Sa mga susunod na updates ay mananatiling naka “Private for Friends Only” ang status until pa publised ang next update. Bilang pasasalamat sa masugid na sumusuporta sa mg akwento ko.
SALAMAT!
—
Buong panahon na nasa bundok sila ay walang makakapansin sa ano mang namagitan sa kanila, halos hindi sila nag uusap at pasimpleng kindatan lang sa tuwing magkakasalubong. Bago magpasukan ay kinailangan sumama ni Gani sa isang operasyon kung saan ay napahiwalay siya dahil ang mga sundalo ay hinabol sila.
‘Shit magigising na ang mga katutubo!’
Hindi nga siya nagkamali dahil ilang minuto lang ay narinig na niya ang ingay ng mga ito, agad kinuhaang lubid kabadong itinatali sa isang malaking ugat.
Doble doble ang kaba habang naririnig na palapit ang ingay ng mga katutubo. Nang matapos pag tali ay kung bakit naman sumabit ang pagkakaikot ng lubid.
‘Shit Shit Shit!’
Alam niyang ilang metro nalang ang lapit ng mga ito sa posisyon niya, inihanda ang sarili dahil sa posibleng gawin ng mga ito sa kanya. Sobra na kaba niya dahil alam niya kung ano ang kahihinatnan pag inabutan ng mga katutubo. Mas gugustuhin pa niyang mamatay sa bala ng mga sundalo kaya maramdaman kung paano pahirapan ng mga ito.
Nuon lang ata siya nakaramdam ng sobrang takot, nang makarinig ng kaluskos na malapit sa kanya ay nagtago sa isang malaking ugat ng puno. Pigil ang hininga at ayaw gumawa ng kahit anong ingay kahit na nga siguradong maamoy siya ng mga ito.
“AHHHHHHH! HMMMMMMMP!” pilit na kumakawala sa mga kamay na nakahawak sa kanya.
Ang bibig ay may takip din kaya naputol ang sigaw at pilit lang kumakawala sa mga taong pigil-pigil siya. Sunod-sunod na suntok ang ibinigay kaya napilitang magaalita ang lalaki.
“Wag kang maingay, malapit na ang mga katutubo.”
Nabuhayan siya ng loob nang makitang hindi mukang katutubo ang mga ito at hindi din mukhang sundalo, tatlong lalaki ang nasa tabi niya ngayun.
Ang isa ay busy sa pagtatali ng dalang mga lubid samantalang dalawa naman ang pumipigil sa kanya. Nang hindi na siya nanlalaban ay bumitiw na ang isa pa at tumulong na sa paglalagay ng lubid.
“Ka Senyong okay na to, bilisan natin malapit na sila.”
Agad siyang binitawan ng matanda at saka sinimulang ilagay ang mag hook na katulad ng dala nila. Nakatingin lang siya sa mga ito at di makapag isip ng tama.
“Bata wag ka na ng tumulala at aabutan tayo.”
Nuon niya naintindihan na isasama siya ng mga ito, agad na inayos ang sarili. Nalilito pa pero nang ia-abot ni Ka Senyong ang isang lubid sa kanya ay di na siya nagtanong pa.
Sunod sunod na silang nagpadulas para makababa sa bangin, bago pa sila makarating sa baba ay naramdaman na nila na hinihiwa ang lubid kaya halos umusok ang hook na gamit para makakaba sila. Ilang metro ang layo nila sa lupa ng tuluyang nalagot at bagsak silang apat sa damuhan.
Akala talaga niya ay katapusan na niya kaya laking pasasalamat sa mga taong kasama ngayun. Inalalayan niya ang matanda para makaupo, medyo kinabahan dahil baka di maganda ang bagsak nito.
“Maraming Salamat po!”
“Ano ba ang ginagawa mo dun ha?”
“Ah eh, naligaw lang po ako.”
“Bwahahaha!” sabay na tayo ng kasama nilang lalaki.
“Naligaw? Wag mo kaming paglakuan.”
Napakamot nalang siya ng batok dahil alam niyang hindi ito naniniwala.
“Rebelde? Kasama ka ba ni Mando?”
“O-opo!”
Tumango-tango ang matanda, pinagpag ang kumapit na damo sa likod at inayos na din ang sarili.
“Ano plano mo ngayun?”
“Babalik na sa kuta.”
“Sige mag-ngat ka! I-kusta mo nalang ako sa kumander nyong pulpol.”
Natawa nalang siya sa sinabi ng matanda, tumalikod na ang mga ito samantalang siya ay nakatayo at pinapanood lang ang paglayo ng mga ito.
Hindi niya alam kung ano ang nagudyok sa kanya para tumakbo at habulin ang mga nagligtas sa kanya.
