-Excerpt from the song “For All We Know” By Matt Monro
“Parang ayoko ng humiwalay sayo hon…” Para siyang bata na nanghihingi lang ng kendi. Idinikit nya sa aking dibdib ang kanyang pisngi at mahigpit na mahigpit nya akong niyapos. Parang gusto ko ring umiyak. Parang gusto ko ring saluhan siya sa kanyang pighati. Saka ko naintindihan yung logic ng kanyang mga hakbang. Noong nagtext siya ng pormal na gusto nyang magkita kami, alam ko nagdadalawang isip siya, kung susumbatan nya ako sa panloloko ko sa kanya, at tatapusin na nya ng tuluyan ang aming relasyon. Pero nagbago ang isip nya ng magkita kami. Yung naisip nya na ‘ikasal’ ang sarili nya sa akin, ay ang kanyang lohika upang alisin yung kanyang guilty feelings sa patuloy na pakikipag-relasyon sa akin matapos nyang malaman mula sa misis ko ang katotohanan.
Hinapit ko siya palapit sa akin at niyakap ng mahigpit. “Ang kawawa kong si Ellaine…ano itong nagawa ko sa kanya…?”
” Hon, bigyan mo ako ng pagkakataong maitama lahat…” Bulong ko sa kanya. ” Alam kong masakit para sayo ito.”
Tumingin siya sa akin. Namumula na ang kanyang mata. Parang ayaw nyang marinig ang mga sasabihin ko.
“May dahilan ang tadhana kung bakit tayo pinagtagpo…” Sabi ko na tinitimbang-timbang yung gusto kong sabihin sa kanya.
“Kung talagang para tayo sa isa’t-isa tayo pa rin hanggang sa dulo…” Sabi ko at itinaas ko ang kanyang paningin sa akin. “Alam ko nararamdaman mo rin na mahal na mahal kita. Totoo yun hon. Mahal na mahal kita.” Tuluyan na siyang humagulgol. Dama ko yung pag-alon ng kanyang dibdib sa impit na pag-iyak. Hinalikan ko siya. Nakapikit siya.
“Ano ang balak mo hon?” Nabigkas nya sa pagitan ng paghikbi.
” Let us give ourselves a space…” Sabi ko. Nabigla rin ako sa sinabi ko. Baka hindi ko rin kayanin na wala siya kahit sa text lang. Umiling siya. “No, hon, please… Ayoko. Payag na ako maging kept -woman mo. Payag na ako na hindi tayo magsama. Basta bigyan mo lang ako ng ilang bahagi ng oras mo…”
” Look hon,” Sabi ko sa kanya na inilayo siya ng konti sa pagkakayakap sa akin. “ Trust me, ang gagawin ko ay para sayo. Pero gusto kong maging fair sa kanya, sa mga bata.” Parang nabikig ako sa pagbigkas ko sa mga anak ko.
” Kailangan kong ayusin ang lahat…just give me the space hon…give me a couple of months…” Nakita nya na hindi ko rin napigil na hindi pumatak ang luha ko. Umiyak siya ng umiyak—pati ako. Natigil lang yung iyakan namin ng mag ring yung telepono sa may headboard. Hinatak ko si Ellaine paupo sa kama. Inabot ko yung telepono. “Sir, mag extend pa po ba kayo?” Sabi sa kabilang linya. Sa Front desk yun ng Hotel.
” Yes, ” Tugon ko habang hinahaplos-haplos ko ang buhok ni Ellaine. Ibinaba ko yung telepono at parang noon ko naramdaman ang pagkahapo. Iniunat ko ang likod ko sa malambot na kama. Sumunod si Ellaine na nahiga paharap sa akin. Pinisil-pisil nya ang pisngi ko. Nilaro ng daliri ang labi ko. Kinagat ko yung daliri nya ng ipasok nya sa bibig ko.
“Hon, ano yung balak mo?”Kinabig ko siya para magkadikit ang mga ulo namin. Naka-tingala ako sa kisame. Sinundan nya ang tinitingnan ko sa itaas ng kisame. Nang hindi agad ako kumibo, muli nya akong hinalikan. ” Nasira uli ang lipistik mo hon…” Sabi ko. Kinagat-kagat nya ang tenga ko.
“Ano nga ang balak mo hon?”
Halos ika-siyam na ng gabi ng maghiwalay kami. Pakiramdam ko, para akong nagsabong at natyope yung manok ko. Nanalo ako na natalo ako. Matagal bago ko siya napapayag sa balak ko. Hindi muna kami magkikita. Titigilan muna namin ang pagti text sa isa’t-isa. Haharapin namin yung pang-araw araw na buhay namin tulad noong hindi pa kami nagkakakilala sa text. I-ro roll back namin yung mga naganap. Isang taon ang hiningi ko. Tatlong buwan lang ang ibig nya. Nagtawaran kami. At nagkasundo kami sa anim na buwan. Anim na buwan kaming hindi mag communicate sa isa’t-isa. Testing din yun sa pag-ibig na nararamdaman namin. Baka silakbo lang ng damdamin. Baka sexual attraction lang.
Pero nangako ako sa kanya na sa loob ng mga panahong iyon unti-unti kong ihahanda ang mga bata at si misis. Balak ko mag resign sa trabaho ko. At yung makukuha kong pera sa pag-alis ko sa trabaho ay gagawin kong trust fund para sa mga bata. Inaalok ako ng isang kumpare ko na sumama sa kanya sa pangongontrata. Pero mas maganda yata na magsolo ako.
