——————————-
Habang naglalakad kami pabalik ay may natanaw kaming dalawang nakatayo. Sa naaninag ko, si rudy at jomar ito. Nang malapit na kami agad na nagsalita si Jomar.
“San kayo galing?” tanong niya.
“Uhh nagpasama lang ako sa cr ang dilim e.” agad na sagot ni Elaine na animoy nag aalangan lumapit sa kanila.
Biglang umepal si Rudy “Talaga ba? Yun lang ba talaga?”
Bigla akong nainis sa kanya. Tangina kasi parang nanggago pa yung mukha.
Tumango lang si Elaine. “Ano ba gusto mo palabasin?” diretsahang tanong ko.
“Woah woah. Watch your tone bro. Chill ka lang nag uusap lang tayo” sagot ni Jomar sabay tapik sa balikat ko.
Ramdam ko na tumataas na yung tensiyon “Okay chill…” pa sarkastikong sagot ko.
Nangbiglang may ipinakita si Rudy kay Jomar. Napangiti si Jomar “Ayos ba pre?” Tanong ni Jomar.
“Sobra pre. Kagigil e” sagot naman ng mokong sabay apir pa.
YES! Ginawa nila yan sa harap namin ni Elaine. Harapan nilang binastos si Elaine at sobra akong na triggered dahil don.
Na sinundan pa ng ganitong banat ni Jomar. “Bi Gusto mo na mag pahinga? Baka kasi pagod kana”
“Ang sarap mo Elaine, Alam kong nandon ka Mike. Nalibugan kaba?” biglang sabi ni Rudy.
Naramdaman kong humawak sa kamay ko si Elaine. Agad akong napatingin sa kanya. Tumutulo na yung luha niya at nanginginig siya. Humarap ako sa kanya(nasa gilid ko siya) at hinawakan ang shoulders niya, then bahagya ko siyang ginuide palayo. Tapos biglang harap ko kila Rudy.
“EH GAGO KA PALA E!!!…” BLAG! Sigaw ko sabay bira sa mukha niya. Tangina biling mukha niya eh. Tanging galit ang nararamdaman ko non.
Napansin kong nalalaglag yung phone at mabilis koi tong dinampot at itinakbo.
“TANGINA MO MIKE! ANO GINAGAWA MO!” hiyaw ni Jomar at habol sakin agad kong binalibag yung phone ni Rudy sa dagat.
“IKAW! Tangina mo Ano ginagawa mo!” sagot ko. Sabay bira ko din. The next na alam ko hawak hawak na ako ni Jomar sa damit at pinagtutulungan nila ako.
Kung anoanong mura inabot ko. Sipa dito suntok don. Tangina pero di ko ramdam. Manhid na ata ung katawan ko at that time sa galit. Pumapalag ako kahit nakahiga na ako sa buhanginan.
Naglabasan narin yung mga kasama namin. Sumisigaw “Tama na! Hoy mga gago tigilan niyo na!” halo halo ng boses nung mga babae tapos tumakbo naman papunta samin sina Bryan para pigilan.
“Wag kang makialam Bry!” “Umalis ka dito!” dinid ko galling kina Rudy.
Napagtulungan nilang pigilan sina Jomar at Rudy.
Ako naman parang lantang gulay nan a nakatihaya sa buhanginan. Nilingap ko yung mata ko hinahanap si Elaine. Nakita ko si Elaine humahagulgol at papunta sakin.
“Mike ba’t mo ginawa yon?… huuuuhuuuuu” tuloy tuloy ang pagiyak niya sabay haplos sa mukha ko.
Tapos narinig ko nanaman si Jomar. “Ikaw hayop ka, wala kang pakialam kahit ano gawin ko sa shota ko. Akin yan tangina mo. Wag kan pakilamero Gago!” Sabay kaladkad kay Elaine.
Pinilit kong tumayo, naramdaman ko na yung sakit na di ko naramdaman kanina. Naglalakad sila palayo sa akin ng bigla akong sumigaw “ANONG KLASENG BOYFRIEND KA? TARANTADO!!!”
Bigla namang tumakbo si Nida at Nicole sa akin at inalalayan ako. “AT IKAW RUDY, RAPIST KANG HAYOP KA!”
Para akong nag sasalita sa hangin tangina. Nangingibabaw ang hagulgol ni Elaine.
