+The Ex-Convict: Ang Simula ng Kwento
BLAG BLAG BLAG
“All rise for the Honorable Judge Ordonez” sabi ng isang pulis sa loob ng isang bulwagan at tumayo ang lahat at makikita din ang kinasuhan na nakaposas at ang nasa kabilang mesa naman ang grupo na nag-kaso sa kanya. Halatang kabado ang mga nagkaso pero may kakaibang kalma ang lalaki na nag-aantay ngayon ng sintensya niya para sa kasong sinampa sa kanya ng mga taong nasa kabila.
“Alright, lets end this today, pakibasa na ang hatol kay Mr. Bartolome Balagtas” sabi ng judge at tumango naman ang mag-aannounce ng hatol niya, lahat naka abang dito maliban sa dalawang tao, si Bartolome Ibarra Balagtas o mas kilala bilang Bart sa kanyang mga kaibigan at nag isa pang tao na tahimik lang ay ang kanyang lolo na si Ibarra Balagtas, halatang may iniisip silang dalawa pero hinahayaan nilang mag patuloy ang mga bagay na nangyayare ngayon sa loob ng bulwagan ng batas.
“Sa kasong Bartolome Ibarra Balagtas versus People of the Philippines, for the three counts of homicide these are all dismissed in favor of Mr. Balagtas” sabi ng nagbabasa at natuwa naman ang mga tao sa likod ni Bart dahil 30 years dapat iyon kung nanalo sila. “Ngunit, para naman sa Serious Physical Injuries ay hinahatulan siyang guilty sa all three counts at sinesentensyahan siya sa sampung taon na pagkaka-kulong na may chance ng parole matapos ang ika-anim na taon” sabi naman ng nagbabasa at nagulat ang lahat dito.
“At ayun sa binasa, sisimulan na ang sintensya sayo ngayong araw Mr. Balagtas at sana matuto ka dito, Court is Adjourned!” sabi naman ng judge at tumunog ulit ang gavel ng judge ng ipalo niya ito gavel niya “BLAG BLAG BLAG” at natapos na ang hearing sa kroote at di man nahatulan ng maximum punishment pero makukulong pa din si Bart ngayon pero di gaya ng mga kasama nila sa bulwagan ay tahimik lang ito at para bang pinag-iisipan pa ang binata pero nagulat naman ang mga tao sa sinabi ng kabila.
“BUTI NGA SA IYO YAN! DAPAT MAS MATAGAL KA PANG NAKULONG! DAHIL SA IYO NAMATAY ANG KAPATID KO!” sigaw ng isang magandang dalaga na halos ka edad lang ni Bart pero hindi siya pinansin ni Bart, ang lolo naman nilang si Ibarra ay sinenyasan ang isang tao para ilabas na ang pamilya ng mga kalaban ng apo niya at natira naman ang pamilya ng binata at ang binata. “Sir Ibarra, ten minutes lang po ang mabibigay ko sa inyo” sabi naman ng isang officer na halatang naka bantay ito kay Bart.
“Kuya… Mawawala ka?” sabi naman ng isang batang babae na nasa 10 years old ang edad niya, “Ah Oo, pasensya ka na Tanya ah? Mawawala muna ang kuya mo, narinig mo naman di ba, pero babalik din agad ako kapatid okay?” sabi ni Bart at ngumiti ito at yumakap sa kanya at umiyak ito, “Kuya! Wag ka ng umalis please, promise ko po magpapakabait ako! Promise po!” sabi naman ni Tanya at ngumiti lang si Bart dito pero ang ina nito ay umiling, “Tanya, tara na at aalis na tayo” sabi naman ng ina nito at tumingin si Bart dito.
“Marissa, hayaan mong magpaalam ang apo ko sa kuya niya” sabi naman ni Ibarra sa kanya at natakot naman ang ginang pero si Bart ay ngumiti lang, “Okay na Lo, wag na kayo mag-away naman dahil ayaw ko din na ang huling memories ko sa inyo ay nag-aaway kayong lahat” sabi ni Bart at umiling naman si Ibarra sa sinabi niya. Yumakap na lang ng mahigpit si Tanya sa kuya niya pero umalis na din naman sila at si Ibarra naman ay kinausap na lang si Bart naman.
“Bartolome, alam mo na ang mangyayare, sinabi ko naman na sa iyo ito di ba?” sabi ni Ibarra at ngumiti na lang si Bart dito, “Oo naman Lo, sabi niyo nga eh hindi niyo ako ililigtas dito di ba?” sabi ni Bart at tumango naman ito sa kanya. “Tama ka diyan Apo, kung ano man ang naging kinalabasan ng sintensya sa iyo ay di ako makiki-alam, hindi ko din papa ikliin ang sintensya mo at hindi din ako makiki alam sa kung paano ka tratuhin ng mga makakasama mo sa kulungan pero wag kang mag-alala, bibisitahin kita tuwing pasko at birthday mo, sasama ko si Tanya kung pwede siya” sabi ni Ibarra.
