Mula pagkabata ay matalik na magkakaibigan na kaming tatlo. Ako si Mar, at ang magkasintahang si Ruth at Noel. Magkakasing edad lang kaming tatlo at ngayon nga ay 24 years old na kami at nagwowork sa iisang company din na telecommunication. Nakakatuwang isipin pero totoo na mula pa elementary, highschool at hanggang college ay parehong mga school lang din ang pinasukan naming tatlo. Motto kasi namin ay “walang iwanan”eh.
Sa ngayon ay nakasanayan na naming laging gumimik tuwing sabado at mag bar hopping. Masaya kaming tatlo pag magkakasama although kahit paminsan minsan ay nagkakatampuhan ay madali namang nagkakasundo. Sa totoo lang nga ay parang sa aming tatlo lang umiikot ang mundo eh dahil talagang nagsusuportahan kami sa isat isa. Kapag may problema ang isa ay apektado ang dalawa sa amin dahil higit pa sa magkakapatid ang turingan namin. Siyanga pala, Three’s Company ang bansag sa aming grupo ng ilan naming kakilala.
Isang gabi ng nasa gimikan kami at nagkakasayahan ay biglang binuksan ni Noel ang topic tungkol sa lovelife. Tinanong niya ako kung bakit hanggang ngayon ay wala pa akong GF. Lastyear kasi sinagot ni Ruth si Noel na talagang labis kong ikinabigla lalo na nang ipagtapat nila sa akin na sila nang dalawa. Nagkibit balikat lang ako at sinabing darating din yan sa tamang panahon.
Pero ang katotohanan sa likod ng kasagutang iyon ay si Ruth din ang tunay na mahal ko. Wala lang kasi akong lakas nang loob na magtapat sa kanya dahil nga magkakaibigan kami hanggang sa maunahan ako ni Noel. Ngunit dahil sa ispiritu ng malalim naming pagsasama bilang magkakaibigan ay sinikap kong huwag ipahalata sa kanila na labis akong nasasaktan sa tuwing nakikita ko silang malambing sa isat isa. Kapitbahay ko si Ruth at si Noel naman ay medyo malayo sa aming lugar.
Naaalala ko pa nung mga bata kami na pagkaminsan ay sa bahay ako nila Ruth natutulog at magkatabi pa. Ganun din siya sa amin dahil matalik ding magkakaibigan ang aming mga magulang. Habang tumatanda kami nuon ay para bang unti unti nang nahuhulog ang aking kalooban sa kanya at parang nagkaroon na rin kami kapwa kamalayan na parang nais naming makita ang isat isa lagi.Hanngang nagging ka close na nga rin namin si Noel dahil nagging ka team mate ko pa siya sa isang basketball league na kung saan ay naging MVP ako at Best muse naman si Ruth. Masaya talaga ang mga alaala ng aming mga kabataan…
Kung alam nga lang sana ni Ruth na labis ko na talaga siyang mahal eh di sana ay napakasya ko sana ngayon di tulad ngayon na parang unti unti akong nauupos sa tuwing nasisilayan ko siya. Sa araw araw pa naman na ginawa ng Diyos ay sabay kaming pumasok at umuwi maliban lang minsan kung inihahatid siya ni Noel. At sa araw araw ding iyon ay araw araw din ni Ruth ako hinahalikan sa pisngi tuwing naghihiwalay na kami sa hapon pagbaba niya sa aking kotse
. Mapapansin talaga sa aking kuarto kung gaano kahalaga sa akin si Ruth dahil halos lahat ng picture frame na naka display ay picture naming dalawa. Yun din ang dahilan kung bakit ayaw kong papasukin si Ruth sa aking room ng minsang nangungulit ito ng nasa bahay namin. Sa ngayon ay napapansin ko rin naman na masaya siya sa piling ni Noel at sa tingin ko naman ay nirerespeto siya nito..
Isang sabado ng ako lang mag isa sa bahay ay may kumakatok ng malakas sa gate at dali dali ko itong binuksan. Nabigla ako ng si Ruth pala ito at masayang masaya. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit at buong pagmamalaking ipinakita ang isang magasin na siya ang nasa cover page…masyado akong naexcite at di makapaniwala na siya ang nasa picture na iyon. Nakayakap pa rin siya sa akin at ng sa labis kong tuwa ay ginantihan ko rin ito ng mas mahigpit na yakap at sabay halik sa kanya…..ngunit dahil nga sa excitement ay sa labi ko siya nahagkan.
Naghinang ang aming mga labi…matagal na animoy punong puno ng pagmamahal Kapwa bumilis ang tibok ng aming mga puso habang ninanamnam ang tamis ng sandaling iyon. Ilang sandali pa nang maghiwalay ang aming mga labi ay pansamantalang nagkatitigan kami na parang nagtatanong ang aming mga mata at sabay talikod sa akin si Ruth pagkaabot ng magasin na wala ng kibo bago bumalik sa kanilang bahay.
Para akong nagging istatwa at di makakilos ng sandaling iyon.Tinatanong ko ang aking sarili kung bakit ko nagawa iyon at baka iyon ang magsilbing kasiraan ng aming pagkakaibigan.Bumalik ako sa kuarto ko at humiga sa aking kama. Muli kong tinitigan ang larawan niya sa magasin at binasa ko ang article at write ups sa kanya. Kasama niya kasi ako nung may talent scout na lumapit sa amin ng minsang magkasama kaming kumakain sa isang food chain sa Rockwell.