The Last Stand: Zombie Apocalypse 8

Isang Paalala: Ang kwentong iyong matutunghayan ay pawang kathang isip lamang at alinsunod sa mapanukso at makulit na imahinasyon nang may akda. Ang mga pangalan nang mga tauhan, lugar at ang bawat eksena o kaganapan, kung may pagkakahalintulad man sa tunay na mga pangyayari ay hindi sinasadya o nagkataon lamang.

The Last Stand, Zombie Apocalypse: another survivors

Kinaumagahan ay nagplano kame kung anu ang gagawin namin sa sa mga susunod na araw at napagplanuhan namin na unahin ang kumuha ng mga supplies.

Sinimulan namin iassess ang paligid at hanggang saan ang maaari namin bakuran.

Dahil nga sa may kalayuan sa bayan ang farm ay wala kame masyado nakikitang mga zombie sa paligid. Kung meron man ay mga naligaw na zombie.

Halos tanghali naman na nung natapos kame magassess kung saan kame magtatayo ng mga pansamantalang mga bakod nang nakabalik kame sa bahay.

“Sir Fred, kumusta ang lakad? May nakita ba kaung mga zombie.” Ang tanong ni ate Trisha.

“Meron naman pero mangilan ngilan lang sila. Hindi katulad sa bayan na madame.” Ang sagot ni Tito Fred.

“Kelan niyo balak pumunta ng bayad para kumuha ng mga supplies. Tingin ninyo pwede na yung bulb wire lang. Mas maganda siguro kung matibay na wall to.” Ang sabi naman ni Ate trisha.

“Temporary lang naman yun. Hanggang hindi natin alam san kukuha ng gravel ay yun muna gagamitin natin. Pero bukas kasama na cemento sa kukunin namin.” Ang sagot ni tito Fred.

“So kumusta ang anak ko sa training na ginagawa sa inyo?” Ang tanong niya.

Nagsimula na din si Karen sa training niya dahil sa ayaw niya maging pabigat sa grupo.

“Okay lang naman siya medyo nahirapan lang siya sa una pero nakaadjust naman siya.” Ang sagot ni ate Trisha.

“Asan siya ngaun” ang dagdag pa tanong ni tito.

Hindi na nagsalita pa si ate trisha at dinala na niya si tito Fred sa kaniya. Dito nakita ni tito na nakaconcentrate siya.

Gusto man niya kausapin si Karen at kumustahin pero binalaan na siya ni Ate Trisha na wag abalain habang ginagawa ang breathing technique at hayaan sina Jenny at Lovel dahil alam nila ang ginagawa nila.

Hinayaan naman niya ang ginagawa nila at tinignan ung iba. Nakita na din niya na ang ilan ay nagttraining na din.

Kame naman ni James ay nagpaalam kay tito na lalabas para magscout sa nasabing bayan. Para paglabas namin kinabukasan ay alam na namin kung saan kukunin ung bagay na kailangan namin at para na rin malaman kung may panganib na meron dito.

Sa una ayaw niya pumayag dahil mapanganib pero nung narealize niya na mas maganda na may mauna nang magtingin ng kakailanganin ay mas mapapabilis sila kinabukasan. At alam niya na malakas kame ni James at kayang kaya na namin ang sarili namin.

Sa ganitong kadahilanan ay pumayag naman siya sa bandang huli.

Nang makarating kame sa unang bayan ay nagsimula na kameng magtingin. Inisa isa naman namin ni James ang bawat lugar, mga bahay at pinapatay anumang mga zombie na madadaanan namin.

Pero habang ginagawa namin un ay may napapansin ako sa kanila.

Ilan sa mga zombies ay mas malakas sa iba. Ikinabahala ko naman yun kaya sinabi ko na kay James.

“James, may napansin ka ba?” Ang tanong ko.

“Oo Jacob. Mas malakas yung iba sa pangkaraniwang zombie. Hindi kaya lumalakas na yung virus na nasa kanila.” Ang sagot niya.

“Napansin mo din pala. Mabuti pa tapusin na natin ang ginagawa natin. Hanapin na natin ang kailangan natin para makaalis na tayo sa lugar na ito.” Ang pahayag ko naman sa kanya.

