Textmates- ” I Love You…i Miss You “

” Ano kaya kung sumama na ako sayo hon..? Nagitla ako sa sinabi nya. Natigilan ako. “Parang di ko na kaya na wala ka. Sayo na lang umiikot ang mundo ko…”

Parang itinulos ako sa pagkakatayo. Tinitigan ko siya. “Are you serious Hon?” Narinig kong isinatinig ko.

“Bakit, hindi ba ako seryoso noong ibinigay ko sayo ang pagka-babae ko.?” Para siyang maiiyak. Sinabi kong pangangatawanan ko yung ginawa ko sa kanya. Pina-asa ko siya. Nilapitan ko siya sa kanyang kinatatayuan. Humihikbi na siya. At nakita ko ang luhang namamalisbis sa kanyang pisngi. Parang hindi ko kayang makita siyang umiiyak.

“Hon. let us talk this over…pag-usapan natin ito ng maayos.” Alo ko sa kanya habang luminga-linga ako sa paligid. Baka may makakita sa amin at isipin na may ginawa akong masama sa kanya.

Nalilito ako. Alam ko mahal ko siya. Pero di pa ako handa na iwan ang pamilya ko. May sasabihin pa sana siya ng matanaw namin ang paparating na jeep. Pinunasan nya ng likod ng kanyang palad ang luhang namamalisbis sa maganda nyang pisngi. Dinukot ko yung panyo ko sa bulsa at iniabot ko sa kanya. Walang kibo nyang kinuha ang panyo. Kinawayan nya ang jeep at ng huminto ito nauna siyang sumakay. Konti lang ang pasahero kaya nagkatabi kami. pinipisil-pisil nya ang palad ko habang tumatakbo ang jeep. Pakiramdam ko ay kumalma na siya. Humilig siya sa dibdib ko. Parang wala na yung takot sa kanya na baka may makakita sa aming dalawa. Manaka-naka ay tinititigan nya ako. Kinakabahan ako. Hindi ko mabasa ang nasa isip nya. Malaking problema kung talagang sasama na siya sa akin.

Tiningnan ko yung relo ko sa kamay. Ganap ng ika-dalawa ng hapon. Halos limang oras ang aming naging pagniniig sa opisina nila. Parang noon lang ako nakaramdam ng gutom. Bumaba kami sa mall kung saan kami unang nag eyeball. At doon sa restoran na aming kinainan nung una kaming magkita doon din kami pumunta para kumain. “Ice Cream hon,” Sabi ko ng matapos kaming mag order ng pananghalian. Late lunch na yung kain namin. Lumabi lang siya. “Sige, order mo ako ng ice cream,” Sabi nya na parang bata.

Pinapakiramdaman ko siya kung uulitin nya yung sinabi nya kanina.

” Seryoso ako hon,” Sabi nya habang hinihintay namin yung order namin. Pinagdikit nya ang upuan namin. At tulad noong una kaming magkita sa restoran ding ito, panakaw na pinipisil nya si manoy. ” Naisip ko, naibigay ko na lahat sayo. Wala ng natira sa akin. Kaya sayo na ako. Iuwi mo na ako.” Parang sa sinabi nya ganon lang kasimple yun.

“Paano sa inyo? I mean, tiyak hahanapin ka sa inyo.” Hanap katwiran ko. Kung sana ang sitwasyon namin ay tulad nung sitwasyon namin ng misis ko nung nagtanan kami, madali lang. Kahit ako mismo yayain ko na si Ellaine na sumama na sa akin. Pero, hindi nga ganon ang sitwasyon ko ngayon. Paano ko siya iuuwi sa amin?

” Sige, di muna ako sasama sayo ngayon.” Biglang sabi nya. “Aayusin ko muna yung mga trabaho ko sa opisina. Magre-resign ako. Gusto ko sa Manila mag trabaho pag nagsama na tayo. Wag ka mag-alala di ako magiging pabigat sayo. Maghahanap ako ng trabaho malapit sayo.” Mahaba yung mga sinabi nya. Pero nagkaroon ako ng kaunting pag-asa na maayos ang nasuungan kong problema.

” Pero promise me hon, pagkatapos kong maayos ang dapat kong ayusin dito sa amin,susunduin mo ako ha? Isasama mo na ako sa Manila.” Tumango ako. Hinalikan ko siya sa labi. Wala na akong pakialam kung ano ang sasabihin ng mga makakakita sa amin. Gumanti siya ng halik. Para kaming bagong kasal at katatapos lang ng aming pulot-gata. Nang dumating yung pagkain na inorder namin buong pagsuyo nyang sinubuan ako, nagsubuan kami. Hindi namin alintana ang nasa paligid namin. Ang mahalaga ay kami, ang nadarama naming pag-ibig sa isa’t-isa sa mga sandaling iyon.

