At naalala ko si Ellaine. Yung sinabi nya na siya ang magbibigay sa akin ng anak na lalaki. Ika-anim na buwan na. Pwede na nya akong tawagan. Pwede na rin akong tumawag sa kanya. Pero, alam ko halos imposible na na matupad yung pangako ko sa kanya na iaayos ko ang lahat. Sa ganitong kalagayan ni misis, paano ko sila iiwan? Hindi ako malupit na ama. Hindi ako pinalaki ni tatay na isang iresponsableng magulang.
Tiningnan ko yung cell phone ko. Parang inaantay- antay ko ring umilaw ito at mabasa ko sa inbox yung text ni Ellaine. Pero lumipas ang maghapon, wala akong natanggap na message o tawag mula sa kanya. Marami ang pwedeng mangyari sa loob ng anim na buwan. Nakalimot na ba siya? Nakatagpo na ba siya ng bagong pag-ibig?
At bago ko namalayan ang sarili ko, wala sa loob na pinindot ko ang numero ni Ellaine. Nagulat ako ang sumagot sa akin ay isang recording, ” The number you dialed is out of coverage area, please try your call later…” Paulit -ulit lang yung recording. Pero parang nakakatulig sa aking pandinig. Nasaan siya? Nagpalit na ba siya ng sim card? Nawala ba yung cell phone nya? Sari-saring isipin ang pumuno sa isipan ko na nagdudulot sa akin ng pangamba. Iisa lang ang pwede kong gawin. Puntahan siya sa opisina nila.
Pero, paano kung talagang umiiwas na siya? Paano kung hindi siya naniwala na babalikan ko siya pagkatapos ng anim na buwan?
Nasa ganoon akong pag-mumuni-muni ng gulantangin ako ng biglang pagsungaw ni Ben sa pintuan ng opisina ko. Namutla ako. Ang kasunod kasi nya baka yung misis nya—at ng kumare nya.
” Pwede maka-istorbo, bossing,” Sabi nito na alanganin ang ngiti.
” Okey lang, pasok ka, may… kasama…ka ba?” Sabi ko at biglang napunit sa bibig nya yung matinis na hagikgik.” Hahaha! Si Lynn ba yung tinatanong mo na kung kasama ko?” Sabi nya na parang tuwang-tuwa sa reaksyon ko. Tumango ako at isinenyas ko kung naroon nga ito.
“Wala, hindi siya ang kasama ko…” Sabi nito. May kasama din pala siya. Naisip ko baka isa na namang episode ito ng ‘hubo-tabo’.
“Halika, tuloy kayo dito sa opis ni Bossing.” Paanyaya ni Ben sa kasama nya.
Nagulat ako dalawang babae yung kasama ni Ben. Bata pa yung isa Baka edad bente lang. Yung isa ay edad 35 sa tantya ko. ” Sir, Si Norie at si Kristine, nag pasama sila sa akin, may sasabihin daw sayo…”
Yung Norie ay yung tantya ko ay 35 at yung Kristine ay yung sa hinuha ko ay 20 years old.
“Magkapatid ba kayo? ” Sabi ko.”Magkahawig kayo eh…” Tumango yung Norie, para namang mahiyain yung Kristine. ” O maupo kayo,” alok ko sa kanila ng hindi sila tuminag sa pagkakatayo sa harapan ko.
“Hindi naman kami magtatagal, Sir,” Yung Norie pa rin yung nagsalita. Nag-aalok lang po sana kami ng credit card, baka gusto nyo pong kumuha at yung mga empleyado dito,”
Tumingin ako kay Ben? Gusto kong sabihin na bawal sa oras ng trabaho ang ganitong transaksyon. Tiningnan ko yung relo ko sa kamay. “Anyway oras na naman ng breaktime nung second shift,” Sabi ko na inakbayan si Ben.
“Doon tayo sa Canteen, at tingnan natin kung sino ang mga interesado sa mga nandoon.” Nagpatiuna na si Ben kasunod yung Kristine. Sumabay sa paglakad sa akin yung Norie. Matangkad ito kesa sa normal na height ng mga Plipina. Tantya ko ay nasa 5’8″ ang height nya. Nang ngumiti ito napansin ko yung nag-iisang biloy sa kaliwang pisngi nya. Bigla kong namiss si Ellaine.
