The Nerd’s Hot Encounter | Chapter 1

Si Serene ay never pang nagkaboyfriend sa buong buhay niya. Ilang beses niya nang sinubukan na makipagkita sa mga lalaking nakaka-match niya sa dating app, ngunit bigo pa rin siya dahil hindi siya magustuhan ng mga ito. Hanggang sa isang araw ay nakilala niya ang napakaguwapong si Danny sa kompanyang pinag-apply-an niya ng trabaho. Si Danny na kaya ang maging katuparan sa kanyang matagal nang minimithi na magka-boyfriend?

—–

CHAPTER 1- THE HANDSOME STRANGER

Hello. My name is Serenity Santos. I’m 25 years old at kaka-graduate ko sa lang sa San Pedro University where I took Bachelor of Science in Information Technology.

Simple lang akong babae, maputi at hindi katangkaran. Hindi ako katulad ng iba na mahilig magpaganda. Okay na sa ‘kin ang ordinaryong t-shirt at jeans lalong-lalo na kung lalabas ng bahay. Parte na rin ng buhay ko ang eyeglasses ko na hindi ko mahubad-hubad dahil sa malabo kong mata.

Boyfriend? No boyfriend since birth ako. Ewan ko ba sa mga lalaki. Siguro talagang hindi ako maganda sa paningin nila. Sinubukan ko nang makipag-meet up sa mga nakikilala ko sa Facebook, pero pagkatapos no’n ay bigla na lang nila akong iba-block. Iba raw kasi ang hitsura ko sa personal kaysa sa profile picture ko na alagang filter ng beauty app.

Kaya hayun, hindi na ako umasa pa na magkaka-lovelife ako. Itinuon ko na lang ang pansin sa paghahanap ng magandang trabaho na pasok sa pagiging computer programmer ko.

One day, katatapos ko lang sa final interview no’n sa isang sikat na IT company. Sinabi sa ‘kin ng HR na maghintay muna sa lobby dahil pipiliin daw sa aming limang nag-apply kung sino ang tatanggapin bilang assistant software developer.

Kung hindi nyo nalalaman ay ilang linggo kong pinaghandaan ang interview na ‘yon. Naka-dalawang trial kami ng examination, plus dalawang interview. Gusto ko talagang makuha ang trabaho na ‘yon. Hindi lang dahil sa magandang suweldo, kundi dahil na rin sa mag-i-enjoy ako. Ang job na ‘yon kasi ang isa sa goals ko.

Hanggang sa lumipas na nga ang isang oras at tinawag na ng HR isa-isa ang mga nakapasa. Unfortunately, hindi ako nabanggit. Sa limang ‘yon ay kamalas-malasang dalawa lang ang napili. Mangiyak-ngiyak tuloy akong umalis sa kompanya bitbit ang resume ko na halos lukutin ko na ng aking mga kamay sa sobrang pagkabigo.

Sa inis ko’y basta ko na lamang ibinato iyon, ngunit hindi sinasadyang may natamaan ako.

“Aray!” daing ng isang lalaki.

“Naku! S-sorry!”

Pagkaharap ko sa kanya ay tila lumakas ang hangin sa paligid at nilipad ang buhok ko. Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko. Nag-twinkle pa ang mga mata ko dahil na-love at first sight yata ako sa nakita ko.

He’s tall, dark and handsome. Parang hindi naman kami nagkakalayo ng age. May kapayatan siya, pero halatang batak naman sa gym ang kanyang katawan dahil sa maumbok niyang muscles na bakat sa black t-shirt niya. He’s a hundred times better than those na nakilala ko sa Facebook na adik sa Tiktok.

“Miss?” sambit niya at bigla akong napapitlag sa pagkakatayo. Hindi ko alam na natulala na pala ako sa kanya.

“Ha? Ah, e… p-pasensya ka na. Hindi ko sinasadya na mabato ka ng resume ko.”

“Okay lang, pero sana sa susunod ay sa basurahan mo na lang itapon, ah. Baka kasi may makakita sa ‘yong pulis, mahuli ka pa,” nakangiting sagot niya sabay pulot ng papel at nag-ala basketball player na shinoot iyon sa basurahan.

“Ah, okay,” nakangiti ko ring sagot.

Then, tinalikuran ko na siya. Kahit naman type ko siya ay naisip ko na wala akong pag-asa sa kanya. Sino ba naman ang magkakagusto sa ‘kin? In my dreams! Hanggang tingin lang naman palagi ang nagagawa ko sa mga lalaking katulad niya na kasing guwapo ni Adonis.

Ngunit nang lalakad na akong paalis ay narinig ko na tinawag niya ako. “Ikaw ‘yong nag-apply kanina, ‘di ba? Iyong hindi natanggap?”

Bigla akong nakaramdam ng hiya. Ang lakas pa ng pagkakasabi niya at napatingin ang mga tao na papasok pa lang sa kompanya.

Humarap ako sa kanya. “Ah, e… ako nga. Paano mo nalaman?”

“Hindi rin ako natanggap, e,” sagot niya na medyo nanghaba ang nguso at may bakas n…