At dumating na yung oras na dapat ay pabalik na siya sa kanila, at ako ay pabalik sa amin. Lahat ng paalam ay may hatid na kalungkutan. Nararamdaman ko parang ayaw pa nyang sumakay sa jeep ng ihatid ko siya doon sa terminal. Ako man, parang ayaw ko mapagmasdan ang jeep na kanyang sasakyan. Parang kay bigat sa pakiramdam na tanawin ang jeep papalayo na sakay siya.

“Ted, yung promise mo ha?” Nagulat ako sa pagbanggit nya sa aking pangalan.” Oo, susunduin kita hon. promise.” Ngumiti siya at tulad noong una, ginawaran nya ako ng halik sa labi. ” I love you hon…” Anas nya, at mabilis na lumakad patungo sa naghihintay na jeep.

Namimigat ang paa ko at parang di ko maihakbang patungo sa kabilang daan pabalik ng Manila.” Sayo na lang umiikot ang mundo ko. ” Parang isang sumbat sa budhi ko ang mga kataga na tinuran nya. ” Hindi ba ako seryoso ng ipinagkaloob ko sayo ang pagkababae ko?” Higit pa sa nakakatulig na sampal ang sinabi nya. Parang gusto kong murahin ang sarili ko. Sinamantala ko ang kahinaan ni Ellaine. Pina-ibig ko siya gayong wala na akong karapatan na ibigin niya at ibigin siya. At paano kung magbunga ang nangyari kanina?

Nakasakay na ako sa bus pabalik ng Manila ng tumunog ang cell phone ko. Nagtext si Ellaine kasabay ng text ni misis at text ng kumare ni Ben. “Hon, dito na ako sa bahay. Pinagod mo ako. Tsuupp! I love you. I miss you agad.” Ang text ni Ellaine. Walang pagkukunwari. Isang babae na nagmamahal sa isang hindi karapat-dapat na tulad ko.

” Daddy, kumusta ang seminar? Pauwi ka na ba? Pasalubong daw sabi ng mga anak mo. I love you.” Text ng misis ko. Walang pagkukunwari. Isa pang babae na nagmamahal sa isang walang kwentang asawa na tulad ko.

” Ted. miss ko na yung perfect gentleman mo.” Text ng isa pang babae na nahahaling sa isang marupok na tulad ko.

Kailangan ko silang sagutin. Kailangan kong ipaalam ang aking damdamin. kahit pa sa isa sa kanila kailangan kong magsinungaling.

Matapos yung aming pagniniig ni Ellaine, kapwa kami naging abala sa aming mga trabaho. Nangako siya na tatapusin ang kanyang mga nasimulang trabaho sa kanilang opisina sa loob ng isang buwan. Buo na ang plano namin na magsasama na kami pagkaraan ng isang buwan. Tumingin na ako ng mauupahang apartment malapit sa trabaho ko. At inihanda ko na ang malaking kasinungalingan sa misis ko. Sasabihin ko na nahihirapan na ako sa pag commute kaya tatanggapin ko na yung offer ng kumpanya na mag stay-in sa planta. So, Saturday at Sunday na lang ang uwi ko sa kanya at sa mga bata. Kailangang pangatawanan ko yung nangyari sa amin ni Ellaine.

Ngunit, hindi ko alam na parang nakaguhit sa aking palad na magkaroon ng higit sa isa pang extra-marital affair. Sabado noon. Pumasok ako dahil may extra akong trabaho sa planta. Wala akong pasok na regular pag Sabado. Pero pag may rush na trabaho at kailangan ako, pumapasok ako ng half-day. Pero kahit half day lang ako, whole day na ang bayad sa akin ng aming kumpanya.

Palabas na ako ng planta ng muli akong salubungin ng gwardya sa guardhouse.

“Sir, naghihintay po si ma’am…” Nakita ko sa mukha ng gwardya ang isang pilyong ngiti habang inginunguso ang babae na naghihintay sa waiting room sa loob ng guardhouse. Pilit kong itinago ang aking pagkayamot ng nakita ko si Lynn. Parang ibig kong mainis sa gwardya. Pero mabilis na nakalapit sa kinaroroonan ko ang kumare ni Ben.

” Hi Ted, di mo sinasagot yung text ko, pinuntahan na kita dito.” Sabi nito ng makalapit sa akin. Amoy ko kaagad ang amoy ng mamahaling pabango na gamit nito. Pero parang higit siyang bumata sa bagong ayos nya. Blonde ang buhok at binagayan ang kutis nya ng suot nyang maikling palda at loose na blouse.