Ngumiti naman si Bart sa sinabi ng lolo niya at tumango ito, “Salamat Lo, pangako ko sa inyo na iba na ako paglabas ko dito” sabi ni Bart at ngumiti naman si Ibarra sa kanyang apo, “Alam ko na alam mo na natatakot ka, at alam ko din na hindi mo gusto ang sinabi ko pero seryoso ka na ba sa gagawin mo? Hindi biro ito apo, at para lang sa isang babae? Makukulong ka ng sampung taon?” sabi ni Ibarra pero ngumiti lang ang binata at tumingin sa isang babaeng naluluha na din kagaya ni Tanya na kapatid niya.
“Lo naman, sinabi ko na sa inyo ito, walang magpapabago ng nasa isipan ko” sabi ni Bart at tumingin ang Lolo niya sa babae at tapos sa kanya at niyakap niya ito, “Oh siya, bibigyan ko na kayo ng oras, ubusin niyo na” sabi ni Ibarra at tumango si Bart at iniwan sila ng isang babae na kanina nakatinign sa kanya, mapapansin din na may mga pasa ito sa braso at halata namang nasaktan ito. “Bart…” sabi ng babae at ngumiti lang ang binata at yumakap ito dito, “Wag kang iiyak kung hindi patay ka sa akin” sabi ni Bart at tumango ang dalaga at binaon ang mukha niya sa balikat nito.
Ngumiti naman si Bart, “Lina… Maantay mo ba ako?” sabi ni Bart at tumingin ang dalaga at tumango naman ito, walang duda na may pag asa sa mga mata niya at tumango ito sa binata. “Kahit gaano pa katagal, aantayin kita… Mahal kita Bartolome” sabi ng babae na nagngangalang Lina at ngumiti din si Bart dito. “Mahal din kita Katalina, ako ng bahala sa sarili ko basta nandiyan ka paglabas ko” sabi ng binata at tumango naman ang dalaga at lumapit na ang isang pulis sa kanila, “Oras na” sabi ng pulis at pinosasan na siya nito at tumango si Bart at dinala na siya sa likod ng bulwagan at matapos nito derecho na siya sa kulungan niya sa Quezon Provincial Jail.
Tinupad naman ng Lolo ni Bart ang pangako niya, tuwing kaarawan at pasko ay bumibisita ito at dinadalan siya ng pagkain kasama si Lina at si Tanya pero di naman nagtagal ang dalawang babae. Si Lina ay bumisita ng ilang mga buwan pero nawala din ito, di naman masabi ni Ibarra kung san nagpunta ang dalaga at kung bakit nawala pero sabi niya na kalimutan na lang ni Bart ito, si Tanya naman ay nakasama ng apat na beses bago ito pagbawalan ng ina dahil sa nagpunta na sila ng Maynila, alam ni Ibarra na masakit kay Bart ito lahat pero tiniis ni Bart ito at hinayaan niya, nnaisip kasi ng binata na maayos niya ang lahat pag nasa labas na siya.
Positibo ang pananaw ng binata at tahimik ang pamumuhay niya sa loob hanggang sa kanyang ika anim na taon ay nabalitaan na lang niya na namatay na din ang kanyang lolo Ibarra, nagkasakit ito at dahil sa mag-isa sa kanyang bahay ay nawalan na ito ng buhay. Ito ang malaking dagok na tumama kay Bart, dahil dito mas naging delikadong tao ito dahil sa sumunod niyang mga taon ang kulungan na kung saan nandoon lang siya para manatili ng tahimik ay naging sarili na niyang kaharian at dito natin sisimulan ang ating kuwento.
Nagdaan ang sampung taon sa buhay ni Bart, sampung taon na kung saan hindi niya alam ang nangyare sa mga kapatid niya, nanay nito at sa babaeng mahal niya. Tanging ang lolo lang niya ang bumibisita sa kanya kapag kaarawan niya para dalan siya ng cake at magbigay lagi ng paalala. “Magpakatatag ka at matuto ka habang nasa loob ka, walang makakatalo sayo pag lumabas ka na” ayan ang laging sinasabi ng lolo niya sa kanya at mukhang sineryoso ang binata ang sinabi ng lolo niya.
