Webes na ay hindi pa din siya mapakali, may parte ng isip niya ang nagsasabing hindi niya kina-kailangang makipagkita sa binata. Pero malaking parte ng puso niya ang nagsasabing puntahan si Gani at hayaang maging masaya kahit na sa loob lang ng tatlong araw na sinabi nito.
Sabado ng tanghali, isang text ang nareceive para ipa-alala ang pagkikita nila.
Camille: Sino to?
Number: May iba ka pa bang kikitain mamayang ala-sais?
Camille: Tigilan mo ko.
Number: Picture-Pwede kong i-print para ilagay sa bawat upuan ng simbahan bukas.
Camille: Hayup ka!
Number: I miss you too.
Ilang beses niyang tinawagan pero hindi nito sinasagot, wala na siyang nagawa kung hindi ang pumunta sa burol na sinabi nito. Bago mag-ala-sais ay naduon na siya kahit wala pa ang lalaki.
“Mukang excited ka ah, kanina ka pa ba?”
“Ito na ang una at huli nating pagkikita.”
“3 Days ang usapan natin, pero tingin ko mas hahaba pa dahil ikaw mismo ang makiki-usap na magkita tayo.”
“Ang yabang mo!”
Isang mapang-akit na titig lang ang ibinigay nito na hindi matagalan ng babae, para siyang hinihigop ng tingin nito lalo na ng ang mga mata ay natuon sa mapulang labi ng binata.
“Ano ba ang kailangan mo sakin?”
“Nasubukan mo na ba ang mangumpisal?”
“Oo naman!” nagtataka man ay sumagot siya.
“Ako hindi pa, hindi ko alam kung paano.”
“Seryoso ka ba? Siguradong masusunog ka sa imyerno!”
“Tingin mo?”
“Siempre kasi di ka nagbabawas ng kasalanan.”
“Hmmm! Turuan mo akong mangumpisal.”
“Bakit di ka kay Brother Rael magpaturo? Bakit sakin?”
“Ikwento mo sakin kung bakit ka magpapakasal kay Congressman? Yung kwentong parang isa akong Pari na alam mong hindi ka ikukuwento sa iba?”
“Bakit ko naman gagawin yun?”
“Dahil gustong kong malaman kung bakit? Pangako pag nakumbinsi mo ako titigilan kita kahit bukas na bukas din.”
“Hindi kita kailangang kumbinsihin.”
“Kailangan dahil guguluhin kita, may pangalan ang mapapangasawa mo.”
“Black mail yan.”
“Ano gagawin mo?”
“Bakit ba ang kulit mo?”
Nagkibit lang ito ng balikat, kahit ata anong gawin ng lalaki ay nanatiling simpatiko at guwapo maging ang mga simpleng expressions nito.
“Titigilan mo ako after nito?”
“Kung makukumbinsi mo ako.”
“Parang ako ang talo dito?”
“Try me? Di ka matatalo sakin.”
Isang malalim na hinga ang binitawan niya bago iminuwestra sa lalaki na maupo sa tabi niya.
“Nagkasakit si Tatay, magsasaka lang siya at si Nanay naman ay sa bahay lang…” pag sisimula nito.
Nalaman niya na si Congressman pala ang sumagot ng lahat ng gastos na umabot sa kulang dalawang milyon. Akala daw nila nung una ay mabuting loob lang kaya sila tinulungan pero kala-unan inilabas din nito ang kapalit ng ginawa sa kanila.
Ang gusto ng tatay niya ay ibigay nalang ang lupa at kung kulang pa ay huhulugan nalang nila kahit may tubo pa. Pero hindi niya maatim na mangyari ito lalo na nga at alam niya kung gaano kahalaga sa ama ang lupang minana pa sa mga magulang.
At alam din niya n mas gigipitin sila ng politiko katulad ng ilang mga kababayan niyang naging biktima ng mapagkunwaring tulong nito.
“Hindi ako tunay na anak nila Tatay at Nanay, anak ako ng kapatid ni Tatay na namatay. Pero hindi ko naramdamang ampon ako, minahal nila ako at inalagaan na parang tunay na anak.”
Ang ina niya ay nilapastangan ng masasamang loob, pinilahan at muntik nang patayin kung hindi lang nakatakas. Matapos siyang ipanganak ay binawian ito ng buhay dahil na rin sa sobrang depression at postpartum preeclampsia o karaniwang nagiging kumplikasyon pag nanganak.
“Ito lang ang maa-ri ko sa kanilang iganti, napaka buti nila sa akin.”
Hindi na napigilan ng dalaga ang maiyak kaya maagap naman ang binatang hagurin ang likod nito.
“Gani wala na akong pagpipilian, wala nang pwedeng magsalba sa amin.”
“Itatakas kita, sumama ka sain.”
“Paano sila nanay at tatay?”
“Isama natin sila.”
“Nababaliw ka ba? Una ni hindi kita lubos na kilala, pangalawa ito na ang buhay nila.”
“Paano ka?”
“Kaya kong mag sakripisyo.”
Wala nang masabi pa ang binata, kahit siya man ay nahihirapan sa sitwasyon ng babae.
“Maari bang magkita pa ulit tayo?”
“Bakit hindi ka ba kumbinsido sa mga sinabi?”
“Kumbinsido na ako, pero gusto ko lang makatulong. Kahit hanggang bago ka lang ikasal ay gusto kong subukang mapasaya ka.”
…