” Magsisimba sana ako sa Antipolo eh wala akong kasama. Baka pwede ka.? Sabi nito na ibinitin ang sinabi sa isang alanganing ngiti. Ewan ko kung bakit hindi ako nakatanggi. Lihim kong naidasal na sana magtext si Ellaine o si misis para maisalba ako sa sitwasyong baka masaid na naman si manoy ko. Pero wala akong nasabi kundi, “Sige”.

Parang tuwang-tuwa si Lynn na napapayag ako. Masigla siyang sumakay sa driver seat at ibinukas ang passenger side ng kanyang kotse. Pagkasakay ko sa loob ini-lock nya ang pinto. At ng marinig ko yung mahinang ‘klik’ sa pinto napabuntung-hininga ako. Naisip ko sana naka-inom ako ng herbal tea ni misis.

Aaminin ko mahina ako sa tukso. Sabi nga ng nanay ko noong high school pa lang ako, kung pwede raw gawing kwintas ang mga babae ay kaya kung gumawa ng kwintas ng mga babae ko. Hindi naman ako gwapo at noong nagbibinata pa lang ako ay wala akong interes sa mga anak ni eba. Noong elementary nga ako kadalasan ay inaaway ako ng mga kaklase kong babae. Noong nag- college ako doon ko lang naranasan ang humalik at halikan ng isang babae at higit pa doon. Iyon ay sa piling ng babae na siyang unang nagpatibok ng puso ko at unang nagpatikim sa akin ng sarap na dulot ng sex.

Mahirap lang kami, isang retired elementary school teacher ang tatay ko at simpleng housewife lang si nanay. Marami ang nagsasabi na matalino ako. At ito yung alas ko. Valedictorian ako ng elementary at Salutatorian noong high school. Noong nagtapos ako ng high school, hindi alam ng batch namin na tinulungan ako ng adviser namin na isang matandang dalaga para maka pag-aral. Wala akong malisya sa pagtulong nya. Kumuha ako ng AB Political Science sa isang hindi gaanong kilalang unibersidad sa Manila. Pangarap ko kasi ang maging isang abogado. Nasa ikadalawang taon na ako sa kursong iyon ng maganap ang una kong karanasan sa sex. At ito ay sa pamamagitan ng aking benefactor at kinikilalang pangalawang ina. Ang adviser ko noong fourth year na ako sa high school.

Hindi ko malilimutan yung pangyayaring iyon. Semestral break namin kaya naman umuwi ako sa amin. Naisipan kong dumalaw sa aking alma mater. At syempre gusto kong makita ang aking adviser na siyang nagpapa-aral sa akin. Ipinag- bukas nya ako ng bank account at hinuhulugan nya iyon para pang tuition ko at pambayad sa dorm.

Nagkalapit kami nung fourth year na ako. Pero naging teacher ko siya sa English Composition noong second year ako. Di ko makalimutan yung isinulat nya sa test paper ko. ” I am not the best, but I am next to it.” Isinulat nya sa pulang tinta at pinirmahan nya. Noong ibinalik nya sa amin yung mga test papers, di ko alam kung ano yung iisipin ko. Pero naramdaman ko yung pag-iinit ng mga tenga ko pag kaharap siya. Napahanga ko ba siya sa isinulat ko na sanaysay? Ang alam ko, ang naging reaksyon ko noon ay iwasan siya. Kapag masasalubong ko siya sa pasilyo ng paaralan kusa akong umiiwas. Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa yun. Para akong matutunaw pag tinitingnan nya.

Binigyan nya ako ng 99% na grade sa kanyang asignatura, At puro kantyaw ang inabot ko sa aking mga kaklase. Noong third year ako hindi nagkrus ang landas namin. Kasi wala akong subject na hinahawakan nya. Subalit noong fourth year ako, nagulat ako ng datnan ko siya sa loob ng silid aralan ng unang araw ng pasukan. Hindi siya ang alam kong adviser ko noong nagpa-enroll ako.