“Ano ba nangyari?…bakit ganito? Hala..” puro ganyan bulungan nila at tanong sa akin ni Nicole and Nida.
Nang Makita ko si Hannah ay tinawag ko siya “Hannah! Rapist yang boy friend mo.”
Sabay hawi ko kila Nicole na nakaalalay sa akin. Tumakbo ako kay Hannah “Tell Him! Sabihin mo lahat. Makipag break ka…. TELL HIM NA AKO ANG MAHAL MO!”
Biglang lumapit si Rudy at tinulak ako. “HAYOP KA? WAG MONG IDAMAY GIRLFRIEND KO DITO SA KAHIBANGAN MO”
Napatumba ako non. Talagang nanlalambot na tuhod ko pero tumayo ako. Umiiyak na rin si Hannah. “TELL HIM. PLEASEEE… ORAS NA. Iknow you love me!” sabi ko na aprang nag mamakawa ako.
“Manahimik ka na Putak ka ng putak. Nananahimik si Hannah lubayan mo pagiimbento mo” Hiyaw ni Rudy sa akin at akmang bibirahin ako nang biglang nagsalita si Hannah “STOP IT RUDY!…”
“AND TUMIGIL KA MIKE…… WAG MO KONG IDAMAY…… DI KO ALAM ANG SINASABI MO!… NO! IDON’T LOVE YOU, MAHAL KO BOYFRIEND KO…. WAG MO KAMING SIRAIN…..”
Tangina, TANGINA talaga. Parang gumuho mundo ko sa narinig ko. Dinurog ako nang mga salita niya, Dahan dahan, para akong pinatay. Gusto kong lumubog non tangina. Nawala yung lakas kong natitira. Nanlambot ako.Napaluhod ako sa harap niya. Di ko na kinayanan umiyak talaga ako.
Paulit ulit kong sinasabi “You said you love me… You said you love me” Yun na yung huli kong na alala dahil nag blackout na ako.
———————————————————-
Grabe yung pakiramdam ko non(nung pilit kong pinaamin si Hannah tungkol samin) parang gusto ko na mamatay. Di ko maintindihan ano nangyari. Di ko alam kung pano ko isusulat yung rush of emotions ko at that time. Not only she didn’t picked me, pero she basically called me lunatic. She rejected everything that I said, she trashed everything that we planned.
“Bakit naging ganito” tanong ko sa sarili ko
——————————————————–
Tirik na ang araw ng magising ako nakatabi sa akin si Nicole at si Nida. Babangon na sa agad ako ng bigla kong naramdaman yng sakit ng katawan ko. “AH. SHIT!” sabi ko.
“SHHH. Dyan ka lang mahiga ka at magpahinga.” Sabi ni Nida sabay himas sa ulo ko.
“What happened?” tanong ko.
“Nawalan ka ng malay… pero Ikaw ang dapat tanungin namin niyan” sabi ni Nicole(Nics nalang for short)
“No Imean ano nangyari after I passed out… Where’s Elaine? How is she?” Tanong ko tintry ko ulit bumangon. This time nakabangon ako at tinulungan nila ako sumandal sa puno.
“Kawawa siya tangina, Hayop na Jomar yon!”
“Tinawag ba naman na pangkama lang, ughh nakakainis, nakakapanginig ng laman. Ayon nakipag break na siya.” Kwento ng dalawa.
Sobra akong naawa kay Elaine sa narinig ko. She don’t deserve that shit. Wala halos nag sasalita non. Kung di ako mag salita walang mag sasalita. Sobrang dead air. Yung atmosphere? Depressing. Shocked ang lahat.
Nakita ko Jomar nasa dagat, si Hannah at si jomar naman nakaupo malapit sa tubig aka talikod sakin. Kumabog dibdib ko. Nag flash back yung nangyari kagabi, feeling ko nang yayai ulit. Pakiramdam ko pinipiga yung puso ko. Sobrang sakit talaga. I can’t express it to words.
Si Elaine medyo malayo sa amin, nakaupo tila kinakausap ni ate julz at abby.
Pinikit ko yung mata ko “Ano tong ginawa ko?” tanong ko sa sarili ko.
Alam kong kinakausap ako nila Nics pero di ko sila pinapansin, I want to be alone, I want to think.