Makikita natin matapos ang sampung taon na may naglalakad na babaeng guard, halatang mataray ito at halata ding sexy ang babaeng naglalakad na nakabihis ng isang lady police officer’s uniform. Tumigil ito sa harapan ng isang selda na halatang may laman na apat na tao lang, apat na tao na halatang matindi ang takot na dinadala sa mga kasmaa nila sa kulungan.
“BALAGTAS! LAYA KA NA!” Sigaw naman ng babaeng pulis officer at natawa naman ang tatlong kasama niya sa kulungan. “Boss Tol! Laya ka na daw! Gusto mo na bang lumabas?” Sabi ng isang malaking lalaki at natawa naman ang isang nakasalamin. “Boss! Laya ka na pala eh!” Sabi ng nakasalamin at ngumiti ang isang energetic na lalaki. “Uy gising na Boss Tol! Lalaya ka na!” Sabi naman ng lalaki at bumangon naman ang isang lalaki na may tattoo sa braso niya.
“Ngayon na pala ang pag alis ko, Gado, Ilyas, Pedro, alam niyo na gagawin niyo ah? Paglabas niyo hanapin niyo ako” sabi ng lalaki na hindi mo na makikilala pero halatang ito ang ating bida na si Bartolome Ibarra Balagtas, ang lalaking nakulong ng 10 taon matapos aksidenteng makapatay ng isang lalaki sa club. “Yes Boss Tol! Next year lalabas na kami!” Sabi naman ng lalaking tinawag na Pedro ni Bartolome o Boss Tol sa mga kaibigan niya sa selda.
“Pedro, wag mo ng patagalin pa si Boss, sure ako atat na yang makalabas, Boss! Susunod kami sa inyo wag kang mag-alala” sabi naman ng lalaking naka salamin na ang pangalan ay Ilyas. “Wag ka din mag-alala Boss, sagot na namin ang looban!” Sabi naman ni Gado na malaking mama na sumaludo sa kanya at binigyan lang ng binata ng isang ngiti ang mga kaibigan at sinuotan na siya ng posas para dalhin sa processing room, simpleng proseso lang ito sa mga lalabas at mapapansin na halos buong kulungan ay nagbibigay pugay kay Bartolome.
“Balagatas, kakausapin ka daw muna ni Warden bago ka umalis” sabi naman ng lady guard at natawa si Bartolome dito, “Oh? Ikaw ba Sarge Cathy? Ayaw mo akong makausap?” Sabi ni Bartolome at halata naman namula ang pisngi ng ginang at tumingin ito dito. “Gustohin ko man eh nauna si Warden sayo at siya daw ang huling kakausap sayo kaya pumasok ka na” sabi ng ginang na tinawag niyang Sarge Cathy dahil isa ito sa mga sarhento sa kulungan na ito ngayon at nakatigil sila na isang kwarto sa may itaas ng kulungan.
“Sus, parang di ko kayo kaya ng sabay? Eh sa tingin ko alam mo ang kaya ko” sabi ng lalaki sa lady guard na kasama niya. “Gusto ka daw niya ma-solo eh, pero kung gusto mo, paglabas mo eh dun tayo magbakbakan, sure ako mas masaya yun kasi one to sawa” sabi naman ni Sarge Cathy at natawa naman si Bartolome, “Seryoso ka ba? May pamilya ka sa labas di ba?” Sabi ng binata, “Kung para sayo? At para diyan? Malilimot ko sila” sabi ng ginang at napangisi na lang si Bartolome at tumango ito.
Binuksan naman ni Cathy ang pintuan at makikita ang isa pang babae na nasa 40’s na din na nakaupo sa isang mesa. Makikita ang isang name plate sa mesa niya, Police Major General Marianne Reyes, Jail Warden. “Mam nandito na po si Balagtas” sabi ni Sarge Cathy at tumango ito.”Salamat Sargeant Delos Reyes, iwan mo na kami at tanggalan mo na siya ng posas, lalaya naman na yan” sabi ng Warden at tumango si Sarge Cathy sa kanya tapos tinanggal na niya ang posas sa lalaki.
“Iwan mo na kami, ako ng bahala sa kanya” sabi ni Warden at lumabas naman si Sarge matapos sumaludo at sinara na niya ang pinto. Ngumiti ang warden kay Bartolome na humihimas sa pinag lagyan ng posas. “Hmmmm may ginawa ba ako warden? Naka sampung taon naman na ako di ba?” Sabi ni Bartolome at natawa naman si Warden dito. “Umupo ka muna, mag usap lang muna tayo gaya ng dati bago ka man lang umalis” sabi ni Warden at tinaas naman niya ang kamay niya at umupo na si Bartolome.
“Hmmmmmm mukhang may kailangan…