” …anong gagawin mo kung sabihin kong hinubad ko na yung puting panty na tumatabing sa iniimadyin mo?” Nasimot kong bigla yung laman ng beer na iniinom ko. Parang lalo akong nauhaw. Maliwanag yung buwan. At sa kanyang mala-pilak na liwanag yung puting rosas na kasing laki ng kuyom na kamao ay parang sumasayaw sa aking paningin. Yung text ng bago kong textmate ay nag papalala ng nadarama kong kahungkagan Nami miss ko si Ellaine…
Umilaw uli yung cell phone ko. Humakbang ako paitaas sa terrace namin habang binabasa ko yung text ni Eden. ” Baka ano na ang ginagawa mo ngayon dyan ha, mister..? Di ka na kumibo. Matutulog na ako. Hinubad ko nang lahat ang buong saplot ko. Di ako sanay na matulog ng naka damit. Good night and sweet dreams or wet dreams?”
Pinindot ko yung call ng cell phone ko. Gusto kong marinig ang boses ni Eden. Pero isang recording ang narinig ko sa aking cell phone. “You do not have enough balance to avail this service please load and try again…”
Eden. Napa-buntung-hininga ako. Eden—isang Paraiso. Nanunukso ba ang babaing ito? O paano ako nakakatiyak na babae nga siya? Ginulo ang isip ko ng nagpapakilalang Eden na ito. Bukas mag load ako ng marami. Tatawagan ko siya. At nakatulog ako ng gabing iyon na napanaginipan ko yung bago kong katexmate.
Kinabukasan hinintay ko na muli siyang magtext. Pero lumipas ang maghapon wala akong natanggap na text mula sa bago kong ka-textmate. Bago ako lumabas ng opisina sinubukan kung tawagan si Eden. Nang mag-ring ang telepono nya parang nininerbyos ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit may kaba sa dibdib ko habang hinihintay kong marinig yung tinig nya. Pero nag ring lang yung cell phone nya. Pero walang sumasagot. Naka ilang dial pa ako pero recording lang ang sumasagot. Nang tigilan ko yung pag dial sa number nya biglang nag-ring ang telepono ko. “Hello, sir Teddy, si Kristine po ito yung kapatid ni Norie…” Nagulat ako. Gusto ko sanang i-off yung telepono. Ayoko ng magkaroon ng kaugnayan kay Norie. “Nandito po ako sa labas ng planta, baka po pwede kayong maka-usap?” Sabi pa nito. ” Importante ba?” Tanong ko sa kanya at hindi ko itinago yung pag ka-irita ko. ” H-hindi naman po, kung ayaw nyo po, aalis na ako.”
Ewan pero parang nakiki-usap siya at parang mahalaga sa kanya yung sasabihin nya sa akin. ” May kasama ka ba? Kasama mo ba yung ate mo? Diretsahang tanong ko sa kanya.
“Ako lang…po. Di nga alam ni Ate na pupunta ako dito ngayon.” Naging curious ako kung ano yung pakay ni Kristine sa akin. ” Sige, antayin mo ako dyan at palabas na ako ng office, pauwi na rin ako.”
Pag kasabi ko noon, pumasok ako sa CR at naghilamos ako. Tiningnan ko yung reflection ko sa salamin sa loob ng CR. Parang nangangalumata ako. Nag toothbrush ako at nag wisik ng dala kong pang lalaking pabango. Mabilis kong inimis yung mga gamit ko sa mesa at tuloy-tuloy na akong lumabas ng planta. Natanaw ko si Kristine na nakatayo sa di kalayuang waiting shed sa harapan ng planta. Kumaway siya. Parang isang nakababatang kapatid ko si Kristine. Naka-tshirt siya ng puti at naka maong na pantalon. Suot nya ang isang kupas na sneaker. Maganda si Kristine lalo marahil pag lubusan ng nagdalaga ito. Mas maganda siya kaysa kay Norie.