Ganon lang nangyari hanggang sa mag tanghalian na. They helped me kasi di ako halos makakilos ng matino sa sakit ng katawan ko.
Si Jomar at si Rudy tumatawa tawa pa. “The Audacity to Laugh after what happened” inis na sabi ko sa isip ko.
Si Hannah, ayun di makatingin sa akin. Todo iwas.
After ng lunch, as expected dumating na yung kinontrata naming tourist guide. Naka schedule kasi na mag trekking/hiking kami ngayon. Game na game sila Jomar at Rudy. The rest ng boys ay pumunta sakin.
“Pre wag na tumuloy no? di mo pa kaya” sabi nila sakin.
Nag agree naman yung mga babae. ” Oo nang makapag pahinga to,..” sabi ni Nida.
“No..No! tumuloy kayo. Enjoy the trip wag niyo ko isipin” sabi ko. Sinira ko na nga ang bakasyon namin tapos ako dahilan para di matuloy ibang activities? No way, besides kaya ko naman.
“Baliw kaba? Tingnan mo nga sarili mo, di pwedeng maiwan ka magisa” sabi ni Nics.
“Bakit naman di pwede? Kaya ko promise! Tsaka kailangan ko mag isip, Iwant tobe alone for a while and You have to enjoy saying bakasyon natin.” Sabay ngiti ko.
“Go ahead guys. Tuloy niyo ako na maiwan dito.” Sabi ni Elaine. Ang lata ng boses niya. Sobrang namumugto ang mga mata niya.
Konting pilitan pa at pumayag na sila. Nag ayos na sila ng gamit, nagligpit and so on. Hanngang sa nagpaalam.
“Saglit lang to, balik agad kami. ” sabi ni Nida
“Just relax ha? Don’t do stupid things Mike, Magpahinga ka lang” sabi naman ni Nicole.
At kung ano ano pang sinabi nila mapangiti lang kami ni Elaine. Then they proceed dun sa activity, ang layo ng distansya nila kila Rudy, Hannah at Jomar. Para naman kasing linta na nakadikit si Rudy kay Hannah. Napailing nalang ako.
Nang kaming dalawa nalang ang natira, tila walang gustong mauna magsalita kahit alam namin na sobrang dami namain tanong sa isa’t isa. Parehas lang kami nakaupo at nakasandal sa magkaibang puno(magkaharap kami)
“Bakit mo ginawa yon Mike?” tanong niya habang nakatitig sakin, mata sa mata.
Di ko alam ang isasagot ko. Napatingin ako sa dagat, sa pagagos tila naghahanap ng sagot.
“I mean why? di mo inisip sarili mo? Tingan mo nangyari sayo.” Dugtong niya.
Binalik ko yung tingin ko sa kanya. “Wala to. Maghihilom to, mawawala ang sakit…”
“..Eh baki…” pinutol ko ang pag sasalita niya.
“It’s because YOU DON’T DESERVE TO BE TREATED LIKE A SHIT… Nobody deserves that.” May galit yung boses ko. Di ko mapigilan e.
“..Not even Nicole, not even Nida, Not even abby, ate julz…. NOT EVEN HANNAH” dag dag ko nanginginig na ko nun sa galit sa mga tinawag kong tropa sa dalawang taon.
“…Tell me. Ano ba deserve ko? ANO ANG DESERVE NG ISAG BABAENG NAPAKAPUTA AT NAGPABABOY?!” di niya mapigilang umiyak.
Sobrang awa ko sa kanya non, di ko na inisip sarili ko dahil grabe yung damage sa kanya. I can feel it.
“You can’t base kung ano deserve mo base sa pagkakamali mo. REMEMBER NA LAHAT TAYO NAGKAKAMALI. AND YOU ARE NOT AN EXCEPTION TO THAT. YOU DESERVE BETTER” I said.
“NO..NO! I DESERVE HIM… MAHAL KO SIYA… SOBRA. ” tuloy ang pagiyak niya. Di ko na rin napigilan tumulo na luha ko. Parehas kaming nakatingin sa kawalan.
“…Titiisin ko yon kahit ano gawin niya. Dahil ILOVE HIM” she said as she’s still crying.
