.
“Tulong! Tulungan nyo kame!”
Halos maputol ang ugat sa leeg niya sa pag sigaw, ang pinunit na damit ay ginamit para ampatin ang dugo. Inalis ang belt upang gamiting tali sa tapat ng tama ng bala.
“Pare koy laban lang ha! Wag kang bibitaw!”
Umiikot ang mata niya upang humanap ng makakatulong sa kanya, ngunit patuloy na nakikipagbakbakan ang mga kasama.
Alam niya na kung mananatili sila ay siguradong manganganib ang buhay hindi lang ni Enteng kung hindi maging sila.
“ATRASSS! MARAMI SILA!”
Nakita niyang nag takbuhan na ang mga kasama, kung maiiwan sila ay malamang na makupot sila ng mga sundalo. Wala siyang choice kung hindi pasanin ang kaibigang naghihingalo, ngunit taliwas sa lakad ng mga kasama iba ang tinungo niya.
Isa lang ang pwedeng makatulong sa kanila ngayun, si Ligaya. Pero napaka-layo nito para umabot sila, kailangan lang niyang makarating sa highway at bahala na.
Tiyak niyang sinundan ng mga sundalo ang mga kasama, binilisan ang lakad/takbo pasan pasan si Enteng. Hindi masukat kung gaano katagal bago niya marating ang kalsada. Ibinaba muna niya ang lalaki para siyasatin kung ano ang lagay nito, pinulsuhan para tingnan kung humihinga pa. Nang matiyak nabuhay pa ito ay saka tumayo sa gitna upang abangan ang paparating na ilaw.
Palapit na ang sasakyan ngunit mukhang hindi hinito kaya napilitan siya itutok ang hawak na baril para takutin, naging epektib naman dahil ilang metro bago sa kanya ay huminto ito.
Nakatutok pa din ang baril ay nilapitan ang driver ng sasakayan, sinenyasang buksan ang bintana.
“Wag nyo kong papatayin, kunin nyo na lahat.”
“Mrs. Cheng?”
Natigilan ang babae, nagtaka kung bakit siya kilala ng aramdong lalaki. Agad namang inalis ni Gani ang takip sa mukha para makilala siya ng babae.
“Si Gani ito, hindi kita sasaktan.”
“Gani, anong nangyari?”
“Kailangan ko ang tulong mo.”
Bumaba na ito at sinundan ang lalaki na kinuha ang kaibigang may tama.
“OMG ano ang nangyari.”
“Sa compartment nalang Mrs. Cheng.”
Lito man ay sumunod ang babae, binuksan ang compartment at hinayaang ilagay si Enteng sa likod.
“Kailangan siyang magamot, matanggal ang bala sa dibdib.”
“Sa bahay, me personal nurse ako dun.”
“Sige dun nalang.”
Ikinuwento niya ang naging sagupaan nila at ng mga military, tahimik lang ang babae habang nakikinig at nagmamaneho.
“Kailangan kong mag palit ng damit, meron ka ba dito?”
“Bakit?”
“Dadaan tayo sa check point siguradong mag dududa bakit duguan ako.”
“Wala, di ako nagdadala ng extra.”
Tiningnan ni Gani ang paligid pero wala talaga siyang makita. Hinubad nalang niya ang suot na t-shirt saka ginamit para punasan ang katawan at siguraduhing walang dugo. Ngunit ang pantalong suot ay mayroon padin, wala na siyang paki-alam na inalisa ang butones at tuluyang hinubad.
Inilagay nalang niya sa ilalim ng upuan ang mga hinubad para itago.
“May a…