“Kanina ka pa ba dyan sa waiting shed?” Tanong ko sa kanya ng nakalapit na ako. Tumango siya. Nagkagat labi. Parang bata na pinagdaop ang dalawang palad at pina paikot-ikot yung isang sapatos sa konkretong sahig ng waiting shed.” Ano ba yung sasabihin mo?” Tanong ko sa kanya. Diretso yung tingin ko sa mga mata nya. Hindi siya maka-tingin sa akin.”Kasi…” Ibinitin nya yung sinasabi nya. Parang nakuha ko yung gusto nyang sabihin. Na hindi doon sa waiting shed ang tamang lugar para pag-usapan namin ang pakay nya. “Tara, maghanap tayo ng makakainan at doon natin pag-usapan ang pakay mo.” Sabi ko sa kanya. Nang humakbang ako, madali siyang umagapay sa paglalakad ko. Walang kibo kaming nilakad yung kahabaan ng daan palabas ng planta at patungong highway. Natanaw ko yung 7-11 sa pagliko. Nagpatiuna akong pumasok at tumingin ako sa mga madaling ma-order na pagkain doon. ” Gusto mo ng siopao?” Tanong ko sa kanya. Ngiti lang ang isinagot nya. Kumuha ako ng dalawang Siopao at dalawang coke. Pinili namin yung pinaka sulok na upuan sa loob ng 7-11. Habang sinisimsim ko yung coke ko pinagmamasdan ko si Kristine. Medyo sungki yung ngipin nya sa harap, pero pag ngumiti siya. Bumabagay sa pagka sungki ng ngipin nya yung ngiti nya. “Baka matunaw na ako nyan, sir Teddy,” Sabi nya na conscious pala siya sa pagkakatitig ko sa kanya.”
Bahagya akong tumawa sa sinabi nya. ” Gano’n ba? Grabe ba yung titig ko at kaya kong lusawin ka?” Hindi siya sumagot at ibinuhos yung atensyon sa siopao nyang hawak. ” Bakit pala hinintay mo ako sa labas ng planta?” Tanong ko sa kanya ng hindi siya kumibo. Huminto siya sa pagnguya sa siopao at tiningnan nya ako. “Si Ate kasi, ” Muli hindi nya tinapos ang sasabihin niya. Pag nababanggit nya yung ate nya, kinakabahan ako. Parang nagkakaroon ako ng phobia sa ate nya. Mula ito nung sabihin nya sa akin sa loob ng motel na gusto nyang mabuntis ko siya.
” Ano ang tungkol sa ate mo?” Tanong ko sa kanya. Nakita kong biglang naging pormal siya. Nagulat ako ng bigla ay nakita ko na namula yung mga mata nya. Tahimik siyang napa-iyak. “Kristine… may problema ka ba sa ate mo?” Pabulong na sabi ko s kanya. Mabuti na lang nasa dulo kaming upuan at hindi kami gaanong pansinin sa pag kaka-upo namin. Lumipat ako ng upuan at tumabi ako sa kanya. Iniabot ko sa kanya ang dala kong panyo. Pinipilit nyang pigilin ang impit na paghagulgol. ” May gusto ka bang ipagtapat sa akin?” Pwede kong pakinggan ang mga sasabihin mo,” Pag-alo ko sa kanya. Naisip ko mas maganda kung mailalabas nya yung kung ano man ang dahilan ng kanyang pag iyak. “Punasan mo yung luha mo at lalabas tayo dito sa 7-11 at ihahatid kita sa inyo.” Pinunasan nya yung luha sa mga mata nya ng panyo na ibinigay ko. Awa yung lumukob sa akin habang pinagmamasdan ko si Kristine. “Saan ba sa inyo at ihahatid kita,” Sabi ko sa kanya. Umiling siya. “Ayokong umuwi kay Ate Norie ngayon…” Sabi nya na nakatingin sa malayo.
” Ha, eh saan ka naman pupunta?” Nabigla kong tanong sa kanya. ” Isama mo ako kahit saan, sasama ako sayo. Gawin mo sa akin yung gusto mong gawin…” Walang gatol yung pagkasabi nya. Nagulumihanan ako. Una, lubhang bata pa siya. Pag kung ano ang mangyari tiyak malaking iskandalo. Wala kaming relasyon.Isang pagsasamantala ang gawin ko yung sinasabi nyang isama ko siya kahit saan.
At gawin ko sa kanya ang gusto kong gawin. Hindi ko malaman yung gagawin ko ng sandaling yun. Sa tingin ko, buo na sa sarili niya na talagang ayaw nya umuwi sa ate nya. “Look, Kristine, hindi ko alam kung anong problema nyung mag..kapatid. Pero be sensible, parang kapatid na nakababata ang tingin ko sayo…Ihahatid kita sa inyo.” Sabi ko sa kanya. At bahala na kung magkita kami ni Norie. Pero di na ako matutuksong muli.Hinawakan ko siya sa kamay at tumayo ako para lumabas na kami ng 7-11. Tatawag ako ng taxi at ihahatid ko siya sa kanila.
