Minsan di ko maintindihan itong si Cynthia. Nandyang nilalandi ako pero parang lahat ng makasundo nya na babae sa chatroom ay inirereto sa akin. Kakaiba lang itong chatter na ito. Dito, parang inaantay nyang ako ang magtanong ng detalye. Basta sabi nya, she sees herself in this lady nung panahong bata-bata pa sya.
Sa sobrang gusto nya na mag-attend ako kahit malayo ang bahay ko, sa KTV na malapit sa bagong work ko ginawa ang gimik. Balita ko din malapit sa KTV ang tinitirahan nung ipapakilala nya. Sana lang, sana lang talaga makaalis ako in time for my duty. Napa-file pa ako ng leave dahil dito. Mabuti na lang kahit half-day ay napayagan ng TL namin. Iidlip lang ako sa sleeping quarters para magpababa ng tama.
“Manong, para sa kanto.”
So, here goes nothing…at least natuyo na ang tshirt kong naambunan kanina. Mukha pa rin naman siguro akong desente.
Malayo-layo pa ako sa KTV at madilim na din naman na kasi 7pm na, ang linaw ng mata ni Cynthia! Inaabangan yata talaga kung sisipot ako.
“Sonny! Finally! Akala ko iindianin mo kami.”
Wala na. Di na pwede umatras. Ano ginagawa nun at nagyoyosi na naman. Malamang tapos na dinner. Sakto na din at tipid hehehe petsa de peligro. Pang 2 bottles lang budget ko.
“Yosi tayo? Nga pala trying to stop ka. Pasok ka na. Dami pa food dun and kumanta ka na para mainlove na sila sayo”
“Geh Cynthia, pasok na lang ako.”
Mga anim silang nagkakantahan at nagsasayawan. May dalawang couples na naglalandian at subuan ng dinner sa magkabilang corner ng kwarto. Ang dami na namang nahila sa gimik kasi tatlo pa silang nagyoyosi sa labas. Makapili na nga lang muna ng kanta. Kailang naman makisabay sa love birds kumain.
16968. Yan isa na lang muna para di naman swapang sa mic
“Excuse me. Kunin ko lang yung plate ko.”
Matapos ko inabot yung plate na may konting pansit at kalahating bbq ay nakigulo na sya sa mga kumakanta. Snob lang? Sya kaya yun? Friendly daw kaya baka hindi. Bukod kay Cynthia…apat lang yata kilala kong mukha dito mula sa mga lapag nila sa chatroom. makakuha na nga muna ng beer.
Nakakaintriga si Ms. Pansit-BBQ tandem. Mukha ngang friendly. Di ko lang magets if witty nga ba or slow hahaha may times na ang galing humirit pero meron ding jokes na kailangan pang iexplain sa kanya ng iba. Di yata taga-earth ito. Di sya maganda. Pero di rin naman panget. Hindi sya sexy pero malaman hahaha medyo kapos sa boobs kasi naka push-up bra pero sakto lang ang pwet. Baka di sya yung nirereto ni Cynthia, maganda daw yun e.
Uy kumakanta si miss. Hahaha tago na lang nya talent nya. Makakakain na nga lang.
“Sonny! Kanta ka na ha. Go Eileen!!! Whoa..yeah!”
After 3 hours of kantahan and kainan and inuman and laplapan for the lovebirds and some truth and dare…sa wakas natapos na at hiwahiwalay na sa buhay. May iba yatang mag-check-in…taga malayo daw hahaha yeah right! Mukha namang planado na or talagang tag-libog. Natapos ang gabi at walang pinakilala si Cynthia, baka no show ang nirereto nya. Kasi it’s not like Cynthia to keep her excitement at bay.
Bigla na nga lang din ako iniwan at dumating na daw ang Grab nila ni Ron…ang flavor of the month nya.
Habang naglalakad ako papunta ng office, may bumusinang motor at tinawag ako. Si Ms Pansit-BBQ, ano nga bang name nya?
