And when we touched the night is ringing
And there’s no way to disagree
For love is stronger far than we.
When hearts are meant for caring
And lives are meant for sharing
Then we are joined by destiny
And love is stronger far than we.
So we may stay another season
may say goodbye and find the reason
but love decides how things must be
and love is stronger far than we…”
– From the song “Love Is Stronger Far Than We” Original in French “Plus Fort Que Nous”
– By Astrud Gilberto
Nagising ako ng maaga. Ganoon yata ang time clock ng katawan ko. Akmang babangon na sana ako ng naramdaman ko yung pagyakap ni misis. Naka-tihaya ako naka dapa siya.Iniangkla nya ang isang binti nya payapos sa balakang ko. Kumiskis yung matambok nya na paborito ko sa aking tagiliran. Wala pa rin siyang panty. Di na nya nakuhang mag panty kagabi matapos kong paligayahin sa pamamagitan ng pag-oral ko sa kanya. Hindi ko siya pinasok, kasi inihahanda ko si manoy sa posibleng laban namin ni Ellaine mamaya. Muli akong nakadama ng pilantik ng guilt habang nakatingin ako sa kisame, at habang tinatapunan ko ng tingin ang aking katabi sa kama. Di ba unfair para sa kanya na sinadya kong hindi siya pasukin kagabi, at parausin ko na lang siya sa pamamagitan ng bibig at dila ko?
Kinurot-kurot ko siya sa pisngi. At dinampian ko ng halik yung pisngi niya. Iminulat nya ang mga mata nya. “Gising ka na agad Daddy?” Sabi nya na hindi iginagalaw ang kanyang pagkakadagan ng hita nya sa harapan ko.
“May trouble yung isang makinarya sa planta. Naka shutdown kami. Kaya nga nag whole day ako kahapon,kailangan kong pumasok ngayon,” Kaswal na sabi ko. Parang palusot na rin sa pag-uwi ko ng gabi kahapon. Bigla siyang napa-bangon. Kinapa nya yung harap nya.
“Nakatulog pala ako ng walang panty, di mo man lang ako sinuotan ng panty…” Sabi nya na nagmamadaling kumuha ng bihisan sa drawer. Nakasanayan na nya kasi na pag nagla-love making kami, ako ang nagbababa ng panty nya at ako rin yung nagsusuot sa kanya ng panty pagkatapos. “Mauna lang ako maligo, tapos magluluto na ako ng almusal natin,” Sabi nya at tuloy-tuloy ng lumabas ng kwarto.
Naisip kong tingnan yung cell phone ko kung may message. Wala pang message si Ellaine. Binura ko yung palitan namin ng messages kagabi bago ako tuluyang tumabi kay misis. Dali-dali akong lumabas ng kwarto. Pumunta ako sa may terrace. Gusto kong tanawin yung pagbubukang-liwayway. Madilim pa. Tanaw sa terrace namin ang kumukuti-kutitap na mga ilaw sa mga kabahayan. may mangilan-ngilan ng sasakyan sa di kalayuang kalsada na tanaw sa aking kinatatayuan. Nasa ganito akong pagmumuni-muni ng tumabi si misis.
“Sorry, kagabi…” Sabi nya habang iniaabot ang isang tasa ng kape sa akin.
“Para saan yung sorry?” Ganti kong tanong habang inilalapit sa labi ko yung tasa ng mainit na kape na iniabot nya. Itinukod nya ang kanang siko sa barandilyas ng terrace bago sumagot. ” Inaway kita. Akala ko kasi nakipagtagpo ka doon sa katext mo. Yung Hon…kaya ka ginabi.”
Lalo akong nakadama ng mahinang sundot sa konsensya ko. Pwede talaga akong abogado. Isang kasinungalingan ko lang napagtakpan na yung isang kasalanan ko kahapon at yung gagawin kong kasalanan ngayon. Naniwala agad si misis na kailangan ako sa planta ngayong araw na ito, kasi di namin natapos yung trouble ng isang makinarya kahapon, na naging dahilan kaya ako ginabi. Perfect ang alibi ko. Gusto kong i-congratulate yung sarili ko. Lusot ka na naman Teddyboy! Henyo ka talaga.
Niyakap ko siya patabi sa akin habang lumiliwanag na ang paligid. Ang kagandahan sa terrace namin, doon unang nasisilayan ang pagsikat ng araw sa umaga.
“Selosa ka pa rin eh tatlo na yung maria natin…” Sabi ko sa kanya na nakatingin kami sa papasikat na araw. Tumingin siya sa akin. Nakikita ko sa sulok ng aking mata masaya siya ng umagang iyon. Ibinaling ko saglit yung tingin ko sa kanya. Nagtama ang aming mga mata. Hindi ko matagalang titigan siya. Ang nakikita ko kasi ay ang maamo at ngumingiting mga mata ni Ellaine.
