Taong Labas (44) Panauhin

Isang malalim na hinga ang binitawan dahil alam niyang delikado at walang kasiguruhan ang pagpunta niya sa lugar na ito. Hindi na niya napuntahan ang pinsan ng iburol dahil dalawang araw lang at wala siyang sapat na pera para mag biyahe. Mahigit tatlong buwan pa ang pinalipas niya para makapag-ipon bago makapunta sa San Vicente.

Ilang bahay bago ang alam niyang bahay ni Coney ay bumaba na siya, nilakad nalang niya hanggangmakarating sa malaking gate na bakal. Ilang beses siyang nag doorbell pero walang sumasagot, halos kalahating oras na ata siya bago may lumapit sa kanyang isang babae.

“Ineng sino ba ang hanap mo?”

“Ah e nanay pinsan po ako ni Coney.”

“Naku patay na ang batang iyon ah.”

“Opo nay, dadalaw lang po sana ako.”

“Matagal ng na walang nakatira diya buhat ng mamatay ang babae.”

“Po? Nasaan po si Marco?”

“Nasa Amerika na ata kasama ang anak.”

“Anak?”

“Oo, me anak sila ni Coney.”

“Sige po, salamat nay!”

“Sige ineng,” pamama-alam nito sa kanya.

Lalong lumaki ang hinala niya na hindi magpapakamatay ang pinsan lalo na nga at may anak pala ito.Nag lakad muli siya pero lalong nag-iinit ang damdamin dahil sa kinahinatnan ng pinsan niya. Desidido siyang mabigyang hustisya ang pagkamatay ng pinsan.

Pumara siya ng tricycle at nagpahatid sa tapat ng bahay ni Gani, nahihiya man siya ay kinakailangan niyang tapangang para sa pinsan. Wala ang takot para sa sarili, mas nangingibabaw ang tapang ng loob para malaman ang tunay na dahilan ng pagkawala ng kaisa-isang kamag-anak.

Pagdating sa tapat ng bahay nila Gani ay nagdalawang isip siya kung makikitira ba sa lalaki dahil kanina lang niya ito nakilala at estranghero pa sa isat isa. Oo nga at napaka guwapo nito pero sapat na ba ito para pagtiwalaan ang bagong kakilala.

Ngunit huli na dahil pagbaba ay nakita na siya nang lalaki na kasalukuyang nagpapahangin sa isang maliit na balkonahe sa di kataasang bahay. May hawak na gitara at hubad ang katawang natatanaw buhat sa kung saan siya nakatayo.

Pagkakita sa kanya ay agad itong kumaway at tumakbo na sa tingin niya ay para salubungin siya. Jogging pants at ang sando ay hawak lang sa isang kamay kaya pag lapit sa kanya ay duon lang isinuot. Parang pinagpapawisan siya sa nakikita sa lalaki.

Habang palapit ito sa kanya ay di makapaniwala kung ang nakikita ay totoo o pinaglalaruan lang siya ng imahinasyon. Bakat na bakat kasi ang hubog ng pagkalalaki nito na maging ang pinaka ulo ay nakakurbana parang kabute sa gawing hita.

Dahil hubad ay malaya ang mga mata para suriin ang maskuladong katawan ng binata, ang matitikas nadibdib, ang perpektong abs na parang napaka sarap paglaruan ng mga palad para sukatin kung gaano katigas at muling natuon sa malaking bakat ng burat nito.

“Pasok ka!”

Parang namula ata siya dahil baka nahalata ng lalaki ang pag lunok ng laway at parang uhaw na uhaw sa tanawin kanina, buti na lang at nagsuot na ito ng sando peto hindi naman umabot sa malaking bukol ng burat lalo na ang ulo ay nakahubog. Tingin niya ay maglalaro sa imahinasyon niya sa loob ng mahabang panahon.

“Ano ang nangyari?”

“Ahhh eh sarado yung bahay.” Pagbabalik niya sa sarili.

Masyado siyang na distruct sa lalaking kaharap, medyo nahiya pa siya dahil preskong presko na ito samantalang siya ay sa Tuguegarao pa huling naligo at nag toothbrush. Kahit alam niya na wala namang masamang amoy pero nakaka ilang pa din.

Kinuha agad ng binata ang mabigat na bag niya at inalalayan sa siko para makapasok sa maliit na bahay.

“Bakit daw?”

“Ang sabi ng ale na naka-usap ko ay buhat daw ng mamatay si Coney ay umalis na din ang asawa nito.”

“Ganun ba? Ano ang plano mo?”

“Magtatanong tanong pa din ako, lalo kasing lumakas ang hinala ko na hindi nagpakamatay ang pinsan ko.”

“Bakit?”

“May anak sila at imposibleng pababayaan niya ang bata. Kilala ko ang pinsan ko, matagal na niyang gustong magka-anak. Mag kapamilya.”

“Mukhang mahihirapan ka sa pag-iimbistegahan mo.”

“Basta susubukan ko.”

“Sige, baka may maitulong ako. Sa anak ako ni Mayor nag tratrabaho. Baka may makapa tayo kahit papano.”

“Talaga, sige malaking magagawa nun.”

“Dun ka na muna sa kwarto ko, baka gusto mong magpahinga muna.”

“Pwede ba akong makilgo?”

“Oo naman, halika sa kwarto para makapag ayos ka.”

Sumunod siya sa lalake sa hagdan na may ilang baitang lamang, pinasok ang isang kwarto. Malinis at mabango, mabangong lalaki ang amoy.

