Habang pasakay ako sa bus pauwi sa amin, binasa ko yung dalawang texts sa inbox ko. Mala-inibay pa ang pakiramdam ko. Di ako sigurado kung nalasing ako doon sa alak na tsokolate na dala ni Lynn o doon sa bango ng mamahaling pabango na ibinuhos nya sa kanyang katawan. Pero yung nagpapawala ng lasing ko ay yung text ni Ellaine. ” Hon, pwede magkita tayo uli this Sunday…importante lang,”
Pormal yung text nya. Walang lambing. Sabado ngayon, so yung Sunday ba na sinasabi nya, bukas na?
Pagkaupong pagkaupo ko sa bus, tinipa ko agad ang cell phone ko.” Good evening hon,” almost 6:00 pm na ang oras ng ihatid ako ni Lynn sa harap ng planta.” Bukas na ba tayo magkita?” Sagot ko sa text nya. Ilang minuto din ang lumipas bago umilaw yung inbox ko.
“Oo hon. Magkita tayo sa mall doon sa Lipa. 10:00 am.” Natigilan ako. Linggo bukas, ipapasyal ko sana yung mag-iina ko sa Robinson. Gusto mapanood ni bunso yung “Happy Feet”.
” Hindi ba pwede sa next Sunday na lang?” Text ko ulit sa kanya.
” Gusto ko makita ka bukas. Miss na miss na kita hon, please.” Parang naiimadyin ko siya nakiki-usap. Yung malamlam at maamo nyang mga mata ay bato-balani na hindi ko magawang tanggihan.
“Siya, sige magkita tayo bukas,” Nang i-send ko yung text, Sabi ko sa sarili ko, bahala na. Sasabihin ko na lang kay misis na sabihin kay bunso na sa susunod na Linggo na lang namin papanoorin yung “Happy Feet” Matagal pa naman sa mga sinehan iyon.
Nasa ganoon akong pagmumuni-muni ng muling umilaw yung cell phone ko. “Thanks hon. I love you. Tsuppp! Sa lips mo yan. ” Ewan ko kung dahil sa nalunok ko na nakakalasing na tsokolate o dahil sa masisira ako sa pangako ko kay bunso, di ako gaanong na excite sa text ni Ellaine. O natatakot lang ako na hindi na siya umuwi sa kanila at tuluyan ng sumama sa akin pag nagkita kami kinabukasan.
” I love you too hon, see you tomorrow. Tsuppp! ” Pagka send ko ng text saka ko binasa ang text ni Misis.
” Daddy, uwi ka ng maaga ha? Nagluluto ako ng paborito mong adobong pusit. Saka bumili uli ako ng herbal tea mo.” Nangiti ako sa text ni misis. Talagang balak nyang maka-buo kami ng junior ko. Excited din ako talaga na magkaroon ng anak na lalaki.
“Pauwi na ko ‘Ne, sarapan mo ang luto sa pusit. Gusto ko yung tuyo ang sabaw. Maligo ka na…” Kay misis ko ibubuhos yung dilig ko. Parang nakadama ako ng relief na nalasing ako kanina sa tsokolate. Kung hindi, tiyak said na said na naman si manoy. Tsk! Tsk! Tsk! Titiyakin ko sa susunod, tatanggi na ako sa kumare ni Ben. Hindi na mauulit yung laro namin na hubo-tabo. Hindi kaya marunong mandaya si Lynn sa baraha? Otso na ako nag lucky nine pa siya. Napapa-iling ako sa kina-uupuan ko. Napansin ko lang na naka-tingin sa akin yung katabi ko sa bus. Ibinulsa ko ang cell phone ko at naidlip ako habang tumatakbo ang bus. Nanaginip ako sa maikling pagkaka idlip ko sa loob ng bus. Hinahabol daw ako ng isang magandang babae. Nagtataka ako bakit sa panaginip ko ay tumatakbo ako palayo dito. Samantalang kung sa totoong buhay mangyari ito, yung takbo ko ay palapit…
Ganap ng malalim na yung gabi ng naka-uwi ako. Grabe ang trapik na inabot ko sa byahe. Sabado kasi yun. Uwian ng mga namamasukan sa Manila. Pagdating ko sa amin, gising pa si misis na nadatnan kong nanonood ng tv sa sala. Wala na yung mga bata. Tulog na marahil. Humalik siya sa akin. Napansin ko pormal siya. Pinagmamasdan nya lang ako habang automatic na hinubad ko yung sapatos ko at medyas.