” Sana Sir marami ang mag-apply na kukuha ng credit card dito sa inyo para maka-quota naman kami.” Sabi nito. Di sinasadya ay nasagi ko yung dibdib nya ng bigla siyang huminto sa paglakad at lumingon sa akin. Mabilis ako maglakad saka kabisado ko yung pasilyo sa planta. Nagkatinginan kami ng tumama yung braso ko sa puno ng dibdib ni Norie. Malambot ang kalamnan ng harap ng dibdib nya na tinatakpan ng manipis na bra. Napa-lunok ako. Ilang buwan na ring tigang si manoy. Malaki na ang tiyan ni Misis. Hirap siya sa kanyang pagbubuntis. Lagi siyang nasa loob ng kwarto namin at nag-aalala nga ako kasi patuloy ang kanyang pangangayayat.
Naramdaman ko kumislot si manoy. At napuna ko yung pagkakatitig ni Norie sa bumukol sa aking harapan. Lumingon sa amin si Ben at si Kristine, kasi napa-“ay!” si Norie ng bumangga nga yung braso ko sa kanyang dibdib. Pero agad na naka-rekober si Norie at tinapunan lang ako ng isang pilyang ngiti at sa tingin ko parang hinaplos nya ng tingin ang harapan ko.
” Pag marami ang ma approve na applications dito bigyan kita ng pabuya,” Sabi ni Norie habang tinawag ko yung mga trabahador sa canteen at pinag-fill-up ko ng application para sa credit card.
“Ano bang pabuya ang gusto mo sir,” Tanong ni Norie nung umabot sa isang daan ang nag fill up ng application. Mahigit isang libo ang mga trabahador sa planta.
“Ikaw,”sabi ko naman sa kanya. Natigilan siya. Tiningnan nya ako. Nagkagat-labi siya. Muli ay naalala ko si Ellane. Ugaling -ugali nya ang pagkagat-labi kapagka natitigilan. ” Sige, titingnan ko…”
Nagtaka ako sa sinabi ni Norie. Di ko mapagdugtong yung lohika ng sinabi nya. Pero di ko na inintindi yun kasi tumunog ang cell phone ko. Yung kapatid kong bunso ang nasa linya. ” Kuya, nasa ospital kami dinala namin si Marie sa ospital. Dinugo ang asawa mo…” Bigla parang umikot ang mundo ko. Hindi ko alam kung ano ang iisipin. Naghahabulan sa diwa ko yung mga pangamba. Si misis, yung anak namin na nasa kanyang sinapupunan…yung tatlo kong makulit na nasa bahay.
Halos liparin ko yung ospital na pinagdalhan kay misis. Sinalubong ako sa pasilyo ng kapatid ko. “Kumusta ang ate mo…anong lagay nya?” Sunod-sunod kong tanong. “Nasa ER siya bro…kalma ka lang.”
Sabi nito. Pero nandoon ang pangamba ko. ” Ano bang nangyari?” Tanong ko uli sa kanya habang nasa harap na kami ng ER. “Pinuntahan ni Pam si Nanay sa tindahan. Umiiyak yung panganay mo sabi may dugo daw yung mommy nya.” Hindi natapos yung kwento ng kapatid ko ng lumabas yung doctor sa ER.
“Kayo po ba ang mister? ” Tanong nito na sinagot ko ng sunod-sunod na tango. Kailangan po nating salinan siya ng dugo, marami pong dugong nawala sa kanya….” Paliwanag nito.
“Doc, kumusta po yung baby…”. Tiningnan ako ng kapatid ko. Parang nagtataka na parang mas higit ang pag-aalala ko sa magiging anak namin. ” Pag nasalinan na po natin ng dugo si misis.. kailangan po nating operahan siya agad para mailigtas ang bata.”
Nakadama ako ng panlulumo. Pumasok ako sa ER. Inabutan ko si misis na naka pikit. Nakita kong may luhang namamalisbis sa kanyang mga mata. Hinalikan ko siya sa labi. Marahan nyang idinilat ang kanyang mga mata. inabot nya ang braso ko. ” Sorry Daddy,” Bulong nya.. “Anong sorry…anong pinagsasabi mo?” Naggalit-galitan ako upang ikubli yung takot na nararamdaman ko.
” Nahilo ako, at naramdaman ko bumagsak ako sa sahig.” Pauntol-untol na sabi nya. ” Yung Junior mo ang ina-alala ko. Ayoko siyang mawala. Siya ang tanging maibibigay ko sayo…” Sinasabi nya ito ay mahigpit siyang humahawak sa braso ko. Ginagap nya ng palad nya na nakaswero ang palad ko.