“Sonny! Uy! Eileen ito, friend ni Cynthia. San ka na papunta nyan?”
“Papasok sa office. Dyan lang ako, two blocks from here.” Peste bakit ako nagsabi ng specific location ng office ko.
“Gusto mo sumabay? May extra helmet naman ako.”
“Thank you na lang, hindi naman nagmamadali. Pang-alis na rin ng tama kasi ang dami nyo pala naorder na beer pero unti lang uminom”
“Ah, magmomotor pa kasi ako kaya I don’t usually drink when I’m out. Hindi ka ba mahihirapan nyan sa work?”
“Tutulog muna ako sa sleeping quarters sa office. Start pa lang duty ko ngayon pero nagfile ako ng half-day leave para lang di na mangulit si Cynthia”
“Okay. Ingat ka. Nice meeting you!”
Teka, si Eileen nga kaya yung nirereto sa akin. If sya nga…mas maayos ang pwede ko matulugan if ever hahaha. Chikahin ko lang saglit. Mukha din naman syang maayos kausap.
“Ah, Eileen!
Saan ba ang daan mo?”
“Lagpas lang ako tatlong kanto sa office mo kaya pwede kita idaan kung gusto mo makisabay.”
“Ikaw pala yung gusto ipakilala sa akin ni Cynthia. Sorry ha, parang talent manager ko yun. Ok lang bang yayain ka mag coffee?”
Naku sana magets nyang sa bahay nya at kapos ang budget ko. Buti na lang at galente si Ron at sinagot ang buong bill sa KTV. Natipid ko yung pang 2 bottles ko.
“Medyo malayo-layo ang coffee shop na may parking sa labas. Meron sa building nyo pero hindi ko alam saan magpapark dun. Kung okay sayo ang instant coffee, meron ako sa bahay. Sorry ha, kauubos lang ng ground coffee ko.”
“Hindi naman ako maselan”
Yes! Tipid. At di pa ako makikigamit ng kama na amoy halo-halo na. Di mo na alam anong milagro nangyari dun sa mga kamang yun.
Typical two bedroom apartment ang hinintuan ni Eileen. Ang sabi ni Cynthia mag-isa lang ito sa bahay.
“Mag-isa ka lang dito?”
“Ganun na nga. Kakabreak lang kasi namin ng boyfriend ko a few months back kaya mag-isa na ako dito ngayon. Sinadya ko kumuha ng two bedroom apartment kasi office ko yung isang kwarto. Nagtuturo ako sa mga foreign students online ng English.
Upo ka lang dyan sa sofa. Feel at home. Pakulo muna ako ng tubig. Ang toilet nandito malapit sa kusina in case kailangan mo magbanyo.
Akyat muna ako ha”
Ang tagal nung umakyat a! Antok na ako wala pa ang kape. Nakalimutan kaya nyang may tao syang iniwan sa baba? Kanina pa tumigil ang water kettle nya. Naihi na ako. Nagbahid ng toothpaste sa ipin ko, at nag-freshen up na din. Bawas amoy ng beer. Mukha ngang di pa nakaget over sa break up, may shower gel pa na pang lalaki dun sa banyo kaya nakapaghilamos na din ako. Ang tagal naman nung umakyat.
*beep*
“Uy Sonny, pakabait ka ha! Balita ko nasa bahay ka ni Eileen”
Kaya naman pala ang tagal sa taas. Nagreport pa kay Cynthia. Alaskado na naman ako nito.
“How do you take your coffee?”
“Ha?!”
“Sabi ko black ba or may asukal or may creamer at asukal?”
Nakababa na pala sya. Nakaidlip yata ako saglit kaaantay. Bagong ligo. Kaya pala ang tagal nya.
“With two creamer and two sugar please”
“Hahaha ano ako McDo?”