Na huli ako ng pasok noon at kasalukuyan na silang nagkaklase. Yung mga kaklase ko ay halos kilala ko ng lahat. Labing apat kami na magkaklase mula noong first year. Kaya kilala nya rin yung iba ko pang mga kaklase. Napansin ko yung kaka-ibang kislap sa kanyang mga mata ng pumasok ako sa silid aralan. Yung mga naging kaklase ko mula noong first year ay maingay na binati ako habang asiwa ako na pumunta sa isang bakanteng silya sa pinaka sulok na bahagi ng silid aralan. Nagpakilala siya. Tawagin natin siyang si Miss Teresa Reyes. Ma’am Reyes ang tawag namin sa kanya. Maliit siya, I mean sa height na 5′ 2″, dinudungawan lang siya ng tatlo sa aming mga kaklase na myembro ng Highschool Varsity Team. Naka salamin siya. Kaya naman, palihim na tinatawag siyang ” Miss Tapia”, bilang pagkumpara sa sikat na karakter sa “iskul-bukol” nina tito. vic & joey ng Eat Bulaga. Maputi ang kutis nya at may naka-tagong dimple sa magka-bilang pisngi. Nasabi kong nakatago ang mga dimple na ito kasi lumalabas lang iyon pag ngumingiti siya na bihira nyang gawin.

Nasa ikalawang buwan na ang klase namin ng nagkaroon ng daan na magkalapit kami. Gaganapin ang taunang Panlalawigang Palaro para sa mga pampublikong paaralan. At syempre may mga academic contest tulad ng paligsahan sa pagtula, talumpati, etc. Tapos na ang oras ng asignatura nya na English Literature at nagpaalam na kami sa kanya. Huling subject namin siya sa umaga. Kaya lagi kaming nagmamadali lumabas sa klase nya pawang gusto ng kumain ng tanghalian.

“Enrique, pwedeng paiwan ka sandali.” Sa apelyedo ko ako nya tinawag. Nagkatinginan yung tatlo sa mga naging kaklase ko noong second year. At nakita ko ang mga pilyong ngiti ng mga ito. Yung isa si Tato ay iniwanan pa ako ng isang mahinang dagok sa batok. Saka sila nagmamadaling tumakbo palabas ng classroom” Gutom ka na ba? Gusto mo sumabay ka na sa akin mananghalian.” Alok nya. Di ako mapalagay ng mga sandaling iyon. Parang nararamdaman ko pa rin yung pag-iinit ng tenga ko, tulad noong second year high school pa lang ako.

” May baon po ako ma’am,” Narinig ko ang sarili kong sumagot pero hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.

“Good, di kainin mo yan sa Canteen sabay na tayo.” Sabi nya uli habang tumayo at inayos na ang mga gamit nya. Mabilis kong inabot yung ibang kwaderno para tulungan siya. Di ko sinasadya pero nasagi ko yung bandang dibdib nya. “Napamulagat ako at hinintay na sampalin o murahin nya. Pero parang bale-wala lang sa kanya. Ngumiti siya at doon ko unang nasilayan yung nakatagong dimple nya. Saka ko siya napagmasdang mabuti. Maganda si Ma’m Teresa. Habang tinititigan mo siya lumalabas ang ganda nya!

” Kaya kita pina iwan kasi, ikaw ang gusto kong maging representative ng ating eskwelahan sa provincial meet.” Sabi nito ng nasa canteen na kami. Nahiya akong ilabas yung baon ko. Itlog na nilaga lang kasi yung ulam na ipinabaon sa akin ni nanay. ” Nasaan ang baon mo? Ungkat nya. Napilitan akong ilabas ang baon ko. Nang buksan ko ito, tumayo siya at pumunta sa canteen. Pagbalik nya tatlong order ng mga ulam ang dala-dala nya. “Hati na tayo sa kanin mo, ” Sabi nya. Napansin nya siguro na punung-puno yung baunan ko na Tupperware gayung isang nilagang itlog lang naman ang baon ko. Iyon kasi ang ginagawa ni Nanay para di raw ako gutumin pag recess damihan ko yung kain sa almusal at sa tanghalian. Kasi wala akong baong pera na pang-recess.

At doon nagsimula ang aming pagkakalapit. Siya ang trainer/ mentor ko sa lahat ng contest na isinali nya ako. Nanalo ako ng first place sa extemporaneous speech. Pero natalo ako sa Talumpati sa Pilipino. Second lang ako sa Speech sa English. Pero ako ang nagwagi sa Essay Writing Contest. Siya ang unang-unang pumapalakpak pagkatapos kong magtalumpati. At syempre pa, naging bukambibig ang pangalan ko sa school namin. Yun yung sinasabi ng nanay ko na marami akong babae na pwedeng ikwintas. Pero, hindi alam ng nanay ko na wala akong interes sa mga schoolmates at mga kakase ko. Kahit pa lantarang nagpapahaging ng pag flirt yung iba, walang epekto sa akin yun. Kasi, ang totoo, may crush na ako. Ang totoo, sa gabi may pinagpapantasyahan na ako. At iyon ay si Ma’am Teresa.