Kumulo ang dugo ko don para bang na trigger ako napsigaw talaga ako. “PUTANGINANG LOVE YAN… IYAN PROBLEMA DYAN”
“…GINAGAWA TAYONG TANGA, TAYO MISMO ANG SUMISIRA SA SARILI NATIN DAHIL SA TANGINANG PAGMAMAHAL NA YAN!”
Di ko na alam kung ano ano lumabas sa bibig ko, maybe that’s how I feel at that time, maybe totoo siya, maybe sobra yung sinabi ko pero ito yung nararamdaman ko.
“PU..TANGGG..INAA” shit for real napahagulgol ako naiinis ako sa sarili ko. Para akong nababaliw. It’s the first time na nag let go ako ng emotion ko na ganong ka strong. Talagang nahulog na kasi ako kay Hannah and damn I messed up.
Nagkatinginan kami mata sa mata “Maybe we deserve this, siguro tingin lang natin na we deserve better, pero look at us, look at what we became. Naging kabit ka, aminin mo man o hindi, I became a slut.” Sabi niya
“Maybe you’re right. Maybe I really deserve this shit. Pero ikaw? Walang babaeng dapat tinatratong ganon. Ginawa ko yon dahil di ko kaya manuod o pakinggan lang na bastusin ka ng harapan. Pwedeng deserve mo rin ang nangyari na to pero You definitely deserve to be respected regardless sa past mistakes mo….” Sabi ko
Wala siyng sinagot. Parehas kaming natahimik. Napapailing ako habang tumutulo ang luha ko.
“.. Sorry, If I messed your life, sorry dahil I cost you your love I’m sorry kasi napaka stupido ko na ultimo si Hannah idinamay ko pa.” dugtong ko. I sincerely apologize to her, sa totoo lang di ko kasi alam kung ano magiging resulta ng ginawa ko in long term. My life is possibly fucked up.
Natulala ako sa dalampasigan. Thinking everything and nothing at the same time.
Tuloy pa rin sa pag iyak si Elaine. Natahimik, sobrang lalim ng iniisip. Then bigla siyang tumayo at tumabi sa akin. Parehas kaming nakasandala sa puno. “I’m sorry Mike. Nadamay ka pa sa kabalbalan ko. Tama ka, Love is stupid enough to make us destroy ourselves, salamat dahil you made me realize this bago pa mahuli ang lahat. You’re a very great person one of the best na nakilala ko. In short time na nagkausap tayo you made me re-think about life. “Sabay yakap niya sa braso ko at sandal ng ulo sa balikat ko.
Napangiti niya ko sa sinabi niya. Pero kahit pilitin ko sarili ko to feel good hindi e. My thoughts keep on running through Hannah.
“You know I feel so dumb right now. Di ko maintindihan kung bakit naging ganun si Hannah kagabi. You have to believe me, naka set na talaga lahat, She said she love me pero bakit ganon?” tanong ko. Alam kong nagpara akong bata sa tanong ko.
Pasimple siyang natawa “Yep tama ka, you’re smart but still dumb AF. Madaling sabihin yung Iloveyou pero mahirap pangatawanan. Masyado kang nahulog sa salita. Siguro unang beses may nag ganon sayong babae no?”
“Oo na, siya supposedly yung first gf ko…” sabi ko
“Ngayon alam mo na? Ang Iloveyou ay walang ibigsabihin hanggat di niya ipinaparamdam at di ka niya kaya ipaglaban okay?” sabi niya sabay himas sa ulo ko.
I still can’t believe Hannah. Binibigyan ko siya ng benefit of the doubt na baka sobrang mali ng timing ko. Natakot lang siya siguro kaya di niya nasabi ang dapat niyang sabihin but on the other hand, yung masakit na katotohanan ay nilalabanan yung positive thought ko.
Di na ako sumagot. Tumahimik ulit ang paligid. Nakasandal pa rin siya sa akin. Medyo nag lighten up na yung mood. Nung time na yon pilit ko nang binubura muna yung nangyari, gusto ko lang i-appreciate yung moment. Here I am, with a girl na jinudge ko noon, tiningnan ko bilang isang pokpok dahil sa nakita ko pero ngayon siya pa, siya pa yung kasama ko sa isa sa pinakadown na moment ng buhay ko. I really needed her at that time. Nun ko lang na realize yung importansya ng human connection.
As a highschool student dat…