Hindi siya kumibo ng hilahin ko siya sa kamay. Binitawan nya ang hindi naubos na siopao. Tumingin siya sa akin. Parang nakita ko yung mukha ni Marie, ang nasirang misis ko kay Kristine.. Halos ganoon ang edad ni Marie ng kami ay magtanan. Kumapit siya sa braso ko ng naglalakad na kami sa gilid ng daan. Ipinapanalangin ko sa mga oras na yun na sana may magdaan agad na taxi. Baka gabihin na naman ako sa daan. Baka pag naka-uwi ako ay tulog na ang mga bata.
” Pangit ba ako para sayo, sir Teddy?” Nagulat ako sa tanong ni Kristine. Nakaka tatlong poste na ang nalalakad namin pero bakit parang kay-dalang dumaan ng mga taxi. May tatlong taxi na lumagpas dahil may sakay ang mga ito. Medyo nangangalay na ang paa ko sa paglalakad. Natanawan ko yung isang maliit na parke sa harap ng isang pribadong subdibisyon may isang upuan iyon. Ng tumapat kami doon ay huminto ako. Nagpatiuna si Kristine na umupo sa kongkretong upuan sa parke. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Maya-maya lang mananaig na ang ganap na karimlan. Tinabihan ko siya sa pagkaka-upo nya sa nag-iisang upuan sa munting parke na yun.
“Ano yung tanong mo kanina, Kristine?” Tanong ko sa kanya ng naka-upo na ako. Hindi na yata ako sanay mag lakad. Parang sumakit yung paa ko. Naka leather shoes kasi ako. Tumingin siya sa malayo bago sumagot.
” Kung pangit ako sa tingin mo,” Diretsahan nyang sabi. Natawa ako ng alanganin. “Bakit mo naitanong yan?” Sabi ko na hindi siya tinitingnan. Nahalata nyang panay ang tingin ko sa aking relo. ” Sige na Sir Teddy, baka nakaka abala na ako sayo, mauna ka na makaka-uwi naman ako mag-isa.” Luminga-linga ako. Madilim na. At hindi magandang iwan ko siya sa lugar na ito. Parang delikado dto at madalang ang naglalakad sa kalsada.
“Ihahatid kita sa inyo,” Sabi ko. Tumayo ako at inabot kong muli ang kamay nya. Nagpatianod naman siya at kusa ng tumayo. Naramdaman ko yung mahabang buntung-hinga nya nang tumayo kami sa gilid ng kalsada para mag-abang ng taxi. nakakapit siya sa braso ko. Lumakad kami sa dakong may maliwanag na ilaw yung poste at doon kami nag-abang ng taxi. Pinapara nya ang sinakyan naming taxi sa tapat ng simbahan ng Sta Cruz. Napuna kong napapalunok siya pag dumaraan kami sa mga naka hilerang mga Chinese restaurant habang binabagtas namin ang Ongpin. Nagtataka ako at bakit hindi pa sa tapat ng tinitirhan nila kami bumaba.
Nang makakita ako ng isang restoran na hindi gaanong matao, pumasok ako kasunod si Kristine. ” Kain muna tayo, baka nagugutom ka na, di mo naubos yung siopao kanina.” Sabi ko sa kanya. Ngumiti siya at sumungaw yung sungki nyang ngipin. Cute talaga siya pag naka labas yung sungki na ngipin nya kapagka ngumingiti siya. “Pwede sir Teddy, magtake out na lang tayo?” Napatingin ako sa kanya sa sinabi nya. Lagot, tiyak nandoon ang ate nya. Baka isipin ni Norie siya ang sadya ko at may pasalubong pa. May sasabihin pa sana ako ng tumunog yung cell phone ko. Nataranta ako ng makita ko yung pangalan ng tumatawag. Si Eden! ” Sige umorder ka na, pa take out na lang natin,” Biglang sabi ko kay Kristine.
Gumawi ako sa medyo tagong bahagi ng restoran at kinakabahan kong pinindot yung cellphone ko. Pero dahil sa pagmamadali ko napindot ko yung pulang pindutan. Na reject ko yung tawag nya.Napabuntung-hininga ako. Dinayal ko yung number nya para ako naman ang tumawag. Pero bu…