“Pero, ‘di tayo karapat-dapat, Marvin.”
“Bakit naman? Alam mo bang gusto kitang pakasalan,” mahinang turan ni Marvin habang yakap-yakap niya ng dalaga.
“Marvin, patawarin mo ako… natangay ako ng init ng katawan at nakalimot ako… naibigay ko sa iyo ang pagkakabae ko,” seryosong sabi pa ni Marimar.
“Wala ka namang kasalanan sa akin, bakit ka nanghihingi ng tawad?” anang binata.
“Mayroon, Marvin… may AIDS ako!”
Gulat na gulat si Marvin sa kanyang narinig.
Biglang nanlaki ang mga mata niya. Lumakas bigla ang kabog ng dibdib niya.
“Nagbibiro ka ba, Marimar?”
“Hindi! Patawarin mo ako kung ngayon ko lang nasabi ‘to sa iyo, nakalimot ako kanina dahil natangay ako ng init ng aking katawan. Dancer ako sa isang klab sa Maynila, pero nang sabihin ng doktor na positive ako sa AIDS, pumunta ako dito para magbagong buhay,” seryosong pagtatapat pa ng babae.
Halos hindi makatulog sa gabi si Marvin tuwing naiisip niya ang sinabi ni Marimar sa kanya. Nagpasya siyang magtungo sa ospital para magpa-checkup.
“Positive na may AIDS kayo, Mr. Marvin,” anang doktor sa binata.
Tila gumuho ang mundo ni Marvin nang kumpirmahin iyon ng doktor sa kanya.
“Patawarin mo ako, Diyos ko sa niloko kong mga babae, hu hu hu!” mangiyak-ngiyak na dasal ni Marvin ilang taon ang nakalipas.
Payat na payat na si Marvin dahil sa nakuhang sakit niyang AIDS kay Marimar.
Si Marimar naman ay patay na nung isang buwan pa lang.
Doon na naisip-isip ni Marvin na kahit sa kantot ay may parusa rin pala.
At bakit pa dumating sa buhay niya si Marimar?
Huli na ang kanyang pagsisisi.
Makalipas ang dalawang taon, namatay rin si Marvin.
Nabigyan ng hustisya ang mga nabiktima ni Marvin sa Maynila.
Kung hindi dahil kay Marimar, malamang na marami pang mabibiktima ang binata.
Kaya, kayong mga mahilig kumantot, kilitasin n’yo muna ang babaeng kursunada ninyo bago ninyo kantutin para ‘di kayo matulad kay Marvin.