” Baka malapit ng maging apat sila, Daddy…” Sabi nya na hawak-hawak yung tasa sa dalawa nyang kamay. Di ko nabigyan ng pansin ang sinabi nya, kasi bigla kong naramdaman yung pagyapos ni bunso sa aking bewang. Nang lumingon ako sa pintuan ng terrace nandoon na yung dalawa pa nyang mga kapatid. Nag-uunahan ang mga itong nangunyapit sa akin. Si pangalawa ay lumambitin sa kanang kamay ko. Si panganay naman ay sa kaliwa.
“Teka, baka matapunan kayo ng kape,” Sabi ko na iniiiwas yung hawak kong tasa ng kape. Agad namang inabot ni misis yung tasa ng kape na halos wala ng laman.
“Hay naku Jen,” Sabi misis habang lumakad ng pabalik sa kabahayan marahil ay para puntahan ang niluluto nya. ” Unsyami naman yung date nyo ng Daddy nyo. May pasok si Daddy nyo… sa trabaho.” Sabi ni misis habang tumatalilis papasok sa kabahayan. Lumabi si bunso at kumalas sa pagkakayapos sa bewang ko. Hinila ko yung tatlo sa garden set sa terrace. Naupo kaming magkakaharap.
” Pasensya na kasi may biglaang trabaho ako sa planta, kaya nga ako ginabi kagabi.” Inulit ko yung kasinungalingan ko. Ito ba yung white lie? Paano magiging white ito eh maitim yung dahilan ko sa pagsisinungaling na ito. Hinalikan ko si bunso na nagmamaktol.
“Kunin mo sa kwarto Pam yung wallet ko.” Utos ko sa panganay ko. Tumalima ito at patakbong tinungo yung pinto papasok sa kabahayan. Maya-maya ay bumalik ito na dala ang wallet ko. Nagulat ako kasi dala nya rin yung cell phone ko.
Seven year old na si panganay, may isip na siya. Grade one na siya. Dalawang taon ang pagitan ng mga edad nilang magkakapatid. Limang taon naman si Cindy at tatlong taon si Jennifer.
“Nag vibrate siya Daddy at umilaw.” Sabi nito na iniabot sa akin ang cell phone. Di ko muna binasa yung text. Tinapunan ko ng tingin ang pinto ng terrace. Tiningnan ko kung babalik si misis sa kinaroroonan naming mag aama.
Binuksan ko yung wallet ko at humugot ako ng tatlong tig-iisang daan.”O heto kay bunso, ubusin mo yung chocolates sa tindahan ng lola mo,” Sabi ko sabay abot ng malutong na perang papel kay Jen. Nangislap ang mga mata nito. Nawala yung pagmamaktol sa naunsyaming plano namin na panoorin yung pelikula ukol sa mga penguins, ang “Happy Feet“.
“At heto naman kay Cindy,” Pag ka-abot ko ng perang papel sa pangalawa ko, hinalikan ko ito sa noo. Kinuha nya yung perang papel at inilapag sa mesa ng garden set. Tinakpan nya ng kanyang maliit na palad na parang pinaplantsa. Matalino si Cindy. Sa edad nyang limang taon nakakabasa na siya. Nasa kinder 1 siya. Siya yung juniora ko sabi ng mga lola nya. Pero yung hugis ng mukha nya ay kuha sa ina. Nahahawig siya sa bidang Koreana sa “Stairway To heaven” na si Choi Ji-woo.
” At syempre kay Pam naman ito.” Pamela yung tunay na pangalan ng panganay ko. Siya naman ang kumuha ng kutis at mga mata ko. Sa unang tingin, ordinary lang ang ganda ni Pam. Pero habang tinititigan mo siya lalo siyang gumaganda.
” Hindi ko ito gagastahin.” Sabi ni Pam na parang sa dalawang kapatid ipinatutungkol ang sinabi.
“Isasama ko ito sa mga ipon ko, ibibigay ko kay mommy.” Dagdag na sabi pa nito at lumabi sa dalawang kapatid.
“Ako rin mag iipon din” sabi ni bunso. Natawa ako. Kasi alam ko, mamaya lang takbo ito sa tindahan ng lola nya.
“Wala ka namang ipon eh,” Kantyaw ni Cindy kay Bunso. Ang ginawa ko dumukot ako ng isang daan pa.