“Kailangan makalevel up na tau para malaman natin ang kakayahan natin.” Ang dagdag ko

Nagpatuloy na kameng dalawa ni James. Dahil din sa nasasanay na kame ni James sa labanan ay hindi na din kame nahihirapan. Salamat na din sa matalas na mata ni James at matalakas kong pakiramdam.

Hindi nagtagal ay nakita na namin ang hinahanap namin dalawa ni James at minarkahan sa mapang hawak namin. Hindi din nagtagal ay nakahanap din kame ng iba.

Pinasok na namin ni James ang mga bodega at nakita namin na andito nga ang mga kakailanganin namin para makagawa ng pansamantalang bakod.

Inisa isa namin ang mga warehouse at nakita namin ni James na completo lahat sila.

Mga bandang hapon na nung natapos kame ni James sa pagmamatyag. Maliban lang sa napansin namin ni James ay wala naman na kameng nakitang maaaring makapagpahamak sa amin.

Habang kame ay pauwe na ni James ay nakita namin na may ilang ilang zombie na nagtutungo sa iisang direksyon.

“Jacob, hindi mo ba napapansin yun. Yan ang nadaanan natin kanina at naglalakad lang sila paikot ikot pero ngaun ay naglalakad sila patungo sa iisang direksyon.” Ang sabi ni James.

“Mabuti pa sundan natin sila.” Ang sabi ko naman.

Sinundan namin ang mga zombie at nakita namin na pinalibutan nila ang isang bahay at nakita namin na sinusubukan nila etong sirain.

“Hindi kaya may mga survivors diyan?”ang saad niya.

“Maaari nga. Teka icheck ko lang.” Ang sabi ko.

Chineck ko naman ang nasa loob at may naramdaman ako na gumagalaw sa loob. Sigurado ako na mga tao un pero hindi ko alam kung may nakagat ba sila o hindi, kung masama o hindi.

Napansin ko din na may dalawang batang nakatago sa isang sulok at takot na takot samantala ang isang kasama nila na tingin ko ay babae, ang lakas loob na lumabas para tangkain na labanan ang zombie.

Dahil sa nakita ko ay nagdecide akong tulungan silang dalawa. Ganun din ang ginawa ni James. Kahit papano ay ayaw namin may mangyari sa dalawang bata.

Agad naman namin ang inattract ang attention ng mga zombies na nakapaligid sa bahay at inisa isa namin silang patayin.

Kahit na madame sila ay hindi na kame nahirapan ni James. Naramdaman din namin na unti unti kame ulit na lumalakas.

Pagkatapos namin patayin ang mga zombies ay kumatok na kame sa pintuan ng bahay at sinabing ligtas na sila sa kapahamakan.

Nung una ay walang sumasagot mula sa loob. Naintindihan naman namin ni James ang pagtahimik nila kase baka inaakala nilang dalawa na masama kameng tao.

“Hindi po kame masasamang tao. Gusto lang namin kau tulungan. Sige po. Alis na po kame. dadaan kame bukas dito at magdadala ng makakain ninyo.” Ang sabi ko pagkatapos ay tumalikod na ako.

Gabi na kase kaya hindi ko na patatagalin pa ang pagstay namin ni James sa lugar na ito.

Pagtalikod namin ni James ay tsaka lang bumukas ang pintuan at nakita namin ni James ang isang dalagang ubod ng ganda. tingin namin ay nasa 20’s palang eto.

“Ahm, maraming salamat sa tulong ninyo. Kung hindi dahil sa inyo baka napano na kame. Maraming salamat.” Ang pasasalamat ng babae.

Pagkasabi naman niya yun ay pinapasok niya kame sa loob at tinawag ang dalawang bata na agad naman lumabas ng sabihan silang dalawa na wala nang zombie sa labas.

Sinabi din niya na kameng dalawa ang tumulong sa kanila.

“Maraming salamat po.” Ang sabi ng mga kambal.

Napatingin kame sa kanila dahil ang cute nilang dalawa.

“Ahm, pamangkin ko ang dalawang batang eto. Hindi ko sila anak.” Ang paliwanag niya.

Mukhang iba ang nasa isip niya.

