Matapos naming kumain ay naggala naman kami sa buong mall. Na-trip-an pa naming magsukat ng mga damit kahit hindi naman namin bibilhin. Nakakatuwa na ni katiting ay hindi man lang siya nabagot sa ‘kin. Ganoon pa naman ang gusto ko sa isang lalaki, iyong masaya kasama.
“Ano’ng oras na?” tanong niya.
“Fifteen minutes before six o’clock. Bakit? Gusto mo na bang umuwi?”
Medyo nakaramdam ako ng lungkot sa sandaling iyon. Nalalapit na ang oras ng paghihiwalay namin. Ni hindi ko alam kung magpaparamdam pa ba s’ya sa susunod kahit kaibigan na ang turing niya sa ‘kin. Ngunit It was such a good experience na makatagpo ng katulad niya, na minsan sa buhay ko ay may lalaking nagpakita sa ‘kin ng kagandahang loob. Iyon bang walang judgement?
“Ang totoo nyan ay ayoko pa. Parang nabitin yata ako sa gala natin,” natawang sabi niya.
“Nabitin ka pa sa lagay na ‘yan? E, halos lahat yata ng store rito ay napuntahan natin, ‘tapos ang tagal pa nating naglaro sa arcade at nag-videoke,” sabi ko at natawang napailing pa ako.
“Ang saya mo kasing kasama.”
“Aysus! Bola. Pero sige maniniwala ako. Ikaw naman kasi ang nanlibre, e.”
Pagkuwa’y napatingin siya sa likuran. Nasa tapat kami no’n ng ticket booth sa cinema. “How about we watch a movie bago natin tapusin ang araw na ‘to?” he suggested.
“Movie?” ulit ko, then tumingin-tingin ako sa movie posters na nakapaskil. “Alin naman ang papanoorin natin d’yan? Ito bang Wrong Turn?”
“Ikaw? Ano ba’ng gusto mo?”
“Wala bang hindi nakakatakot na palabas ngayon? Pansin ko puro horror movies ang showing. Hindi pa naman ako mahilig sa horror.”
Itinuro niya ang poster sa sulok. “Iyong isa, hindi ‘yon horror oh.”
“Angry Birds 3?” Humagalpak ako ng tawa. “Seryoso ka ba ? Gusto mo ng pambatang movie?”
“Bakit? Hindi ka ba nanonood ng pambatang movies?”
“Nanonood naman, pero hindi lang ako makapaniwala na mahilig kang manood ng gano’n. Wala kasi sa hitsura mo. Parang mga action movies ang trip mo.”
“I like action movies, pero paano ko ba naman matitiis na hindi panoorin ang mga cute na ibon na ‘yon?”
“Sige na nga, Angry Birds 3 na lang. Wala naman akong choice, e. Ayokong magtiis sa horror movies. Baka bangungutin pa ako.”
“Okay,” sambit niyang nakangiti. “Sandali lang, bibili muna ako ng popcorn at drinks natin, at s’yempre ‘yong ticket na rin.”
“Sige.”
“Ano nga pala ang gusto mong flavor ng popcorn? Cheese, barbecue or caramel?
“Plain na lang, ‘tapos coke zero ang drinks.”
“Okay, hintayin mo muna ako rito,” sabi niya at naglakad na siya patungo sa store at pumila.
Ako naman ay nakangiti lang habang pinagmamasdan siya. Feeling ko tuloy ay monthsary namin at may movie date kami.
Ang gandang nilalang ko pala, ano? Char!
—–
Makalipas ang ilang minuto ay pumasok na kami sa loob. Nag-umpisa na pala ang movie trailers na ipinapakita bago mag-umpisa ang movie.
Napag-alaman kong last day of showing na ng Angry Birds 3 kaya hindi na ako nagtaka na kakaunti lang ang kasama namin sa loob, isang solong babae at isang mag-ina na nakaupo malapit sa front row.
Pahagdan ang style ng sinehan. Ang napiling puwesto ni Danny ay iyong malapit na sa pinakataas. Masakit daw kasi sa mata niya kapag sa unahan siya nanood.
Hanggang sa nagsimula na nga ang movie.
Unang scene pa lang ay natawa na kaagad s’ya. Halatang gustong-gusto niya talaga ang Angry Birds. Tumitingin kasi ako sa kanya at napapansin ko na hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi.
How cute, ‘di ba?
Ngunit makalipas ang ilang minuto habang nanonood kami ay may naramdaman ako sa aking likuran.
Pinakiramdam ko iyon at napansin kong unti-unti niyang inaakbay ang kanyang braso sa aking likuran. Hindi ko sure kung sadya lang ba ‘yon kasi tumatawa-tawa s’ya sa pinapanood habang ginagawa ‘yon.
