You look so pretty, puri ng ama niya sa kanya. Isang matamis na ngiti naman ang itinugon niya dito.
Hindi maiwasang hindi mapatingin ni Jackie kay Jared, kahit kase pareparehong naka toxido at black long pants ang tatlong bodyguard ay iba ang dating ni Jared mas lumitaw ang kakisigan at kagwapuhan nito. Bagay na bagay ang outfit na suot nito.
Jared i-ready mo na ang sasakyan at ikaw ang sasama kay Jackie, utos ni Jose.
Tatalima na sana si Jared ng pigilan siya ni Jackie…
Wait!, Dad ang sabi ko sayo isang bodyguard, pero hindi ko sinabing si Jared.,pagmamaktol niya.
Anak kilala ko si Jared, at malaki ang tiwala ko sa kanya kahit buhay niya ay ibibigay niya maprotektahan lang tayo, subok ko na siya, paliwanag nito sa kanya.
Pwede naman siya, sabay turo ni jackie kay Ron o kaya siya sabay turo ulit kay Arthur. Basta huwag lang si Jared Dad.
Ok, ganito na lang, Arthur akin nga iyong coin of will mo, utos ni Jose kay Arthur.
Palagi kaseng tino-toss iyon ni Arthur pag aalis sila kung good will ba o bad luck. Kase palagi ng nasa hukay ang isa nilang paa pag lumalabas sila ng mansyon na kasama ang bise gobernador.
Agad namang iniabot ni Arthur ang coin kay Jose..kapag head si Jared ang kasama mo, pag tail mamimili ka sa dalawa, ok na na ba iyon? Tanong ni Jose.
Ok Dad, walang kabuhay buhay na sagot ni Jackie.
Tinoss ng kanyang ama ang coin, nagpaikotikot iyon sa ere at pag lagapak ng barya sa sahig tila ba may pandikit iyon na hindi man lang iyon gumalaw. Head iyon. Oh anak kapalaran na ang nag sabi na si Jared ang kasama mo..
Wala ng nagawa si Jackie kundi tanggapin niya ang kanyang pagkatalo…
Habang daan ay wala siyang imik, ganun din si Jared na seryoso lang na nagmamaneho. Itinigil ni Jared ang sasakyan ng nasa harap na sila ng isang mataas na gate ng mansiyon na pagmamay-ari ng mga Perez.
Bahagyang ibinababa ni Jared ang salamin ng bintana ng sasakyan ng lumapit sa kanila ang isang gwardiya. Sir invetation po sabi nito. Kinuha naman ni Jackie ang invetation card sa hand carry bag niya.
Ibigay mo sa kanya, masungit na utos ni Jackie kay Jared.Inilahad naman ni Jared ang kamay nito pero hindi ito lumilingon. Parang jeepney driver ito pag inaabot ang bayad ng mga pasahero. Iniipit iyon ni Jackie sa pagitan ng mga daliri ni Jared. Matapos ma verify ng gwardiya ay sinenyasan nito iyong isa pang gwardiya na nakasilip mula sa loob ng gate para buksan iyon.
Sa harapan ng mansyon itinigil ni Jared ang sasakyan, marami ng tao doon, halos lahat ay kaseng edad lang ni Jackie. Hinihintay ni Jared na bumaba si Jackie. Ngunit hindi ito bumababa kaya nilingon niya ito.
Uupo ka na lang ba diyan ha Jared.,buksan mo itong pinto, pasinghal na utos ni Jackie. Pailingiling na lumabas si Jared ng sasakyan at binuksan nito ang pintuan sa backseat. Inilahad ni Jared ang kanyang palad upang alalayan si Jackie na bumababa ng sasakyan. Hindi ito inabot ni Jackie. Thanks, but i can handle my self,mataray na sabi ni Jackie.
Iyon naman pala eh dapat ikaw na din ang nagbukas ng pinto, iritadong sagot ni Jared.
Aba’t sasagot ka pa, antipatiko ka talaga, mahinang wika ni Jackie. Naputol lang ang pagtatalo nila ng magsimula ng maglapitan sa kanila ang mga kaibigan ni Jackie.
Pag harap ni Jared ay napaatras siya ng bahagya, dahil may babae sa harapan niya at nakangiti ito. Hindi ito katulad ng mga kaibigan ni Jackie na lumapit doon para sunduin ito, siya talaga ang pakay nito kaya ito lumapit.
Do you still remember me? Nakangiting tanong nito. Napakunot ang noo ni Jared na tila ba nagtatanong din kung sino nga ba ito.
Candy girl, you remember? Naka ngiti pa din ito.
Sorry po ma’am kung hindi ko kayo kaagad na kilala. Dalagang dalaga na kase kayo wika ni Jared. Magsasalita pa sana ito ng hilahin na ito ni Jackie.
Mia, lets go! Naiinis na yaya ni Jackie dito. Hoy! Ikaw naman ialis muna na yang sasakyan diyan at naaabala mo na iyong mga bisitang dumarating, galit na wika ni Jackie kay Jared.
Nang nasa loob na ng sasakyan si Jared ay napansin niyang nakatingin pa din si Mia. Kahit na tinted ang sasakyan ay alam ni Jared na siya ang tinitingnan nito.
Ang laki na niya at dalagang dalaga na bulong ni Jared sa sarili ng nasa parking lot na siya. Naalala niya na ito iyong batang babae na palaging pinaiiyak ni Jackie. Siyam na taon gulang pa lang ito noon. Pinsan ito ni Jackie. One time nakita niya itong sa likod ng mansyon naksandal ito sa pader at nakatalungko umiiyak ito dahil inaway ito ni Jackie. Umupo siya sa may tabi nito at inabutan niya ito ng candy,inabot naman ni Mia iyon. Tumigil ito sa pagiyak bigla itong pinamulahan ng mukha at mabilis itong tumakbo pabalik sa loob ng mansyon. Sa tuwing inaaway ito ni Jackie ay sa kanya ito palaging tumatakbo,palagi din naman niya itong binibigyan ng candy. Bakit candy girl? Inaway ka na naman ba ni maldita?oo kuya pogi, palagi na lang niya kong inaaway.
Naputol lang sa pagiisip si Jared ng may biglang umilaw sa upuan. Tiningnan iyon ni Jared, cp iyon ni Jackie. Naiwan ito ng dalaga. Pinakialaman iyon ni Jared lalo na at wala itong screen lock. Pinuntahan ni Jared ang gallery, nakita niya ang nagseseksihang selfie ni Jackie.
Napatigil siya sa isang picture nito, na…