“Ma wala ka atang lakad?”
“Tanga ka ba? Kita mong may benda ang paa!”
“Anong nangyari?”
“Wag mo akong paki-alaman.”
Iiling iling nalang na lumayo dito, siguradong mainit ang ulo dahil hindi makaka-inom o maka pag drugs. Pa-akyat na siya nang muling magsalita ang ina.
“Blake puntahan mo nga si Carmen, kunin mo yung package ko.”
“Anong package?”
“Ikaw akala ko matalino ka kunwari pero ang tanga-tanga mo. Package nga di pag dating dito saka ko malalaman.”
“Sige ma, maliligo lang ako.”
Inihanada lang niya ang mga kakailanganin ni Beverly bago naligo at tinungo ang lugar kung saan ipinapakuha ng ina ang package na sinasabi nito. Nang mahawakan ang isang box na sing laki lang ng kahon ng sapatos ay kinabahan siya, lalo na nga at ang kinuhanang lugar ay tipikal na nakikita sa mga pelikula na kuta ng mga gumagawa ng illegal.
“Mag ingat ka!”
Sa sinabi nito ay bahagya siyang nagduda kahit na nga normal lang naman na sabihan ang isang tao ng ‘mag-ingat’.
Winalang bahala nalang niya ang sinabi nito, dala ang package na inilagay sa isang paper bag ay naglakad pabalik sa bahay. Ilang sakay pa at bumaba na siya sa isang eskinita papasok sa kanila nang biglang makarinig ng serena ng pulis at pag tapat sa kanya ay nagsibabaan. Litong lito siya nang hablutin ng mga ito ang dala at isalya siya sa pader bago kinapkapan.
“Boss ano ito?”
“Gago, maang-maangan ka pa!” saka ibinulat-lat sa harap ang laman ng box.
“Chief ipinakuha lang sakin yan, hindi po akin yan.”
“Lumang style na yan, sino ang contact mo?”
“Sir wala talaga akong alam, maawa kayo may pamilya po ako!”
“Ulol mo! Bulok ka sa kulungan ngayun sana nag call boy ka nalang hindi droga!”
“Chief please, wala talaga akong alam dito.”
Kahit anong paki-usap niya ay hindi siya pinakinggan ng mga ito, ang wallet at cellphone ay kinuha. Halos kaladkarin siya papasok sa mobile car hanggang madala sa presinto. Nagpasalamat nalang din at hindi siya nakatulad sa mga nababalitang pinatay kahit na walang kalaban-laban.
Ipinasok siya sa selda, may mga kasama siya na mga mukhang durogista talaga kaya inihanda ang sarili.Tahimik lang naman ang mga ito, hindi niya alam kung ilang oras na nakakulong at walang magawa kung hindi maghintay kung ano ang gagawin sa kanya.
Hindi makapaniwala bukod sa pagbubugaw sa kanya ng ina upang mag trabaho sa isang gay bar at ibubulid pa siya nito sa kapahamakan. Paano kung nanlaban siya, paano kung pusakal na pulis ang kumuha sa kanya, paano kung napatay siya?
Gusto niyang maiyak sa galit, pumapasok ang imahe ni Beverly sa isipan at ang magiging anak nila. Ganoon na ba kawalang puso ang babae, ganoon na ba siya kawalang halaga dito?
Gusto niyang magalit sa ama na hindi niya nakilala at wala kahit anong impormasyon, galit siya sa mundo dahil parang hindi siya nag-eexist.
“Lopez!”
Nagulat pa siya ng tawagin siya ng lalaki, binuksan nito ang rehas at hinayaan siyang lumabas. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o matatakot.
“Pasalamat ka bata may sumagot sayo, pinalabas na tawas lang ang dala mo.”
“Chief sino?”
“Nasa labas sa Van na itim.”
Heavy tinted ang sasakyang itinuro nito, gusto na niyang kumaripas ng takbo pero alam niyang lalo lang siyang mapapahamak. Hindi siya maaring mamatay dahil sa mag-ina niya, kaya kung sino man ang nasaloob nang van ay haharapin niya. Pakiki-usapan o kung kailangang mag maka-awa siya dito ay gagawin niya.
Pagbukas na van ay isang lalaking naka uniporme ang nasa loob, naka shades kahit na madilim at bumuga sa kanya ang malamig na hangin galing sa aircon ng sasakyan.
“Good Evening Sir!”
“Pumasok ka!”
Agad namang siyang sumunod nang marinig ang ma autoridad na boses na opisyal, naupo siya isang upuan ang pagitan nila at saka hinarap ang driver para umalis na. Pinaghalong lamig ng sasakyan at takot na nagpapanginig sa katawan niya. Sa tanang buhay niya ay hindi pa niya naranasan ang ganito.
“Di ba anak ka ni Suzette?”
“O-opo sir.”
“Nakabuntis ka daw.”
“Apat na buwan na po ang tiyan ng MISIS ko.”
Idiniin niya ang misis upang ipa-alam na pina-nagutan niya ang babae, lahat nang aspeto para ipakita dito na mabuti siyang tao ay ginagawa niya.
“Wag kang matakot, basta makisama ka lang at sundin ang ipapagawa ko.”
“Sir, kahit ano. Wag nyo lang akong sasaktan o papatayin.”
“Kung maayos kang kausap ay walang ganyang mangyayari.”
“Salamat Sir!”
Hindi na ito sumagot, mahaba haba ang biyahe pero hindi na nagsalita ang opisyal.
Paghinto nang van ay pinagbuksan sila ng isang guard at sinenyasan siyang bumaba, sumunod ang opisyal na nuon lang niya lubusang nakita sa liwanag. Mukha itong disente kahit mukhang istrikto, mataas siya ng ilang pulgada, hindi din ito katulad ng ibang opisyal na lalaki ang tiyan kahit hindi naman masasabing fit.
Lumakad ito papasok sa bahay, hindi ito ganoon kalaki at hindi di naman maliit. Sakto lang kung baga, sa loob ay maayos ang simpleng sala kung saan ay makikita din ang hagdan papunta sa ikawalang palapag.
“Bahay naming ito, maupo ka maghahanda lang sila ng pagkain.”
Patingin-tingin siya sa paligid, maraming tanong sa isipan lalo na kung bakit siya dinala sa bahay nito. Ilang minuto din siyang naka-upo bago narinig ang yabag pababa…