Kinabukasan ay iniwan nalang niya ang babae nang nagtungo sa Kapitolyo, dinaanan nalang siya ni Rom kaysa daw mag trike pa siya.
“Saan si Alice?”
“Di ko na sinama, pagod eh.”
“Langya tol mukang ginabi gabi mo ah. Sana all hahaha!”
“Gagu di, baka murahin na ako nun kung tinira ko kagabi. Mamaya nalang kaya pinagpahinga ko hahaha!”
“Ayus hahaha!”
Naghintay nalang sila sa opisina ng gobernador habang nag flag raising, parang kilala-kilala naman si Rom ng mga tao dahil pinatuloy na agad sa pribadong kwarto ng politiko. Hindi maipaliwanag ni Gani kung ano ang nararamdaman niya na parang pamilyar pero di niya maintindihan.
Kalahating oras din bago bumukas ang pinto at inilabas ang lalaking nakabarong na ngiting-ngiti kasama ang mga bodyguards.
Nagbago ang mukha ni Gov. Gabby nang makita siya, nawala ang ngiti at napuno nang pagtataka. At pagkasabik…
“Aethan!”
“Aethan!?” ulit ni Gani sa binigkas ni Gov. Gabby.
“Aethan, anak!”
“U-uncle Gabby!” hindi niya alam kung saan nanggaling ang sinabi niya.
“Aethan, Aethan!”
Mabilis na tinakbo ng gobernador ang lalaki at mahigpit na niyakap. Kahit nagtataka pa din ay gumanting yakap ang binata.
Kitang kita ni Gani ang pagluha ni gobernador, maging si Rom ay naguguluhan. Agad inilabas ang litratong ibinigay sa kanya ni Gani sa bundok ng maghiwalay ang dalawa para maupo.
“Ano ang nangyari sayo? Pano ka nakabalik dito?”
“Di ko din alam, basta nagising nalang ako na nakasakay sa van at wala na akong matandaan.”
“Gov, eto siya nung bata.”
“Ikaw nga si Aethan ko. Ang tagal ka naming hinanap.”
“Alam ko na Aethan ang pangalan ko pero kinalimutan ko na dahil sa utos ni Ka Mando.”
Muling niyakap nito ang lalaki, di pa rin makapaniwala na makikita pa itong muli. Tinawag ang secretary at sinabing i-cancel lahat ng meetings at may importanteng bagay na gagawin.
Napaka bilis ng mga pangyayari, dinala siya ni Gabriel sa bahay nila para ipakita sa ina at sa mgakapatid. Overwhelmed sa mga pangyayari at nawalan ng kakayahang tutulan ang mga bagay. Hapon nanglumapag ang isang chopper sa mansion at agad siyang isinama para makita ang ama.
Nasa himpapawid na siya nang ma-alala ang babaeng iniwan sa bahay. Hinanap niya ang telepono ngunit mukang naiwan niya kung saan dahil buhat nang makita ang uncle Gabriel niya ay hindi na niya ito nagamit pa.
Hindi din naman niya kabisado ang numero nito kaya wala siyang magawa kung hindi maghintay muna.Pagbaba nila ay sinalubong na siya ng ipinakilalang ama niya. Hindi naman maikaila dahil halos kamukhang kamukha niya ang lalaki maliban sa tanda nito. Walang pagsidlan ng tuwa ang ama, halos buong maghapon ay hindi siya iniwan ni Gabriel, Rom at ng amang si Nathan.
Ilang beses na niyang na-ikwento ang nangyari at tinatanong siya kung ano ang gustong gawin sa kumidnap sa kanya na tanging iling lang ang naging sagot niya. Parang nawindang siya sa mga sumunod na pangyayari, hindi tuloy niya napansin na hating gabi na pala. Palihim na kinausap si Rom kung kailan sila uuwi sa San Vicente.
“Baka bukas, di ko pa din alam.”
“Si Alice kasi di ko naman nasabihan.”
“Ganun ba, tawagan mo nalang.”
“Di ko nga makita yung cellphone ko eh.”
“Naku lagot!”
“Oo nga, baka magalit yun.”
“Patay ka niyan, putol ang kaligayahan mo.”
“Gago hindi yun, wala siyang kasama sa bahay.”
“Sige tawag ako sa office, pasabihan ko.”
“Pag nga napuntahan nila ay tawagan ako para maka-usap ko at maipaliwanag.”
“Sige tol, pero baka bukas na madaling araw na din. Pero mag-pa bantay nalang ako ng isang security.”
“Salamat tol.”
“Isipin mo yun, magkapatid pala talaga tayo.”
“Oo nga, kung nagkataon pala di na kita nakilala.”
“Kaya pala sabi ng jowa mo magkamukha tayo hahaha.”
“Di ko nga napansin eh hahaha.”
“Baka singlaki din kaya nahirapan sayo hahaha!”
“Malamang, baka mana kay daddy hahaha.”
Naghiwalay na din sila para matulog, nanibago siya dahil sa ganda at laki ng kwarto na kumpleto sa gamit, hindi niya maisip na matutulog siya sa ganitong karangyang kwarto. Napasarap tuloy ang tulog niya kaya tanghali na nagising, matapos mag toothbrush at hilamos ay agad na siyang bumaba para hanapin ang kapatid.
“Ay sir bumalik na po sa probinsya kasama si Gov. Di na po kayo ipinagising ni Sir Nathan at may lalakarin po ata kayo maya-maya.”
“Huh, kailangan ko ding umuwi sa San Vicente.”
“Ay maaga po silang umalis eh.”
“Nasaan si Daddy?”
“Nasa Clarksons po ata, pero babalik daw po para sunduin kayo. Sir kumain na po muna kayo.”
Napatingin siya sa lamesang puno ng maraming pagkain, pero dahil nag-iisa ay di masyadong nakakain. Bandang alas onse nang dumating ang daddy niya, itatanong sana niya kung paano siya makaka-uwi kaya lang ay naunahan na siya ng mga dapat nilang gawin.
Sa isang kilalang department store na puro mamahalin at branded ang tinda siya unang dinala ng ama, may kasama silang isang bading na nagsasabi kung ano ano ang dapat nilang bilhin, may kasama silang isang tao pa na taga dala naman ng mga pinamili nila.
Kinagabihan ay isang family dinner kasama ang kambal daw na kapatid niya pero wala si Rom dahil nasa San Vicente na nga. Halos puro kwento lang niya ang naririnig na napapagod na din niyang ikwento, medyo na-iilang pa siya sa isa sa kambal. Kung pwede lang na i-record nalang at pag may ganitong pagtitipon ay i-play para mas t…