Thaddeus’ Adventures II

Disclaimer

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Songs, book titles, and portrayers are only borrowed for the story purposes.

Copying of the story without the permission of the author is illegal. Plagiarism is a crime.

Kagaya nang nakasanayan ay hindi pa man sumisikat ang araw ay nagising na si Thaddeus. Lumabas siya ng kaniyang kwarto upang makaligo na.

Nang makalabas siya sa kaniyang silid-tulugan ay nakita niyang naghahain na ng almusal ang kaniyang inay.

“Magandang umaga ho, inay.” masiglang bati ng binata bago pumasok ng palikuran upang makaligo na.

Matapos makapaghubad ng damit ni Thaddeus ay napansin niya ang pagbabago ng kaniyang katawan. Ang noo’y malaman niyang pangangatawan ay naging matipuno na animo’y inalagaan ito sa pag-eehersisyo. Pinasadahan niya ang kaniyang katawan upang makapa ang pinagbago nito.

Tinapos na niya ang kaniyang pagligo matapos pakiramdam ang mga naging pagbabago sa kaniyang katawan. Lumabas siya ng palikuran at tinungo ang hapagkainan nilang pamilya.

“Oh Thad, maupo ka na at nang makapag-almusal na tayo.” utos ng kaniyang ama.

“Opo ‘tay.” sagot naman nito at naupo na sa silya.

Pinaghainan na sila ni Raine ng makakain at naupo na ito sa silya katapat ni Thad.

Bago sila magsimulang kumain ay huminga ng malalim si Thaddeus na kinatingin ng mag-asawa sa kaniya.

“Inay, ‘Tay. May gusto po akong malaman.” mababanaag sa tono ni Thaddeus na seryoso ito sa nais niyang malaman. Tinitigan lang siya ng mag-asawa at habang naghihintay ng sasabihin nito. “Ako ba ay tunay niyong anak?” tanong niya nang hindi nagsalita ang mag-asawa.

Ikinagulat ng mag-asawa ang kaniyang katanungan. Nagkatinginan ang mag-asawa at animo’y nag-uusap sila sa pamamagitan ng mga mata. Tumango na lang si Jacob kay Raine at nagkaintindihan na sila.

“Anak, napag-usapan na namin noon na kung sakaling magtatanong ka ay sasabihin namin ang katotohanan pagsapit ng ika-labing walong taong gulang mo.” mahabang paliwanag ni Jacob.

Matapos magsalita ni ay ipinaliwanag ni Raine ang katotohanan. Na isang araw ay nakita na lang siya sa tapat ng pinto ng bahay nila.

“Anak, ‘wag mo sanang iisiping hindi ka namin minahal. Kahit hindi ka namin kadugo o hindi namin kilala ang tunay mong mga magulang ay minahal ka namin ng buong buo.” maluha-luhang kuwento ni Raine.

Tumayo si Thaddeus sa kaniyang kinauupuan at lumapit siya sa kaniyang tinuring na ina at niyakap ito upang aluin.

“Alam ko po inay, itay. Nagpapasalamat po ako sa pagpapalaki niyo sa akin. At kahit hindi man tayo magkadugo ay mahal ko rin po kayo, hindi po magbabago yun.” pagpapatahan ni Thaddeus kay Raine.

Lumipas ang mga araw nang malaman ni Thaddeus ang lahat ngunit walang pinagbago sa loob ng tahanan nila, isang buong masayang pamilya pa rin sila sa kabila ng mga nalaman ni Thaddeus.

“Inay, Itay. Magpapa alam lang po sana ako na kina Kate matutulog dahil may proyekto kami sa paaralang dapat tapusin.” paalam ni Thaddeus sa kaniyang mga magulang habang sila’y nag-aagahan.

“O sige anak, may kailangan ka ba?” tanong ni Jacob sa kaniya.

“Wala naman po ‘tay.” sagot niya at tinuloy na ang pagkain ng almusal.

Matapos makapag-almusal ni Thaddeus ay nagpaalam na siya sa mag-asawang lalakad na siya patungo kila Katelyn dala-dala ang kaniyang gamit sa eskwelahan. May dala rin siyang mga damit pamalit dahil baka linggo na siya ng hapon makakabalik at sabado pa lang ng umaga.

Nang makarating siya sa bahay nila Katelyn ay kumatok agad siya sa pintuan nito. Pinagbuksan siya ng ina ni Katelyn na si Beatrice.

Mag-isang pinalaki ni Beatrice si Katelyn dahil maaga itong binawian ng buhay. Labing-walong taong gulang pa lamang si Beatrice ng ipagbuntis niya si Katelyn. Tatlong taong gulang naman si Katelyn ng mamatay ang kaniyang ama kaya maagang na biyuda Beatrice.

Mula nang mamatay ang kaniyang asawa ay hindi na muli siyang nakahanap ng mapapangasawa dahil sa paghahanap buhay upang maitaguyod mag-isa si Katelyn. Gayun pa man ay hindi nagpabaya si Beatrice sa kaniyang katawan, may hubog pa rin ito at napakasexy pa rin nito.

Saglit na natigilan si Thaddeus dahil sa suot ni Beatrice ng pagbuksan siya nito. Dahil sa nag-aagaw pa ang liwanag at dilim sa kalangitan ng magpunta siya sa bahay ng mag-ina ay kagigising lang nito.

Nakapantulog lang Beatrice ng pagbuksan niya si Thaddeus dahil bagong gising lang ito. Naka manipis na sando lang ito, wala siyang suot na bra, at naka maikling short lang siya na hanggang singit kaya litaw na litaw ang makikinis at malaman na hita niya.

Hindi maiwasang tigasan ni Thaddeus sa tanawin na kaniyang nakikita sa kaniyang harapan. Papikit-pikit…