Paalala:
Ang kwentong iyong matutunghayan ay pawang kathang isip lamang at alinsunod sa mapanuksong imahinasyon nang may akda. Ang mga pangalan nang mga tauhan, lugar at ang bawat eksena o kaganapan, kung may pagkakahalintulad man sa tunay na mga pangyayari ay hindi sinasadya.
******The Architect and the Janitor******
Sequel 9: The Price
Nakilala naman ni Tonio ang laging bumubuntot kay Jann at walang iba kundi ang ex niyang si Klein. Hindi naman niya to nagawang ipapatay dahil nahabag siya sa kanya dahil baka mawalan ng ama ang kanyang kambal na anak. Naipagtapat naman ni Klein bakit siya napabalik sa manila at nangako naman si Klein na ndi siya magsusumbong kanino man sa natuklasan niya tungkol kay Tonio. Naipagtapat naman ni Diana ang pinagdadala niya kay Kanor, mukhang magsasama na silang dalawa.
Habang wala naman si Jann sa bahay nila ay nagpaalam si Hannah sa mama niya na may pupuntahan at maaaring magabihan sa pagauwe. Sinigurado naman ng magulang ni Jann saan ba talga siya pupunta dahil ayaw naman nila na maulit ung nangyari dati sa kanya. Sinabi naman ni Hannah na mamasyal lang siya sa BGC kaya pinayagan nila ito
Lingid naman sa kaalaman nila ay kinontact niya si Marquis para sumali sa organization.
Hannah: Marquis, ilang beses ko sinabi sa inyo handa na ako at hindi ako magsasabi. Tsaka we’re working at same hospital so mababantayan mo ako lagi. So you don’t need to worry. Utang ko din naman sa inyo buhay at kaligtasan ko bakit ko kayo ipapahamak. Eh nag mukha akong walang utang na loob kung ganun.
Hindi na nagawang pigilan ni Marquis ang pagsali ni Hannah sa Organisation gaya ng sabi ni Tonio kaya dinala na niya eto sa Base nila para makausap at makita ng Blood council at Blood elders.
Nang Papunta palang sila ay sinabihan na agad ni Marquis si Hannah na kung anu man ang makita niya ay dapat ndi malaman ng ibang tao. Pumayag naman si Hannah. Nang makarating sila ay laking gulat niya kung saan pumasok ang sinasakyan nila ni Marquis.
Hannah: wait diba eto ung building nina Jann, GHD? Dito ang basement of operations?**sa isip ni Hannah**
Marquis: are you thinking about your friend who are working in this Company?
Nagulat naman si Hannah na kilala niya ung kaibigan niyang si Jann.
Hannah: wait, kilala mo si Jann? Papanu?
Marquis: malalaman mo mamaya. Lahat ng member nito dapat kilala siya? At kailangan makilala, napakahalagang tao siya sa organization.
Hannah: wait, is GHD the moonlight Haven?
Marquis: yes. GHD and Moonlight Haven is the same. But no one know it except for the members only.
Mas lalong namangha at nagulat si Hannah dahil sa hindi lang pla ordinaryong empleyado si Jann sa GHD.
Hannah: I can’t wait. **Sabi niya sa sarili**
Nang makarating sila sa kinaroroonan ng mga blood council at elder ay kinausap muna nila si Hannah. Madami silang tinanong sa kanya at sinagot naman niya ng matiwasay. Kaya pinayagan na siyang makasali sa organisation.
Tinawag naman ng isa sa council si Chi-chi, ang isa sa secretary na iorient si Hannah regarding sa organisation.
Wala naman naging problema si Hannah nun una. Dito din niya nalaman na ang sinalihan niyang organization ay Moonlight haven na siyang nangangasiwa sa Death Dealers. Siya ang isa sa magiging nurse para sa mga death dealers na maaaring masugatan sa mission.
Nalaman din niya na ang GHD ay ang lehitimong Pangalan ng organisation at Moonlight haven ang tawag sa underground world. Wala naman nakakaalam dto maliban lang sa mangilan ngilang personalidad. Nalaman din dito ni Hannah na ndi basta basta ang taong kasapi dito dahil meron dito mga senators, mayors, governors, congressman, police, military officers and generals, teachers, other professionals at ang bise presidente at presidente ng maharlika. Nalaman din niya na ndi lahat ng empleyado sa GHD at kasapi ng Haven.
Habang inoorient siya ay kasama pa rin si Marquis sa lugar at inalalayan siya. Kaya napatanong na siya sa kanya.
Hannah: Marquis, anu position ni Jann dito?
Narinig naman ng secretary si Hannah at pinagalitan siya. Sinabi naman ni Marquis na wala pang alam si Hannah regarding dito kaya ipinaliwanag na niya ulit eto.
