The Bodyguard (Jackie’s Resentment)

I’m so sorry Jared, paghinging despensa ni Mia. Don’t worry i will explain to her, dugtong pa nito.

Napailing na lang si Jared…

Bakit hindi mo aminin sa kanya? tanong Mia..

Ang alin? wika ni Jared na bakas ang pagtataka sa mukha..

Na mahal mo siya, sagot ni Mia. You’re in love with her, Jared. Kitang kita sa mga mata mo.

Ako in-love, sambit niya na may pagtataka sa sarili.

Kakausapin ko siya, wika ni Mia at patakbo itong pumasok sa malaking bahay..

Napalingon si Jared nang magsimula ng lumabas ang mga tao sa loob, kabilang na si Jackie. Napansin niyang nagtatalo si Mia at si Jackie, hindi man niya naririnig, nakikita niya sa pagkilos ng mga ito.

Napatingin siya sa may garahe ng may lumabas na itim na ban mula roon. Huminto iyon sa tapat nila Jackie.

Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan, dahil ng umalis ang ban ay wala na si Jackie at ang mga kasama nito, tanging si Mia lang ang naiwan. Tinakasan siya ni Jackie…

Saan lumiko iyong ban? tanong niya sa gwardiya…

Sa kaliwa sir, sagot nito..

Mabilis niyang pinasibad ang sasakyan, ngunit hindi na niya ito naabutan. Hanggang sa umabot na siya sa dulo ng deretsong kalsada. Nagsanga na iyon. Kaliwa at kanan.

Lumiko si Jared sa kanan at isang deretsong daan muli iyon. Napatingin siya sa may gawing kaliwa, naroroon ang ban sa kabilang kalsada, napapagitnaan sila ng bakanteng lote at mga punong kahoy.

Jackielyn Peterson Garcia, sigaw ni Jared na halos lumabas na ang mga litid sa leeg at noo dahil sa sobrang galit.

Jackie hindi ba sasakyan niyo iyon, sabi ng kaibigan niya na kasama nila sa loob ng ban. Sabay sabay silang napalingon sa itinuro nito. Halos magkatapat lang ang ban at ang sasakyan kung nasaan si Jared.

Kinabahan si Jackie ng muntik ng mabangga si Jared, buti at nakapag preno ito. Naka counter flow si Jared. Gusto lang naman niyang asarin si Jared, ngunit ayaw naman niyang masaktan ito.

Nakita ni Jared na huminto ang ban sa isang mataas na gate at pumasok ito doon. Kaya iniliko niya ang sasakyan sa bakanteng lote.

Lulubog, lilitaw ang sasakyan dahil sa bako bakong lupa at panay ang iwas sa mga puno..

Parang movie, wika ng kaibigan ni Jackie dahil pinapanood nila ang ginagawang pagmamaneho ni Jared. Nang makatawid na ito ay tuluyan na nilang isinara ang gate.

Guard, huwag niyong papasukin iyong tao sa labas, utos ni Harold, ang anak ni Judge Perez.

Yes sir, sagot ng dalawang gwardiya na nagbabantay ng planta.

Mabilis na bumaba si Jared ng sasakyan. Tinungo niya ang gate, kinatok niya iyon. Isang gwardiya ang sumilip mula sa silipan.

Papasukin niyo ko dahil naririyan ang amo ko sa loob, galit na wika ni Jared.

Hindi ka authorized na pumasok dito sa loob, mayabang na sagot ng gwardiya..

Papasukin niyo ko dahil naririyan ang amo ko sa loob, ulit ni Jared.

Ang tigas pala ng ulo mo, gusto mo bang barilin kita, mayabang na tugon nito kay Jared.

Mabilis na umalis si Jared, bumalik siya sa sasakyan at mabilis niya iyong pinaharurot palayo.

Ok na sir, umalis na siya takot naman pala iyon sa baril, sabi ng gwardiya kay Harold habang nagtatawan ang mga ito.

Itinigil ni Jared ang sasakyan ng makakita siya ng mataas na puno at patungo sa loob ng planta ang sanga nito. Nang makapasok na siya sa loob ng planta ay dumampot siya ng bato na kasing laki ng holen.

Nakita niya si Jackie, nakaupo ito sa malaking tubo na bakal,kasama nito ang anak ni mayor sandoval na si Sebastian. Inakbayan nito si Jackie, ngunit inalis nito iyon.

Ano ba Baste hindi ba kakahingi mo lang ng sorry, galit na wika ni Jackie.

Sorry Jackie, hindi ko mapigilan ang sarili ko, napakaganda mo kase,sagot nito.

Lingid sa kaalaman ni Jackie ay may isang pares na nanlilisik sa galit na mga mata ang nakatingin sa kanya..

Halos sabay sabay silang napalingon, sa madilim na parte ng planta ng makarinig sila ng yabag. Papalapit iyon sa kanila.

Halos nanlaki ang mata ni Jackie nang makita niya kung sino ang iniluwa ng dilim.

Ja…. Ja….. Jared! Bulalas niya dahil sa pagkabigla..

Mabilis na lumapit ito sa kanya, at binuhat siya nito at isinampay siya sa balikat. Jared! Let me go, pagpupumiglas niya habang sinusuntok niya ito sa likod.

Bitiwan mo siya! Sigaw ni Baste.

Ngunit napaatras na lang ito ng tingnan ni Jared ng matalim, halatang natakot ito..

Jared, ano b! Ibaba mo ko,pagpupumiglas pa rin niya.

Nagta…