Dad, sino siya? Nakangiti niyang tanong.
Siya si Jared anak magtatrabaho siya dito sa atin, sagot ni Jose. Kamusta na pakiramdam mo? Hindi na ba sumasakit ang ulo mo anak? Tanong ni Jose. Dahil ilang linggo pa lamang itong nakalabas mula sa ospital.
Ok na po ako dady. Nakangiti pa din siya at pasulyap sulyap sa binata.
Itinago muna ni Jose si Jared upang magpalamig dahil maaring namukhaan ito ng mga taong sumubok na kidnapin ang anak niya. Ilang linggo niya itong pinalamig at ngayon ay ang unang araw na magtatrabaho si Jared sa kanya.
Ara rember him? Tanong ni Jose sa asawa, na ang tinutukoy ay si Jared.
Oo naman.. Hinding hindi ko siya makakalimutan. Isipin mo Jared na parte ka na ng pamilyang ito. Nakangiti ito kay Jared.
Isang tango lang ang itinugon ni Jared dito.
Sir, samahan ko na po si Jared sa kwarto niya. Wika ng isang lalaki na sa tantya ni Jared ay mga nasa apatnapo ang edad.
Sige Ben pakisamahan na siya at mamaya ay lalabas tayo, wika ni Jose.
Alam mo Jared, mabait ang magasawang Garcia lalo na yang si vice governor, sabi ni Ben habang naglalakad sila patungo sa likod ng mansyon dahil naroroon ang mga kwarto nilang mga bodyguard. Itinapat ni Ben ang bibig niya sa tenga ni Jared, maliban lang sa anak nilang si Jackie, maldita ang batang yun,bulong niya dito.
Maldita! Wika ni Jared na may pagtataka sa mukha.
Oo, sobra, buti nga eh napagtatyagaan siya ng asawa kong si Carmen, seryosong sabi ni Ben.
Diyan ka sa dulong kwarto Jared. Sabay turo kay Jared at inabot nito ang susi.
Napahiga si Jared sa malambot na kama. Kinapa niya ang bulsa ng jacket na suot niya, inilabas niya ang bote ng pabango.Ma saan ka nagpunta? Bulong niya. Sumuot siya sa ilalim ng kama at itinago niya doon ang pabango. Para makalimutan niya ang kanyang ina. Pakiramdam ni Jared ay inabanduna siya nito.
Sa ilang buwan na lumipas ay si Ben ang tumayong tatay tatayan ni Jared ngayon lang siya nagkaroon ng masasabing kaibigan. Si Ben ang nagturo kay Jared kung paano makitungo sa mga babae dahil may pagka chickboy ito.
Palagi nakatanaw si Jackie kay Jared, napapangiti si Jackie sa tuwing na kikita itong nakatayo sa likod ng mansyon at palagi nitong pinapanood ang mga ibon na lumilipad sa langit.
Jackie gusto ko si Jared, wika ng batang si Mia.
Ako lang ang dapat magkagusto sa kanya, dapat wag mo siyang magustuhan. Ako ang papakasalan ni Jared,galit na wika ni Jackie.
Pwede naman dalawa tayong pakasalan niya, sagot ni Mia.
Sabi ko ako lang ang pwede, 9 years old ka pa lang ako malapit na ko mag 10, pagtataray muli nito. Sabay sabunot kay Mia.
Walang nagawa si Mia kundi ang umiyak. Pero kahit na araw araw siyang inaaway ni Jackie tungkol kay Jared ay mas gusto niya pa rin magpunta sa bahay nila Jackie dahil ito kay Jared gusto niya araw araw niya itong nakikita.
Sunod sunod ang putok ng baril.. Pinaulan ng bala ang convoy nila vice governor, kasama nila ang grupo ng matandang Mayor Sandoval.
Jared.. I-safety mo si vice, utos ni Ben..
Agad na kinoberan ni Jared si Jose.. Sir yuko, lang wika ni Jared..Nakita ni Jared na naipit sa putukan ang Matandang mayor, patay ang dalawang bodyguard nito. Agad itong nilapitan ni Jared, sir yuko lang utos niya habang nakikipagpalitan ng putok.
Nasa gilid sila ng sasakyan. Pinapaulanan sila ng bala. Hindi napansin ni Jared ang nasa ilamlim ng sasakyan.
Bang! Isang putok.. Bagsak si Ben hinarang nito ang bala na para kay Jared.
Ahhhhhh!!sigaw ni Jared ng makita na wala ng buhay si Ben. Tila ba nawala na siya sa sarili. Lahat ng makita niyang gumagalaw ay binabaril niya. Halos ubusin niya ang bala ng baril sa taong nakapatay kay Ben. Pati si Jose at ang mayor ay natakot kay Jared,parang hindi ito takot na harapin ang kamatayan. Hindi nagtagal ay dumating na ang mga pulis at may mga kasamang sundalo kaya nagsi atras na ang mga umambush sa kanila.
Ara pumunta muna kayo sa amerika ni Jackie, wika ni Jose. Hindi ko na gusto ang sunod sunod na pagtatangka sa pamilya natin.
Paano ang charity foundation? may pagaalinlangan na tanong ni Ara.
Pwede mo pa din naman iyon pamunuan kahit nasa ibang bansa ka na, ang mahalga ngayon ay si Jackie, hindi pa siya fully recovered sa trauma niya.Isa pa hindi ko kakayanin kung isa sa inyong dalawa ang mawala ng tuloyan sa akin.
Kung yan ang pasya mo, pagbibigyan kita, sagot ni Ara.
Tulala si Jackie ng makita niya ang galit na galit na Jared, para itong wala sa sarili. Inuubos nito ang bala ng baril na hawak nito kung saan mga nagte training ang mga bodyguard nila.
Jackie in two days aalis tayo, pupunta tayo ng amerika sabi ng momy niya.
But ma gusto ko dito lang ako, pagtanggi niya.
Anak wag matigas ang ulo mo ito ang gusto ng dady mo isa pa mas ligtas ka dun.
But ma… Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng magalit na ang momy niya.
Jackielyn, huwag matigas ang ulo mo pwede, babalik din naman tayo dito anak.
Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod na lang sa kagustuhan ng kanyang mga magulang.
Naisip na lang niyang magtapat kay Jared, baka kase maunahan siya ni Mia.
Ngunit hindi niya inaasahan ang magiging sagot nito. Binusted siya ni Jared. Nadurog ang bata niyang puso.
….. Isang taon ang lumipas bago makabalik ang memorya ni Vivian. Kinupkop siya ni Oly,hindi siya pinabayaan nito. Melissa ang ipinangalan sa kanya ni Oly, dahil hindi niya matandaan ang pangalan niya, wala din siyang dalang. I. D.
Sinamahan siya ni Oly at Nicolas na balikan ang bahay na tinitirhan nilang mag-ina. Ngunit wala na doon si Virgo, hindi niya alam kung saan hahanapin ang anak. Halos mawala siya sa sarili. Mula pag kasilang nito hanggang magbinata ito ay magkasama sila, paano mabubuhay ang kanyang anak na wala siya.
Ginamit ni Oly ang mga koneksyon niya at salapi para lang mahanap ang nawawalang anak ni Vivian, ngunit bigo sila. Hindi alam ni Vivian na unti unti ng nahuhulog ang loob ni Oly sa ka…