“Sorry, hindi naman namin iniisip yun. Ahm. Ako nga pala si Jacob at siya naman si James. Kayo.” Ang sabi ko at nagsimulang ipakilala ang sarili.

Naghello naman si James pagkasabi niya yun.

“Ako nga pala si Andrea at etong dalawang kambal ay si Tanya at si Mylene.” Ang pagpapakilala naman ni Andrea.

“Kung hindi mo mamasamain, Nasaan pala ang magulang nila Andrea at magulang mo ” ang tanong ni James.

“Yung magulang ko, naging zombie sila pagkatapos ng pangyayaring yun. Ang magulang naman ng dalawa ay nakain ng mga zombie pagkatapos nilang isakripisyo ang sarili nila para kame makaligtas.” Ang paliwanag ni Andrea.

“Taga dito ba kayo sa bahay na ito?” Ang tanong ko sa kanila.

“Oo, dito talaga kame nakatira sa bahay na eto.” Ang sagot niya.

“Kaya pala, wala kameng nakitang zombie sa loob. Lahat kase ng bahay na pinasok namin may mga zombie.” Ang sabi ni James.

“Nung una meron. Dahil sa ginawa ng mga kapatid ko ay napatay at natanggal namin ang mga zombie sa loob. Binarekadahan namin ang lahat ng maaaring pasukan ng zombie. Nung nagsimula ang pangyayaring to marami pa kameng kapitbahay pero habang tumatagal ay unti unti na din silang nalalagas hanggang kame nalang ang natitira.” Ang paliwanag ni Andrea.

“Asan ang mga kapatid mo. Bakit tatlo nalang kayo?” Ang tanong ko.

“Gaya nga ng sabi ko. Isinakripisiyo nila ang sarili nila para kame ay maligtas. Ang ilan din sa kanila ay sinubukan maghanap ng makakain namin pero hindi na nakabalik. Kame nalang tatlo ang natitira sa bahay na eto. Sinubukan kong lumabas para kumuha ng makakain namin pero agad akong nakita ng mga yan kaya sinugod nila kame. Kung hindi kau dumating baka pinagsasaluhan na nila kame.” Ang pahayag ni Andrea at mangiyak ngiyak na.

Tumigil naman na kame ni James kakatanong tungkol sa pamilya nila baka tuluyan na silang umiyak.

Hindi nagtagal ay nakadinig kame ng….

Growll!!!!

Napatingin kame ni James sa kambal.

“Sorry, kung may pagkain kau diyan maaari ba kameng humingi. Kahapon pa kame hindi kumakain.” Ang pakiusap ni Andrea.

Naawa naman kame ni James kaya nagbigay kame ng pagkain konti lang yun pero ibinigay namin sa kanila.

“Teka lang kunti pa yan. Kuha lang ako ng makakain natin mamaya. May nakita naman ako na grocery.” Ang sabi ko.

“James, maiwan ka nalang at magbantay dito.” Ang utos ko kay James.

Hindi naman nagreklamo si James at sinabihan ako na mag ingat dahil madami dame din ung zombie na nakapaligid sa grocery.

Nag alala naman si Andrea dahil nag iisa lng akong pupunta pero sinabihan siya ni James na okay lang sa akin. Kahit na sinabihan siya ay hindi pa rin nawala ang pag alala niya.

Ilang sandali pa ay nakabalik na ako, dala dala ang mga pagkain. Hindi gaanong madame ang dinala ko. Tamang tama lang para ngaun gabe at kinabukasan. Nagdala din ako ng konting snacks namin at ng mga bata.

Tuwang tuwa sila ng makita nila ang mga pagkain.

Hindi naman nagreklamo si Andrea na hanggang bukas lang ang kinuha ko. Alam niya kase na kung madame akong dinala ay maaaring hindi ako makagalaw ng maayos.

“Salamat, kung hindi talaga sa inyo baka napahamak na kame ng pamangkin ko. Hindi ko alam pano makakabawi sa inyo.” Ang saad ni Andrea.

“May ginagawa kameng base sa farm na may kalayuan dito. Siguro mas maganda kung sumama ka nalang sa amin bukas. Darating bukas ang mga kasama namin para kumuha ng supplies.” Ang sabi ko sa kanya.