Chi-chi: well, mas maganda kung mag isip ka ng codename mo. Isa eto sa patakaran ng organisation para ndi malaman agad ng kalaban ang pagkakalilanlan mo.
Hannah: maari bang Kaname?
Chi-chi: maaari Kaname. So regarding sa dyan. Please refer her as the Young lady, and if member of the organization saw her in a difficult situation or in danger. They are required to protect her.
Kaname: cge, Ms. Chi-chi. So bakit po Young lady ang tawag namin sa kanya.
Chi-chi: its because she is not yet officially part of the organization.
Kaname: so, she’s well protected and yet hindi pa siya member ng organization. Why?
Chi-chi: yes. She is. It is because she is destined to marry our Czar and she will be the one to be our Czarina or Empress.
Kaname: wait. Wait! That can’t be possible. She has already boyfriend.
Chi-chi: yes and we know it.
Kaname: you know about Tonio?
Chi-chi: Yes, we know. He is our Czar.
Kaname: Wait? Do you mean that he is not a Janitor? So he is the Czar here?
Chi-chi: yes. And he is the real president and CEO of GHD.
Kaname: oh my God. Sorry about my attitude.
Chi-chi: thats okay. Thats also my reactions.
Hindi makapaniwala si Hannah sa nalaman niya, hindi niya akalain na mayaman pala talaga si Tonio at si Jann ang nagustuhan nia.
Natapos naman ang orientation niya at binigyan siya ng mga access code kung saan siya maaaring pumasok at kung saan siya pwede tumawag sa base.
Kaname: so Marquis, can I see your face. Siguro naman dito sa base pwede ko ng makita ang mukha mo. Nakikita ko naman ang ibang kasama mo na ndi naka hood dito.
Marquis: sorry, kaname. Eto tatanggalin ko na
Tinanggal na nga ni Marquis ang kanyang hood at nakita na niya sa unang pagkakataon ang mukha ni Marquis. Nang makita niya eto ay napasigaw siya.
Kaname: Doc. Tristan…. OMG!! Shit!!
Marquis: yes thats me. Pero dapat Marquis ang tawag mo sa akin dto pero pag nasa hospital tau tristan tawag mo sa akin.
Kaname: sige, hindi tlga ako makapaniwala sa iyo at ndi ko alam na isa ka dito doc. **Pabulong** crush pa man din kita sa ospital, hehe.
Marquis: woahh!!! Really.
Kaname: yes. And bakit pala nasa Death dealers ka di ba dapat nasa medic ka?
Marquis: its a long story
Kaname: okay. wait! I just remember, about the time you save me is it because of our young lady?
Marquis: yes, actually. She requested czar.
Kaname: thanks young lady.
Marquis: chillax, since she still did not know. You can still call her by her name especially when she is with her family.
Kaname: ganun ba.
Marquis: tra na since tapos na orientation mo kaname, lets go back. Baka hinahanap ka na niya.
Kaname: oo nga pla.
Marquis: when we are in the hospital please, call me by my real name. And I will request sa admin sa ospital na ikaw na maging nurse ko sa clinic.
Kaname: wait, diba meron ka pang nurse dun.
Marquis: nagresign na siya. Kahapon ang last day niya. So starting sa monday sa clinic ko ka na magwowork.
Kaname: wait, ang bilis naman.
Marquis: i already inform the admin and they already approved it. I will just pass a request letter by monday for formality. Gawin mo ang lahat ng gusto mo gawin sa area mo tomorrow dahil sa lunes. Sa akin ka na.
Medyo kinilig si Hannah sa hulong katagang sinabi ni Marquis sa kanya.
Kaname: shoot, sige. Hahaha.
Nang makuha na nila Marquis ang kailangan nila ay bumalik umakyat na sila sa ground floor, dun nila napansin na gabi na pala kaya nagmadali siya umuwi.
Pagdating naman ni Hannah ay nakita niya si Jann sa sala at nanunood ng news. Agad naman siya pinagalitan ni Jann dahil nagkunwari siyang masakit ang tiyan.
—
Pagdating ng lunes ay maagang pumasok si Hannah at si Jann sa kanilang trabaho. Kitang kita ni Hannah na sobrang saya ni Jann at blooming na blooming, siguro nga dahil eto kay Tonio.
Hannah: Hopefully ndi siya masaktan at matatanggap niya pa rin si Tonio pag nalaman niya ang buong katotohanan tungkol sa kanya. **Ang nasa isip niya.**
Jann: oy, ang lalim ng iniisip mo ah. Regarding ba yan kay Justin?
Hannah: ndi ah. Nakaget over na ako kay Justin noh.