“Nasa bukid sila nanay kaya ako lang dito, ito nang room ko ang gamitin mo duon nalang ako sa kabila.”

“Baka nakakahiya sa mga magulang mo?”

“Mababait ang mga yun at saka di ko sila magulang.”

“Huh?”

“Mahabang kwento hahaha. Sige iwan na muna kita para makapag-ayus ka. Nasa baba lang ako pag may kailangan ka. Sa kusina ang banyo makikita mo sag awing kanan pag baba mo”

“Salamat Gani.”

“Naka ilang beses ka nang nagpapasalamat. Saka nalang ulit ha pag natulungan na kita.”

Tumalikod na ang binata samantalang siya naman ay binuksan na ang bag, kumuha ng mga kailangan kaya lang ay wala siyang dalang tuwalya. Nakita niya na may nakasabit sa likod ng pinto, alam niyang sa binata ito kaya ito nalang ang kinuha niya kaysa mang abala pa.

Pag hawak sa tuwalya ay kinilabutan siya nang maamoy ang pamilyar na amoy ng lalaki, ngayun lang ata siya nakaramdam ng kakaibang init na nagmumula sa kung saan sa katawan niya.

Pagbaba ay wala duon ang lalaki, sinunod nalang niya ang direksyon kung saan ang banyo. Para siyang natanggalan ng mabigat ng dala nang makaligo, siguro ay inabot siya ng kulang dalawampung minuto. Ginamit ang tuwalya ng binata na habang ipinamumunas sa katawan ay naiisip na ito din ang ginamit ng lalaki para punasan ang maskuladong katawan at ang punasan ang pagkababae ay may kuryenteng nanulay.

‘Shit, ano bato?’

Bago pa kung ano ang maisip ay minadali na ang pagpupunas at itinapis ang tuwalya. Paglabas ay nakita niya sa maliit na sala ang lalaki na nag tetelepono.

“Naku sorry, di ko alam na wala kang towel.”

“Ako nga ang dapat magpasensya at ginamit ko ito.”

“Nakakahiya gamit na yan.”

“Okay lang, magbibihis muna ako ha.”

Ewan kung bakit inobesrbahan niya ang lalaki na halatang sa dibdib niya nakatutok kahit na ang sasalita, pati ang harapan nito ay tiningnan kung may pagbabago. Tingin niya ay mas naka alsa na ang tela ng suot na jogging pants ng binata kaya tumalikod na din siya.

Pero papasok na siya ng kwarto ng lingunin ang lalaki para sana tanungin kung may mabibilan ng load para sa cellphone niya. Duon niya naaktuhan ang binata na inaayos ang harapan na ikinagulat niya. Nagpasalamat nalang na hindi nito napansin ang paglingon.

Napahinga siya ng malalim nang maisarado ang pintuan, sobra ang kaba niya. Hindi takot kung hindi sa isiping apektado ito sa kanya at ganun ba kabilis mag init ang mga lalaki. Napahawak siya pagitan ng mga hita at sa dibdib, hindi mawari kung ano ang mararamdaman.

‘Alice nandito ka para sa pinsan mo hindi para sa anu pa man.’ Bulong sa sarili.

Nagbihis nalang at ng tingin niya ay maayos na ang sarili ay bumaba na din para kausapin ang binata.

“Gani saan ako pwedeng bumili ng load?”

“Sa may tindahan sa isang kanto, kailangan mo ba?”

“Oo sana eh.”

“Sige ako nalang ang bibili.”

“Samahan mo nalang ako.”

“Okay, kunin ko alng ang wallet ko. Mag load na din ako.”

Maliksing umakyat ito sa kwarto na parang ilang saglit lang ay nasa baba na ulit.

“Lets go, tingin na din tayo ng pwedeng kainin.”

Tahimik lang siya dahil sa sikdo ng dibdib lalo na ng hawakan nito ang siko para alalayan. Isinara nito ang bahay at tarangkahan saka sila naglakad patungo sa sinasabi nitong tindahan.

Padilim na din kaya kakaunti lang ang tao sa lansangan, saka siguro dahil probinsya kaya maagang nasaloob katulad din sa kanila.

“Bukas babalik ako sa bahay nila, magtatanong tanong ako sa mga kapitbahay.”

“Samahan kita, wala namang akong trabaho at nag bakasyon sa Amerika ang boss ko.”

“Di ba ako nakaka-abala?”

“Wala naman akong gagawin sa bahay, sa Biyernes pa ang balik nila.”

“Kwento ka naman. Madami ka nang alam sakin pero ako wala pang alam tungkol sayo.”

“Hahaha, ako si Isagani. Binata at walang nobya hahaha!”

Palagay niya ay namula siya sa sinabi ng lalaki, nagpa paramdam ba ito na kung ano?

Nagsimulang magkwento si Gani, hindi na niya dinetalye pawang mga mahahalaga lang at mga bagay nainteresado ang babae. Ini-ngatan din nito ang tungkol sa dahilan kung bakit siya napunta dito lalo na ang kay Mrs. Cheng at kay Camille. In general ang mga babaeng na-ugnay sa kanya, na natural lang siguro sa isang lalaki.

“Manang pa load nga po.”

“Magkano?”

Matapos matanggap ang load ay bumili na din sila ng tuna at noodles.

“Ito nalang muna pagkain natin, bukas nalang ako magluto.”

“Okay lang, if you want ako nal…