Parang madali lang gawin yung plano namin. Parang madali lang na sarhan ko yung cell phone ko at wag basahin doon ang mga texts na kinasasabikan ko. May usapan kami na wag kaming magpapalit ng sim card kahit anong mangyari.
Parang madali lang gawin na magkunwari ako na hindi siya dumating sa aking buhay. Nasa bus ako pabalik ng Manila, at miss na miss ko agad si Ellaine. Sumusugal ako na sa six months na wala kaming komunikasyon, makalimot siya. Maraming pwedeng mangyari sa anim na buwan…
Halos madaling araw na ng makarating ako sa bahay. Inaantok-antok na yung driver ng traysikel na naghatid sa akin mula sa gate ng subdivision na tinitirhan namin. “Ginabi tayo sir,” Sabi nya. Natatandaan nya marahil ako. Araw-araw akong umuuwi mula sa planta. Labing dalawang taon na kaming naninirahan sa subdibisyong ito. Ngumiti lang ako. Hindi ko na sinagot yung sinabi nya. Ganoon lang yun. Parang may masabi lang.
Binuksan ko yung gate ng dala kong susi. Pero biglang umilaw yung harapan ng bahay namin. Gising pa si misis. Kailangan ko namang mag-lubid ng kasinungalingan na sana ay papaniwalaan nya.
Yung mga unang buwan na wala kaming komunikasyon ni Ellaine ay parang parusa sa akin. Lagi, wala sa loob ko nahihimas ko yung cell phone ko. Pag nag vibrate ito tanda na may message ako, nararamdaman ko pa rin yung pag-iinit ng puson ko. Hinahanap hanap ko pa rin na mabasa sa inbox ko yung. “Tsuup! Doon yan hon. I love you.” Pero ang madalas magtext ay si Lynn. Natutuwa ako sa sarili ko na nagagawa ko na siyang iwasan Sinabihan ko ang duty guard na pag nandoon si Lynn sa guard house ay tawagan ako sa intercom. Sa rear gate ako lumalabas pag naitawag ng guard na naroroon ito.
Halos mag-iisang buwan na mula ng huli kaming magkita ni Ellaine. Dumating ako sa bahay ng maliwanag pa. Sabado noon at half day lang ako. Wala naman akong gagawin sa planta. Pero ipinasiya kong pumasok. Parang ayokong magkulong sa bahay. Nauubos ko lang yung laman na beer sa refrigerator namin. Mula sa gate dinig ko na nagbi-videoke yung tatlo kong maria, Si Cindy yung kumakanta ng “Pearly Shell“. Natatawa akong pinanood yung paggiling giling pa ng bewang nya na sinasabayan yung animated character sa TV. Nakiki huni lang si bunso. Di pa siya marunong mag-basa.
“O, nandito na ang Daddy n’yo. Si misis ang unang nakapansin sa akin sa pagkakatayo ko sa pintuan ng sala namin. Agad na kumalas si bunso sa pagkakaakbay ni panganay. Agad na nangunyapit ito sa braso ko. Kinarga ko ito at isang malagkit na halik sa pisngi ko ang ibinigay nya sa akin. Pero ang talagang target nya ay ang clutch bag ko. Alam nya lagi akong may Cadbury para sa kanilang tatlo. Pero dumaan ako doon sa paborito kong tindahan ng siopao. Mahilig si misis sa siopao lalo at mainit ito. Buhat buhat ko si Jen ng pumasok ako sa sala. Ibinaba ko siya at iniabot kay misis yung siopao. Nabuksan na ni Bunso yung clutch bag ko at nakiagaw na yung dalawa sa laman ng clutch bag ko. “O tatlo yan, tig-iisa kayo,” Sabi ko habang hinuhubad ko yung sapatos at medyas ko. ” Gusto ko yung puti, ate…” Sabi ni bunso. Gusto nya yung milk-chocolate. Iisa na lang kasi yun sa Canteen kanina. “Eh gusto ko rin ‘to eh,” sabi naman ni Pam.
Nakita kong pinipilit abutin ni bunso yung tsokolate sa kamay ni panganay. Pumasok sa isip ko si Ellaine. Tulad ni bunso at ng puting tsokolate, gusto ako ni Ellaine pero hawak na ko ni misis. Pinandilatan ko si Pam.” Magparaya ka na sa kapatid mo,” Sabi ko. ” Pupunta tayo sa mall bukas.Ibibili ko kayo ng maraming milk chocolates!” Naka simangot si Pam na bantulot na iniabot kay bunso ang hawak na tsokolate.
Ah, kailangan may magparaya…
Nahubad ko na yung sapatos at medyas ko at patungo na ako sa silid namin para magpalit ng damit pambahay ng sumalubong si misis mula sa kusina. Dala-dala yung ininit sa microwave na pasalubong kong siopao. ” Bakit apat lang yung siopao? Sabi nya. Lima kami. Para sa kanila lang yung pasalubong ko. Inilapag nya yung siopao sa lamesita sa sala. Nagkanya-kanyang dampot ng siopao yung tatlong makulit.
Nang nakabihis na ako, binalikan ko sa sala yung mag-iina ko. Iniabot ni misis yung kalahati ng siopao nya. Pinagtimpla nya rin ako ng kape. Kinuha ko yung kape at tumayo ako papunta sa terrace. ” Ubusin mo na yang siopao, ” Sabi ko. “Para sa inyo talaga yan.”
Nang naka-upo na ako sa isa sa mga upuan sa garde…