The Nerd’s Hot Encounter | Chapter 2

CHAPTER 2- MY HEART FLUTTERS

Pagkarating namin sa mall ay naghanap na kaagad kami ng makakainan. Banggit siya nang banggit sa ‘kin ng mga pangalan ng restaurant, pero wala akong ginawa kundi um-oo at pagmasdan lang ang kanyang mukha habang nagsasalita. Para kasi talaga akong nananaginip.

“Dito na lang kaya sa Shenzhen Chinese Restaurant?” sabay turo niya sa kainan na kaharap namin.

“Okay, ikaw ang bahala,” parang naka-drugs kong sagot. May pakurap-kurap pa akong nalalaman.

Then, pumasok na kami sa loob.

Nang makahanap siya ng puwesto ay kinuha pa niya ang upuan para sa ‘kin. Napaka-gentleman pala niya. Feeling ko tuloy para akong prinsesa na pinagsisilbihan.

“Masarap ang food nila rito. Madalas kaming kumakain ng parents ko rito kapag weekends.”

“Talaga? Sige, ikaw na lang ang um-order para sa ‘kin.”

Maya-maya’y naisipan ko siyang tanungin ng seryoso.

Hindi ko pa rin kasi maintindihan kung bakit niya akong niyayang kumain, e hindi pa nga kami magkakilala. Sa tanang buhay ko ay siya lang ang na-encounter ko na ganoong tao.

“May gusto sana akong itanong sa ‘yo.”

“Ano ‘yon?”

“Bakit ba niyaya mo akong kumain sa labas? We don’t even know each other, pero ang bait-bait mo na sa ‘kin na parang matagal na tayong friends.”

“Kailangan bang may dahilan kapag gusto mo ang isang tao?” seryosong sagot niya at bigla akong kinabahan sa sinabi niyang iyon.

“A-ano kamo?”

“What I mean is, gusto kitang maging kaibigan. Mukha ka kasing mabait. Kanina nga habang kausap kita, parang ang gaan-gaan na ng loob ko sa’yo.”

“Ah, gano’n ba?” Deep inside ay parang nawasak ako. Mukhang na-friendzone yata kaagad ako. “Sigurado ka ba? Nakikita mo naman na hindi ako maganda. Tignan mo nga ‘tong ayos ko. Mukha akong pinaglipasan ng panahon. Hindi kaman lang ba nahihiya na kasama mo ‘ko?”

“Bakit naman ako mahihiya?” Tinignan niya ako mula ulo hanggangpaa. “Grabe ka I-down sa sarili mo. Hindi ka naman mukhang pinaglipasan ng panahon.”

“Pangit lang, gano’n?”

“Hindi. For me, you are uniquely beautiful,” nakangiti niyang sagot.

For the first time in my life ay may lalaking nagsabi sa ‘kin ng gano’n. Iyon bang hindi ko na kinailangan pang maglagay ng patung-patong na filter mula sa beauty app para masabi lang ng iba na maganda ako? Kusa na lamang niyang sinabi iyon mula sa kanyang bibig and I felt na sincere iyon. Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko.

Pagkuwa’y kinuha niya ang chow mein noodles at nilagyan ako sa pinggan ko. “By the way, ako nga pala si Danny Sayson. I’m 26 years old at fresh graduate ng Bachelor of Science in Information Technology sa University of Santo Pioquinto.” Then, nilagyan niya naman ang pinggan niya. “Ikaw? Ano’ng pangalan mo?”

Tinikman ko muna ang noodles bago sumagot. May laman pa ang bibig ko nangmagsalita,”Ako si Serenity Santos. Serene na lang ang itawag mo sa ‘kin. I’m 25 years old at graduate ng San Pedro University. Same lang tayo ng kinuhang course.” Then, bigla pinuri ko ang kinakain. “Grabe! Ang sarap nga nito.”

“May boyfriend ka na ba?” bigla niyang tanong.

Muntik na akong mabulunan. Kung makapagtanong siya ay para bang interesado siya sa’kin.

Uminom muna ako ng tubig bago sumagot, “Ano ba namang tanong ‘yan?”

“Bakit? May masama basa tanong ko?”

“Para ka namang interesado sa ‘kin niyan. Masyado kang obvious, ah?” pabiro kong sabi, pero sa loob-loob ko ay hinangad ko na sana’y ganon na nga lang ang nararamdaman niya para sa ‘kin.

“Agad-agad?” Natawa siya sa ‘kin. “Parang tinanong ko lang naman kung single ka pa o hindi na. Baka kasi mamaya ay may bigla na lang sumugod sa ‘kin dito at suntukin ako dahil hindi ko alam na taken ka na.”

“Wala akong boyfriend. As in no boyfriend since birth. Kahit anino, walang susugod dito.”

“Bakit, e maganda ka naman?”

At heto na naman s’ya. Para bang nilikha ang lalaking ito to make my heart flutter. Epektib naman sa lola nyo ang mga papuri niya.

“E, sa walang nagkakagusto sa ‘kin. May magagawa ba ko?” Then, s’ya naman ang tinanong ko, “Ikaw? May girlfriend ka na ba? Sa guwapo mong ‘yan sigurado akong meron na. Baka mamaya ay ako ang sugudin dito, ah?”

“Wala akong girlfriend.”

“Weh? Hindi nga?”

“Oo, wala. Magtu-two months na kaming break ni Jenny. Wala e, simula nang sumali s’ya sa pageantry at kinailangang mag-training everyday ay nawalan na s’ya ng time sa ‘kin. Kaya hayun, napagpasyahan namin na mag-break na lang.”

Nanghaba ang nguso ko at nakaramdam ng awa. “How sad naman pala ng lovelife mo, Danny.”

“Ano’ng sad? Hindi, ah. We’re still friends. Maayos naman ang breakup namin. It’s just that hindi na talaga nagwo-work, so tinapos na lang namin,” depensa niya.

“Ah, gano’n ba?” tumangu-tango ako.

“So, friends na tayo?” Iniabot niya ang kanang kamay sa ‘kin para makipagkamay.

At nakipagkamay naman ako sa kanya. “Friends,” nakangiti kong sagot. “In fairness, first time kong magkaroon ng super guwapo na friend, ah?”

Nahiyang napakamot siya sa batok. “Kanina mo pa ako binobola.”

“Uy! Hindi kita binobola. Hindi ka naman siguro bulag para hindi mo makita na guwapo ka. Kanina ka pa nga pinangtitinginan ng mga babae sa kabilang table oh,” sabi ko at sabay kaming tumingin sa isang sulok. Kumaway pa ang mga talanding babae sa kanya.

“Hindi ko naman sila gusto.”

“Choosy ka pa? E, ang si-sexy at ang gaganda kaya nila. Mala-Kylie Jenner ang body.”

Bahagya siyang tumayo at dahan-dahang inilapit ang mukha sa akin. Natigilan naman ako nang magkatitigan ang aming mga mata.

“Ikaw ang gusto ko,” he seriously whispered.

Hindi ako nakasagot at nanatiling nakatingin lamang ako sa kanya. Napapaghalataan tuloy ako na type ko s’ya.

“Ikaw ang gusto kong maging kaibigan,” dugtong niya at pinagtawanan niya ako. Bumusangot tuloy ang mukha ko. Hindi dahil sa pagbibiro niya, kundi dahil napaniwala niya kaagad ako sa ganoong paraan ng pananalita niya.

“Kumain ka na nga lang,” sabi ko at ako naman ang nagsandok ng chinese noodles para sa kanya.

*****