“Kahit anong mangyari,Daddy, iligtas mo ang junior mo…” “Ano bang sinasabi mo,” Sabi ko. ” Lakasan mo ang loob mo, Wag kang mag-isip ng kung anu-ano…” Hinalikan ko uli siya sa labi, Ikinibot nya ang labi nya bilang ganti sa halik ko. Idinutdot nya ng mahina yung pang-gitnang daliri nya sa palad ko. Yun ang lambingan namin. Yun lagi ang simula namin na humahantong sa mainit naming pagsisisiping. Naramdaman kong parang nabikig ako sa lalamunan. Tinitigan nya ako. May gustong sabihin ang kanyang mga mata. ” Sir, dadalhin na po namin si misis sa operating room,” Nakapikit siya ng ipasok siya sa operating room. Umalis ako kaninang umaga sa bahay para pumasok sa trabaho ng nakahiga pa siya. Akala ko natutulog pa siya. Nagulat ako ng bigla siyang yumakap.
“Wag ka na kaya munang pumasok ngayon Daddy.” Naalala ko yung sinabi nya.
” Bakit, may nararamdaman ka ba? Masama ba ang pakiramdam mo?” Tanong ko sa kanya. Umiling siya.
“Wala lang, parang gusto ko lang maglambing sayo. Parang gusto ni junior mo dito ka lang sa tabi ko.” Naalala ko tumawa ako. Hindi ko napansin na mamad ang labi nya. Hindi nya sinasabi sa akin ang tunay na nararamdaman nya.
” Ayoko maging Junior siya. Mabaho yung pangalan ko. Ray Albert ang ipapangalan natin sa kanya.” Sabi ko pa. At naalala kong muli ko siyang hinalikan. Na ginantihan nya ng maraming-maraming halik.
Nagtagal ang operasyon. Nainip ako. Hindi ako relihiyoso. Pero habang naghihintay ako sa resulta ng operasyon pumunta ako sa munting kapilya ng ospital. Naupo ako doon. Hindi ko alam kung paano uumpisahan ang paninikluhod sa Diyos. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula upang pakinggan Nya ako. Napakaraming kasalanan ang nagawa ko sa misis ko. Kaya sabi ko sa Kanya, “Panginoon humihingi ako ng awa mo na magkaroon ako ng pagkakataon na ituwid ko ang mga kamalian ko at mapunan ko ng higit ang mga pagkukulang ko kay misis.”
Parang napakatagal ng naging paghihintay ko. Lumabas yung unang doktor sa operating room, tumayo ako sa kina-uupuan ko. Gusto kong masalamin sa mukha ng doktor kung ano ang resulta ng operasyon. Lumabas yung nars na naging kaagapay nito sa OR. Tumakbo ako palapit. “Nurse…” Di ko natapos yung sasabihin ko. ” Baby boy po yung anak nyo sir,” Sabi nito. Pero nagtaka ako kasi ilang doktor pa ang pumasok muli sa operating room. May ilang mga kagamitan silang ipinasok sa loob ng OR. ” Sir paki-pirmahan po ninyo ito,” Sabi ng isang nagpakilalang duty Nurse, habang naka-upo ako sa mga hilera ng upuan sa harap ng OR. ” Nurse ano ang lagay ni misis?” Tanong ko na nakadarama ako ng di ko maipaliwanag na takot. Nangangamba ako para kay misis. ” Kailangan pa po nya uli masalinan ng dugo, Sir…”
Halos dalawang mahabang oras pa uli ang lumipas ng lumabas yung doktor na umaantabay kay misis.
Naka tungo ito, hindi makatingin ng diretso sa akin. Parang alam ko na ang sasabihin nya. Ayokong marinig ito. ” Marie…bigla kong banggit sa pangalan nya…” I’m sorry…ako ang dapat magsabi nito…”
Naramdaman ko na pinisil ng kapatid ko ang balikat ko. Hinayaan ko ang sarili kong humagulgol. Para ano pa ang pag-iyak..? Maibabalik ba ng mga hagulgol ko yung pagkakataon na sinayang ko? Kung pinakinggan ko ang paglalambing nya kaninang umaga…kung hindi na sana ako pumasok…Kung…
Dalawang linggo na ang lumipas matapos maihatid sa kanyang himlayan ang aking si Marie, ang aking Nene. Tumira muna sa amin ang kapatid kong bunso para alagaan si Ray Albert, ang bunso ko na naiwan ng aking si Marie. Yung hanggang sa hindi pa ako nakaka kuha ng regular na mag-aalaga sa kanya. Kailangan ko rin kumuha ng katulong para mag-alaga sa tatlo kong makulit. Malusog si Ray Al, yun ang tawag nung tatlo sa kanilang bunsong kapatid. Kahit pitong buwan pa lang siya at di pa nakumpleto yung kanyang dapat na ipinamalagi sa sinapupunan ng kulang palad na aking si Marie. Maputi siya. Minana nya sa nasirang ina yung kutis nya at pagka tsinita ng mata. Nang inilabas siya mula sa operating room papunta sa nursery nilagyan ng nurse ng masking tape yung ari nya. ” Materyales Fuertes ang baby na ito,” Narinig kong bulong ng medyo may edad ng nurse sa Nursery. Napatingin ito sa akin ng kumatok ako sa bintana ng nursery. Parang naramdaman kong hinaplos nya ng tingin ang aking harapan.
