Disclaimer:This is a work of fiction. Names, characters, places, events, and incidents are either the products of the author’s imagination or were used in a fictitious manner. Any resemblances to an actual person, living or dead, or an actual event is purely coincidental.
Part 1
“This is the best year of my life” sabi ko sa sarili ko. I just turned eighteen and I’m about to graduate from college. Malapit na ako magmartsa, at bago ang lahat, heto ako nagmamartsa papuntang terminal galing sa school para makauwi na. Hindi talaga biro ang pag-aaral kaya tinitiis ko ang araw-araw na biyahe, lalo na pag naiisip ko ang mommy ko na nagtatrabaho para lang matapos ko ang college life ko sa Assumption College sa may San Lorenzo Makati. Ang pasakit, sa Paraaque pa ako umuuwi araw-araw! Sa haba ng biyahe at traffic, minsan ay nakakalimutan ko ng magpalit ng pambahay. Nakalabas na ako ng village kung nasaan ang school ko at paliko na ako sa isang kanto sa may SM Makati para makarating sa terminal at sumakay ng FX pauwi. Nahihirapan ako sumakay kada huwebes kasi hanggang 5 p.m. ang last subject ko ng araw na iyon. Kumpleto na dapat ang araw ko ng bigla na lang may bumangga sa aking lalaki at nahulog ko ang bag ko at lahat ng bitbit kong mga libro.
Wala na lang ako nasabi kung hindi, “shit!” At wala din naman sinayang na oras ang lalaki at nagsorry naman kaagad. “Sorry po ma’m, sorry po talaga” sabi niya. “Can you just be careful next time” sabi ko na lang. Yumuko ako at napaupo ng bahagya para pulutin ang mga gamit ko, at wala naman akong nasabi ng makita ko siya na tumutulong pumulot n…