The Last Gigolo 48

“Anak tumawag ang mommy mo,” balita ni Nanay Meding.

“Bakit daw?”

“Hindi sinabi, pumunta ka daw sa kulungan.”

Ayaw sana niyang puntahan pa ito dahil sa natanim na galit sa ina pero sa paki-usap at paliwanag ni Nanay Meding ay tinungo niya ang kulungan dahil sa huli ay ina pa din niya ito.

“Bakit mo ako pinapunta dito?” tanong ng niya.

Sa halip na sumagot ay inihagis ang isang newspaper.

“Baka gusto mong hanapin ang hayop mong tatay, ayan mayaman na pala.”

Titig na titig ang lalaki sa litrato ng lalaking sinasabi ng inang ama niya.

‘CEO of Clarksons Industries-Nathaniel Clarksons’

Matikas ang lalaki, parang nakikinita niya ang itsura pag inabot niya ang edad ng sinasabing ama. Hindi na niya namalayang wala na pala ang ina, wala ba talaga siyang halaga dito, pero nagpasalamat nalang din na kahit papa-ano ay nalaman niya kung saan ba siya galing.

Nakarating siya sa bahay nang wala sa sarili, napaka raming naglalaro sa isipan niya. Halo-halo at nakakalito. Parang napakabata pa niya para pagdaanan ang ganitong sitwasyon.

Sinabi niya sa asawa at kay Nanay Meding ang nalaman, tahimik lang bago iminungkahi ng matanda napuntahan ang ama na sinang-ayunan naman ni Beverly. Dagling nawala sa isipan si Amor, inayos ang sarili para pumunta sa opisina ng Clarksons Industries.

Malaki ang building, modern at halos salamin ang lahat. Bago makapasok ay hinahanap siya nang appointment na wala naman, hindi naman niya pwedeng sabihing anak siya nito.

“Sir sorry, Mr. Clarson will not accept a visitor without an appointment.”

“It’s okay, thanks!”

“Have a good day sir!”

Laglag ang balikat na naglakad palabas nang may narinig na tumatawag sa kanya.

“Blake pare!”

“Gani! Gani right?”

“Yes tol! Kumusta?”

“Okay naman tol, dito ka nag tratrabaho?”

“Yeah, mahabang kwento.”

“Wow, bigatin ka na pala.”

“Ikaw musta? Sino hanap mo?”

“Ah eh, magbabakasakali lang baka makapasok ng trabaho.”

“Really! Great, I can help you!”

“Talaga? Sige nga tol.”

“May CV ka ba?”

“Ah eh, naubos na kasi naipamigay ko sa mga pinag-applyan ko kanina.” Pagsisinungaling niya.

“No worries, come I will introduce you to my dad. Sa dati ka pa din ba? Saan na nga yun?”

“Ah sa Elements, pero hindi na ako dun.”

“Oh really, anong experience mo?”

“Admin, Marketing and Operations yung huli ko e.”

“Sige, well figure out kung saan ka pwede.”

“Salamat.”

Napatingin sa kanila ang secretary nang dumaan sa tapat na binigyan nalang niya ng isang ngiti.

28th floor nang huminto sila, agad lumabas si Gani at tinahak nila ang dulo ng maluwag na hall kung saan ay may reception na may secretary.

“Good morning sir!”

“Is dad inside?”

“Yes sir.”

CEO

“Nathaniel Clarson si your dad?”

“Yes!”

Itinulak nito ang pinto at walang paalam na pumasok.

“Dad!”

Nagyakap-tapikan ang dalawa habang siya ay parang tuod na nakatitig sa mga ito. Nabalik lang siya sa sarili nang tawagin ni Gani.

“Dad this is my friend Blake, he is looking for a job.”

“Hi Sir! Nice meeting you!”

“Hi Blake, nice meeting you too. Hmmm, you have CV?”

“Naubos daw dad sa mga pinasahan niya kanina, I told him to send nalang via email para mahanapan natin ng posisyon.”

Napatingin ang daddy nito sa kanya na parang nagtatanong pero tumango lang si Gani.

“Okay, send your CV I will see what I can do.”

“Dad!”

“Aethan! Okay, check in your department baka may need kayo.”

“Yes! Thanks dad.”

Inabot na ni Nathaniel ang coat nito na naka sampay at isinuot.

“I have a meeting, if you can come back tomorrow so we can finalize.”

“Okay sir! Thanks!”

“No problem, I have to go.”

“Bye dad, see you around.”

“See you, bye Blake.”

Lumabas na din sila, pero ibang pinto ang daddy nito habang sila ay sa dinaanan nila kanina.

“Private lift.”

“Ah okay.”

“Let’s have coffee.”

“Sige.”

Sa coffeshop ay ikinuwento nito nang kaunti ang buhay niya, pati kung paano siya natunton nang ama nila. Gusto niyang sabihin dito na magkapatid sila pero mahirap ipaliwanag. Nagpasalamat nalang din na kahit papaano ay napalapit sa ama at hinintayin nalang na magkaroon nang tamang pagkakataon para masabi dito.

Kinabukasan ay nagbalik siya, tama si Aethan dahil may posisyon na siya na kasama ang lalaki. Kina-ilangan niyang bumalik sa dating opisina para pormal na magpa-alam. Dahil kilala talaga ang Clarkson’s kaya nakita ni Rolly na magandang pagkakataon ito para umasenso ang lalaki. Nalungkot man ay naging maluwag sa dibdib ang pag-tanggap sa resignation nito.

“Sir kung may pagkakamali man ako at kung may pagkukulang, hope na ma-intindihan nyo. Salamat sa tiwala.”

“Kahit ano pa siguro ang magawa mo Blake ay hindi ko makukuhang magalit sayo, alalahanin mo nautang ko ang buhay ko sayo.”

Tango lang ang naging tugon niya.

“Basta ninong ka pa din ni Baby.”

“Walang problema sir.”

Inalis na din niya sa isip na sa kanya ang dinadala ni Amor, hindi na din niya sinubukan pang makita ito para mabaon nalang sa limot ang kabanata ng buhay na nakasama ito.

Marketing Department siya na assign, dahil may procedure na at malakas ang kasama ay hindi na nahirapang mag-adjust. Wala namang naging reklamo ang mga ito dahil talagang asset din siya ng departamento. Naging sanggang dikit din sila ni Aethan kahit na limited pa din ang alam niya sa buhay nito maliban sa mga kapatid na alam niyang kapatid din niya na hindi pa nakikita.

“Alam mo tol, hindi naman ako madaling magtiwala pero ang gaan ng loob ko sayo kahit noon pa.”

“Salamat nalang, siguro dahil pareho tayong guwapo hahaha.”

“Baka nga hahaha! Baka naman long lost brother talaga kita. Hawig daw tayo eh.”

“Malay mo hahaha! Mukhang nagkalat ang erpat mo eh.”

“Hahaha! Parang ako din hahaha!”

Natigilan siy…