Thaddeus’ Adventures I

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Songs, book titles, and portrayers are only borrowed for the story purposes.

Copying of the story without the permission of the author is illegal. Plagiarism is a crime.

Chapter One

Ang mag-asawa na sina Raine at Jacob ay hindi nabiyayaan ng supling. Dahil sa hirap ng buhay at nasa bukid lang sila nakatira ay hindi sila nakapagkonsulta sa mga espesiyalista kung bakit hindi sila nabibiyayaan ng supling.

Si Jacob ay nasa edad na 42 anyos na habang si Raine naman 38 anyos.

Isang umaga, habang nag-aalmusal ang mag-asawa ay napag-usapan nila ang hindi pagkakaroon ng anak.

“Kailan kaya tayo pagkakalooban ng isang supling?” tanong ni Raine.

“Hayaan na lang natin ang Diyos sa atin. Magtiwala lang tayo sa Kaniya at mabibiyayaan rin tayo ng supling.” sagot naman ni Jacob.

Habang kumakain ng almusal ay nakarinig sila ng katok sa pinto ng kubo na tinutuluyan nilang mag-asawa.

“Sino yan?” may kalakasang tanong ni Raine habang tinutungo ang pinto ngunit walang sumasagot.

Nang makarating si Raine sa pinto ay may narinig siyang iyak ng sanggol kaya dali-dali niyang binuksan ang pinto. Nakita niya ang isang balot sa kumot na sanggol na nakalapag sa tapat ng kanilang pinto.

Agad na pinulot ni Raine ang sanggol.

“Sino kayang walang puso ang mag-iiwan ng isang sanggol?” wikang pabulong ni Raine habang hinehele ang sanggol.

“Sino ang tao sa pinto?” tanong ng papalapit na si Jacob kay Raine.

“Wala ngang tao sa pinto eh. Ngunit may nakita akong sanggol sa pinto.” sagot naman niya sa asawa.

Napagpasiyahan ng mag-asawang kupkupin ang sanggol at palakihin ang batang pinangalanan nilang Thaddeus.

Mabilis na lumipas ang panahon.

Kahit hirap sa buhay ang mag-asawa ay pinipilit nilang itaguyod sa pag-aaral si Thaddeus.

Naglalakad pauwi si Thaddeus galing eskwelahan kasabay ang kababata niyang si Katelyn.

Si Katelyn ay mas matanda lang ng tatlong buwan si Katelyn kay Thaddeus. Magandang dalaga si Katelyn. Morena, malaki ang hinaharap at medyo malaman rin ang pwet.

Ngunit hindi pinalad sa tangkad si Katelyn dahil 5′ flat ang ang height nito habang si Thaddeus naman ay 5’8 ang height.

Nang makarating sila sa tapat ng bahay nila Thaddeus ay hinalikan siya ni Katelyn sabay takbo papasok ng bahay. Napahinto saglit si Thaddeus sa inasal na kaibigan.

Nakangiting pailing-iling siyang pumasok sa bahay nila. Nagtaka siya kung bakit madilim kaya kinapa niya ang switch malapit sa pintuan ng bahay.

Pagkabukas ng ilaw ay sabay-sabay na kumanta sina Jacob, Raine at Katelyn habang hawak ni Katelyn ang cake.

“Happy 18th birthday’s Thaddeus!” bati ni Katelyn habang nilalapit sa kaniya ang bitbit nitong cake.

Nginitian niya ito bago sumagot “Nag-abala pa kayo.”

“Make a wish.” malambing na utos ni Katelyn sa kaniya.

Pumikit ng mariin si Thaddeus at hinipan ang kandila. Pagdilat ng kaniyang mga mata ay wala na sa harap niya ang kaniyang mga magulang at si Katelyn.

Nagpalinga-linga siya sa kaniyang paligid. Napakadilim ng bahay nila at animo’y walang tumira sa bahay nila ng ilang taon. Paglingon niya sa kaniyang likuran ay may isang matipunong lalaking nakatayo roon.

“Sino ka?! Asan ang pamilya ko?!” sunod-sunod na tanong ni Thaddeus sa lalaki. “Anong g-” itutuloy pa sana niya ang pagtatanong nang biglaang naestatwa siya.

Nagsimulang naglakad ang lalaki palapit sa kaniya. Laking gulat ni Thaddeus ng yakapin siya ng lalaki. Ngunit mas kinagulat niya ang mga sumunod na sinabi nito.

“Anak, maligayang kaarawan.” anas ng lalaki bago bumitaw sa pagkakayakap sa kaniya. “Alam kong naguguluhan ko…