Taong Labas (08)- Para Sa Kaibigan

Padilim na ulit ng makarating siya sa kuta, halos magkagulo ang mga tao sa pag salubong sa kanya laong lalo na si Tatay Delfin, Flora at ang ikinagulat niya ay maging si Amyah.

“Nasaan si Enteng ngayun?”

“Nakila Mrs. Cheng, duon muna siya habang hindi pa siya pwedeng dalin sa bahay.”

“Ikaw wala ka bang tama?” puno nang pag-aalalang tanong ni Amyah.

“Wala naman, Salamat.”

“Sige, si Ka Mando ay nasa bayan pa. Nahiwalay din samin pero nagpasabi na ayus na din siya. Baka mamaya ay umakyat na din pag dilim.”

“Wala bang nalagas satin?”

“Wala naman, may mga nadaplisan lang.”

“Buti naman, si Enteng muntik ba buti hindi sa puso tumagos ang bala.”

“Sige magpahinga ka na at mukhang pagod na pagod ka.”

“May pagkain ba tayo.”

“Sandali kukuha ako!” halos sabay na tugon ni Flora at Amyah.

Napatingin si Tatay Delfin sa dalawa ganoon din si Gani.

“May niluto kasi si Inang na may sabaw, okay sana yun.”

“Sige Amyah kuhain mo na, meron ding adobo dito.”

“Sige po Ka Delfin”

Matapos kumain ay naghilamos nalang ang binata at nag sipilyo para makapag pahinga sa isang papag. Iginupo siya ng pagod kaya hindi pansin ang babaeng kanina pa nakabantay sa kanya habang natutulog.

Naka titig si Flora sa guwapong mukha ni Gani, kahit na halos magkasama silang lumaki ay naitago niya ang lihim na pagmamahal sa lalaking itinuring na siyang kapatid. Lalo lang niyang napatunayan ang pagmamahal sa nakitang pagtatangi din ni Amyah na halata sa bawat tingin nito maging sa pag aalalang ipinakita kanina.

Sabagay sino ba sa mga babaeng naka-kakilala sa kay Gani ang hindi hahanga dito, ang mga kadalagahang kasama nila sa kuta ay laging ina-abangan ang pag akyat at pananatili sa bundok. minsan pa niyang nahuli ang mga ito habang pinapanood na naliligo ang binata sa isang ilog. Kung bat naman kasi pag naligo ito ay talagang wala kahit anong saplot sa katawan kaya naman nag pipiyesta ang mga dalagang humahanga sa lalaki.

Buti pa nga ang mga ito nakita na ang hubad na katawan ni Gani kahit na malayo pero siya ay never pa dahil sa takot na malaman nito na may pagtingin na lihim. Ang advantage lang niya ay pag akbay akbay nito, ang pagkwentuhan at ang madalas na nakakasama.

Nang malaman niya na napahiwalay ang binata sa mga kasama at nalamang may tama si Enteng ay sobra ang pag takot niya na halos hindi siya nakakain at nakatulog. Nang makita niya ito kanina ay saka lang siya nakaramdam ng pagka relief. Ngayung natutulog ito sa papag ay talagang binantayan niya dahil satakot na mawala ito.

Nagkaroon tuloy siya ng pagkakaaong suyurin ang kabuuan ng lalaki na nakatihaya. Ang sandong suot ay maluwag ang kilikili kaya ang mapula-pulang utong ay nakalabas, bahagya pang naka taas ang laylayanna nag exposed sa linya ng buhok sa ilalim ng pusod.

Kusang tumungo ang mata sa malaking bukol na hindi maikakaila sa suot na jogging pants, wala siyang karanasan at walang kahit anong reference kung ano ang itsura ng laman na naka umbok pero may dalang init sa kanya na hindi pamilyar.

Gusto niyang hawakan, gusto niyang maramdaman.

“Flora anak, hayaan mo na munang matulog si Gani.”

“Opo tay, natakot lang ako ng sobra.”

“Halika na.”

Lumapit ang matanda at kinumutan ang natutulog na lalaki. Batid niya na may lihim na paghanga ang anak sa lalaking itinuring na din niyang anak.

Naawa siya sa binata dahil sa pinagdaanan nito lalo na nga at kung nasa sariling pamilya ay magandang siguradong ang naging buhay.

Hindi muna hinayaang bumaba ng bundok si Gani, pinabayaan munang magpahinga dahil alam nila na hindi biro ang pinagdaanan para mailigtas ang kaibigan. Ikatlong araw nang magpilit na siyang bumaba para puntahan si Enteng. Alam din niya na naghihintay si Mrs. Cheng sa kanya, hindi naman kaila sa binata kung ano ang nais nito sa pagbabalik at bilang pag tanaw ng utang na loob ay ibibigay niya ang nais ng babae kung hindi siya nagkakamali.

Pagdating sa bahay ni Zoila ay nasa taas daw ito kaya naghintay nalang muna siya sa sala, halos patakbo pa ito ng bumaba halata ang pagkasabik na makita siyang muli.

“Pasensya na Mrs. Cheng, hindi ako agad nakababa.”

“Ayus lang, natakot lang ako at baka kung ano ang nangyari sayo.”

“Salamat, kumusta si Enteng.”

“Okay naman na, pero kilangan pa ding mag pahinga ng mga ilang araw.”

“Akala ko talaga di na makakaligtas si Enteng.”

“Buti nalang hindi tinamaan ang puso. Kumain ka na ba?”

“Ah eh, busog pa naman ako.”

“Tayo sa kitchen para makakain ka.”

Hindi na siya tumanggi dahil talagang nagugutom na niya.

“Iwan mo nalang ang bag mo diyan.”

“Sige.”

Halos nakadikit na ang babae sa kanya kaya medyo nahihiya siya lalo na nga at galing siya sa paglalakbay na siguradong amoy pawis siya. Hindi naman niya mailayo ang katawan dahil ang babae ay parang namagnet na sa kanya.

Naghanda ang katulong nito ng pagkain, wala siyang alam sa mga nakahain pero masasarap naman lahat.