+the Kingmaker: Ang Simula Ng Kwento

PAUNAWA: Ang mga sumusunod na sulat ay may tema na di angkop sa ilang mga magbabasa. Paumanhin po sa mga maaring magulat sa mga tema ng aking kwento. At Muli lahat ng ito ay gawa lamang sa aking imahinasyon. Salamat at mag-enjoy po sana kayo at magbigay sana kayo ng suggestion para sa mga susunod na chapter. Para din po ito sa kapatid ko! 🙂

+The Kingmaker: Ang Simula ng Kwento

POP POP POP

Maririnig ang mga bote ng champagne na binubuksan sa isang party sa antipolo, malaki ang party at halatang hindi ito basta basta dahil sa malaking bahay ito ginaganap ngayon at halatang mga ma impluwensyang tao ang mga nandito dahil karamihan ay mga politiko ang tao dito dahil makikilala mo sila sa isang tingin lang, mga politiko ng probinsya ng Quezon.

Mga nakangiti ang mga ito sa isang tao lang, ang Don ng Rizal Province, ang kasalukuyang Gobernador ng probinsya ng Rizal na si Gov. Reginald Nares o Reggie Nares. Matipunong 66 years old na ito ngayong gabi dahil kaarawan niya kaya naman lahat ay nandito para mag-celebrate ng kaarawan ng ginoo at syempre lahat ay naghahanda na sa papalapit na eleksyon na mangyayare sa loob ng anim na buwan.

Kasama ni Gov. Reggie ang kanyang butihing asawa na si Luzviminda Nares, o simple na Luz, kilala bilang dating gobernadora ito dahil kapalitan ni Reggie sa pwesto pero mas kilala siya bilang taga pangasiwa ng mga business ng pamilya. Hardwares, Quarrying, Cement Mixing, Heavy Machine rentals, at kung ano ano pang business ang hawak ng ginang kaya naman busy ito at ito din ang rason kung bakit sila nasa politika.

“Happy Birthday po Gov! Balita ko walang planong tumakbo yung kalaban niyo nung nakaraan eh” sabi ng isang mayor ng Taytay Rizal na nginitian lang ni Reggie. “Hmmmm mahirap magsabi, lahat naman tayo nandito dahil gusto natin magsilbi sa kapwa kaya kung may kalaban man o wala eh importante lagi ay maging tapat tayo sa tungkulin natin” sabi ni Gov. Reggie at ngumiti ito sa mga kausap niya.

“Gov! Eh kamusta naman ang magiging takbo sa Antipolo? Balita kasi namin eh ang panganay mo eh tatakbong Congresswoman na at ang asawa niya ang Mayor, sa Cainta naman Mayor pa din ang asawa ng bunso niyo at tatakbo daw na Vice si konsehala?” Sabi naman ng mayor ng Pililia Rizal at ngumiti lang si Gov dito. “Alam niyo eh sila naman ang bahala diyan, di ko sila controlled pero syempre gusto ko din na sanayin sa pag serbisyo ang mga apo ko para handa na sa susunod na henerasyon natin” sabi lang ni Gov at ngumiti ito sa asawa niya at tapos tumingin ito sa dalawang pamilya sa di kalayuan.

Dalawa ang naging anak ng Pamilya Nares, ang una ay si Paula Janice Nares-Correa o mas kilala bilang Paula, gaya ng ama ay nahilig ito sa pulitika at siya ang pinaka batang konsehala ng antipolo dahil dito. Maganda at Matalino pero higit sa lahat ay tuso ang ginang, mga bagay na minana niya sa kanyang mga magulang at dahil din dito ay nakapag pakasal sa isa sa mga pinaka gustong bachelor ngayon sa lugar nila na si Juan Tomas Correa at nagkaroon pa sila ng dalawang anak. Maputi si Paula at halatang alaga ito sa katawan niya kahit na ina na ito dahil kahawig siya ni Marian Rivera sa ganda.

Ang asawa ni Paula ay di naman basta basta, isang kilalang businessman ito at may ari ng chain ng hardware sa Rizal at Quezon Area, si Juan Tomas Correa o mas kilala bilang Tomas ay isang matipuno at gwapong politiko naman siya kaya naman madaming babaeng nagkakandarapa sa ginoo pero kilala ni Tomas ang asawa niya na maraming mata kaya naman di ito napapariwara pa sa ngayon. May dalawang anak ang mag-asawa, isang babae na panganay at isang lalaki na bunso, di na sinundan pa nila Tomas at Paula dahil naging busy na ang ginang.