“O bakit?”
“Pwede po ba ako sa inyong sumama?”
Nagtinginan ang tatlo, ang isang lalaki ang umakbay sa kanya bilang pagsang-ayon. Hindi malaman ni Gani kung bakit magaan ang loob niya sa mga kasama kahit na nga ngayun lang niya ito nakita, marahil dahil utang niyang ang buhay sa tatlong lalaki. Matagal-tagal din ang nilakad nila pero hindi naman siya nainip dahil sa mga kwento ng mga ito, naikwento din niya kung paano siya napasama sa kilusan.
Pagdating sa isang Sitio ay naghiwahiwalay na sila samantalang isinama naman siya ni Ka Senyongsa bahay nito.
“Gloria, andito na kami.”
Tumakbo ang may-edad na babae para salubungin si Ka Senyong, niyakap bago magkasabay na tinungo ang maliit na kubo.
“Sandali lang at maghahain ako, sino pala ang kasama mo?”
“Si Gani, kasamahan ni Armando, nasabat namin sa tawiran.”
“Ganun ba?”
“Sige na at nagugutom na din kami para makapahinga din.”
Tumalikod na ang babae samanalang siya naman ay nakatayo lang at di alam kung ano ang gagawin.
“Maupo ka muna.”
Ilang minuto ding nawala ang matanda pagbalik ay may dalang damit at isang tuwalya.
“Dito ka muna sa isang silid,” turo sa kanya ng lalaki.
Isang papag na kawayan, maayos ang kwarto at may maliit na bintana. Nagpasalamat siya sa lalaki bago ito lumabas. Naupo lang muna siya sa papag hanggang marinig ang tawag nito para kumain. Masarap ang tinola at pritong isda, may manga ding hinog. Dahil sa gutom ay naparami siya ng kain.
Tutulong sana siyang maglinis ng pinagkainan pero sinabihan siya ni Aling Gloria na maligo at magpahinga nalang. Pumasok na din siya sa kwarto para kunin ang damit na binigay ni Ka Senyong, kahit luma ay malinis at maayos pa naman. Yun nga lang ay wala siyang panloob.
Pero magrereklamo pa ba siya, saka sanay naman siyang hindi nagsusuot ng brief kung nasa bahay lang. Inabutan niya si Aling Gloria na naglalagay ng sabon at shampoo. Siguro ay nasa early 50’s ang babae.
Mas bata ito kaysa kay Ka Senyong dahil tantya niya ay nasa 60 na ang lalaki.
“Naglagay na din ako ng sepilyo kungwala ka.”
“Salamat po Nanay Gloria.”
“Sige, kung may kailangan ka ay tawagin mo lang ang Ka Senyong mo.”
“Opo Aling Gloria.”
Naginhawahan siya ng makapaligo, medyo hapit ang damit na ibinigay ng lalaki dahil na din siguro sa laki ng katawan niya kumpara kay Ka Senyong. Dinatnan na niya ang matanda sa labas, siguro ay ito naman ang maliligo. Pumasok ang matanda pero agad ding lumabas dala ang timba na walang tubig.
“Tay ako na po ang kukuha ng tubig.”
“O sige nga, sa likod ang tulo ng tubig.”
Agad na niyang kinuha ang timba sa lalaki at tinungo ang direksyon na sinabi nito. Kasalukuyang pinupuno niya ang timba sa tulo ng tubig nang may isang babae ang lumapit na may dala ding lalagyan ng tubig. Ka edad siguro ito ni Ligaya, nasa late 30’s.
Simple ang ganda ng babae, yung dalagang Pilipina ang dating, matangos ang ilong at manipis ang mgalabi. Pero ang katawan ay alam mong may anak na dahil sa bikas ng dibdib na bakas sa suot nitong duster na tingin niya ay walang suot na bra.
“Magandang umaga po!”
“Magandang Umaga din! Ikaw ba yung kasama nila Kuya Senyong?”
“Opo,” mahikling sagot niya sa babae.
“Wag mo na akong pupuin, mukha na ba akong matanda?”
“Hehehe, hindi naman ate. Nakasanayan lang.”
“Hindi mo nga ako pin-po, ina-ate naman.”
“Hahaha, pasensya na.”
“Umaapaw na ang timba mo.”
Napakamot nalang ng ulo ang binata nang nawala siya sa atensyon, pero ang babae ay sinusuri ang kabuoan ng estranghero. Nang magkamot ito ng umangat ang suot ng t-shirt at duon dumako ang mata lalo na sa malaking bukol sa harapan ng shorts.
Siya si Jane, biyuda at may isang anak. Napatay ang asawa niya ng magkaroon ng enkwentro ang rebelde at sundalo. Limang…