Jann: anu din iniisip mo dyan
Hannah: wala, hayaan mo na young lady. Hahaha
Jann: young lady ka dyan. Batukan kita diyan eh. Sige na pasok ka na baka malate ka pa dyan. Pagalitan ka pa ni Doc Tristan mo.. hahaha
Hannah: cge cge. Ikaw din pasok ka na.. hinihintay ka na ni Tonio mo.. haha
Jann: hahaha, i know, I know. Hahaha.
Naghiwalay na sina at si Hannah ay nagtaxi na papunta sa ospital na pinagttrabahuan niya tapos si Jann ay nagpunta sa companya.
Pagdating na pagdating palang ni Jann ay nagulat siya na pumasok ang isa sa admin at pinapatawag siya ng President.
Judy: maam Jann, the president is asking you to attend the meeting na mangyayari maya maya lang.
Jann: about po yan maam? **Nagaalala baka isinumbong sila ng guard*
Judy: its about sa bidding na gaganapin sa susunod na buwan.
Jann: okay po maam. Punta ako, ayusin ko lang gamit ko dito.
Judy: sure maam.
Nabunutan ng tinik si Jann akala niya mabibisto sila ni Tonio. Pero dahil sa sinabi ni Judy baka sa mga susunod na araw ay magiging busy siya dahil nga din sa magiging resulta ng meeting.
Nang magsimula ang meeting ay sinabi ng presidente na mayroon magaganap na isang Bidding para sa isang gagawing bagong airport, bagong port at bagong tulay na gagawin na magkokonekta sa dalawang isla.
Sinabi ng president na kailangan nila magawa eto bago matapos ang isang buwan.
Jann: sir, isang buwan? Ndi kaya masyadong mabilis yun?
Gary: **isa din sa architect sa GHD** oo nga naman sir tapos tatlo pa. Kaya siguro kong isa lang kukunin ntin.
Pres: well, yan ang gusto ng board of directors natin. Kase may tiwala sila sa inyong lahat. Since anim kau, hahatiin namin kayo at gagawa kau ng team.
Jann: sir, maari siguro ibigay niyo nalang sa team ko ung tulay.
Pres: thats the plan, Ms. Jann. Sa iyo mapupunta ang Bridge together with sarah. Since kayong dalawa ay may experience na sa paggawa ng tulay. Mr. Gary and Troy kayong bahala sa port at Oliver and Patricia sa airport. Maya maya ibibigay ni Judy ang mga dapat makita ng DOTR for the bidding process.
All: noted sir.
Pres: dito walang competition magaganap, masyadong maikli etong isang buwan para gawin yan. Kaya magtulungan kau sa isang design.
Sarah: so sir, are we allowed to use this room sir?
Pres: yes, ofcourse. Maaari niyo gamitin etong meeting place dito, at ung dalawang meeting place sa baba. Magbunutan nalang kau kung sino ang gagamit sa meeting place na to. Sige na para masimulan na natin.
Bago naman maghiwalay sina sarah at Jann ay nagusap muna si Jann at si Sarah.
Sarah: Maam Jann, congrats pala ulit sau. Hindi ko akalain na ang bilis mo umangat.
Jann: congrats din sa iyo maam sarah for recent promotion mo. Laki din dagdag ng sahod mo.
Sarah: oo nga eh. Salamat at natupad ang prayers ko tsaka naging motivation ko kau maam. Imbes kase na idown mo ung iba, eh hinihila mo sila pataas. Imbes na pride ipairal mo ay pagiging humble mo ang nakikita ng iba.
Jann: salamat maam, may nakapagsabi kase sa akin na he who goes the lowest builds the safest.
Sarah: tama ka, kung napakataas ang tingin mo sa sarili mo , pag bumagsak ka sobrang sakit. So maam, may plan ka na ba para sa bridge na idedesign natin.
Jann: no idea pa eh. Need muna natin malaman ung place and the area. Survey muna natin, mahirap din kase isla sa isla yan.
Sarah: yun din iniisip ko. Mahirap siya at time consuming pa.
Jann: lets talked first with ms. Judy. Baka alam niya anung isla gagawin para may mga branch tau dun na maaaring mag ocular inspection. Pwede naman na habang iinspect ay magvideo call tau.
Sarah: oh, maganda yan maam pero i think mas maganda kung tau mismo titingin dun. Pero Sige maam simulan na natin para matapos natin agad.
Nagsimula naman na sina Jann at Sarah sa gawain nila at nagrequest sila na mag ocular survey muna sa lugar na sinabi ng DOTR kung saan ilalagay ang tulay. Wala naman problema dahil nagawa naman na ng Ahensya ang gusto nila gawin at may video sila na kuha sa kahit saan angulo.