“Maaari ba kame dun?” Ang tanong ni Andrea.

“Oo pwede. Bawal lang ang tamad dun. Kung marunong kang magtanim o magalaga ng hayop. Pwede ka na dun.” Ang sabi din ni James.

“Marunong naman ako magluto, may karendirya kase kame before ng sakuna at ako tagapagluto. Marunong din ako magtanim.” Ang paliwanag niya.

“Okay, pwede na yun. Sama ka sa amin kinabukasan. Wag ka mag alala sa safety, marunong kame makipaglaban sa mga zombies.” Ang pahayag ko.

“Maraming salamat. Hayaan ninyo at hindi ako magiging pabigat sa inyo.” Ang pahayag din niya.

Ngumiti lang kame ni James.

“Kame na bahala magbantay dito. Maaari na kaung matulog kung yan ang gusto mo.” Ang pahayag ko pagkatapos namin kumaen.

“Nakakahiya naman sa inyo. Kayu pa magbabantay sa amin.” Ang sabi niya.

“Ayos lang sa amin. Bantayan mo na lang ang mga bata.” Ang sabi ko ulit sa kanya.

Pumayag naman na siya at umakyat siya sa taas para patulugin ang mga bata. Ilang sandali ay bumaba ulit si Andrea.

“Ahm, eto pla mga damit ng kapatid ko. Magpalit muna kayo. Panay dugo na kase ang suot ninyo. May banyo dun sa Kusina.” Ang sabi niya

“Salamat. Cge na kame na bahala dito.” Ang sabi ko naman.

Bago naman siya bumalik ay itinuro niya ang isang kwarto kung sakaling gusto namin magpahinga.

Nauna ko nang pinaligo si James. Habang naliligo si James ay tinext ko naman si Jenny at tinanong kung kumusta na sila.

“Ayos naman kame dito hon. Kaw? Kumusta kayo diyan. Akala namin babalik kayo ng hapon.” Ang tanong niya sa akin.

“Ah. May nangyari kase. May nakita kameng survivor dito sa bayan at kamuntikan na silang napahamak kung hindi kame dumating.” Ang paliwanag ko.

“Ah ganun ba. Madame ba sila? Babae ba sila? Baka akitin ka niyan huh. Lagot ka sa amin ni Lovel.” Ang saad niya.

Natawa naman ako sa naging reaction ni Jenny. Selosa nga talaga si Jenny.

“Selos ang mahal ko. Buti ndi kayo nag aaway ni Lovel.” Ang sabi ko.

“Lovel is different. She is not.” Ang reply lang niya.

“Hay naku hon. Walang mangyayari sa amin dito.” Ang sabi ko.

“Okay, sabi mo yan. Nga pala. Tito is asking kung saan kayo magkikita bukas.” Ang tanong niya.

“Itext ko nalang siya hon. So how’s tito, alam ko chickboy si tito baka naman.” Ang sabi ko pero hindi ko tinapos ang text ko.

“Tse!!! Hindi no. Kung anu anu naiisip mo diyan, hon. Tingin ko, pumoporma siya kay ate Trisha. Lagi niya nilalapitan at medyo iba din ang tingin ni sir sa kanya.” Ang paliwanag niya.

“Hahaha, sexy naman kase ni Ate Trisha. Wag na kau sumama bukas para may magbantay din bukas.” Ang sabi ko.

“Yan din ang sinabi ni sir Fred, sila nalang daw ang magpunta diyan. Dadalhin din nila ung lagayan ng gasolina para may extra dito. dalawa ata yun kaya ipapagamit namin ung LTV natin.” Ang pahayag niya.

“Ah okay. Mabuti pa nga madami kame nakitang gasolinahan dito.” Ang pahayag ko naman.

“Cge na hon, hinahanap na ako ni lovel. Oo nga pala. Sa susunod din si Lovel na itext mo, magtampo na yun sa iyo pag ako ulit.” Ang saad ni Jenny.

“Okay hon. Girls night ulit. Gerger na ulit. Ahahaha.” Ang reply ko at pangaasar sa kanya.

“Tse!!!!” Ang sagot lang niya.

Pagkatapos namin mag usap ni Jenny at naligo na din ako. Medyo naaasiwa ako sa amoy dahil panay dugo eto.

