” They say that you and I are reaching far too high…We know our love is young, we’ve only just begun through the night…we hold each other tight– forever…”
An excerpt from the song “Forever’ by Rex Smith
Matapos ang naging pagniniig namin ni Kristine, saka ko naalala ang cell phone ko. Nung nilalabhan nya yung pantalon ko na naligwakan ng natapong ketsap, tiningnan ko yung messages sa inbox ko. 32 na miscalls at labing isang messages na iisa lang naman ang laman. “Nasaan ka ba, mister?” Lahat ng iyon ay galing kay Eden. Tiningnan ko yung orasan sa sala ng unit na inuupahan nina Kristine. Halos 12:00 midnight na. Tulog na si Eden. Bukas ko na lang siya tatawagan. Sinilip ko si Kristine sa kusina. Sa lababo sa kusina nya kinukusot yung pantalon ko. Maya-maya pa inilagay nya ito sa isang hanger at isinampay sa isang silya at tinutukan ng electric fan. Parang nagulat pa siya ng tahimik akong nakalapit sa kanya.
” Gising ka pa?” Sabi nya habang inaayos yung pagkakasabit ng pantalon. ” Isang oras lang tuyo na ito,” Pagkasabi nyun ay lumapit siya sa tabi ko. Matagal na namayani sa aming dalawa ang katahimikan. Hinila ko siya sa may lamesa kung saan sa ilalim nyun naganap ang aming pagniniig. Umupo siya sa isang silya at umupo akong magkatabi kami na nakaharap sa lamesa. “Anong iniisip mo?” Tanong nya sa akin pagkaraan ng patlang na katahimikan.
” Ikaw… yung nangyari kanina,” Sabi ko, na hindi siya tinitingnan.
“Huwag kang mag-alala, ginusto ko ito. Ganti ko sa ate ko ito.” Nagtaka ako at nabigla sa sinabi nya. Hinila ko paharap sa kanya ang bangko na kinauupuan ko.
“Anong ganti?,” Nagugulumihanan kong tanong. Nakita kong namula ang mga mata nya at para siyang maiiyak. Kinabig ko sya at hinayaan siyang umiyak sa dibdib ko. ” Ibinenta na ako ng ate ko sa isang mayamang intsik. Inaayos na lang yung mga papeles ko. Pag lumabas ang passport ko, pupunta kaming dalawa ni ate sa China…” Bigla siyang humagulgol at at yumakap sa akin.
“Natatakot ako Ted, ayoko doon…” Hindi ko malaman ang iisipin. Ibinenta siya na paano? Niyakap ko si Kristine ng mahigpit. Alam ko, awa ang nararamdaman ko sa kanya. Kung may atraksyon man ako na nadarama sa kanya, iyon ay sa dahilang madali akong maakit ng kagandahan. Lahat ng magagandang bahagi ng mundong aking ginagalawan ay umaakit sa akin, nagbibigay inspirasyon sa aking mga tula.
“Kung ayaw mo, bakit kailangan mo siyang sundin?” Pakli ko. At iniharap ko ang mukha nya paharap sa akin. “Gusto mo kausapin ko ang ate mo?” Alok ko sa kanya. Muli lang siyang yumakap sa akin. Umiling siya habang patuloy na tahimik na humihikbi. “Nag down payment na yung intsik, kalahating milyon yung pinadala nyang advance para panggastos sa paglakad ng mga papeles namin ni ate. Kaya naisip ko ito…” Yung sinasabi nyang naisip nya ay yung ginawa namin. Ipinagkaloob nya ang pagka-birhen nya sa akin.
” Hindi ko ibibigay sa tsekwa na yun ang aking pagka-birhen,” Tinitigan nya ako. Bigla nya akong hinalikan sa labi. Walang pagnanasa ang halik na yun. Nalasahan ko ulit yung maalat-alat na luha na masaganang dumadaloy mula sa kanyang magagandang mata. Naglalandas ito patungo sa kanyang mga labi.