Ang mga anak ng pamilya Correa ang mga sumusunod, ang Belinda Jane Nares Correa o simpleng si Belle, 20 years old at graduate ng economics ang dalaga sa isang unibersidad sa maynila na sikat naman kaya kilala si Belle bilang pretty girl na matalino din naman. Mahilig itong maglaro sa computer niya at usually nakaharap sa computer ang dalaga pero mana ito sa ina niya na maputi at talaga namang sexy, halatang halata sa katawan ng dalaga ang kasexyhan niya na kamukha pa ni Bianca Yao kaya naman halata din na pinaghihigpitan ito ng kanyang ama para hindi din ito magkaroon ng boyfriend basta basta pero sa pag-aaral niya ay nawala siya puder ng mga magulang niya.

Ang bunsong anak naman nila Paula at Tomas na si JP o John Paul Nares Correa, isang 18 anyos na lalaki at pinaka bata sa mga apo ni Gov. Reggie sa mga anak niya, gwapo at mana sa lolo sa charisma niya kaya naman kilalang matinik ito sa mga chicks at kahit sinong babae ay nagkakandarapa dito. Gaya ng ama ang kapogian nito pero di gaya ng ama ang kontrol dahil bata pa ito at wala pang kinakatakutan ang binata maliban sa kanyang ina at Lolo at Lola niya na lahat ata ay takot dito.

Ang bunso naman nila Gov. Reggie at Luz ay isang pasaway na babae sa kanyang pagkadalaga pero dahil dito ay nabuntis agad siya sa edad na 18 at nagbunga ito ng di lang isa kung hindi dalawang anak dahil nabuntis ito at nanganak ng kambal na maganda. Ang bunsong ito ay si Margaret Jane Nares – Magno o kilala bilang si Maggie, ang pasaway na anak nila Reggie at Luz. Edad ngayon ay 38, medyo kumalma na ang ginang sa pagiging wild dahil na din siguro sa mga anak niya at tumanda na din si Maggie at ngayon ay isa na itong konsehala sa Cainta naman kung saan nakatira sila ng asawa niya. Maganda at Sexy ang ginang na kamukha at kasing sexy ng isang Maggie Wilson at halata ito sa lahat naman ng nakakakita dito.

Ang asawa naman ni Maggie ay si Travis Magno, isang kilalang politiko din sa Cainta, kilala bilang isang straight na mayor ay talagang gustong gusto ng mga tao ito at sa pagkakakilala nila dito ay una ang tao at isang tunay na public servant. Nakilala ni Maggie ang ginoo at binago ng ginang ang buhay niya dahil maliban sa tao ay ang kambal niya ng anak ang focus ng ginoo, lahat gagawin niya para protektahan ang pamilya niya at namangha sila Reggie at Luz dito kaya naman tinanggap nila agad ang ginoo kahit na nabuntis niya si Maggie.

Ang anak naman ng dalawa ay masasabi nating Yin at Yang ng isa’t isa, kung ano kasi ang naging pagiging magkamukha nila ay siya naman pinagkaiba ng ugali ng isa’t isa. Ang isa ay mana sa ama nila na mahilig sa batas at may planong maging abugada, ang isa naman ay mana sa ina nila na ahilig pumarty at maging wild. Parehong maganda at sexy na kamukha ni Christine Samson ang kambal, si Natasha Denise Nares-Magno o simpleng Tasha ang kambal na gustong maging abugada, itim ang buhok nito na may konting highlights lang at laging nakasalamin. Ang kambal niyang party girl naman ay si Christine Luz Nares-Magno o simpleng Tine at siya naman ay medyo mas morena at blondie ang hair color ng dalaga na to na hindi nalilimutang pakulayan lagi.

Mabalik tayo sa party ay makikita na nag-uusap usap ang magkapatid na si Paula at Maggie kasama ang mga asawa nila ngayon, “Hay, Don’t tell me Dad plans to let our kids into politics din ah? Kailangan pa ba? Wala na nga sa ating gumagalaw para sa private businesses natin” sabi ni Maggie at uminom ito ng wine at ngumiti lang ang asawa niya, “I can’t see naman why not, si Tasha lalo, I know she would love to be a politician dahil may aptitude naman siya dito” sabi ni Travis at natawa naman si Paula dito.