Habang naliligo ako ay may naramdaman ako sa paligid na umaaligid sa bahay namin. Palipat lipat siya ng pwesto at naghahanap ng daanan.

Agad ko naman tinapos ang paliligo ko at pinuntahan ko si James.

Naramdaman din niya iyon at nakita na niya ang taong umaaligid sa lugar.

“James, anu sa tingin mo alam na ba niya na may tao dito?” Ang tanong ko.

“Siguro, kung hindi, bakit pa siya magmamatyag.” Ang sabi ni James.

Dahil nga din sa dilim ay hindi basta basta nakikita ng tao sa labas ang nasa loob samantala ay malinaw ang tingin namin sa kanya khit hindi kame gagamit ng flashlight.

Ilang sandali pa ay naramdaman namin na pababa si Andrea.

Agad ko siya nilapitan at sinabihan na wag maingay dahil may taong nagmamatyag sa labas. Sinabi namin na bumalik na siya sa kwarto at bantayan ang mga bata pero nakiusap siya na ituro kung asan siya para makita at makilala niya kung sino.

Itinuro naman namin kung saan yung pwesto ng lalaki.

Nanlaki naman ang paningin niya ng makita at makilala ang lalaki.

“Shit, wag niyo papasukin ang taong yan. Galing yan sa kabilang bayan at wanted sa kasong rape.” Ang sabi niya.

“Sorry, baka ako ang target niyan. Nagkita kame kase nung nakaraan sa isang store habang kumukuha ako ng pagkain namin ng mga bata. Nagtangka siya lapitan ako nun kaso nabulilyaso dahil tumakbo at nakita siya ng mga zombie. Baka nasundan ako dito.” Ang paliwanag ni Andrea.

“Alam mo ba kung may ibang grupo na nabuo na dito.” Ang tanong ko.

“Wala naman, nung nagsimula ang gulo nun. Ilan sa mga tao dito ay nagsialisan din.ang natira lang nun ay kame at mga ilang kapitbahay namin. May mga dumaan din na taga ibang bayan dito pero wala sinabi na may mga grupo ng tao na nagpaalis sa kanila.” Ang paliwanag niya.

Binantayan naman namin ni James ang lalaki samantala ay bumalik na si Andrea sa kwarto nila ng pamangkin.

Dahil sa hindi pa umaalis ang lalake sa pwesto niya ay nagdecide akong gumawa ng paraan na umalis ang lalaki sa kinauupuan niya.

Dumaan ako sa likod kung saan hindi niya ako makikita. sinarado ko naman ng maayos ang pintuan para walang ibang makapasok.

Agad akong kumuha ng bato at naghanap ng maaaring pagtaguan.

Nang makahanap na ako ay ibinato ko ang hawak kong bato sa sasakyan na nasa tabi lang ng tao. Ayaw ko nun dungisan ang kamay ko sa taong yun kaya gagamitin ko ang mga zombie.

“Kung ayaw mo umalis ng kusa ay ako ang magpapaalis sa iyo ng pwersahan.” Ang nasa isip ki.

Pagkabato ko naman ay biglang tumunog ang alarm ng sasakyan nasa tabi niya.

Nagulat ang lalaki ng biglaan nalang tumunog ang alarm ng sasakyan at nakita namin ni James na nataranta eto.

Hindi niya alam ang gagawin niya.

Nang marinig ng mga zombie ang alarm ay agad naman sila nagtakbuhan sa sasakyan.

Tatakbo naman na sana ang lalaki pero huli na para sa kanya dahil napaligiran siya agad ng mga zombies at agad siyang nilapa.

Rinig na rinig namin ang sigaw ng lalaki nilalapa ng buhay ng mga zombie.

Makalipas ng ilang sandali ay nawala na ang sigaw at alarm ng sasakyan kaya dahan dahan akong bumalik sa bahay at sinigurado na nakasarado ng maayos ang pintuan.

Pagbalik ko ay nadatnan ko si Andrea at mga bata sa sala at takot na takot at kasalukuyang pinapakalma ni James at andrea ang mga bata.

Sinabi ko naman sa kanila na pinaalis ko sa bahay ang isang masamang tao. P…