The Nerd’s Hot Encounter | Chapter 3

CHAPTER 3- CUDDLING MOMENT

Matapos naming kumain ay naggala naman kami sa buong mall. Na-trip-an pa naming magsukat ng mga damit kahit hindi naman namin bibilhin. Nakakatuwa na ni katiting ay hindi man lang siya nabagot sa ‘kin. Ganoon pa naman ang gusto ko sa isang lalaki, iyong masaya kasama.

“Ano’ng oras na?” tanong niya.

“Fifteen minutes before six o’clock. Bakit? Gusto mo na bang umuwi?”

Medyo nakaramdam ako ng lungkot sa sandaling iyon. Nalalapit na ang oras ng paghihiwalay namin. Ni hindi ko alam kung magpaparamdam pa ba s’ya sa susunod kahit kaibigan na ang turing niya sa ‘kin. Ngunit It was such a good experience na makatagpo ng katulad niya, na minsan sa buhay ko ay may lalaking nagpakita sa ‘kin ng kagandahang loob. Iyon bang walang judgement?

“Ang totoo nyan ay ayoko pa. Parang nabitin yata ako sa gala natin,” natawang sabi niya.

“Nabitin ka pa sa lagay na ‘yan? E, halos lahat yata ng store rito ay napuntahan natin, ‘tapos ang tagal pa nating naglaro sa arcade at nag-videoke,” sabi ko at natawang napailing pa ako.

“Ang saya mo kasing kasama.”

“Aysus! Bola. Pero sige maniniwala ako. Ikaw naman kasi ang nanlibre, e.”

Pagkuwa’y napatingin siya sa likuran. Nasa tapat kami no’n ng ticket booth sa cinema. “How about we watch a movie bago natin tapusin ang araw na ‘to?” he suggested.

“Movie?” ulit ko, then tumingin-tingin ako sa movie posters na nakapaskil. “Alin naman ang papanoorin natin d’yan? Ito bang Wrong Turn?”

“Ikaw? Ano ba’ng gusto mo?”

“Wala bang hindi nakakatakot na palabas ngayon? Pansin ko puro horror movies ang showing. Hindi pa naman ako mahilig sa horror.”

Itinuro niya ang poster sa sulok. “Iyong isa, hindi ‘yon horror oh.”

Angry Birds 3?” Humagalpak ako ng tawa. “Seryoso ka ba ? Gusto mo ng pambatang movie?”

“Bakit? Hindi ka ba nanonood ng pambatang movies?”

“Nanonood naman, pero hindi lang ako makapaniwala na mahilig kang manood ng gano’n. Wala kasi sa hitsura mo. Parang mga action movies ang trip mo.”

“I like action movies, pero paano ko ba naman matitiis na hindi panoorin ang mga cute na ibon na ‘yon?”

“Sige na nga, Angry Birds 3 na lang. Wala naman akong choice, e. Ayokong magtiis sa horror movies. Baka bangungutin pa ako.”

“Okay,” sambit niyang nakangiti. “Sandali lang, bibili muna ako ng popcorn at drinks natin, at s’yempre ‘yong ticket na rin.”

“Sige.”

“Ano nga pala ang gusto mong flavor ng popcorn? Cheese, barbecue or caramel?

“Plain na lang, ‘tapos coke zero ang drinks.”

“Okay, hintayin mo muna ako rito,” sabi niya at naglakad na siya patungo sa store at pumila.

Ako naman ay nakangiti lang habang pinagmamasdan siya. Feeling ko tuloy ay monthsary namin at may movie date kami.

Ang gandang nilalang ko pala, ano? Char!

—–

Makalipas ang ilang minuto ay pumasok na kami sa loob. Nag-umpisa na pala ang movie trailers na ipinapakita bago mag-umpisa ang movie.

Napag-alaman kong last day of showing na ng Angry Birds 3 kaya hindi na ako nagtaka na kakaunti lang ang kasama namin sa loob, isang solong babae at isang mag-ina na nakaupo malapit sa front row.

Pahagdan ang style ng sinehan. Ang napiling puwesto ni Danny ay iyong malapit na sa pinakataas. Masakit daw kasi sa mata niya kapag sa unahan siya nanood.

Hanggang sa nagsimula na nga ang movie.

Unang scene pa lang ay natawa na kaagad s’ya. Halatang gustong-gusto niya talaga ang Angry Birds. Tumitingin kasi ako sa kanya at napapansin ko na hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi.

How cute, ‘di ba?

Ngunit makalipas ang ilang minuto habang nanonood kami ay may naramdaman ako sa aking likuran.

Pinakiramdam ko iyon at napansin kong unti-unti niyang inaakbay ang kanyang braso sa aking likuran. Hindi ko sure kung sadya lang ba ‘yon kasi tumatawa-tawa s’ya sa pinapanood habang ginagawa ‘yon.

Kilig na kilig naman ako sa sandal…