” O, ibili nyo ito ng tsokolate doon sa tindahan ng lola nyo hati- hati kayo. Gawin nyo yung gusto nyong gawin dyan sa ibinigay kong unang tig-iisang daan sa inyo.” Ini-abot ko kay Pam yung isang daan pa at pinagkalumpunan na siya ng dalawa.
“Ate gusto ko yung Cloud Nine,” Narinig kong sabi ni Cindy.
“Ako rin,” Narinig kong sabat naman ni bunso. “Gaya-gaya ka naman eh,” Sabi naman ni Cindy. Nasa ganitong sitwasyon kami ng sumungaw sa pinto ng terrace ang mukha ni misis. ” O kayong tatlo, naka handa na yung almusal.”
Tumayo ako, yung tatlo ay nag-uunahan ng pumasok sa kabahayan. Inabutan ko si misis sa pasilyo. Iniabot nya sa akin yung bihisan ko. ” Sinuhulan mo na naman yung mga anak mo…” Sabi nya, nakita nya na may hawak-hawak na pera yung mga bata. ” Kaya nasasanay sa pera ang mga yan. Si Jennifer tatlong taon pa lang kaya ng ubusin yung one hundred pesos sa maghapon!”
“Hayaan mo na, na kainin nila ang gusto nilang kainin.” Sabi ko naman. Para matigil yung biglang pag ‘nag‘ ni misis, hinalikan ko siya sa lips sabay dakot sa harapan niya. Hinabol nya ako, ng papasok na ako sa banyo. Bago ko naisara yung pinto ay nadaklot nya si manoy.
“Uwi ka ng maaga mamaya ha? Gusto ko ito ang isuksok mo dito.” Sabi nya habang daklot-daklot si manoy ng kanang kamay at itinuturo ng kaliwang kamay ang harapan nya.
” Ano ba masakit, ” Sabi ko naman. “Tanghali na ako, maliligo na ako,” Kinagat muna nya ako sa labi bago binitawan ang pagkakadaklot kay manoy.
Dumating ako sa tipanan namin ni Ellaine ng lampas ng tatlumpong minuto sa usapan namin. Siya naman ang dinatnan kong naka-upo sa kiosk malapit sa rides na naging tagpuan namin noong unang ‘eyeball‘ namin. naka-puting blouse siya, at gray na skirt. Payak na payak ang kasuotan nya. Pero lalo lamang pinalutang ng simpleng kasuotan nya ang kanyang ganda. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama ang sinasabi nilang ang kasuotan ay nagdadagdag ganda sa isang personalidad. Kay Ellaine, sa aking paningin, kahit ano ang isuot mo sa kanya, lulutang at lulutang ang taglay nyang ganda. Kahit pa nga wag mo siyang suotan ng damit—lalo siyang maganda at kaakit-akit. Napapa-iling ako sa naiisip ko nanamang kabalbalan.
Pero iyon ang totoo. Alipin na ako ng kariktan ni Ellaine.
” O, para kang na matanda dyan?” Untag ni Ellaine na pumukaw sa pagmumuni-muni ko.Tulad ng dati hinagkan nya ako ng manipis sa lips. Halos padampi lang. Pero sapat na iyon para magsiklab ang aking pakiramdam. Naramdaman kong nag-init ang aking punong tenga at bakit sumasabay ang pag-ahon ng kakaibang init sa ibaba ng aking puson. Bakit agad agad na naka saludo si manoy. Bakit parang flag pole itong kayang sabitan ng watawat sa pagkaka-tingaro?
Pa-simple namang pinadaanan ni Ellaine ng mabilis at panakaw na haplos ang nakatingarong si manoy na bumubukol sa harapan ng pantalon ko. Tinakpan nya ng dalang paper bag ang aking harapan at pagigil na pinisil ito. Mabuti wala pang gaanong namamasyal sa mall. Kabubukas pa lang nito.
” Miss na miss na kita Hon, ” Bulong ni Ellaine at yung init ng hininga nya sa aking tenga ay lalong nagpapabaga sa aking pakiramdam.
“Punta muna tayo sa Cathedral,” sabi nya, then, sa’yo na ako. Kinabahan ako. Ang ibig ba nyang sabihin eh sasama na siya sa akin, pagkatapos naming pumunta sa Cathedral? Nakita ko yung pagsirit ng isang pilyang ngiti sa kanyang mga labi pagkasabi nya nito. Nagpatiuna na siyang lumakad. Wala sa loob na sumunod ako sa kanya. Sasakay pa ng jeep para marating ang Cathedral. Nag-aabang kami ng jeep, wala kaming kibuan. Malalim ang iniisip nya, gayun din ako.
Pagdating namin sa loob ng…