Kilig na kilig naman ako sa sandaling iyon. Naramdaman ko kasi ang balat niya na dumampi sa aking batok. Kahit papaano ay nabawasan ang lamig ng aircon na nararamdaman ko nang dahil sa kanya. Hindi ko lang masabi sa kanya, pero nilalamig na talaga ako sa puwesto naming iyon. Gusto ko lang magtiis para sa kanya.
Then suddenly, naramdaman ko naman ang kamay niya na lumapat sa aking balikat. Dahan-dahan niya ‘yong hinaplos na nagbigay sa akin ng tila maliliit na boltahe ng kuryente. Sa sandaling iyon ay seryoso na siya sa panonood.
Hinayaan ko lang s’ya sa kanyang ginagawa. Naisip ko na baka nahahalata niya lang na nilalamig ako and as a gentleman ay inakbayan niya na lang ako to make me warm dahil wala siyang mai-share na jacket. Hindi naman siya siguro ang lalaki na gagawin ang mga nasa kalikutan ng pag-iisip ko.
At maya-maya’y inalis niya na ang braso sa batok ko. Tama nga ako, mukhang matino nga siyang lalaki. Pero sa totoo lang, kahit hindi niya ako girlfriend ay willing akong ibigay sa kanya ang pagkakataon kung gusto niya akong samantalahin. Never ko pa kasing na-experience ‘yon at laman ‘yon ng fantasies ko kapag nai-imagine ko ang scene na may boyfriend ako.
Hanggang sa kinausap niya ako, “Gusto mo bang lumipat tayo ng puwesto? Nilalamig ka na yata,” seryosong tanong niya.
“Ako? Nilalamig?” umiling ako. “Hindi ako nilalamig. Nai-enjoy ko pa nga ang seat natin, e.”
Hindi siya sumagot. Halata sa mukha niya na hindi siya kumbisido sa sagot ko.
Tinapik ko sya sa balikat. “Ano ka ba? Okay lang ako.”
“Would you mind if I ask you to cuddle with me?” bigla niyang tanong.
Hindi ako nakasagot sa kanya at para akong naging tuod sa aking kinauupuan. Hindi ko kasi in-expect na itatanong niya ‘yon sa ‘kin at hindi ako makapaniwala na gusto niyang makipag-cuddle.
Doon na pumasok ang mga bagong entry ng question sa utak ko. What if hindi naman pala imposible na magkagusto siya sa ‘kin? What if gusto rin pala ako ng lalaking ito, not just a friend, but more than that kasi gusto niyang makipag-cuddle?
And etcera, etcera, etcera.
Then suddenly, basta niya na lamang akong inakbayan at inilapat ang ulo ko sa kanyang chest nang hindi nagtatanong. Mas lalo akong naging parang tuod sa sandaling iyon. Hindi ako makagalaw. Napakabilis pa ng tibok ng puso ko na para bang hinahabol ako.
Ganun siguro ang pakiramdam ng may boyfriend.
I could feel the warmth of his body and the beat of his heart. Nalanghap ko rin ang masculine scent ng kanyang perfume na para bang ang sexy-sexy niya. Ayaw ko na yatang umalis sa puwesto ko at doon na kami tumira sa sinehan forever.
Ngunit hindi ko inexpect na aabot pa iyon sa ibang level.
Naramdaman ko nalang na gumapang ang isa niyang kamay sa jeans ko, sa bandang hita, at nagpadagdag iyon sa kabog ng dibdib ko. Pinisil-pisil niya lamang iyon, pero tila nag-umpisa kaagad ‘yon ng init sa aking katawan.
Hanggang sa iakyat niya iyon patungo sa thighs ko. Unti-unti na akong napapapikit sa sarap at hinayaan ko lamang siya sa kanyang ginagawa.
Pagkuwa’y biglang napapitlag si Danny at binitawan ako. Nagulat naman ako at naimulat ko kaagad ang aking mga mata. May umakyat palang security guard malapit sa puwesto namin para mag-check. May hawak pa itong flash light at isa-isa niyang inilawan ang lahat ng mga puwesto roon.
Wala na kaming nagawa kundi ipagpatuloy na lang ang panonood. Abot-kamay ko na sana ang langit, ngunit basta na lamang iyong nauwi sa wala.
*****
Author’s Note: I just want to remind you guys na this is a short and light romantic mature story. Matatapos po ang story na ito sa Chapter 8. This is the first time na gumawa ako ng story sa platform na ito at tinitignan ko pa kung ano ang mangyayari kapag natapos ko na ito, kung marami bang magbabasa o kaunti lang. Plano ko kasi na mag-stay dito nang matagal dahil hindi ayokong magsulat ng mature stories sa Watty account ko. Marami pa akong gustong isulat na mature stories dito at sana ay mas makakuha pa ako ng maraming readers dito. Maraming salamat po!