Subalit, mahirap palagpasin yung tsansa na tapusin yung suspense para personal naming makilala ang bawat isa at madama yung pisikal na bahagi ng attraction hindi lang sa mundo ng text, kundi sa pisikal na katotohanan na. Kaya naipasiya ko na mag ‘eyeball’ na kami.
“As the morning wakes me up, and here’s the new day touching me…I find your dreams haunting me, and the warmth of your thoughts, I find drinking in my coffee cup. GOOD MORNING HON. Tsuppp! I LOVE YOU!!!”
Tinipa ko ang message at ipinadala ko kay Ellaine. Naghahanda na ako nang mga oras na yun habang papasok sa trabaho. At nang nasa bus na ako tumunog ang cell phone ko. “Good morning hon. Ang aga mo ah? Papasok ka na? Love you too. Mwaaah! Sa lips yan!” Lihim akong nangiti habang binabasa ko yung text ni Ellaine. Ewan ko, subalit mula ng maging ‘kami’ na, parang nabago ang ikot ng mundo ko. Naramdaman ko na parang hindi na routine ang bawat araw ko. Hindi ko pa tiyak ang sarili ko. Parang isang magandang panaginip, pero nararamdaman kung nakakapag dulot ng hindi maipaliwanag na kasiyahan sa akin mabasa ko lang yung “Mwahh!” sa mga texts nya. Parang totoong dinadampian nya ng halik ang mga labi ko. Gusto kong mapa- iling, ano ba ang mahika na dulot ng mundo ng text?
Ah, saka na yung mga pilosopikal na tanong, ang mahalaga sa ngayon, nadarama ko ang pagiging makulay ng aking mundo. Na kinukulayan ng isang Ellaine. “Ok, ingat ka dyan. Enjoy your breakfast. Magtext ako pagdating ko sa office. Tsuppp! Doon yan!” Nangingiti ako habang pinipindot ko yung send sa cell phone sa naisip kong kapilyuhan. “Halik yan, doon sa paborito ko…Hahaha!”
Nagulat pa ako ng muling tumunog yung cell phone ko.” Pilyo ka talaga hon ha? Yung tsupp mo para doon? Pinag-iinit mo ako hon ang aga pa!”
Nangiti ako. Epektibo yung text ko. Ito marahil yung mahika ng cell phone. Kasi kahit na nasa Batangas siya at nasa Quezon City ako, parang magkatabi lang kami. Na pagtunog at pag vibrate ng cell phone ko abot kamay ko lang siya. Na nalalambing ko siya na parang naririto siya pisikal na kapiling ko. “ Hon nasa bus pa ako…text kita agad pag dating ko sa office. Please don’t reply. Mwaah! I love you, I always will.“
Pagdating ko sa office nagtext kami at nai- set yung ‘eyeball” namin. Plano ko sa huling araw ng seminar sa Tagaytay magpapaiwan ako at pupunta ako ng Lipa. Naipasiya ni Elaine na magkita kami sa isang Mall bago pumasok sa kabayanan ng Lipa City. Excited ako syempre pa at di ko maipaliwanag yung kaba na naramdaman ko. Dalawa lang naman ang pwedeng mangyari. Pwedeng pareho kaming madismaya o kaya pareho naming ma enjoy yung una naming pagkikita, At yung sexual prospect na pwedeng mangyari. Kasi yung mga intimate texts namin ay puro personal na as if na kahit na sa pamamagitan pa lamang ng sextexts at phonesex, parang may namagitan na talaga sa amin. At least may sexual attraction na sa pagitan namin kahit na masasabing intangible at hindi mapanghahawakan.
Pero maliwanag yung plano naming ‘eyeball’. Magkikita kami sa mall. Doon ako sa may palaruan ng mga bata na may umaandar na tren. Naka T-shirt siya ng puti na sleeveless, naka kupasing maong na pantalon. Ako, naka stripe na polo may clutch bag na itim at naka jacket ng brown. Kakain kami sa Jollibee at manonood kami ng sine. At pagkatapos? Pagpunta ko sa mall na tipanan namin I will make sure na i-mentally take note ang mga madadaanan kong mga hotel, motel, lodging house, lahat na pwede naming iraos ang isang masarap na ritwal ng pag-ibig…
At dumating yung araw ng ‘eyeball’ namin. Maaga akong dumating sa tipanan namin. Alas- dyes ng umaga yung bukas ng mall. Sarado pa ito ng dumating ako. May mangilan-ngilan na rin na nag aabang sa pagbubukas nito. Umupo ako sa di kalayuan.Iginala ko ang aking paningin. Hinahanap ng aking mga mata ang isang babae na nakaputing Tshirt na sleeveless at naka kupasing maong . ” Hon dito na ako sa mall. Napaaga ako.” Text ko kay Elaine. Parang nainip ako sa tagal ng sagot nya. Bumukas na yung mall wala pa siyang text. Magkahalong kaba at pananabik ang bumabalot sa akin ng mga sandaling iyon. “Darating kaya siya? Baka nagbago ang isip niya?” Pagpasok ko sa loob ng mall agad kung tinungo yung lugar na sinabi nyang doon nya ako pupuntahan.