“Well totoo yan, sa kanilang apat na magpipinsan eh siya ang tingin kong into politics, I remember tuloy my Belle pero alam ko kawawa siya sa politics if ever, masyadong malambot ang puso niya” sabi ni Paula naman at ngumiti si Travis dito at tumango. “Alam niyo, wag niyong gawan ng daan ang anak niyo at namin, kasi marunong yang humanap ng daan nila” sabi ni Maggie naman at ngumiti lang si Tomas sa kanya, “Relax ka lang Maggie, no one is making their way, alam naman nila na parte sila ng pamilyang ito at ang politika ay ang pinaka importanteng parte nang pamilya natin” sabi naman ni Tomas at tumango si Paula at Travis, “Whatever basta ayaw kong bigyan sila ng non-sense choices in their lives” sabi ni Maggie at uminom naman ito ng alak.

Di naman malayo sa kanilang mga magulang ay makikita ang apat na magpipinsang sila Belle, Tine, Tasha, at JP na nakaupo sa mesa at halatang bored ang apat dahil karamihan ng bisita ng lolo nila ay mga politiko o mga matatanda na kaya naman hindi din sila makakuha ng mga makakausap nila kung hindi sila sila lang naman at nagsalita naman ang bunso sa kanilang apat na si JP.

“Hay naku! Si Lolo lahat ng mga kasama eh mga sing edad niya, wala man lang cutie ladies dito or mga hot mommas!” Sabi ni JP sabay batok ni Belle dito. “Ikaw talaga! Wala ka ng ibang inisip kung di yan, maski birthday ni lolo di mo pinatawad” sabi naman ng ate niya na si Belle na halata naman na sexy ang mga suot nilang dress pero natawa lang si Tine sa ginaawa ng magkapatid.

“Uy, grabe naman yun Ate Belle, tama naman din si JP dun sa sinabi niya, lolo’s friends are either old or not interested with us din naman, grabe ang ganda pa naman ng dress ko oh, backless na silk dress” sabi naman ni Tine na halata namang sexy ang dress na suot niya at natawa naman si JP dito, “Don’t worry ate, sexy ka pa din pero wala, olats tayo dito” sabi ni JP at umiling naman si Tasha sa kanilang dalawa, “Tama na nga yan, its lolo’s birthday at hindi para sa trip niyo so try to enjoy? Kayo din baka mamaya patakbuhin kayo ni lolo” sabi ni Tasha na sexy din sa damit niya pero covered ito.

Nagkatinginan naman ang apat sa sinabi ni Tasha, ilang araw na kasi silang nakikiramdam sa bagay na iyan at mukhang plano nga silang patakbuhin ng lolo nila sa kani kanilang mga lugar pero sa totoo lang ayaw nilang apat dahil mahirap ang maging politiko pero mas mahirap ang maging politiko ng pamilya Nares dahil may standards silang kailangan itaguyod sa kanilang pagtakbo at magiging balakid ito sa kanilang mga plano.

Si Belle na planong magtrabaho sana sa isang NGO ngayong graduate na siya para malayo sa politika, si Tasha na gusto sanang maging abugada muna bago pumasok sa politika, si Tine na gusto lang mag business at ipagpatuloy ang party lifestyle niya, at si JP na gusto sana munang maging party boy na walang problema tutal bata pa siya at nag-aaral pa ang binata. Lahat sila gustong may gawin sa labas ng politika at lahat sila may kanya kanyang rason kung bat ayaw nila sa politika.

Napatingin naman sila sa kanilang lolo ng kunin ang atensyon nila dahil nag speech na ito. “Magandang gabi sa inyong lahat! Maraming salamat sa pagdalo sa aking simpleng handaan para sa aking kaarawan, masaya ako sa dami ng mga kaibigan ko na nandito pa, pero sana wala mung usapang politika ah? Mag enjoy muna tayo ngayong gabi! This is a birthday party after all! Bukas na natin oag usapan ang politika, tayo muna ay magsaya!” Sabi naman ni Gov Reggie sa lahat.

Nagpalakpakan naman ang mga bisita pero halatang pilit ang mga bata na pumalakpak dahil alam nila na malapit ng magdesisyon ang lolo nila tungkol sa kung ratakbo sila pero di lang sila ang half hearted pumalakpak dahil maski si Maggie ay ayaw sa ganitong shows ng papa at mama niya na pakitang tao lang pero ruthless sila pagdating sa eleksyon. Nagpatuloy naman ang gabi ng walang problema pero kapansin pansin ang isang lalaki na kabulungan ni Gov. Reggie na para bang may sinasabi ito.

Siya si Jeremiah Abrams o simpleng si Jerry or Sir Jerry sa mga tao ni Governor, isang lalaking tumanda sa edad na 58 na di kilala ang tatay dahil nabingwit ng isang African american soldier ang ina noon, buti na lang nakuha ang last name ng ginoo at lumaki siya…