“Tama si ate nung tinanong nya doon sa Jollibee kung crush kita.” Muli nyang sabi. “Ikaw lagi yung naiisip ko mula noong pumunta kami sa office mo. Pero alam ko, Malabo na magkagusto ka sa akin. Lalo pa ng napansin ko yung harapang paglalandi ni ate sayo…”
Kinabig ko siya palapit sa akin at ako naman ang humalik sa kanya. ” Sinamantala kita,” Sabi ko. “Pero kaya na kitang panindigan”. Alam ko, nanaig na naman sa akin yung mga pagpapasiya ko in a spur of the moment. Pero, yun ang totoo kong nararamdaman sa mga sandaling iyon. Nagi-guilty ako sa nangyari. kailangan kong panagutan ang aming naging kapusukan.
May nadama akong pait sa pagtawa nya ng mahina pagkaraang marinig nya ang sinabi ko. “Hindi ka deserving ng isang tulad ko lang.” Umiling siya. “Hindi ako karapat-dapat sa isang tulad mo.” Sabi nya. Ibang Kristine na yung nakikita ko sa mga oras na iyon. Pinahahanga nya ako sa kanyang mga katwiran. Pinukaw ba ang kanyang pananaw ng aming naging pagniniig?
Hinapit ko siya palapit sa king dibdib. Gusto kong ipadama sa kanya ang init ng aking katawan . Maginaw ang bawat kalungkutan. Nakangingilo ang madamang nag-iisa ka sa kabila ng maraming tao sa iyong paligid. Hinalikan nya ako. May ilang oras pa na nalalabi sa amin. Hinila nya ako sa kwarto nya. ” Tabihan mo ako sa pagtulog,” Sabi nya na nakatitig sa aking mga mata. ” Bukas, alam ko isang magandang panaginip na lang ang lahat ng ito.”
Hindi kami nakatulog. Ginugol namin ang buong magdamag sa ‘pagganti’ sa ate nya. Tiniyak nya na wala ng bahagi ng kainosentihan ang kanyang katawan sa sandaling pagpasasaan na siya nung intsik na “nakabili’ sa kanya.
Ayaw nyang hugutin ko yung aking kaangkinan mula sa kanyang masabaw na kweba tuwing magdidilig ito ng nektar sa kanyang sinapupunan.
” Iisipin kong ‘gift’ ng tadhana kung mabuo ito, Ted”. Sabi nyang nakatingin sa kisame . ” Wala akong pagsisihan.”
Madaling araw na ng lumabas ako sa likurang pinto ng condo. Pupungas-pungas yung gwardya na nadaanan ko sa kanyang quarter. ” Good morning sir, log out po kayo dito sir.” Ilagay po ninyo yung unit na pinanggalingan nyo.” Sabi nito na iniabot ang logbook. Hindi naman nya hiningi yung ID ko. Paano kung fictitious yung pangalan na inilagay ko? Na siya kung ginawa.
Diretso na ako papasok sa planta. May ibang damit ako doon. Parang ikalawang bahay ko yung office ko. Kasi nga malayo ang bahay ko at minsan may mga madaliang miting o seminar na kailangan kong daluhan. Nasa taxi na ako ng tumunog yung cell phone ko. Tatlo yung bagong messages sa inbox ko. Isa yung sa bunsong kapatid ko. Nag-aalala si Nanay kasi tumawag daw si Paz, yung yaya ni Albert nung 11:00 pm na at wala pa ako. Na lobat kasi ako sa dami ng miscall at texts ni Eden.
Tinawagan ko yung kapatid ko at sinabi ko na nagkaroon ng biglaang overtime at hindi ako nakatawag. Pero sinabi ko na tatawag ako sa bahay mamaya. Yung isang message ay kay Kristine. “Thanks sa lahat Ted. Burahin mo na yung number ko sa phone book mo. Hindi ko na gagamitin ang sim na ito. Ingat palagi.”
Yung isa kay Eden. Yung text na inaabangan ko.
“Pambihira, pinagtataguan mo yata ako, o may ka date ka dyan kaya ayaw mo sagutin ang tawag ko?” Bigla kong pinindot ang call at naghintay na sagutin nya ang tawag ko. Maliwanag na. 6:00 am na. Ilang minuto pa nasa opisina na ako. Naligo na ako ng umalis ako sa condo nina Kristine.