Maliit lang ang mall na iyon kumpara sa mga mall sa Quezon City. Napansin ko na yung palaruan ng mga bata na paghihintayan ko kay Ellaine ay nakatapat sa bukana ng main na hagdaanan mula sa unang palapag. Nasa basement yung palaruan. “Hon, darating ka ba? Dito na ako sa loob ng mall.” Muli kong text sa kanya. Naisip ko hanggang isang oras kaya kong maghintay, pagkatapos babalik na ako ng Manila pag hindi siya sumipot.
Alumpihit ako sa pagkakaupo sa harapan ng isang kiosk sa tabi ng palaruan ng tumunog ang cell phone ko. Tumawag si Ellaine. “Hello hon, parating na ako pasensya na na trapik ako…”Naramdaman ko sa tinig nya na pareho kaming excited sa una naming pagkikita. Pakiramdam ko ay isa akong bagong-tao na nagsisimula pa lang maningalang pugad. Natawa ako ng lihim sa insinuation na yun. Nakita kong nakatingtin sa akin ang magandang tindera sa kiosk. Nahiya ako na tumalikod habang kinakausap si Ellaine sa telepono.
“Ok lang hon, dito ako sa palaruan. Miss you na. Ingat ka.” Nang marinig ko yung malambing na “Miss you too ” sa kabilang linya naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng dibdib ko. At sumasabay ang pag-iinit ng ibaba ng puson ko…
Habang bumababa siya sa hagdan alam kong siya na. Iyon ang idinidikta ng isipan ko. Naka puting sleeveless na t-shirt. Binagayan ng kupasing maong. Petite at di katangkaran ang babaing pinagmamasdan kong bumababa mula sa hagdan patungo sa kinaroroonan ko. Kay amo ng mukha nya. Binagayan ng isang ngiting laging magiging inspirasyon ng mga tula ko. Ewan ko kung napansin nya, mataman kong pinagmasdan ang harapan nya. Inaaninag ko ang kanyang boobs mula sa manipis na t-shirt. Itinago ito ng puting bra na aninag sa manipis na t-shirt. Yung boobs ang unang nakaa-akit sa akin sa pisikal na kaanyuan ng isang eba.
“Kanina ka pa hon?” Nagulat ako sa pagmumuni-muni at parang di ko namalayan ang kanyang paglapit. Lalo akong nagulat ng walang anumang dinampian nya ng manipis na halik ang mga labi ko. Napalunok ako at naramdaman kong biglang nanigas si manoy sa loob ng brief ko. ” Hindi naman hon. About an hour lang.” Lumabi siya na lalong nagpatingkad sa amo ng kanyang mukha. Lumabas yung nag-iisang biloy sa kanyang kaliwang pisngi.”Natrapik lang po ako“, sabi nya habang inaayos yung pagkakaupo sa harap ko. Nasa kiosk kami sa tabi ng palaruan. Tumayo ako. “Tara, kain muna tayo para magka kwentuhan tayo ng matagal-tagal.” Sabi ko at inabot ang kanyang kaliwang kamay. Malambot ang mga palad nya. Nagdagdag ng init sa nararamdam kong pag-igting ng isang pagnanasa na maangkin ang babaing ito sa aking harapan. Ngumiti siya at lumabas ang biloy sa pisngi niya na sa paningin ko ay lalong nagpatingkad sa kagandahan nya. Pakiramdam ko tumama ako sa lotto ng mga sandaling iyon. Maganda rin yung misis ko, pero higit na bata at sa pakiramdam ko ay higit koung mamahalin si Ellaine.
Ano ba yung depinisyon ng pag-ibig? Ano ba ang pagtatangi? Ano ba ang pagkakaiba ng pagmamahal. Hindi ko alam. Pero ang tiyak ko ng mga sandaling iyon wala sa wisyo ko na ako ay hindi na malaya. In a sense na wala akong karapatang bigyang laya pa kung…