Dumaan lang sa boarding house ni Amyah pero nang malamang wala ito duon ay tinungo na ang sariling kwarto para ipahinga ang pagod na katawan.
Sa text nalang niya nalaman na sinundo pala ni Ka Mando ang anak at baka ilang araw bago ito makabalik.
Pasukan ay naging busy na ulit siya dahil huling taon na niya sa kolehiyo, ilang beses pa siyang natungo sa Sitio nila ka Senyong at di nakakaligtas na hindi sila nakaka salisi ni Jane. Natawa pa siya dahil sa batis ay may mahabang upuan na sa lugar kung saan sila nagtalik ng babae.
Holiday kaya umakyat siya ng bundok, muli ay sumabak sila sa isang laban sa pagitan ng military. Nagkagulo na sila dahil ilan na ang nalagas sa kasamahan pero alam niyang mas marali ang nawala sa mga sundalo.
Nakita niya ang isang sundalo na tumatakbo at alam niya na sa tinatahak nito ay masasagupa ang mga kasamahang rebelde. Hindi na nagdalawang isip pa na hatakin ang lalaki patungo sa gilid ng bangin.
Sunod sunod ang ibinigay na suntok ng sundalo pero pilit lang niyang sinalag kahit na ang karamihan ay tumatama.
“Pare tama na, hindi ako kalaban!”
Natigilan ang lalaki, kahit hindi nagsalita ay nakita niya na nais nitong magtiwala.
“Rebelde ka?”
“Oo pero hindi. Ikaw sundalo?”
“Oo pero hindi din.”
Hindi naman kasi talaga siya rebelde dahil hindi siya lubos na sumasang-ayon sa lahat ng ginagawa ng mga ito. Ang mga pagkakataon na gumawa siya ng isang bagay na alam niya ikakapahamak niya pagnalaman ng pinuno nila.
Nang bitiwan siya ng lalaki ay agad tumayo, handa siya kung sakaling aatake muli ito.
“Sa baba nito ay batis, maya maya lang ay maglalabasan na ang mga katutubo. Kung hindi kayo mapatay ng mga kasama ko ay siguradong yari kayo sa kanila.” Mahabang paliwanag ng lalaki.
Itinatali niya ang lubid sa matibay na ugat ng puno.
“Sakto ang haba nito para sa lupa, sundan mo ang batis pakanan. Talintulin mo ang daang pantao.”
“Bakit ako maniniwala sayo?”
“Dahil wala kang pagpipilian! Sa dulo ng landas ay makakakita ka ng mga bahay. Sa unang bahay sabihin mo na itinuro ka ni Isagani. Tutulungan ka nila.”
“Bakit mo ako tinutulungan?”
“Dahil hindi ako lubos na sang-ayon sa naisin ng grupo at wala lang din akong magawa dahil sila lang ang meron ako.”
“Bakit?”
“Wag nang maraming tanong, wala ka nang oras! Sana pag nagkita tayong muli at kinailangan ko ang tulong mo ay maka-asa ako.”
“GANI PASIKAT NA ANG ARAW!” narinig nilang sigaw.
“Magtago ka muna para hindi ka marinig sa pagbaba mo.”
Mabilis na tumakbo ang lalaki pero may ini-ipit itong larawan sa bulsa ng suot ng uniporme.
“Saan ka ba nagsuot?”
“May hinabol ako Ka Delfin na isang sundalo. Kaya lang nahulog ata sa bangin.”
“Sige tayo na at baka may masabi na naman si Ka Mando sayo.”
“Naku kahit naman tama gawin ko may masasabi pa din yun.”
“Pag pasensyahan mo na! Tayo na. Asaan ang lubid mo.”
“Ah eh naiwan ko nung hinabol ko yung sundalo.”
“Ikaw talaga. Sige sabay na tayo at maya maya lang magigising na ang mga katutubo.”
“Nasaan sila Enteng?”
“Nasa gawi duon, dun na tayo bumaba para nakalayo din sa mga sundalo.”
Bago tuluyang lumayo ang dalawa ay tumingin pa siya sa sundalo at bahagyang sumaludo. Tumakbo na siya pasunod kay Ka Delfin.
Pagdating nila sa kuta nila ay kumain lang at nagpahinga dahil sa lakad nila kinabukasan sa bayan. Halos tatlong buwan na din buhat ng matulungan niya ang isang sundalo at patuloy ang takbo ng buhay bilang estudaynte at bilang rebelde.
Lingo ng gabi ng muling makatanggap ng tawag galing kay Mrs. Cheng si Gani, gusto sana niyang tumanggi muna dahil sa pagod sa bundok pero nahiya naman siya kaya sinabi nalang na pupuntahan matapos magpahinga ng ilang oras.
Sa isang hotel niya pinuntahan ni Mrs. Cheng, nagulat pa siya dahil hindi katulad ng dating halos hubad na ang ginang pag dinadatnan niya. Ngayun ay medyo pormal at walang galawang nagpapakita ng pagkasabik sa kanya.
“Kumain ka na ba?” habang nakaupo sa isang one seater na sopa.
“Oo, ikaw ba?”
“Tapos na din ako.”
“May problema ka ba?”
“Wala naman, actually…”
Matagal bago sundan ang sasabihin sa kanya kaya naghihintay lang siya.
“Gani, ito na ang huling pagkikita natin, baka hindi na ako bumalik pa dito.”
“Anong ibig mong s…