“Hindi, 7eleven”
“Pang-masa a! Uy sorry natagalan ako. Di ko kasi feel ang usok ng yosi sa buhok ko. Baka din magrhinitis ako kapag di ko agad iligo para maalis. Sana pala naihanda ko na yung mga gamit para ikaw na nagtimpla”
“Okay lang. Sumakto naman ang timpla mo. Parang 3in1 pero bawas tamis ng konti”
“Kung gusto mo, pwede ka naman dito na sa sofa umidlip after mo magkape. Di rin maganda makita ka ng boss mo na may tama”
“Normal na sa amin ang ganito. Dito sa bago kong work, first time pa lang ako papasok na nakainom. Three weeks pa lang ako dito kaya di ako naliligaw sa chat room.”
“Nabanggit nga ni Cynthia kahapon nung alam na nyang pupunta ka. Halos ganyan time pa lang din ako sa chat at sya ang una kong nakagaanan ng loob. Pareho yata kami ng ugali kaya nagkasundo agad. Kanina lang kami nagkita kahit na dati pa sya nagyayaya.”
“Ganun talaga sya. Magimik lalo kapag parating na ang weekend, nagpaplano na agad. Ilang beses pa lang ako sumali sa mga meet ups. Tamad ako makipag usap sa maraming tao in person. Sa chat na lang nila ako kulitin. Dun, di ko sila aatrasan.”
“Nabanggit kong nandito ka. Sabi nya kung di ka rin lang naman inaantok ay yayain kita magjam. May gitara ako sa taas.”
“Ah, nagtext nga kanina. Di ko na nireplayan. Busy na yun kay Ron.”
“Nagseselos ka kay Ron?”
“Hindi ah! Nasanay na lang ako dyan kay Cynthia. Makulit sa akin kapag walang jowa. Pero halos di naman ako kilala kapag meron. Ibaba mo na lang nga gitara mo, kanta tayo pampa-antok”
“Ay nasa taas. Nakaset-up dun e. Di ako marunong magbaklas. Kay Tomas actually yun – ex ko – pero iniwan na nya. Nagagamit din naman mga kapatid ko kapag dumadayo dito. Tara sa taas?”
Tara sa taas talaga? Na naka short shorts ka at sando na bagong ligo? Pasalamat ka naalala ko pa boses mo kaya di pa ako masyado natutukso.
Malaki ang main bedroom compared dun sa office room nya. Nasa labas ng mga kwarto ang second toilet and bath. Maluwag pa rin ang kwarto kahit na may queen sized double deck na may single bed sa taas. May 2 solo na sofa at coffee table katabi ng jamming set-up – tuner, music stand, tablet na pang mix, high chair, amp, microphone at may cabinet sa gilid kung saan nakatago ang iba pang accessories.
Medyo magulo ang bed. Maayos naman ang kwarto pero halatang bagong ayos lang din at minadali. Baka dahil nga sabi ni Cynthia na mag jam kami.
“I-On mo lang yung tablet. Marami na dyang materials. Nakaayos na by genre. May visitor profile dyan kaya pwede mo mabuksan na wala password. Gusto mo ba mag mic pa?”
“Magpapaantok dapat diba”
“Oo nga pala.”
“Ito, mga pang broken hearted tapos sabayan mo ng storya mo”
“Moving on na ako. Ayaw ko na pag usapan. Ikaw na lang magkwento ng last heart break mo. Balita ko di ka pa nakaget over. Kaya ka lumipat ng work”
“Ang daldal talaga ni Cynthia”
“Ay hehehe…kanta ka na lang. Wag na init ng ulo”
I can’t remember when you weren’t there
When I didn’t care for anyone but you
I swear we’ve been through everything there is
Can’t imagine anything we’ve missed
Can’t imagine anything the two of us can’t doThrough the years, you’ve never let me down
You turned my life around, the sweetest days I’ve found
I’ve found with you, through the yearsI’ve never been afraid, I’ve loved the life we’ve made
And I’m so glad I’ve stayed, right here with you
Through the years
“Tissue o!”