Juniors & Seniors Prom namin ng maramdaman ko yung una kong amor. Katatapos lang ng miting para pag-usapan kung ano ang mga kailangan sa gabing iyon. Alam ko hindi ako makaka-attend ng Prom.

Wala akong damit na isuot. Ang usapan naka amerikana ang mga boys at formal dress ang mga girls. Wala akong pang-arkila ng amerikana. Di ko alam na matagal na akong pinagmamasdan ni Ma’am Teresa matapos ang miting.

“May problema ka, Teddy?”, Nagulat ako ng bigla siyang bumulaga sa aking harapan. Naka-upo ako noon sa gilid ng upuang bato malapit sa may stage ng paaralan.

“Wala po Ma’m…baka lang po hindi ako maka-attend ng Prom.” Bigla siyang tumabi sa akin sa pagkakaupo ko sa upuang bato.” Wala kang isusuot?” Napakunot-noo ako sa tanong nya. Bakit parang nahulaan nya yung dahilan kaya di ako sigurado kung makaka-attend ako.

“Tumawa siya ng tipid na tawa, At nakita ko na naman yung paglitaw ng dalawang biloy nya sa magkabilang pisngi. At naramdaman ko ang naghahabulang tibok sa dibdib ko. Ito ba yung primera amor o simpleng naakit lang ako sa kanya?

” Kaming mga guro ay sinanay sa sikolohiya,” Paliwanag nya.” At ito lamang ang alam ko na magiging problema mo.” Parang bigla akong nakaramdam ng hiya sa kanya, Kanina lang ay iniisip ko yung damdamin ko sa kanya. Pero heto pala siya,parang alam nya ang problema ko. Marahil napapansin nya na iisa lang ang pantalon na lagi kong suot at dadalawa lamang ang polo ko. Pinagtayagaan ni nanay na labhan ang pantalon ko pag-uwi ko ng bahay at matyaga nya itong pinaplantsa para matuyo at maisuot ko sa kinabukasan.

Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko at panghihilam ng aking mga mata. Tumayo ako at gusto kong maglaho sa harapan nya. Maging invisible. Pero hinawakan nya ang aking kamay. ” May amerikana yung tatay ko, maliit lang siya, ” Sabi nya, marahil nagmana siya sa ama. ” Kasya sa’yo yun, kung hindi mo mamasamain…”

” Pag-iisipan ko po…” Sabi ko at mabilis kong nilisan yung lugar na kina-uupuan nya. Dama ko rin na tapat siya sa kanyang alok.

Nang umaga bago ang Prom sa gabi pumunta ako ng school para kunin sa kanya yung amerikana ng tatay nya. Pinagupitan ako ng ate ko ng araw na yun. At pinahiram ako ng pinsan ko ng itim na leather shoes. Pinakintab-kintab ko yung sapatos. Apat na beses ko yatang nilagyan ng pampakintab saka sampung beses pa pinunasan ng malinis na basahan.

Excited din ako sa gabing iyon. Si Celia yung na assign na kapareha ko doon sa group dance. Ayoko sana kay Celia, maharot yun. Lagi akong hinaharot non. Napa-iyak ko na yun ng sinabihan kong “Skyline Pigeon.” Nagsumbong sa nanay nya at napunta ako sa office ng principal. Pingot at kurot at katakot-takot na sabon ang inabot ko kay nanay.

Nang isinukat ko yung amerikana, nanlumo ako. Wala na sa uso yung amerikana. Nang lumabas ako sa kwarto at ipakita ko sa mga kapatid ko at sa nanay at tatay ko, nakita ko yung parang paghilam ng mga mata ng aking mga magulang. Hindi nagsalita yung aking ama. Yung bunso kong kapatid ang bumasag sa pumatlang na katahimikan.

“Kuya, para kang si uncle Sam!”

Pagdating ko sa school nandoon na yung karamihan sa mga kakalase ko Maiingay yung mga boys. Yung mga girls naman excited sa kani-kanilang kasuotan. Ako ? Di ko muna isinuot ang amerikana. Hawak hawak ko sa aking kamay ang polo na may mahabang manggas na ipang-sususon ko sa amerikana. Nahiram ko rin ito sa pinsan ko. Nakita ko si Ma’am Teresa na nakagrupo sa mga guro. Naka pormal dress sila at itim ang motif ng kasuotan ng school faculty. Lalong lumutang ang taglay nyang kaputian. Sinalubong nya ako ng makitang pumasok ako sa likuran ng stage. Yung mahabang conference room ang gagawing Ball room ng prom. Malapit ng magsimula ang programa.

“Bakit di mo pa suot…