Maya maya ay naulinigan ko ang isang mahinang ‘hello’ na pumutol sa pag ring ng telepono sa kabilang linya. Parang pamilyar yung boses nya. “O, ang aga ng tawag mo.Kagabi tumatawag ako di ka nasagot.” Sabi sa kabilang linya. Parang umaga pa lang ay may sermon na ako. Kumakapa ako ng alibi na tatayo sa sitwasyon ko. Pero bakit kailangan kong magpaliwanag sa kanya?
“May biglaang conference kami, di nga ako nakauwi sa amin.” Sabi ko. Half truth yun at hindi alibi. Totoo yung hindi ako naka-uwi pero hindi totoo yung conference.
“Mister, wala naman akong paki kung saan ka nagliwaliw. Wala naman tayong—relasyon. Depende na lang kung liligawan mo ako.” Natatawa ako habang pinakikinggan ko siya sa kabilang linya.
“Ligawan? Eh malay ko ba kung talagang kamukha mo si Bakekang…” Sabi ko na napapangiti. Napansin ko panay ang tingin nung taxi driver sa salamin at parang sinisilip ako. Lumagay ako sa gilid ng bintana ng taxi na sa tantya ko ay hindi makikita ng driver ang expression ng mukha ko habang nakikipag-usap ako sa telepono.
“Hoy, mister, baka pag nakita mo ako eh, tumulo ang laway mo?” Lalo akong natawa sa narinig ko. Hindi siya mayabang. “Tumulo ang laway? You mean, nakakapagtulo ng laway ang beauty mo?” Sabi ko na hindi ko napigilan ang impit na hagikhik.
“Eh may diperensya ka naman pala, parang ayaw mo yatang maniwala, nagtatawa ka pa diyan. Next month pauwi na ako ng Pilipinas. Kung interesado ka, sunduin mo ako sa airport. Hindi ako pasusundo sa iba. Ikaw ang sumundo sa akin at makita mo yang paghagikgik mo.” Parang naiinis ko siya. Pero natigilan ako. Kasi kung totoo na magpapasundo siya sa akin so hindi masama ang itsura nya.
“Okay, okay pasensya na. Naniniwala ako na maganda ka, ok…” Tumango-tango ako. Nagkatinginan kami ng driver sa salamin ng taxi. Napahiya ako. Para akong tanga na ngingiti at tatango-tango mag-isa.
” Eh kung naniniwala ka na maganda ako, di ligawan mo na ako.” Walang gatol na sabi ng kausap ko. Gusto kong sakyan ang sinasabi nya.
” Kung liligawan ba naman kita eh sasagutin mo naman ba ako?” Naisip ko di na ako bata para sa larong ganito. Pero natutuwa ako dito sa kausap ko. Parang napupunan nya ang pangungulilang nadarama ko para sa namayapa kong kabiyak,at sa pangungulila ko kay Ellaine.
“Depende…” Ibinitin nya ang sinasabi.
“Depende saan?” Tanong ko sa kanya.
“Ah basta, ligawan mo muna ako para malaman mo.” Narinig ko yung mahinang hagikgik nya sa kabilang linya. Hindi ako nakasagot kasi pinatay na nya ang linya ng telepono. Pero umilaw ang cell phone ko. Nag-iwan siya ng message.
“Try mo ligawan ako, pag maayos ang panliligaw mo, anong malay mo kung mapapayag mo akong maging ‘honey’ mo!”
Kinabahan ako. Ano kaya kung si Eden at si Ellaine ay iisa? Umiling ako. Malabo. Pero hindi imposible. Naputol ang pag-mumuni-muni ko ng huminto kami sa harap ng planta. Tiningnan ko yung halagang naka rehistro sa metro ng taxi na sinakyan ko. Kinuha ko yung barya sa clutch bag ko na sukli doon sa ipinambayad ni Kristine sa tinek-out namin. At tuloy-tuloy na akong pumasok sa loob ng planta.
Nagpatuloy yung text namin ni Eden tuwing gabi lang kami nakaka pagtext at nakakapag-usap. “Hindi mo ako ubrang makausap pag working hours.Mahigpit ang mga amo ko dito sa Korea. Hindi ka naman marunong manligaw. Paano kita sasagutin nyan.”
Paano nga ba yung sinasabi nyang panliligaw? Paano yun…