Aminado sila na medyo mahirap ang design pero ginawa pa rin nila ang makakaya nilang dalawa. Minsan ay nagtatanong sila sa mga ibang architect dun at mga engineers.
Dahil nga din sa projects na ipinapagawa sa kanila ay naging busy si Jann at minsan lang sila magkita ni Tonio. Nauunawaan naman ni Tonio ang ginagawa ni Jann dahil para din naman sa companya eto. Kitang kita niya ang dedikasyon ng minamahal.
Jann: sorry mahal. Hindi kita napagbigyan, ndi tuloy tayo nakagawa ng baby natin.
Tonio: naiintindihan kita mahalm masyado ka stress kaya mas maganda na wag muna.
Jann: sabado naman ngaun. Pwede naman siguro mahal.
Tonio: gusto ko sana pero mahal stress ka masyado this week kaya ipahinga mo muna.
Jann: sigurado ka ba mahal?
Tonio: take your time with your family mahal. May panahon pa naman next month, after ng project nio.
Jann: cge mahal. Salamat at nauunawaan mo ako. May gift ako din sau sa lunes.
Tonio: oh anu na naman yan..
Jann: eto naman. Magluluto lang ako ng ulam, grabe ka mag isip mahal.
Tonio: sorry namam.. sige gusto ko matikman ang luto mo.
Jann: tingin mo mahal. Magagawa namin kaya ung bridge ng maayos. Mas maganda sana if makita din namin.
Tonio: yes mahal. Tiwala lang, kasama mo naman si Sarah. Hindi naman basta basta gagawin yan after bidding. Maaari pang mag adjust.
Todo suporta naman si Tonio kay Jann. Kahit na ndi gawain niya gawain na gawan si Jann at sarah ng kape ay ginawa na niya. Nagpapasalamat naman si Sarah at Jann sa ginagawa ni Tonio.
Sarah: buti pa si Tonio, kahit ndi ndi niya trabaho ginagawa niya.
Tonio: wala naman kase ako ginagawa maam. Kaya tutulong na ako. Para na rin matapos niyo ng maayos yan design.
Sarah: salamat tlga manong, ang laki ng tulong mo, nakakalahati na kame.
Pinagpatuloy naman ni Tonio ang pagsuporta sa kanila.
Isang gabi habang nakahiga si Tonio sa quarter niya ay may naririnig siyang malakas na tunog na parang may natumbang malaking bagay at nabasag na salamin. Agad agad naman siyang tumayo at tumakbo papalabas ng quarter at hinanap kung saan galing ang tunog.
Habang naghahanap siya ay nakita niya na bukas ng bahagya ang pintuan sa opisina ni Jann at may ilaw galing sa flashlight. Kaya agad agad niya pinatay ang flashlight na dala niya para ndi siya mapansin. Dahil nga sa naiwan niya ang phone niya kung saan nakaconnect ang ikinabit niyang mga maliliit na camera para mamonitor niya lagi si Jann ay sumilip nalang siya sa pinto.
Tama nga ang hinala niya dahil nakita niya na may taong naghanap sa mesa ni Jann. Nakita niya din na nasira ang pintuan ni Jann na siyang dahilan ng malakas na tunog.
Dahil nga sa madilim ay ndi masyadong nakilala ni Tonio kung sino ang taong to. Nagtataka naman siya kung anu ang hinahanap niya. Agad naman siya nagtext sa guard na nakatoka sa baba at sinabihan niya na may nakapasok na magnanakaw.
Tonio: Teka, baka hinahanap niya ay ung bridge design na ginagawa nila ni Sarah. Shit. Wag naman sana.
Habang nagmamasid naman si Tonio ay biglang tumunog ay kanyang phone at inilawan naman siya agad nung magnanakaw. Sinubukan naman pigilan niya pigilan at labanan ang lalake ngunit dahil sa mas bata ung kalaban niya ay natumba si Tonio at nahawakan ni Tonio ang basag na mga salamin. Kaya nasugatan ang kanyang kamay.
Tangka sanang sasaksakin ng lalaki si Tonio pero ndi nagawa dahil biglang umilaw at narinig na niya ang mga guard na papalapit kaya agad agad siya tumakbo sa pinakamalapit na Fire exit. Habang pinipigilan kanina ni Tonio yung lalaki ay napansin niya na may kwintas eto at sinubukan niya eto kunin. Nagtagumpay naman siyang makuha ang kwintas at swerte niyang ndi napansin ng lalake.
Nakita naman ng tatlong guard si Tonio at nakita niyang sugatan ang kamay nito. Inalalayan naman nila papatayo si Tonio at ginamot ang kamay nito. Hindi naman nagawang habulin ng mga guard ang lalaking nagtangka umanong magnakaw at magtan…