“Gago ka din ano”
“Wala akong ginagawa ah. Ikaw itong bigla naluha habang kumakanta”
“Tutulog na lang ako sa baba.”
“O-kay…sorry…di ko naman sinasadya ipaalala…”
Iniwan ko na lang si Eileen sa taas. Di ko pa kaya makipagusap tungkol kay Karen.
Nakaayos na ako ng higa sa sofa nung bumaba si Eileen.
“Sonny, ano oras mo need makarating sa office? Ito ang kumot in case lamigin ka”
“Naka-alarm na ako ng ala-una. I-lock at hilahin ko na lang ang pinto mo para di ka na maistorbo. Salamat sa kape at pag aya na dito na ako magtanggal ng tama ng beer ha”
“Wala yun. Idlip ka lang dyan. Patayin ko ang ilaw ha”
“Wag. Baka mahirapan ako hanapin ang switch mamaya. Baka din mapasarap ang tulog.”
“Iwan ko na lang itong night light”
Umakyat na at natulog na din siguro si Eileen. Madilim sa taas pero may naaninag akong konting liwanag. Baka may night light di sya. Makatulog na nga din.
——-
Bakit ang lamig. Wala pang ala-una pero nagising na ako. Mapatay nga muna electric fan.
Malamig pa rin. Lintek parang nilalagnat ako. Mag message na lang ako kay Miss Darlene na absent na ako buong araw. Pasok pa naman sa 2hrs before half day ko. Grabe ang lamig talaga kahit wala ng electric fan.
—
Nag-aalarm yata ang phone ko. Pero hindi ko kaya dumilat. Ang bigat ng katawan ko. Ang lamig-lamig talaga.
Ayan…ay ang sarap.
May nagpupunas sa mukha ko ng basang bimpo. Si Karen? Iba ka talaga mag alaga Karen…
“Salamat Bilog, I love you”
—
Nagising akong may tatlong kumot na nakabalot sa akin at may bimpo sa noo.
May planggana sa lamesa. May tubig din at paracetamol. Maliwanag na sa labas. Anong oras na!
6:21 am ang nakalagay sa cellphone ko. Napabalikwas ako at nag-ligpit ng pinaghigaan. Nakakahiya kay Eileen. Nakitulog na nga ako, napaalaga pa sya ng may sakit. Anong oras kaya sya nakatulog?
Pagkatapos ko magligpit ng sofa at ilalagay na ang planggana sa lababo, dun ko lang nakitang nakatulog na nakaupo sa may dining table si Eileen. Hala! Anong nangyari sa akin magdamag? Alam ko lang gininaw ako at inalagaan ni Karen…si Eileen pala yun. Nakakahiya! Ilang oras kaya sya naistorbo?
“Gising ka na pala. Kmusta ang pakiramdam?”
“Maayos naman na. Salamat sa pag-alaga. Naabala na kita. Maghilamos lang ako at alis na din ako”
“Magpalipas ka muna ng umaga at magpahinga pa. Wala naman akong lakad today. Sandali lang at magluto ako ng almusal. Matulog ka pa at inaapoy ka ng lagnat magdamag. Narinig kong di mo napapatay ang alarm mo at nakita kitang ginaw na ginaw ka. Pasado alas-kwatro na yata nung bumaba ang lagnat mo. Matulog ka pa muna ulit pagkatapos mo maghilamos. Nagbaba na ako ng twalya mo at pamalit ng damit. Mga damit ng kapatid ko yan na naiwan dito. Yung brief, sana kasya. Bago pa yan ha, di pa yan nasusuot pero nalabhan na. Magandang mapreskuhan ka at magpalit ng damit”
“Opo manang”
“Pasalamat ka at may sakit ka. Di ko papatulan yang sarcasm mo hahaha”
Paglabas ko ng banyo ay nag-gigisa si Eile…