Humingi ako ng isang buwan na bereavement leave sa trabaho ko. Nami miss ko si misis. Hinahanap-hanap ko yung mga pag-aasikaso nya. Yung pag-aasikaso nya sa mga bata. At lagi na, nakadarama ako ng sundot sa aking budhi doon sa isipin na binalak ko silang iwan na mag-iina. Naging unfair ako sa kanya. Lubha akong naging maka sarili na inuna ko ang sariling damdamin kahit na alam kong nasaktan ko siya.
Tadhana ba ito? Naalala ko yung sabi sa akin ni Ma’am Teresa nung gabi ng Juniors & Seniors Prom. “Marami kang paiiyakin na kababaihan, Teodoro Enrique.” Parang mali. Kasi bakit ako ang umiiyak ngayon? Bakit ako ang pina-iyak nya ng tuluyan siyang maglaho na parang bula sa buhay ko? Ganito ba ang palad ko na bibigyan ng kaunting ligaya, para lang magdusa ng higit sa huli?
At si Ellaine? Nasaan na kaya siya. Lagpas na sa anim na buwan, pero parang wala na siya. Naglaho na rin siya tulad ni Ma’am Teresa. Parusa kaya ito ng tadhana sa akin?
May dapat akong ayusin sa buhay ko. Mahirap pala maging tatay at nanay ka ng apat na makukulit na inakay. Yung isang buwan na leave ko, ginugol ko sa pagpinta ng bahay. Hindi lang kisame ang pininturahan ko. Buong kabahayan ang pininturahan ko. Inayos ko rin ang hardin ni misis. Yung rosas na tanim nya ay nasa tatlong paso. Yung isa ay matingkad na pula.Yung isa ay mapusyaw na pink. At yung isa ay mala-bulak sa pagkaputi. Naisip ko, sila yung tatlong rosas na nagdaan sa buhay ko. Si Ma’am Teresa yung matingkad na pula. Mabango, mapusok, makulay ang naging pag-iibigan namin, na buong akala ko ay pang-habambuhay na.
Si Nene, ang aking si Marie ang mapusyaw na pink. Kimi, konserbatibo, subalit mapagmahal. Siya ang naging ina ng aking mga anak. At deserving siya na maging mommy ni Pam, ni Cindy, ni Jenn at ng bunso namin na si Ray Al. Hindi siya deserving na maging kabiyak ang isang marupok na tulad ko.
At yung puting rosas ay si Ellaine, basal, walang pagkukunwari. Alam ko totoo siya, ang kanyang pag-ibig. At hindi ko siya masisisi, kung ano man ang kanyang naging dahilan sa paglalaho nya at pagsira sa aming kasunduan.
Nasa ganito akong pagmumuni-muni ng makita kong paparating sa kinaroroonan ko sa hardin yung tatlo kong makulit. Nauuna si bunso, (hindi na siya si bunso ngayon, iba na ang may hawak ng taguring ito) “Daddy. may tawag ka…” Sabi nito na inunahan ang dalawang kapatid sa pagbabalita sa akin. ” Tinapunan ng parang naiiritang tingin ni panganay ang kapatid. ” Tumunog yung cell phone mo Daddy.” Sabi nito sabay abot ng cell phone ko sa akin.
Dalawang messages ang nasa inbox nito. Puro numero lang. Hindi sila naka bilang sa phone book ko.
“O marumi dyan bunso,” Sabi ko ng walang paki na sumalampak ng upo si Jenn sa damuhan.
“Bunso…” Si Cindy ang nagsalita. “HIndi na bunso yan ah. Si Ray Al na ang bunso.” Sabi nito na nilabian ang kapatid. ” Daddy oh si Cindy” Sumbong nito sa akin na nagpapakampi. Binuhat ko si Jenn sa pagkakasalampak sa damuhan. Kumapit yung dalawa sa magkabilang kamay ko. Napa-buntong hininga a…