“Tulog n yung mga bata?” Tanong ko, gayung alam ko na naman ang sagot. Tumango siya. “Ang tagal mo kasi, ang tagal naghintay sayo si bunso. Nangako ka raw…” Sagot paliwanag ni misis. Ah kaya pala pormal siya, kasi ginabi ako ng uwi.
” Dinaanan mo ba yung textmate mo ?” Nagulat ako sa sinabi nya. Hindi ko malaman yung sasabihin ko. Napa-kunot-noo ako. “Ano bang sinasabi mo, eh Sabado ngayon, matrapik.” Sabi ko na pinapa kalma yung sarili ko. Alam ko di ako dapat ma-pressure sa pag-uurirat ni misis. Dapat parang totoo na hindi ako guilty.
“Dati naman pag Sabado half-day ka lang pag pumasok ka.” Tama naman siya. Yung kumare ni Ben kasi. Pero, hindi eh, kung ayoko di ako mapipilit ni Lynn. Pero sumama ako sa kanya, kaya tama si misis na maghinala kasi di nga ako ginagabi pag pumapasok ako ng Sabado.
“Teka pala, ano ba yung tungkol sa sinabi mo kanina? Yung tanong mo, kung dinaanan ko pa yung textmate ko? ” Sabi ko sa kanya habang nagpapalit ako ng damit pambahay. “Anong texmate?” Balik tanong ko sa kanya.
“Texmate, yung mga kahalikan mo sa texts.” Sabi nya na walang kagatol-gatol habang nakatingin sa clutch bag ko. Alam nya naroon ang cell phone ko. Naalarma ako. Baka nabasa nya yung hindi ko nabura na mga messages ni Ellaine. Nag-apuhap ako ng masasabi, ng maikakatwiran. Kaya una kong pinangarap na kumuha ng abugasya kasi magaling ako gumawa ng lusot.
“Binasa mo yung cell phone ko? Pinakialaman mo yung cell phone ko?” Ayokong magalit. Mawawala ako sa tamang pangangatwiran. At ayoko na mag -away kami, gabi na. Tulog na ang mga bata.
“Bakit, masama bang basahin ko ang laman ng mga text mo?” Sabi nya na nandidilat ang mga mata. Nakita ko sa kanyang mga mata ang magkahalong galit at frustrations. ” Hindi ka naman dati ginagabi pag-uwi…” Ibinitin nya ang sinasabi. ” Unti-unti ka ng lumalayo, sa akin, sa mga bata.” Humina yung boses nya, parang ang sarili nya ang kinakausap.
Isa sa mga kahinaan ko ay yung ayaw ko nakikitang nasaktan ko ang mga taong mahalaga sa akin. Hindi ko nais na makitang umiiyak ang mga taong mahalaga sa akin. Bigla akong napa-upo sa tabi ni misis. Nakaupo siya sa gilid ng kama. Hinawakan ko siya sa balikat.
” Fling lang yun ‘Ne. Wala yun. Texts lang yun.” Kinabig ko siya palapit sa akin, at hinagkan sa buhok. Biglang bumaling siya ng tingin at nakita ko yung luhang namamalisbis mula sa kanyang mga mata pababa sa kanyang pisngi. Tahimik na pala siyang humihikbi. “Fling? Texts lang?” Sumbat nya habang tinititigan ako ng mata sa mata. Parang gusto nyang malaman ang katotohanan sa sinasabi ko. Pero nagapi ako ng kanyang titig. Kusa akong nagbaba ng tingin.
” Mula ng nagkaroon ka ng letseng cell phone na yan, naiba ka na Daddy…” Umurong siya ng upo at kumalas sa pagkaka-akbay ko. ” Pag nandito ka sa bahay, mas madalas pang hawak mo yung cell phone mo. Madalas nasa ibaba ka ng basement. Madalas nagbababad ka sa banyo…” Hindi ako kumikibo habang naglilitanya siya ng mga ginagawa ko. Paano ako kikibo, eh totoo lahat ng sinasabi nya.
“Yung mga anak mo, hinahanap-hanap na yung dating ikaw. Ano pa ba ang hinahanap mo Ted? Kulang pa ba ako, kami ng mga anak mo?” Sinasabi nya ito ay humahagulgol na siya. “Sor…